TULOY-TULOY lang ako kumain habang nakatalikod kay Marquez. alam kung magagalit ito sa akin. Ngunit wala akong pakialam sa mala-bulkang galit nito, basta ako'y busog. Bigla naman akong napahinto sa pagsubo ng pagkain nang marinig kong tumayo si Marquez. “Pagkatapos mong kumain, bakla, sumunod ka sa akin sa library!” masungit na sabi ni Josh sa akin. “Okay po, Sir, Josh,” sagot ko at muling nagsimula ulit na lumapang. At nang alam kong wala na rito si Marquez sa hapagkainan ay nagmamadali na akong naupo sa upuan. Mangalay din kayang tumayo habang lumalapang. Panay lang ang kain ko at tila wala akong kabusugan. Hanggang sa lupimas ang mahabang sandali nang tuluyan na akong mabusog. Mabilis kong iniligpit ang mga pinagkainan namin ni Marquez, naghugas na rin ako ng mga plato. Pagkatapos