Hindi maipinta ang mukha ko dahil iyon agad ang bungad sa akin ni Josh--- ang boxer raw nito ay na saan.
Aba! Kahit ano’ng mangyari ay hindi ako aamin sa lalaking ito na sinunog ko ang boxer na niya. Kahit sakalin ako nito ay hinding-hindi ako tutuga rito.
“Boxer? Bakit sa akin mo hinahanap ang boxer mo? Aba! Hindi pa naman ako kumakain ng boxer, noh!” paingos na sabi ko sa lalaki.
Matamaan muna akong tinitigan ng lalaki, ngunit hindi ako nagpahalata na medyo kabado. Tinaasan ko pa nga ito ng kilay.
“Alam kong ikaw ang kumuha ng aking boxer, Medina! Kaya ilabas muna kung ayaw mong ipakulong kita babaeng walang manners sa katawan!”
Napatawa naman ako rito. Pagkatapos ay inangat ko ang aking kamay upang hawakan ang kuwilyo ng damit nitong suot.
“Huwag na huwag mo akong pagbibintangan na magnanakaw ng boxer mo kung wala ka namang ebidensiya, lalaking ulo ng pusit. Sige malaya kang halughugin ang buong bahay namin! Hindi kita aawatin! Tiyakin mo lang na may makukuha kang boxer sa loob ng bahay namin. At kung wala kang makuha, ako mismos ang babasag sa itlog ng pugo ko!” bulyaw ko sa lalaki at nanlalaki rin ang butas ng aking ilong.
Hindi muna nagsalita ang lalaking ulo ng pusit. Subalit dahan-dahan niyang inilapit ang mukha njya sa akin.
“Itlog ng pugo? Gusto mong makita ang sinasabi mong itlog ng pugo, Medina!”
“No, thanks, na lang, Marquez. Hindi ako interesado, maa gusto kong makita ang itlog ng dynasore!”
Hindi nagsalita si Josh, ngunit nakita ko ang galit niti ngunit naroroon pa rin ang pagtitimpi.
“Titiyakin kong magbabayad ka dahil sa pagnanakaw mo ng boxer ko, Medina Cuerpo. At titiyakin ko ring kakainin mo ang mga sinabi mo na itlog ng pugo. Pasalamat ka’t maraming kong trabaho ngayon, kung hindi, papatulan talaga kita, babaeng walang manners!” pagbabanta ng lalaki sa akin, pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis.
“Kahit kailan hindi ako natatakot sa pagbabanta mo, Josh Marquez!” pasigaw na turan ko rito, sabay sarado ng pinto at ubod lakas ko pa ngang binagsak ito.
Kinuha ko ang radio ni Nanay at ibuksan ko ito nang pagkalakas-lakas, makikinig na lamang ako ng dula sa radio. Wala akong pakialam kung nakakabulahaw na ako ng mga kapitbahay ko lalo na ang Marquez na ‘yun.
Muli akong pumunta sa kusina para kumain ng umagahan. Bukas na lang ako magtitinda ng isda. Kapag medyo ayos na ang aking paa.
Agad kong pinaghain ang aking sarili. Magsisimula na sana akong kumain nang mapatingin ako kay Kikoy. Para bang sinasabi ng mga mata nito na--- Sorry na Medina at hindi na mauulit. Napahinga tuloy ako nang malalim.
At nang matapos akong kumain ay pinakain ko na rin si Kikoy. Bigla kasi akong naawa sa aking alagang pusa.
“Meow! Meow!’’ narinig ko pang ingaw ng pusa ko.
“Kikoy, sana’y huwag mo nang ulitin pa ang pagkuha sa aking mga gamit, tingnan mo tuloy, nawalan ako ng bra. Iilan na nga lang ang aking bra, sinunog pa ng pusit na ‘yun!” palatak ko sa aking pusa.
“Meow!” muling tugon ni Kikoy, tila ba nakakaintindi ito sa aking mga pinagsasabi.
Hinimas-himas ko muna ito sa kanyang ulo bago ako umalis sa harap nito. Lumipat ako sa radio na hanggang ngayon ay bukas pa rin at malakas ang tunog nito. Kinuha ko ito at dinala ko sa labas ng bahay namin.
Ibinaba ko muna sa malapd na bato ang radio. Pagkatapos ay mas lalo ko pang pinalakasan. Kinuha ko rin ang walis tingting at nagsimula na akong magwalis ng buong bahay namin habang nakikinig na dula sa radio.
Nakatuon lang ang tainga ko sa pakikinig sa radio lalo at maganda ang dula. Isang babaeng iniwan ng nobyo nito tapos ang babae ay nagpakamatay, ngunit hindi matahimik ang kaluluwa ng babae.
Kaya panay ang paramdam nito sa dating ex-boyfriendn, kahit hanggang sa panaginip ay dinadalaw ito ng dating kasintahan. Nahinto tuloy ako sa pagwawalis at tuluyan na talagang nakinig ng dula sa radio.
Subalit bigla akong napatingin sa gilid ko dahil may dumaang tao. Hanggang sa makita ko ang likod na malapad at ito’y papalapit sa radio, mayamaya pa’y tuluyan itong inalis ang sound ng radio kaya hindi ko na narinig kung ano’ng sasabihin ng babaeng namatay na at dinalaw nito sa panaginip ang dating nobyo.
Tumingin naman ako sa taong epal, walang iba kundi si Josh Marquez.
‘’Ano bang problema mo, Marquez? Hindi mo ba nakikita na seryoso akong nakikinig sa dula sa radio, ha?!”
Nakita kong napahilamos ito sa kanyang mukha. Pagkatapos ay seryosong tumingin sa atin.
“Wala naman problema kung makinig ka ng dula rito sa radio ninyo, ang problema ay sobrang lakas ng sound at abot na abot doon sa bahay ko, hindi ko tuloy matapos ang mga trabaho ko, Medina!”
“Aba! Kung gusto mo pala ng tahimik na lugar doon ka pumunta sa bundok, saka paano kang hindi makakapagtrabaho? Eh, hindi ka naman ginugulo ng radio ko. Maliban na lang kung nakikinig ka rin Marquez,” tuloy-tuloy na litanya ko sa lalaki.
Hindi ito nagsalita, ngunit nakita kong humakbang ito at nilampasan lamang ako.
“Hoy! Radio iyan ng Nanay ko!” malakas na sigaw ko kay Josh.
“Ibabalik ko na lamang ito kapag dumating na ang Inay mo, babaeng walang manners,” balik sagot sa akin ng lalaki.
Kuyom na kuyom tuloy ang mga kamao ko habang sinusundan ng tingin ang lalaki ulo ng pusit. Kailan ba aalis ang lalaking ito rito sa lugar namin? Kung puwede ko lang sabihin kay Jimsheen, na isako na nito ang step brother nito at i-uwi na kung saan man ito nagmula. Ngunit hindi ko puwedeng sabihin ‘yun at baka magalit sa akin ang kaibigan ko.
(Josh’s Pov)
Pabagsak kung sinarado ang pinto. Hindi ko alam kung anong utak mayroon ang babaeng iyon. Marahas tuloy akong napahinga.
Muli akong naupo sa sofa, kinuha ko rin ang aking laptop at muling sinimulan ang trabaho ko. Ngunit bigla akong napatingin sa aking cellphone. Nakita kong tumatawag sa akin ang kaibigan kong si Rodel Kult, isa itong batikang NBI.
Sinagot ko na lang ang call ni Rodel, kilala ko ito. Dahil ito ang tipo ng tao na sobrang kulit.
“Bro, where are you?” tanong ka agad sa akin ni Rodel.
“I’m here in Barrio Barba, do you need anything from me, Rodel?”
“Ibigay mo sa akin ang address mo riyan at pupuntahan kita ngayon din,” anas ng kaibigan ko.
“Mukhang alam ko na kung bakit ka pupunta rito, Rodel.” Malakas lamang tumawa ang lalaki. No choice ako kundi ibigay na lamang sa lalaki ang address ng bahay ko.
Agad din naman itong nagpaalam sa akin. Nagbuntonghininga na lamang ako. Mariin ko ring hinilot ang akong noo.
“Aray. . . Aray naku, oh! Kay sakit naman nitong paa ako! Aray, oh! Kay hapdi nitong sugat ko…!” biglang birit ni Medina.
“Damn it! Talagang na nanadya ang babaeng iyon…” bulong ko pa.
Ano bang gagawin ko sa babaeng iyon? Ito ang pinaka-ayaw ko lahat ang maingay. Kaya nga ako magpunta sa lugar na ito dahil gusto ko nang tahimik na kapaligiran.
Ngunit kung ganito naman ang aking kapitbahay. Parang gusto ko na lang bumalik sa pinanggalingan kong lugar.
Hindi ko alam kung sinasadya lang ng babaeng ito. Hanggang mas lalong pang bumirit ang babae at mukhang hindi talaga ito magpapaawat.
“Oh! Ayoko nang umaray! Ooohh ayoko nang umaray…!” halos pasigaw na sabi ng babae, hindi na ito kumakanta, eh. Dahil sumisigaw na talaga ito. Balak talaga akong pagtripan ng babaeng iyon.
Agad kong kinuha ang aking cellphone ay kinontak ang police station ng Barrio Barba.