(MEDINA’S POV)
“Aray! Naku! Ohhhhh! Kay sakit naman nang ginawa mo, Aray. Ayaw ko nang umaray, noh---"
Bigla akong napatingin sa pinto ng bahay namin nang marinig kong may kumakatok doon. Inis tuloy akong humakbang para lang makalapit sa pinto upang buksan ito.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa aking harapan ang mukha ng tatlong pulis. Nagsalubong tuloy ang kilay ko habang nakatingin sa kanila. Ngunit hindi muna ako nagsalita. Pero kinabahan din ako at baka may nagawa akong mali.
“Ikaw ba si Medina Cuerpo?” tanong ng isang pulis sa akin.
“Opo, ako nga, may kailangan po ba kayo sa akin?” tanong ko sa kanila.
“May nagreport po sa amin na sobra ka raw nakakabulahaw sa mga tao rito. Simula kaninang madaling araw hanggang ngayon, sobra-sobra na raw po ang pag-iingay mo, Ma’am Medina,” anas ng pulis sa akin.
Nagsalubong naman ang kilay ko sa mga pinagsasabi ng mga pulis na kaharap ko. Parang hindi ko matanggap na may nagrereklamo sa akin. Tapos ang mga lintek na mga pulis pa’y agad na sumunod sa taong nagreport sa kanila.
“Ano bang problema ninyo? Saka, papamamhay ko ito, kaya natural na kumanta ako habang naglilinis ng bahay. Masama na ba ang pagkanta ngayon? Binabaril na ba? Sige, hulihin ninyo ako, tiyakin ninyo lang na masarap ang ipapaulam ninyo sa akin sa loob ng kulungan!” bulalas ko at wala na akong pakialam kung mga alagad pa ng batas ang aking kaharap.
“Miss Cuerpo, hindi ka naman namin huhulihin, ang gusto lant ng nagreport ay sawayin ka dahil naririnig niya ang malakas na pagkanta mo, hindi siya nakakapagtrabaho ng maayos,” tuloy-tuloy na litanya ng pulis.
Mukhang kilala ko na kung sino ang nagreport sa akin. Walang iba kundi si Josh Marquez. Ang animal na pusit na ‘yun.
“Si Mr. Marquez ba ang nagreport sa inyo?!” tanong kong halos pasigaw na.
“Miss Cuerpo, hinaan ninyo lang ang boses ninyo iyon lang po ang gusto ng nagreport upang matapos ang lahat ng mga gawain ni Mr. Marquez,” anas muli ng pulis.
Hindi ako nagsalita. Ngunit gustong-gusto kong sumugod sa bahay nito. Pinadalhan pa talaga ako ng pulis dito.
“Hindi ka na ba mag-iingay Miss Cuerpo?” tanong ka agad ng pulis sa akin.
Tumango lamang ako sa kanila. Ayaw kong magsalita at baka kung ano pa ang masabi ko. Hanggang sa nagpaalam na rin ang mga pulis. Panay ang bilin nila sa akin na huwag na raw akong maingay.
Tango lang ako nang tango sa kanila. Hindi na talaga akong nagkapaimik-imik. Ngunit ang dibdib ko’y kumukulo sa galit para sa lalaking pusit na ‘yun. Ngunit kailangan kong magtimpi at baka sa kulungan na ang bagsak ko.
Nagdesisyon na lamang akong isara ang pinto. Ngunit malakas ko itong ibinagsak. Dahil pikang-pika talaga ako sa lalaking ‘yun.
“Meow! Meow!” Bigla akong napalingon kay Kikoy ay ito'y nasa aking tabi na. Agad ko itong kinuha at hinaplos-haplos ang ulo nito.
“Kikoy, alam mo kung puwede lang kulamin ang ating kapitbahay ay kanina ko pa ginwan. Saan kaya ako makakahanap ng gamot na puwede kong ipainom sa lalaking iyon? Upang mapasunod ko siya? Anong tingin mo Kikoy?” mahinang tanon ko sa aking pusa. Ngunit tanging pag-ngiyaw lang ang narinig ko Kay Kikoy.
Ngunit sa aking isipan ay nagsasabi akong may araw rin ang lalaking pusit na ‘yun at iyon ang dapat kong paghandaan.
(JOSH’S POV)
Iiling-iling na lamang ako nang ibaba ako ang aking cellphone. Katatapos ko lang kausap ang mga pulis na pinadala ko sa bahay ni Medina.
Kaya pala bigla itong tumahimik sa pagkanta dahil pinuntahan na pala ito ng mga pulis. May kinakatakutan din pala ang babaeng iyon. Marahas na lamang akong napahinga, hanggang sa muli kong ipagpatuloy ang aking mga gawain.
Mayamaya pa’y narinig ko ang busina ng isang sasakyan sa labas ng gate ng bahay ko. Baka nandito na si Rodel. Kaya naman agad akong tumayo upang puntahan ang lalaki.
Binuksan ko ang gate at tama nga ang hinala kong si Rodel ang dumating. Nagmamadali naman itong lumapit sa akin.
“Mukhang tahimik sa lugar na ito, bro? Tama nga ang sinabi ni Jimsheen maganda ang lugar ng Barrio Barba,” narinig kong anas ng aking kaibigan.
Hindi na lang ako nagsalita. Kung alam lang nito na may kapitbahay akong na masahul pa sa mga lasing kung mag-ingay. Niyaya ko na lang ito sa loob ng bahay.
Tinanong ko rin ang lalaki kung ano ba talagang sadya niya sa akin. Ngunit may kutob na ako rito. Narinig kong nagbuntonghininga muna si Rodel.
“Bro, pasensya ka na kung aabalahin ko muna ang bakasyon mo. Huwag kang mag-alala dahil doble ang ibabayad ko sa ‘yo.”
“Ano bang pabor mo?” tanong ko kay Rodel. Hanggang sa ilabas nito sa aking harapan ng brown envelope.
“Drugs like meth and chinese heroine were supplied last moth to different drug syndicates. Hindi ko alam kung paanong nalusutan ng mga tauhan ko sa pantalan ng Barrio Barbara,” simula ni Rodel.
Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ng aking kaibigan na si Rodel. Isa-isang ibinaba nito ang mga litrato sa mesa.
“There are the targets. This is Ben. Siya ang namamahala sa lahat ng operasyon mula nang mahuli natin si Frando. This guy here in Joel Cast. Ito ang kanang-kamay ni Ben sa lugar na ito. At ito si Eigram isang Chinese na matalik na kaibigan ni Ben. Hindi pa tayo nakakasisiguro kung kasabwat din siya. At siya rin ang may-ari ng fishpod dito sa Barrio Barba,” anas ng lalaki sa akin.
Tiningnan muna ako ni Rodel bago inabot sa aking ang dalawang litrato ng babae.
“Manilyn Torio. Alam kong malabong kasabwat siya,” wika nito Rodel.
Kumunot ang noo ko nang makita kong nagningning ang mga mata nito nang banggitin ang pangalan ni Manilyn Torio. Naghinala tuloy ako sa aking kaibigan. Ito siguro ‘yung sinasabi niyang matagal na niyang mahal.
Tumingin muli ako sa isa pang litrato at nagsalubong ang kilay ko nang makilala ko ito.
“Ang babaeng walang manners,” mahina kong usal. Ngunit hindi ako nagpahalata na kilala ko ito.
Itinaas ko ang litrato. “And who is this?” tanong ko.
“That’s is Medina Cuerpo. Malaki ang ang maitutulong niya sa kasong hahawakan mo. Siya ang makakapagturo sa atin kung saan nagtatago si Ben na alam kong kakilalala niya. Kailangan din nating malaman kung saan naroroon ang laboratoryo at bodega nila.
Alam kong madali ka lang makakalapit kay Medina dahil kaibigan siya ng step sister mo na si Jimsheen Tagulay-lay,” usal nito.
Nakakunot ang noo na tumingin ako sa aking kaibigan.
“Rodel, you know that I’ll be on vacation.”
“I know, but you can’t go on a vacation,” pakli nito.
“Why the hell not?”
“Dahil ikaw lang ang puwedeng gumawa ng trabahong ito, Josh,” saad nito.
“I don’t think so,” sagot ko.
“You purchased a house and lot in Barrio Barbara---”
“Pati ba naman ako ay pinaiimbestigahan mo na rin?” puno ng iritasyon sabi ko rito. Tumayo ako at dumungaw sa bintana.
“No. Dumating kahapon ang ahente mo at ipinasasabi na tapos na ang renovation ng bahay mo sa Barrio Barbara.”
Naiinis na napabuga ako sa hangin.
“Anong kinalaman nito sa kaso?” tanong ko kay Rodel.
“Medina happens to be your neighbor,” sagot nito.
“What a coincidence,” sarkastikong wika ko. Hindi ko na lang sinabi kay Rodel na ilang beses na kaming nagkabangga ng babaeng walang manners.
Ngumisi lang sa akin si Rodel at nagpatuloy sa pagsasalita.
“Indeed. My source tell me that the biggest drop will happen in Barbara. Mula roon ay dadalhin ang mga droga sa Maynila upang ibenta. Kailangan nating malaman kung paano nila gagawin ang distribusyon. We have stop them.”
“And if I refuse this job?” tanong ko
“I know you won’t.”
Kinuha nito ang isang folder at iniabot iyon sa akin.
“Noong isang linggo lang ay may natagpuang limang batang patay sa isang abandonadong bahay. Forensic experts say that these kids overdosed on meth. Gumagamit ng mga inosenteng bata si Ben para sa mga operasyon niya,” pahayag ni Rodel.
Kinuha ni Rodel ang isang sobre na naglalaman ng mga litrato ng mga batang biktima ng sindikato.
“These kids are the reason you’re going to postpone your vacation and do this job. Nandiyan na ang lahat ng kailangan mong malaman. You will be working undercover,” bulalas nito.
Wala sa loob na kinuha ko kay Rodel ang hawak niyang folder. Bumuntonghininga muna ako bago muling magsalita.
“All right, I’ll do the job,” sagot ko kahit na labag sa aking kalooban.
Tiningna ko uli ang ang litrato ni Medina Cuerpo. “Is she involved in this?” tanong ko.
“Hindi pa tayo nakasisigurado sa bagay na iyan. O baka nga wala siyang alam sa mga taong nakakasalumuha niya,” wika nito.
Tumango na lamang ako kay Rodel at muling tumingin sa litrato. The woman had the face of an angel. Parang mahirap paniwalaan na sangkot ito sa isang masamang gawain. Mahaba ang buhok nito. She looked like a Spanish aristocrat. Her eyes glistened mysteriously. She had a cute delicate snub nose. Her lips were full and sensuous.
Kaya lang makakairita ang boses ng babae. Masyado itong matapang at wala ring manners na nakatago sa katawan.
Tumingin muli ako kay Rodel at pansin kong nakatitig ito sa litrato ni Manilyn Torio. Mukhang in love nga ang aking kaibigan. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
“Mas maganda sigurong ikaw ang humawak ng kaso para lagi mo siyang nakikita,” bulalas ko na kinasama mg tingin ni Rodel.