Dahil surang-sura ako kay Marquez ay agad kong pinagpupunit ang sulat niya sa akin. Ano’ng tingin nito sa akin isang alipin niya na basta na lang niyang uutusan. Aba! Hindi naman puwede iyon sa akin! Ang sarap sunugin ng mga damit na ito. Teka nga muna, saan kaya ito dumaan? Bigla tuloy akong napatingin sa bintana ng bahay ko at doon ko nakitang ng bukas ito. Lintek na pusit ‘yun! Dali-dali tuloy akong lumapit sa bintana para isarado ito. Hanggang sa magdesisyon na akong pumunta sa banyo para maligo. Mamaya na lang ako kakain ng hapunan pagbalik ko. Baka naiinip na si Eigram sa paghihintay sa akin. Kaya naman nagmadali na ang mga kilos ko. Pagkatapos maligo ay agad na akong nagbihis. Isang lumang pantalon ang aking suot at lumang t-shirt. Sinuklay ko rin ang aking buhok at nagmamadal