TANGKA na sana akong hihiga sa kama nang marinig kong pumasok si Marquez dito sa kwarto niya. Ngunit hindi ako lumingon sa lalaki. “Baka naman gusto mong maglinis ng mga paa mo, Medina? Ano ‘yan matutulog kang ganiyan kadumi ang paa mo, ha?!” pasinghal sa tanong sa akin ni Marquez. Bigla tuloy akong napatingin sa aking paa at doon ko nakitang sobrang dumi nga ng paa ko at parang hindi paa ng isang babae. Shityyy! Nakakahiya naman kay Marquez. “Heto na nga, oh! Maliligo na para naman matuwa ka sa akin, Marquez!” “Maliligo ka? Ano’ng susuotin mo, Medina? Kung umuwi ka na lang kaya sa bahay ninyo!” “Ayaw ko nga! Baka balikan pa ako ng kapre o ‘di kaya ay tumabi sa akin,” tuloy-tuloy na litanya ko ko kay Marquez. “Kapre? Hanggang ngayon ay nagpapaniwala ka sa mga kapre, Medina? Ang tan