Mabilis akong bumaling kay Josh at kitang-kita ko ang inis sa mukha ng lalaki at kulang na lang ay ihagis ako papalabas ng bahay niya. Napatingin din ako sa kaldero at kawali na tinitingnan ng lalaki. Bigla ko tuloy nakagat ang ibabang labi ko nang makita ko na sobrang itim nito. Eh, ano'ng magagawa ako, eh, wala naman akong ibang paglulutuan, aba! Kaysa naman magutom ito. Hanggang sa bigla ulit magsalita si Josh. “Hindi mo ba naisip na mag-iitim ang mga kaldero at kawali ko oras na sa kahoy ka magluto, Medina, ha?!” galit na sabi ng lalaki sa akin. Habang nakapaskil ang inis sa mukha nito. “Aba! Kasalan mo iyon, Marquez! Kung sinabi mo ba sa akin kung saan ako magluto, eh, ‘di sana hindi ganinya kaitim ang mga iyan! Nag-effort pa akong magluto para sa ‘yo, kahit sobrang hirap maghanap