Kahit nahihiya kay Josh ay kinapalan ko na lang ang aking mukha. Kaya naman saktong paglapit niya sa akin at agad kong pinikit ang mga mata ko.
Mayamaya pa'y naramdaman kong binuhat ako ng lalaki. Agad niya akong dinala sa aking kwarto at maingat na ibinaba sa kama. Halos hawakan ko nang husto kumot na nakabalot sa buong katawan at baka mahulog na naman ito, baka wala na akong mukhang maiharap sa lalaki kung sakaling makita nitong muli ang hubad kong katawan.
“Puwede ka nang lumabas, Mr. Marquez. Kaya ko na ang aking sarili,” pagtataboy ko sa lalaki at hindi ako tumingin dito.
Hindi siya nagsalita. Matagal muna niya akong tinitigan na tila may binabasa sa aking mukha.
“Saan ba kalagay ang mga damit, Medina?” tanong niya sa akin. Mabilis din itong tumayo para lumapit sa aking cabinet. Bigla namang nanlalaki ang mga mata mo na parang nakakita ng multo.
“Hoy! Teka lang muna! Wala kang karapatan na pakialam ang aking mga damit! Kahit hawakan ang gamit ko'y bawal din!” pasigaw na sabi ko sa lalaki.
Diyos ko po! Nakakahiya naman, baka makita nito ang aking underwear na lumang-luma na, tapos may undies din ako na wala na ring garter, mayroon din akong panty na may butas sa gitna dahil pinaglalaruan ng alaga kong pusa na si Kikoy kaya nagkabutas-butas ito.
Nakitang balak na nitong bubuksan ang aking cabinet.
“Marquez!” malakas na pagtawag ko sa lalaki. Bigla naman itong huminto sa balak na pagbukas ng cabinet ko.
“What?!” Sa lubong din ang kilay nito habang nakatutok sa akin.
“Puwede ba lumabas ka na, kayang-kaya ko na ang aking sarili, hindi na ako natutuwa sa ‘yo, salamat na lang sa pagtulog mo sa akin!” nasusurang sabi ko sa lalaki.
“Kaya mo na ang iyong sarili? Hindi mo nga kayang maglakad, Medina!” Hanggang sa muling binalingan nito ang cabinet ko at tuluyan na nitong binuksan. Parang gusto ko lang mahimatay nang itaas ni Josh ang aking underwear na may butas-butas sa gitna.
Hanggang sa biglang tumingin sa akin si Josh, may pagtataka rin sa mukha ng binata habang nakatingin sa akin. Ako naman ay sobrang pula ng mukha ko ng mga oras na.
“Sinusuot mo pa ito, Medina?” tanong ng lalaki sa akin. Ang mas matindi pa’y talaga niladlad pa nito ang aking underwear na butas-butas sa gitna.
Ilang beses tuloy akong napalunok, alam kong sobrang pula rin ng mukha ko ng mga oras na ito. Bahala na nga!
“Oo, sinusuot ko pa iyan, lalo na’t mainit ang panahon ngayon--- Para may hangin na pumasok sa loob! Sige na, Mr. Marquez! Umalis ka na sa kwarto ko!” pagtataboy kong muli sa lalaki.
Hindi nagsalita ang lalaki, ngunit nakita kong patuloy pa rin ito sa pagkalkal sa aking cabinet. Hanggang sa makakuha na ito ng damit ko. Ngunit bigla kong nahampas ang aking noo dahil ang ibinigay talaga nito na panty sa akin ay ang may butas sa gitna.
Agad naman nitong inilagay sa aking kamay ang mga susuotin ko, hanggang sa walang paalam na umalis ang lalaki. Parang nauupos na kandila naman ako. Kaya kahit hirap na hirap gumalaw ay pinilit kong maglagay ng damit sa aking katawan. Sinuot ko muna ang panty na butas-butas. Lola at hindi ako makatayo o makalakad.
Nagpahinga muna ako kahit sandali. Ngunit hindi pa ako nakakatulog ay narinig ko na ang boses ng Nanay ko.
“Medina, na saan ka ba?!” Hanggang sa bumukas ang pinto at nakita ko si Inay. Hirap na hirap tuloy akong bumangon lalo at sobrang kirot pa rin ng aking paa.
“Inay, ikaw po pala,” anas ko agad. Ngunit mabilis kong kinuha ang pera na kita ko sa pagbebenta ng isda. Agad namang kinuha ng Inay ko ito.
“Salamat dito, Medina. Sakto na ang aking pera kaya makapunta na ako sa probinsya at makikita ko na rin ang kapatid ko. Teka ano bang nangyari sa iyong bata ka? Bakit ang tamlay mo?” tanong ng Inay ko.
Sasagot na sana ako sa aking Ina. Nang mapatingin ako sa pinto ng kwarto ko, bukas kasi ang pintuan kaya nakita ko si Josh. Salubong ang kilay ko nang bumalik ito. Napalingon din si Inay at kitang-kita ko ang pagkagulat ng Nanay ko.
“Hijo, ano’ng ginagawa mo rito?” gulat na gulat na tanong ng Inay ko.
“Tita Flor, gagamutin ko lang po ang sugat ni Medina,” pagbibigay alam nito sa Nanay ko.
“Sugat? Teka na saan ba?” Agad namang inaalis ni Inay ang kumot sa paa ko.
“Mahabaging Diyos! Ano bang nangyari riyan, Medina?!” palatak na tanong sa akin ng Nanay ko.
“M-May nayapakan lang po ako na matalas ba bagay sa lupa kaya po ganiyan ang nangyari sa aking paa, Inay.”
“Naku! Hindi ka kasi nag-iingat, Medina!” sermon na sa akin ng Nanay ko. Napangiwi na lamang ako. Mayamaya pa’y nagpaalam muna sandali si Inay. At si Josh na raw muna ang bahala sa akin.
Magalang na lamang akong tumugon sa Nanay ko. Hinintay ko munang lumabas ng silid si Inay. Hanggang sa tumingin ako sa lalaking kaharap ko.
“Bakit kasi bumalik ka pa? Nakita tuloy ni Inay ang sugat ko!” singhal ko sa lalaki.
“Hindi naman kasi masama ang ugali ko, kahit na nga alam kong pinagtatabuyan na ako ng taong tinutulungan ko ay nagmamagandang loob pa rin ako. Hindi ka tulad ng iba riyan, halos hindi na nga makagalaw, ngunit nagmamataas pa sa ihi ng kalabaw—”
“Pinatatamaan mo ba ako, Mr. Marquez?” asar na tanong ko sa lalaki.
“No! May narinig ka bang binanggit ko ang pangalan mo na-- Medina? Di ba wala,” sagot nito at hindi man lang lumingon sa akin, dahil patuloy pa ring ginagamot nito ang sugat ko sa akin paa.
Nagtitimpi na kinuyom ko na lamang ang aking mga kamao. Ayaw ko nang patulan ang lalaking ito na daig na daig pa ang isang babae kung makadakdak.
Panay lang ang irap ko rito. Habang panay kagat sa ibabang labi ko.
“Siguro kung nakakamatay lang ang irap mo Medina, baka kanina pa ako bumulagta rito,” muling ataki ni Josh sa akin.
“Kunwari bingi ako,” banat ko rin sa lalaki. Wala naman akong narinig na sagot ni Josh. Hanggang sa umalis ito sa aking harap na walang kahit isang salita. Marahas na lamang akong napahiga muli.
Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako ng sobrang haba kaya ang labas ay kinabukasan na ako nagising.
“Medina, gising ka na ba?” mga katok at pagtawag sa akin ni Inay mula sa labas ng pinto.
“Opo, Inay,” sagot ko. Bumangon na rin ako sa higaan. Napansin ko ring hindi na masyadong masakit ang sugat ko sa aking paa. Kaya kahit papaano ay nakakahakbang na ako ng maayos. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay nakita ko ka agad si Inay. Bihis na bihis ito.
“Inay---”
“Ngayon araw na ang alis ko, Medina papunta sa Probinsya namin. Palagi mong isasara ang pinto ng bahay natin lalo na sa gabi, nag-iisa ka pa naman dito,” tuloy-tuloy na litanya ng Nanay ko.
“Huwag ninyo akong alalahanin, Inay. Kayang-kaya ko ang aking sarili. Ang haba-haba kaya ng itak natin dito. Iwan ko lang kung mabuhay pa sila oras na tagpasin ko ang leeg nila,” pagmamayabang ko pa.
“Basta’t mag-iingat ka pa rin, Medina, lalo at babae ko. Siya sige na at ako'y paparuon na sa aking patutunguhan.”
“Mag-iingat ka po, Inay.” Kinuha ko rin ang kamay nito pagkatapos ay agad akong nagmano rito bilang paggalang sa aking mahal na Ina.
Maingat din akong humakbang upang ilock ang pinto ng bahay namin dahil balak ko ulit bumalik sa higaan ko. Ngunit nanlalaki ang mga mata ko dahil tangay-tangay ni Kikoy ang aking bra.
“Kikoy, ano ba ‘yang ginagawa mo? Pati ba naman bra ko ay balak mo pang nakawin, iyan na nga lang ang matino kong bra!” pasigaw nasabi ko sa alagang pusa ko.
Subalit hindi ako nito pinsan at tumalon na ito sa bintana ng bahay namin. Surang-sura tuloy ako na sinundan ko ang alaga kong pusa.
“Kikoy, na saan ka na ba? Ibalik muna nga sa akin ang bra ko!” muli kong sigaw. Kahit paika-ika ang maglakad ay pinilit kong humakbang upang hanapin si Kikoy na may dala-dalang bra ko.
Hanggang sa mamataan ko si Kikoy, nakatungtong ito sa ibabaw ng pader at pagkatapos ay tumalon papunta sa kabilang bahay--- iyon lang naman ang bahay ni Josh.
“Naku! Kikoy! Gagawin na talaga kitang siopao!”