Nakita Mo? Nakita Mo Ba, ha?

1436 Words
(MEDINA’S POV) Hanggang ngayon ay asar pa rin ako sa pagmumukha ng lalaking ito, kaya patuloy ko siyang sinusundan kahit saan ito magpunta. Ito naman ay nagmamadaling maglakad upang takas ako, ngunit hindi pa ako nagpaawat. Bahala itong mainis sa akin. Ito ang may kasalanan ng lahat-lahat, kamuntik na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa nito. At gusto kong maghiganti sa laking masama ang pag-uugali. Madapa ka sana--- Napanganga ako nang maramdaman kong may tumusok na bagay sa aking paa. Kaya bigla akong napatigil sa paghakbang ko. Tiningnan ko rin ang paa ko na walang sapin. Halos maluha ako nang makita kong nagdurugo ang aking talampakan. Gosh! “You are very stupid!” Tumingin ako sa lalaking sinabihan akong stupid daw. Mas lalong hindi ako makahuma nang yumuko ito at tiningnan ang nasugatang talampakan ko. Kuyom ang mga kamao, dahill hindi matanggap ng sikmura ko na tawagin akong stupid. “Hindi ako stupid. Umalis ka na. Paulit-ulit mo lang akong iniinsulto, eh!” singhal ko sa lalaking suplado mukhang ulo ng pusit. Ngunit hindi ako pinansin ni Josh at patuloy lang na sinusuri ang aking talampakan. Nakita ko ring napatiim-baga ito nang makita ang maraming dugo na lumabas mula sa sugat ko. “Anong bagay ang nakatusok sa paa mo, babae?” tanong nito. Umismid muna ako. “Nasalubsob lang ‘yan. May natapakan lang ako kanina na matulis na bagay. Huwag mo na akong pakialaman. Mas malaki ang tsansa kong mabuhay sa salubsob kaysa sa bala ng baril ng isang holdaper,” puno ng sarkasmong wika ko sa lalaki. Nakita kong inilabas nito ang panyo at itinali iyon sa paa ko. Balak ko sanang hilahin ang aking paa mula sa pagkakahawak niya ngunit mahigpit iyong hinawakan ni Josh. “It could get infected.” “Lilinisan ko na lang pag-uwi sa bahay, hindi mo kailangan abalahin ang sarili mo na tulungan ako, Mr. Marquez!” pasinghal na sabi ko sa lalaki. Nakita kong umiling si Josh, ngunit hindi nagsalita ang lalaki. Ako naman medyo nailang matagal muna akong tiningnan. “Can you walk?” “Sugat lang ‘yan. Hindi ako nabalian o naputulan ng paa. Salamat at makakaalis ka na!” Nagkibit-balikat lamang si Josh at tumayo. Kahit kailan ay hindi ako hihingi ng tulong sa lalaking iyon. Hanggang sa ilapat ko na ang aking paa sa lupa, subalit bigla ko ulit inangat ang paa ko dahil makirot talaga. Minsan ay hindi rin ako makapaniwala sa sariling kagagahan ko. Nagbuntonghininga muna ako hanggang sa subukan ko ulit na itapak ang aking paa at napangiwi ako sa naramdamang sakit. Mukhang mahihirapan akong makalakad upang makarating sa bahay namin. Sana ay hindi ko na lamang hinabol ang supladong lalaki para awayin. Hindi na sana ako napahamak pa. Napahinga ako, hanggang sa mapansin ko ang patpa kaya agad ko itong kinuha ito ang ginawa kong tungkod dahil hirap na hirap akong maglakad. Baka hapon na ako makarating sa bahay at siguradong nag-aalala na si Inay sa akin. Isang buntonghininga uli ang pinakawalan ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Nagulat ako nang mag-angat ng tingin, nakita ko ang magaling na lalaking suplado na nakaupo sa isang nakatumbang puno ng mangga. “Akala ko ba umalis ka na?” nakataas ang isang kilay na tanong ko rito. “I was waiting for you. I knew you wouldn’t hold for long. The wound is too deep and it will soon be hurting like hell. Kahit iniisip mo na masama akong tao, hindi naman kita puwedeng pabayaang mag-isa rito sa ganyang kalagayan mo, babae.” Umismid ako sa sinabi nito. Masyadong mahangin ang dating nito sa akin sa totoo lang. “Hindi sa, hindi ako nakakaintindi ng english pero puwede naman sigurong mag-tagalog ka na lang? Tutal, kaya mo naman,” pang-iinis ko sa lalaki. Sa halip na patulan ang aking sinabi, ngumiti lamang ito sa akin. Bigla kong nakalimutan ang galit para sa lalaki at napalitang na paghanga--- ay hindi pala, dapat mainis ako rito dahil sa ulupong na ito kaya nagkaroon ako ng sugat sa aking paa. Nagulat ako nang tumalikod ito sa akin at yumuko sa aaking harapan. “Come on now. Let me help you.” Saglit na napamaang ako sa gagawin nitong pagtulong sa akin. “Para sabihin ko sa ‘yo, ikaw pa lang ang nagsabi sa isang holdaper na barilin ako!” mataray na sabi ko rito. “What! Hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakapag move on?” asar na naman tanong ni Josh. “Yes, hindi pa! Lalo at dahil din sa ‘yo kaya nasugatan ako! Kung baga nakatatak na sa aking utak ang nangyaring ito sa akin, Mr. Marquez!” Nakita kong napahilamos ito sa kanyang mukha at nagtitimpi rin na singhalan ako. Ngunit nababanaag ko sa pagmumukha ng lalaki ang asar sa akin. “Sumakay ka na sa likod at baka magbago pa ang isip ko na tulungan ka, babae. Lalo at marami pa akong dapat na gawin at masyado mo na akong inaabala pa.” “Kaya ko naman talaga ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang tulong mo,” sagot ko rito at hirap na ipinagpatuloy ko ang paglalakd. Napatili ako nang malakas dahil binuhat lang naman ako ni Josh na parang sako na may lamang bigas. “Kung ipagpapatuloy mo ang katigasan ng ulo mo, sigurado ako na pilay kang makakarating sa bahay mo. Huwag ka nang kumontra kung ayaw mong ibagsak kita, babae!” wika nitong may pagbabanta. Na-iiling na hinayaan ko na lamang ito. Sobra ang pagkaasiwang nadarama ko dahil sa sitwasyon namin. Kanina laman ay nagtatalo kami ni Josh. Ngunit heto ako at buhat-buhat niya upang tulungan. “Ibaba mo na ako,” wika ko kay Josh nang makarating kami sa bahay ko. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao. “Sure.” Dahan-dahan akong ibinababa nito. “S-salamat,” anas ko sa lalaki. “Siguro naman ay bayad na ako sa kung ano mang atraso na nagawa ko sa ‘yo,” anito at walang paalam na umalis. Sinundan ko ng tingin ang papalayong lalaki. Hanggang sa mawala ito sa aking paningin. Pero hanggang ngayon ay kumakabog pa rin nang malakas ang aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko. Pero kailangan kong pigilan ito. Kahit hirap na hirap ako sa paglalakad ay pinilit ko na ihakbang ang aking mga paa upang malinisan ang aking sugat. Bahagya akong napailing nang maabutan ko ang aking alagang pusa na si Kikoy na nakahiga sa gitna ng papag kung saan ako natutulog. May sarili itong higaan ngunit nagpupumilit pa ring itong tumabi sa akin. Napapangiwi naman ako sa tuwing ihahakbang ko ang aking paa. Gusto ko munang hugasan ito. Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan na akong nakapasok sa banyo. Isa-isa kong inalis ang aking kasuotan hanggang sa tanging bra at underwear na lamang ang natitira. Humakbang akong muli upang kuhanin ang sabon. Ngunit nagkamali ako nang hakbang at tuluyang nadulas at isang malakas na tinig ang kumawala sa aking bibig. Halos maiyak ako nang bumagsak ang aking balakang sa malamig at basang semento. Mangiyak-ngiyak ako nang pilitin kong tumayo. Bigla naman akong napatingin sa pinto ng banyo nang bumukas iyon. “Ano’ng ginagawa mo rito?” hysterical na tanong ko pagkakita sa bulto ni Josh. Pakiramdam ko’y namumula ang buong mukha ko dahil sa hiya, lalo at nakapanty at bra lamang ako. “Labas!” sigaw ko, hindi ko malaman kung paano itatago ang aking sarili sa mga mata ni Josh. “What happened to you?” tanong nito. At lumapit pa ito sa aking pwesto. “Lumabas ka sabi, eh. Labas!” muling sigaw ko sa lalaki. “Oh, damn!” sabi nito at tila naiinis na lumabas ng banyo. Ngunit akala ko’y tuluyan na itong umalis aking bahay. Pero nagkamali ako sapagkat muli na naman itong pumasok sa loob ng banyo. At mayroon na itong dalang kumot. “Here, use this.” Iniiwas nito ang tingin sa akin. “Huwag kang manilip.” “Of course not!” naiinis na sagot nito. “T-tumalikod ka kaya!” singhal ko sa lalaki. Sumunod naman siya sa aking sinabi. “As if you have the body of a goddess.” “Nakita mo? Nakita mo ako?” atungal kong muli. “Hindi,” mabilis na sagot ni Josh. “Dapat lang na hindi mo makita, dahil para lang ito sa magiging asawa ko. Huwag ka munang titingin ‘di pa ako tapos!” Wala naman akong narinig na salita mula sa lalaki. “P-puwede mo ba a-akong tulungan? Hindi ko na talaga kayang maglakad,’ pakiusap ko sa lalaki. “No problem.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD