Tuloy-tuloy lang akong humakbang at nilampasan ko si Marquez, hinding-hindi ako titingnan sa katawan nito lalo na sa cobra nito. Ngunit sa patuloy kong paglalakad ay bigla naman akong napahinto dahil bumangga ako sa isang tao, dahan-dahan ko tuloy inagat ang aking mukha at nakita ko ang mukha ni Josh. Seryoso itong nakatingin sa akin. “Natatakot ka bang tingnan ang aking---” Bigla ko tuloy tinakpan ang bibig nito upang hindi nito matuloy ang balak sahihin akin. Nanlilisik din ang mga mata ko rito at may pagbabanta rin. “Subakan mong ituloy, Marquez!” pagbabanta ko sa lalaking pusit. Hindi naman makapagsalita ang lalaki lalo at takip-takip ko ang bibig nito. Subalit mas nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa aking beywang at pagkatapos ay agad na isinandal sa pader. Kinuha rin