Bigla namang tumigil ang lalaki sa paghakbang at dahan-dahan na tumingin sa akin ngunit walang tugon mula rito, hanggang sa makita kong nagmamadali itong lumapit sa aking pwesto. Tumaas pa nga ang kilay ko. Hanggang sa magulat na lang ako nang nay bigla itong agawin sa aking kamay at doon ko naalalang may hawak pala akong isang buong letchong manok. “Teka lang muna, akin lang iyan, ah? Saka, wala sa listahan ni Manilyn Torio na hatian kita sa letchong manok na iyan, Marquez!” palatak ko sa lalaki. Habang nakatingin sa hawak-hawak nitong letchong manok na kinuha niya sa akin. Hindi naman nagsalita si Josh ngunit basta na lang akong tinalikuran ng lalaki at nagtuloy-tuloy na pumunta sa loob ng kusina. Hindi naman ako naghintay ang matagal at muli ring bumalik si Marquez dito sa aking pwes