Primo pov: NAGHAHANDA KAMI NG mga tauhan ko sa paglusob namin sa isang warehouse ni Havier kung saan gaganapin ang palitan ng armas at pera sa mga kliyente nitong banyaga mula pa sa Ukraine. Illegal ang bentahan ng mga ito kaya sa pribadong lugar sila magpapalitan kung saan secured nila ang paligid. Limang taon na rin ang nakakalipas magmula ng mamatay si Angeline. Ayon sa nadakip naming mga tauhan ni Havier limang taon na ang nakakalipas ay sila nga ang sumundo kay Angeline sa isla kasama ang amo nila. Pero mas pinili ni Angeline ang magpakamatay na tumalon sa nanggagalaiting dagat kaysa maging asawa ang matandang si Havier. Hindi na rin kami magtataka pa ni Amor sa mas pinili ni Angeline. At kita namang nagsasabi sila ng totoo dahil hanggang ngayon ay wala na ngang Angeline ang lumita