New Life

1484 Words

5 years later Angeline pov: NANGINGITI AKONG pinagmamasdan si Eivo na abala sa kanyang laruang kotse na bagong bili ko mula sa sobrang bayad ng kakanin na tinda ko sa simbahan kanina. Makita ko lang ang matamis na ngiti nito, ang malutong niyang paghalakhak, at ang mga nagniningning niyang mga mata ay masayang-masaya na ako. Bawing-bawi na ang pagod ko sa maghapon kong pagtitinda ng kakanin at mga bibingka sa labas ng simbahan na pwesto naming mga tindera doon ng kakanin. Napatitig ako dito. Ang bilis ng panahon. Limang taon na. Limang taon na rin pala kaming mag-ina dito sa isla Del Monte. Isang liblib na isla na pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao. Pero dahil hindi ko naman alam at hindi ko kaya ang trabahong pangingisda ay ibinenta ko na lamang ang naiwang pamana sa aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD