Primo pov: MALIWANAG NA NG makarating kami ng isla kung saan ko iniwan si Angeline. Hindi na ako tumutol nang magpumilit si Amor na sumama. Ngayong alam ko na ang mga bagay-bagay sa kanila ni Angeline ay hindi na ako mag-aalangan palapitin ito sa asawa ko. Parang lulukso palabas ang puso ko na sa wakas ay nakarating din kami ng pampang. Napatalon akong napangiti na tumakbo sa bahay nila Anton! "Angeline!!? Baby!? Angeline!?" pagtawag ko dito. Unti-unting napalis ang ngiti ko na makitang sarado ang bahay. Napagala ako ng paningin sa paligid. Pero hindi ko mahagilap kahit ang anino nito. Napapalapat ako ng labing napapahawi ng buhok kong tinatangay ng malamig na hangin! Hindi na maganda ang nagpaparamdam sa akin sa mga sandaling ito. "Nasaan si Angeline bigboss?" ani Amor na napapal