Caught

1781 Words
Angeline pov: ILANG ARAW PA ang lumipas at naging mas maayos na ang pakiramdam ko. Nakakakilos na rin ako na tuluyan ng naghilom ang sugat ko sa likod. Nalaman ko rin na nagpahatid nga si Primo kay manong Anton sa bayan at nag-iwan ng malaking halaga dito bilang kabayaran sa pagtulong at pagpapatuloy nila sa amin dito sa kanilang tahanang mag-asawa. Nahihiya na rin ako sa mag-asawa kaya napagpasyahan kong umalis na ng isla. Nakakatiyak din naman kasi ako na hindi ako pupuntahan ni Primo dito. Malinaw pa sa isip ko ang sinaad nito. Hindi ako si ate Shantal. Kaya wala akong, kwenta para sa kanya. Dahil hindi ako, ang mahal niya. Napagkamalhan niya lang ako. Gusto ko sanang magbalik sa poder ni tatay Amor. Pero dahil tauhan siya ni Primo ay magdadalawang-isip akong bumalik pa ng bahay. Palakad-lakad ako dito sa pampang. Nagpupulot ng mga shells na nagkalat lang. Dito ko ginugugol ang buong maghapon ko sa tuwing naiiwan nila manong Anton. Napaangat ako ng mukha at napangiti na makitang may palapit na magarang speedboat dito sa gawi ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong maiiyak na napapalapat ng labing nakamata sa speedboat. Malalaki ang hakbang na lumapit ako dito at tumulo ang luhang mabasa ang Montemayor na tatak ng speedboat. Hindi na ako nagdalawang-isip na sumama sa mga armadong kalalakihan na bumaba at inakay ako pasakay ng speedboat. Parang lulukso palabas ng dibdib ko ang puso ko sa kaisipang.....ipanasundo ako ni Primo! Habang nasa kalagitnaan ng laot ay napapasulyap ako sa mga tao dito. Napalunok akong nakadama ng kakaibang takot at kilabot sa dibdib! Sa halos isang buwan naming pagsasama ni Primo ay kabisado ko na ang pagmumukha ng mga tauhan nito. Lalo na ang mga tauhan nitong laging nasa mansion na nakasunod palagi kay Primo kahit saan ito magpunta. Kaya nakapagtatakang, walang pamilyar sa mga lalakeng kasama ko ngayon sa akin. Imposible namang, mga baguhan silang lahat. Nagkataon lang ba na wala akong nakikilala sa kanila? O baka tama ang nagpaparamdam sa akin sa mga sandaling ito na piping pinagdarasal kong hwag naman sana. Pero para akong pinagsakluban ng langit at lupa na mula sa silid ng speedboat na sinasakyan ko ay lumabas ang mukhang kailanman ay hinding-hindi ko gugustuhin at pinangarap na makaharap ni sa panaginip!! Napatayo ako na naninigas at walang kakurap-kurap na nakamata ditong may matamis na ngiti sa kanyang mga labi at napapahimas ng baba. Nagniningning ang mga mata nitong panay ang taasbaba ng tingin sa akin na parang hinuhubaran na niya ako sa kanyang isipan! Nangilabot ako. Nanlamig at mas gugustuhin na lang na malunod sa mga oras na ito dito sa gitna ng karagatan kaysa ang makasama sa iisang lugar ang demonyong ito! "How are you, sweetie?" tinayuan ako ng balahibo sa katawan sa kanyang boses na napakalalim! Bawat paghakbang nito ay siya namang atras ko hanggang sa makalabas kami ng cabin nitong speedboat! Napapangising aso ito na makita sa aking mga mata ang takot, pagkabahala at kawalan ng pag-asang makatakas pa sa kanya ngayon! "Bakit? Tatakas ka na naman ba sweetie? Kaya mo ba? Go ahead Angeline. Run. Dyan ka naman magaling hindi ba? Oh, swim, lumangoy ka palayo, 'yon ay kung kaya mo pang....matakasan ako ngayon sweetie" paanas nito na mas lumapit! Napahigpit ang kapit ko sa railings nitong speedboat dahil nasa dulong bahagi na ako ng speedboat nito! Napalingon ako sa likuran ko at nalula na makita kung gaano kagalit ang bawat hampas ng alon sa gilid nitong speedboat! Asul na asul ang dagat at tiyak akong mamatay ako kung tatalon ako. Marunong akong lumangoy. Pero sa kalagayan ko ngayon ay tiyak akong isa lang ang kahahantungan ko kapag tumalon ako. At 'yon ang, mamamatay ako. Tumulo ang luha kong mariing napapikit. Kung ito lang ang pamimilian ko ay mas nanaisin ko pang mamatay ako dito sa gitna ng karagatan dala ng pagkalunod kaysa ang maging reyna ng matandang Havier Marquez na 'to katulad sa ginawa niya sa ina at kapatid ko! Hindi ako makakapayag na mahawakan niya kahit dulong bahagi ng buhok ko! Mamamatay na lamang ako! Napaakyat ako ng railings na ikinabahala nitong lumarawan ang pagkabahala sa kanyang mukha. Napangisi ako at mabilis bumitaw ng railings na ikinadamba nito sa akin pero huli na ang lahat dahil naramdaman ko na ang pagbulasok ko sa ilalim ng asul na dagat! "ANGELINE!!!!" Primo pov: NAPABALIKWAS AKO na parang binangungot na nasa panganib si Angeline. Napahilamos ako ng palad sa mukha na basang-basa na pala ng pawis! Ilang araw na rin itong nasa isla sa pangangalaga ni manong Anton at asawa nito. Bago ako bumalik ng syudad ay inihabilin ko na lamang si Angeline kay manong Anton na hwag nilang pababayaan ang asawa kong umalis. Nangako naman itong pangangailangan nila ang asawa ko sa kapalit ng halagang iniwan ko dito. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Inabot ko ang bottled water sa bedside table ko na inubos ang laman. Hinihingal pa rin ako at hindi mapalagay ang damdamin ko. Pakiramdam ko'y kailangan ako ni Angeline. Na may masamang nangyari dito. Napabangon ako na bumaba ng sala. Hatinggabi pa lang kaya halos tulog na ang mga katulong dito sa mansion maliban sa mga bodyguards kong nag-iikot-ikot sa labas ng mansion para magbantay. Natigilan ako na makita si Amor na nasa sala. Malalim ang iniisip at mukhang katulad ko'y hindi na makatulog. May kape sa harapan nito pero nakatulala lang sa malayo. "Ahem!" napatikhim akong ikinatayo nito na napayuko. "Magandang gabi bigboss. May kailangan ba kayo?" anito na ikinailing kong naupo sa harapan nito. "Bakit gising ka pa?" aniko na ikinailing nitong pilit ngumiti. "Hindi ako dalawin ng antok bigboss. Hindi ako mapakali. Iniisip ko ang anak ko" anito. Napatitig ako dito. Kung maka-claim kasi ito na anak niya si Angeline ay parang anak niya talaga. Kakaiba ang takot at lungkot na naglalarong emosyon sa kanyang mga mata. Nakikita ko dito, ang pag-aalala ng isang ama sa kanyang anak. "Tungkol kay Angeline. Alam mo ba kung kaninong anak siya Amor?" napalunok itong namutla. Matiim akong nakatitig lang dito. Kita ang pagkabahala sa mga mata nito. Napakuyom ako ng kamao na nagngingitngit ang mga ngipin. "Amor, alam mong sa lahat ng pinaka-ayoko--" "Anak ko siya bigboss. Totoong anak ko si Angeline" putol nito na ikinatigil ko. Napaawang ako ng labing naipilig ang ulo. Pilit inuusisa sa isipan ko ang sinaad nito. Napayuko itong yumugyog ang balikat na napasapo sa noong walang kahiya-hiyang napahagulhol. Natigilan ako lalo at naguluhan na napatitig dito. "A-anong ibig mong sabihin?" nauutal at naguguluhan kong tanong dito. Nagpahid ito ng luha na nag-angat ng mukha. Diretso itong tumitig sa mga mata ko. Napapalapat pa ito ng labi na nanginginig. "Ako ang totoong ama ni Allison at Angeline. Magkaibigan kami ng tumayong ama nila. Pero dahil sa profession na pinili ko. Ang manilbihan na personal bodyguard ng ama mo bigboss, ipinaubaya ko ang mag-iina ko sa bestfriend ko. Maayos at tahimik ang buhay nila sa probinsya. Masaya na ako nun. Pero isang araw nagimbal akong malamang patay na ang bestfriend kong isang pulis. At ang grupo nila Havier ang nabangga nito. Hindi pa ako sigurado pero, malakas ang kutob kong sinadyang patayin ang bestfriend ko kaya napunta ang mag-iina ko sa mansion ng mga Marquez. Dahil inasawa ni Havier ang ina nila Angeline na kalauna'y namatay din. Pero alam mo kung anong masakit bigboss?" Napalunok ako sa pagkukwento nito. Matiim din itong nakatitig sa aking mga mata na 'di ko mabakasan ng pagsisinungaling. Napailing ito sa pananahimik ko. Tumulo ang luha na napakuyom ng kamao. Lumarawan ang kakaibabang galit sa kanyang mga mata na ngayon ko lang nakita. "Hindi lang ang ina nila Angeline ang inasawa nito. Kundi..... kundi pati si Allison. Ang ate ni Angeline" "Ano!!?" napatayo akong nahampas ang mesang ikinatumba ng kape nitong tumilapon ang laman. Napayuko itong napahagulhol. Nanghihina akong natutulala sa nalaman at napaupong muli na nasapo ang noo ko. "Sixteen anyos pa lang noon ang kambal ko. Natuklasan ni Angeline ang kababuyan ni Havier sa ate Allison nito. Kaya siya tumakas ng mansion ng mga Marquez. Doon ko siya, nakuha. Sobrang saya ko na natiempuhan ko ang isang dalaga ko at saktong nagpapasaklolo ito. Kinupkop ko siya at itinago sa lahat. Para sa kapakanan niya. Nagtapat sa akin si Angeline tungkol sa mga nangyayari sa mansion kung saan siya nanggaling. Doon ako nagsimulang alamin ang mga kilos ni Havier. Hindi nga ako nagkamali ng mga hinala. Pinatay niya ang bestfriend ko para makuha ang asawa nito at mga anak. Pero nung nagsawa na siya sa ina nila Angeline? Pinapatay niya ito. At isinunod inasawa ang isa sa kambal. Si Allison. Na ipinakilala niyang si Shantal Marquez sa publiko" Para akong tinatangay sa kawalan habang nagkukwento ito sa mga nangyayari. Wala manlang akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Kaya naman pala ganun na lamang ang takot ni Angeline noong dinala ko siya sa sementeryo at nagpang-abot kami ng mga tauhan ni Havier doon. Kung paano siya nakiusap na patayin ko na lamang siya kaysa ibigay sa mga tao ni Havier. Napasapo ako sa noo. Mariing napapikit at tumulo ang luha na naalala ang araw kung saan unang beses kong nakita si Shantal sa resthouse nila sa Rizal. Kaya naman pala napakatamlay nito at kay lalim ng iniisip. Dahil sa loob ng mansion ay nagmistulang impyerno pala ang lugar na iyon sa kanya. Para akong sinasaksak sa puso ko na maisip kung paano siya sapilitang inaangkin ng matandang Havier na 'yon! Napakuyom ako ng kamao. Napakademonyo talaga ng matandang iyon! Para akong pinipiga sa puso. Ang babaeng mahal ko. Nagdudusa na pala pero hindi ko manlang nagawang iligtas ito. Napadilat ako ng mga mata na maalala si Angeline na iniwanan ko sa isla! "Si Angeline!!" bulalas kong napatayo. "Tama bigboss. Nagmamakaawa ako. Nasaan ang anak ko? Siya na lang ang meron ako bigboss. Maawa ka sa aming mag-ama. Buong buhay ko ay pinaglingkuran ko kayo ni Senior Primo ng tapat. Bigboss, ibalik mo na sa akin ang anak ko. Ako na ang bahalang po-protekta sa kanya. Hinahabol pa rin siya nila Havier at planong isunod na maging asawa ang anak ko. Nakikiusap ako bigboss. Ibalik mo na, ang Angeline ko" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sandaling ito! Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at nanabik bigla kay Angeline! Na parang gusto ko na siyang makita ngayon at mayakap! "Angeline..... fūck! Bakit ko ba siya iniwanan doon! Damn Primo!" "A-anong ibig mong sabihin bigboss? Saan mo iniwan ang anak ko?" napahagulhol itong humawak sa kamay kong ikinatulo din ng luha ko. "Kukunin ko siya. Kukunin ko na siya sa isla ngayon mismo Amor. Ako mismo ang susundo, sa asawa ko"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD