Angeline pov:
NAPAPABALING-BALING ako ng ulo. Pinapakiramdaman ang sarili at paligid ko. Sobrang tahimik at lamig sa kinaroroonan ko. Namamanhid din ang buong katawan na ramdam kong hinang-hina ako. Masakit ang buong katawan particular sa ibaba ng balikat ko.
"Anong nangyari? Nasaan ako?" piping usal ko.
Napalunok ako at damang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Na halos wala na akong laway na malunok. Uhaw na uhaw na ako. Gutom na gutom na rin. At sobrang nangihihina na ultimo magdilat ng mga mata ay hindi ko magawa.
"P-Primo" sambit ko pero nanatili lamang sa isip ang pagtawag ko sa asawa ko.
Nangilid ang luha kong tumulo na maalala ang huling tagpo namin ng asawa ko. Kung saan dinala niya ako sa isang sementeryo at tinutukan ng baril. Kung paano niya sinabing wala akong halaga at kwenta sa kanya dahil hindi naman pala ako si ate Shantal na minamahal nito. Sobrang sakit sa puso ko. Akala ko totoo na ang mga nakikita at pinadama nito sa akin sa loob ng halos isang buwan naming pagsasama bilang mag-asawa. Pero akala ko lang pala. Dahil hindi pala para sa akin, ang pagmamahal niya. At ang masaklap? Kinamumuhian na niya ako ngayon. Kung kailan, mahal na mahal ko na siya.
"Are you awake? Do you hear me?" dinig kong bulong ng tinig nito at pinahid ang tumulong luha ko.
Am I dreaming? Naghahalusinasyon ba ako dala ng pagkakabaril at taas ng lagnat ko? Nandito si Primo? Hindi na ba siya galit sa akin? Inaalagaan ba niya ako? Napahikbi akong hindi na mapigilang maging emosyonal.
"Hey....stop crying baby" lalo akong napahagulhol sa panunuyo nito at pagtawag muli sa akin sa aming endearment.
"Pri-Primo" humihikbing pagtawag ko.
"Shh...nandito ako. Hwag kang umiyak, makakasama 'yan sayo" lalo akong napahagulhol na maramdamang pinaunan niya ako sa kanyang braso at maingat na ikinulong sa kanyang bisig.
Marahan ako nitong hinahaplos sa ulo na pinapatahan. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na maramdaman muli ang mainit niyang mga yakap. Panay din ang halik nito sa ulo ko na tila hinahaplos ako sa puso. Bawat dampi ng kanyang mga labi ay gumagaan ang bigat sa loob ko. Naiibsan ang lungkot at sakit sa puso ko.
"Primo" mahinang sambit ko na nanantiling nakapikit habang nakasubsob sa dibdib nito.
Napalunok ito na natigilan sa paghaplos sa ulo ko. Dinig na dinig ko rin ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib at ang paghinga nito ng malalim.
"Are you hungry?" anito na ikinailing ko kahit gutom na nga ako.
Mas gugustuhin ko na lamang manatiling nakakulong sa bisig nito at damhin ang init ng kanyang yakap. Dahan-dahan akong napatingala na nakapikit. Kahit gusto kong haplusin ito sa mukha at halikan ay wala akong lakas na gawin iyon. Nanghihina ako maging ang mga kamay kong namamanhid. Pero para namang nabasa nito ang nasa isip ko at naramdaman ang pagyuko nito na inabot ang mga labi ko!
Tumulo ang luha ko. Kahit nanginginig ang mga labi ko ay pilit kong tinugon ang masuyong paghalik nito na napakabanayad hanggang sa lumalim ito nang lumalim..
"Uhmm... P-Primo...uhmm" napaungol akong ikinabitaw nito na naghahabol hininga.
"Fūck" mahinang sambit nito na nagngitngit ang mga ngipin. Kahit gusto kong magdilat ng mga mata ay hindi ko magawa. Natatakot na rin na ako na makipagtitigan dito at makitang muli ang mga nanlilisik niyang mga matang napakatalim na kung makatitig sa akin. Walang kakinang-kinang, walang kaemo-emosyon.
Maya pa'y bumangon ito at dinig ko ang mga yabag nitong lumabas. Mapait akong napangiti sa sarili kasabay ng pagtulo ng luha. Galit siya. Galit pa rin siya. Kung alam niya lang. Ako man ay galit na galit din sa sarili. Na kung pwede ko lang ipalit ang buhay ko sa kapatid ko ay ginawa ko na. Pero hindi eh. Tapos na. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Napatay ko ang ate ko. At 'yon ang totoo.
ILANG ARAW KAMING namalagi ni Primo sa isla. Kung saan pinatuloy kami ng mag-asawang pangingisda ang hanap-buhay. Walang may cellphone dito kaya kailangan pa naming magtungo ng bayan para makapanghiram ng cellphone at makatawag kina tatay. Mas bumuti-buti na rin ang kalagayan ko. Tanging ang sugat ko sa likod na lamang ang iniinda ko na kumikirot pa rin. Mas nakabawi-bawi na rin ng lakas ang katawan ko at nagagawa ko ng bumangon mag-isa, maglakad-lakad sa labas ng bahay kahit dahan-dahan lang.
Palaging kaming dalawa lang ni Primo ang naiiwan sa buong maghapon dito sa bahay ng mag-asawang kumupkop sa aming dalawa. Nasa laot ang mga ito maghapon na humuhuli ng mga isdang itinitinda sa bayan. Hindi naman ako pinapabayaan ni Primo. Inaasikaso niya pa rin ako lalo na sa paglilinis ng sugat ko. 'Yon nga lang ay hindi niya ako iniimikan. Kahit ang sulyapan ako sa aking mga mata ay hindi nito ginagawa. Wala rin itong kangiti-ngiti na laging salubong ang kanyang mga kilay. Saka ko nga lang naririnig ang boses nito kapag nandidito na sa bahay ang mag-asawa na kinakausap kaming dalawa.
Kahit kinakausap ko ito ay hindi niya ako sinasagot. Na parang wala siyang naririnig kapag ako na ang kumakausap sa kanya. Nagtatabi kami sa katre sa gabi habang sa sahig naman sa ibaba namin ang mag-asawa. Pero hindi ako nito sinasagi na para akong may malubhang sakit sa balat kaya nandidiri itong tabihan o mapadikit sa akin. Kapag nahihimbing na ito ay saka ko lang siya malayang nalalapitan. Natititigan. At nananakawang hinahaplos sa mukha na hinahalikan. Mis na mis ko na ang asawa ko. Kung paano siya mangulit, maglambing at umasikaso. Kung paano niya ako ituring na kanyang reyna. Pero ngayon ay daig ko pa ang isang estranghero sa paningin niya.
Mapait akong napangiti na makita si Primo sa gilid ng batuhan sa may pampang. Nakatanaw sa malayo na kitang kay lalim ng iniisip. Ganto siya lagi sa maghapon. Mas gugustuhin pa niyang doon nakatambay sa batuhan kaysa dito sa bahay kung saan naroon ako. Naiintindihan ko naman na iniiwasan niya ako. Kaya unti-unti ay nakakasanayan ko na rin ang mas malamig pa sa yelo na pakikitungo nito.
NAPAHINGA AKO ng malalim na napagpasyahang lapitan ito. Kahit maipaliwanag ko lang sa kanya ang buong nangyari nung gabing 'yon ay okay na ako. At kung gugustuhin na niyang ipawalang bisa ang kasal namin ay malugod kong tatanggapin ito. Dahil ayoko namang ipilit ang sarili ko sa kanya gayung kinamumuhian niya ako. Kabado ako. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang palapit sa gawi nito. Nakaharap siya sa dagat kaya hindi kaagad ako napansin na lumapit sa kanya.
Naupo ako sa tabi nito. Dalawang dipa ang agwat ng pagitan namin. Napahinga ako ng malalim na napatanaw din sa karagatan. Napakatahimik dito at ang lamig ng hangin. Napapikit akong ninamnam ang lamig ng simoy ng hanging tumatama sa mukha ko at damang tinatangay-tangay ang buhok kong mahaba at nakalugay. Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko na maramdamang nakatitig sa akin si Primo. Hindi ko alam pero kahit nakapikit ako ay nararamdaman ko ito. Ang kanyang mga mata na napakatiim kung makatitig.
"Ibang klase ka rin eh. Nagagawa mo pang ngumiti na nakapatay ka. At sarili mo pang kapatid" napalis ang ngiti ko sa narinig mula dito.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata na nilingon ito. Blangko ang mga mata na napakatamlay ng kanyang itsura. Pilit akong ngumiti at lakasloob na lumapit dito. Hindi naman siya umusog at hinayaan lang akong nakitabi dito. Hinawakan ko ang kamay nito na matamang napatitig sa kanyang mga mata.
"Primo, pwede ba akong makiusap?" nakangiting saad ko.
"Nope." kaagad tutol nito.
Mapait akong napangiting napayuko na napatitig sa kamay kong nakahawak sa kamay nito. Tumulo ang luha ko na makitang, wala na pala sa daliri nito ang wedding ring namin. Hinubad na niya. Hindi na ako magtatakang, pagkabalik namin ng mansion ay ipapawalang bisa na nito ang kasal namin at basta na lang akong ipatapon. Ngayon pa lang ay para na akong kinukurot sa puso sa kaisipang hihiwalayan na niya ako.
"Kahit makinig ka lang Primo" mahinang saad kong nanatiling nakayuko at kinukubli ang pagragasa ng luha ko.
Napahinga ito ng malalim na ramdam kong nakatitig sa akin. Hindi siya umimik. Hindi rin binabawi ang kamay nitong hawak-hawak ko. Napahinga ako ng malalim. Pilit kinakalma ang puso kong naninikip. Pasimple akong nagpahid ng luha at ngumiti bago nag-angat ng mukha dito. Katulad ng nakasanayan ko ay blangko ang facial expression nito.
"Maghiwalay na tayo" napalapat ako ng labi sa sinaad nitong kasing lamig ng yelo ang dating.
Nangilid ang luha kong mahigpit kong pinipigilan. Napalapat ako ng labi na napatitig sa kanyang mga mata. Nagsusumamo. Pero kahit yata maglupasay ako, lumuhod, lumuha ng dugo ay wala ng makakapagpabago ng desisyon nito.
"Pero Primo"
"Hindi ikaw ang mahal ko Angeline. Kundi si Shantal. Kung nalaman ko lang kaagad na hindi siya ikaw? Hindi kita pag-aaksayahan ng panahon, pera, pagmamahal at attention"
Napayuko akong yumugyog ang balikat at hindi na napigilang mapahagulhol. Napahigpit ang hawak ko sa kamay nito. Napailing-iling ako na nag-angat ng mukha nang bawiin na nito ang kamay.
"Pero Primo nakuha mo na ang lahat sa akin. Binigay ko na sayo ang lahat ng meron ako. Primo mahal na kita eh. Mahal na mahal na kita. Maawa ka naman sa akin. Paano kung mabuntis mo ako? Saan kami pupulutin ng anak natin? Primo, oo hindi mo ako mahal, pero......pero Primo pwede mo namang isiping siya ako para manumbalik ang pagtingin mo sa akin. Okay lang. Okay lang na si ate ang nakikita mo sa akin. Kahit hwag mo ng mahalin si Angeline. At buhayin mo sa paningin mo si Shantal. Walang problema sa akin Primo. Hayaan mo lang ako. Hayaan mo ako sa tabi mo" desperadang pakiusap ko dito.
Nagpantig ang panga nito na marahas na napatayo. Napasunod akong niyakap ito mula sa kanyang likuran para pigilan sa akmang pag-alis. Napahagulhol akong sumubsob sa balikat nito.
"O sige. Kung hindi mo kaya. Hindi kita pipilitin Primo. Bukas pwede ka ng umalis. Iwan mo na ako dito. Dito lang ako. Para malayo sayo. Malayo sa lahat. At kung sakali na gustuhin mo na akong makasamang muli? Primo alam mo kung saan mo ako babalikan. Maghihintay ako. Maghihintay ako sayo. Bukas, paggising ko at wala ka na, isa lang ang ibig sabihin nun. Iniiwan mo na ako. Pero, pero kung nandidito ka pa rin paggising ko, ibig sabihin pinipili mong magsimula tayong muli. Primo mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita. Ang mga namagitan sa atin? Ang masasabi kong pinakamagandang nangyari sa tanang buhay ko. Na habang-buhay kong ichi-cherish" humihikbing pagkausap ko habang yakap ito.
Napatingkayad ako na mariing napahalik sa kanyang pisngi bago bumitaw at nagpahid ng luhang bumalik ng bahay.
KINAGABIHAN AY nagising ako mula sa pagkakahimbing na walang katabi. Napasulyap ako sa ibaba at mapait na napangiting makitang si manang Laila na lamang ang nahihimbing doon. Napasulyap ako sa relo ko at mapait na napangiti. Mag-uumaga na pala. Wala na siya. Iniwan na niya ako. Iniwan na ako, ng asawa ko.
Napalapat ako ng labi na pigil-pigil ang sariling mapahagulhol. Pero nagsi-alpasan pa rin ang masaganang luha sa aking mga mata. Napatakip ako ng palad sa bibig. Malinaw pa sa sikat ng araw ang naging sagot ni Primo sa sinaad ko sa kanya kahapon. Iniwan na niya ako. Hindi niya ako, kayang makasama. Hindi niya ako, kayang maging asawa.