Primo pov:
NANIGAS AKO NA maamoy ang malansa at malagkit na basa sa likuran nito habang karga ko. Napakapa ako kung saan ito nagmumula at hindi nga ako nagkamali ng hinala. She was shoot! Nabaril siya kaya nawalan ng malay at nanghina!
"Fūck!" panay ang mura ko habang karga-karga itong tumatakas sa mga tauhan ni Havier na humahabol sa amin.
Naubusan na rin ako ng bala kaya hindi ako makapagsabayan ng putukan sa mga ito. Napapalayo na kami sa pinagmulan naming abandoned cemetery ni Angeline kaya lalo akong nagngingitngit sa galit dahil nasa kotse ko ang extrang magazines, baril at cellphone ko.
Plano ko sanang paaminin si Angeline sa nangyari sa kanilang magkapatid kaya ko siya inilabas ng mansion at dinala sa nakakatakot na lugar para mapaamin. Pero heto at napurnada ang plano ko sa biglaang pagsulpot ng mga aso ni Havier para bawiin sa akin si Angeline.
MAGLILIWANAG NA ng makalabas kami ng gubat na napasok ko. Pero isla naman ang bumungad sa akin na walang katao-tao sa paligid! Napatitig ako kay Angeline na karga ko. Wala pa ring malay at sobrang pula na niya. Mabuti na lang tumigil na sa pagdurugo ang tama nito sa ibabang balikat.
Nanghihina akong inihiga ito sa buhangin. Pagod na rin ako. Nauuhaw at nangangalay ang mga braso sa ilang oras kong pagkakakarga dito para lang mailigtas sa mga humahabol sa amin.
Napatitig ako dito. Sobrang putla na niya na parang wala ng dugo. Napalunok akong kinabahan at nakadama ng takot. Nangangatal ang kamay na napahaplos ako sa pisngi nito. Puro dugo na rin ang llikurang bahagi nito.
"A-Angeline... Hey, do you hear me?" untag ko na marahang tinatapik-tapik ito sa pisngi.
Napayuko ako na bahagyang iniawang ang bibig nito at pinakinggan kung humihinga pa siya. Pero halos hindi ko na marinig! Napadampi ako ng daliri sa kanyang leeg para damhin ang pulso nito at ramdam kong sobrang hina na rin ng pulso nito. Napakagat ako ng ibabang labing napatayo at napalinga-linga sa paligid. Kapag nagtagal pa kami dito ay tiyak kong mamamatay si Angeline sa mga kamay ko. Kargo de konsensya ko pa pag nagkataon na mamatay ito dito. Mabuti sana kung hindi kami magkasama!
Muli ko itong kinarga na naglalakad-lakad sa pampang. Napapalinga sa paligid baka sakaling may mahagip ang paningin ko na taong maaari naming pagpasaklolohan. Pero para namang nakiki-ayon sa akin ang panahon na may marinig na hugong ng makina sa 'di kalayuan.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na may makitang lalakeng nakasakay sa bangka nito nakita akong kumakaway-kaway. Lumapit ako dito na inilapit sa mababaw na bahagi ang bangka.
"Kuya, babayaran kita kahit magkano. Tulungan mo lang kami ng asawa ko. Nakikiusap ako" pagsusumamo ko.
Kitang napalunok itong napasulyap kay Angeline na nakalupaypay at duguan. Pilit itong ngumiti na naglahad ng kamay para maalalayan akong makasampa ng bangka nito.
"Sige po Sir. Sa bahay na muna kayo. Mas malapit doon" anito na inalalayan akong makaupo habang karga si Angeline.
"Salamat. I owe you this" ngumiti itong umiling na pinatakbo na ang bangka nito.
Habang nasa laot kami patungo sa bahay nito ay hindi ko mapigilang makadama ng takot. Buong buhay ko ay wala akong kinakatakutan. Kahit nga si kamatayan na ang makakaharap ko ay walang takot ko itong ngingisian. Marami na akong labanan na pinagdaanan. p*****n na naipanalo. Kaya nga namamayagpag pa rin ang Black Tiger na pangalan ng mafia ko sa husay ko at mga tauhan ko para mapalawig pa ang aming pinamumunuang mafia. Sinasakop at inaangkin ang mga kalaban na napapataob naming grupo.
Pero ngayon ay nakakadama na ako ng takot. Takot na baka mamatay si Angeline. Na hindi makayanan ang pinagdadaanan ngayon. Kung panggagamot lang naman ay kayang-kaya ko siyang gamutin at isalba sa panganib. Sa dami ng labanan na pinagdaanan ko ay hindi na bago sa akin ang masugatan ako at gamutin ang sariling sugat.
HALOS ISANG oras din kami sa laot bago nakarating sa kanilang bahay na nasa kabilang isla lang. May mangilan-ngilan ding kabahayan dito pero nagkakalayo-layo ang kinatitirikan. Maliit lang ang bahay na tinuluyan namin. Para lang siyang nipa hut style na ilang metro lang ang layo sa pampang.
"Sir tuloy po kayo sa barong-barong namin. Pagpasensyahan niyo na at mahirap lang kami dito" magalang saad nito na binuksan ang pinto.
"Maraming salamat Kuya. Malaking bagay na itong tinulungan mo kami ng asawa ko" aniko na maingat inilapag si Angeline sa katre na nilatagan nito ng banig.
Kaagad din itong lumabas ng silid na nagtungo ng kusina. Napahinga ako ng malalim na muling dinama ang pulso ni Angeline na halos hindi ko na maramdaman! Napakainit na rin niya at halos mawalan na ng kulay ang maganda niyang mukha. Napatitig ako dito at napapaisip kung bakit, ayaw niya sa poder ng ama? Na mas gugustuhin pang patayin ko na lamang kaysa ibalik kay Havier. Ano bang kababalaghan ang hindi ko pa natutuklasan sa pagkatao nila ni Shantal at sa matandang Havier na 'yon? May dapat pa ba akong malaman sa mga nalaman ko?
Napabalik ang ulirat ko na marinig ang mga papalapit na yabag at may dalang bimpo, basin na may maligamgam na tubig, at first aid kit.
"Thank you"
"Walang anuman Sir. Ihanap ko na muna si ma'am ng maisusuot" anito na nagtungo sa durabox na nasa gilid nitong silid.
Napahinga ako ng malalim na sinimulang punasan si Angeline. Mula sa maamo niyang mukha. Napalapat ako ng labi na nakatitig dito. Buong akala ko siya si Shantal na nagpapanggap na ibang tao, o kaya ay may amnesia kaya walang maalala. Pero nagkamali ako. Dahil ibang tao pala talaga siya. Hindi siya ang Shantal ko. Hindi siya, ang pinakamamahal ko. At ang masakit, siya pala ang nakabundol kay Shantal at basta na lang iniwan na naghihingalo sa gitna ng kalsada. Hindi na ako magtataka kung sinadya niyang bundulin si Shantal. Hindi kaya dahil sa mana? Dahil kung mamamatay si Shantal, sa kanya nga naman mapupunta lahat ng yaman ng pamilya Marquez. O pwede ring galit siya kay Shantal dahil ito lang ang ipinakilala ni Havier sa publiko na anak nito.
Nangilid ang luha ko habang paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang napanood ko sa usb kahapon na package para dito. Hindi ko tiyak kung kanino galing ang usb pero ang mahalaga ay ang nakita kong laman nun kung saan lasing itong nagmaneho at napakabilis! Gigewang-gewang pa itong bumaba ng kotse na halatang lasing at kagagaling sa isang party base sa kasuotan at pagkakaayos nito. Pero ang ikinasasama ng loob ko, nakilala niyang si Shantal ang nabunggo niya pero, iniwanan niya ito ng nag-aagaw buhay sa gitna ng kalsada. Parang asong nabunggo ang Shantal ko. Duguan na dilat ang mga matang natuluyan dahil iniwanan siya ng magaling niyang kapatid na bumunggo sa kanya.
"Um Sir, ipagluto ko na muna kayo para maasikaso niyo ng maayos ang asawa niyo" untag ng tumulong sa amin sa pagkakatulala ko habang iniisip ang mga bagay-bagay dito at kay Shantal.
"Ah, okay. Salamat Kuya" ngumiti itong inilapag ang ilang damit sa gilid nitong katre bago lumabas ng silid at isinara ang pintong yari sa kawayan.
Maingat kong itinagilid sa pagkakahiga si Angeline at hinubad ang damit nito. Tumigil na sa pagdurugo ang sugat nito. Hindi ko manlang napansin na nabaril siya kagabi. Hindi ko tuloy maiwasang makadama ng guilt habang ginagamot ko itong tinatanggal ang bala sa sugat na muling dumugo. Mabuti na lang at sanay na ako sa mga ganitong pagkakataon. Matapos kong gamutin at matahi ang sugat nito ay muli kong pinunasan ng maligamgam na tubig bago binihisan.
Napasapo ako sa noo nito at ramdam na mas lalo pang tumaas ang lagnat! Napatitig ako dito at nag-flashback sa aking isipan ang gabing nabunggo niya si Shantal. Nagngitngit ang mga ngipin ko na pinaningkitan ito. Muli na namang nabuhay ang galit sa puso ko para dito. Bakit ko ba siya inaasikaso? Pwedeng-pwede ko naman na siyang iwanan habang naghihingalo katulad sa ginawa niya sa mahal ko. Nagpantig ang panga kong napakuyom ng kamao. Hindi. Hindi pa siya maaaring mamatay. Dahil nagsisimula pa lang akong maningil sa pagpatay niya sa mahal ko.
"Damn Primo"
Para akong hibang na namumura ang sarili dahil kahit anong kastigo ko sa sarili ay hindi ko maibsan ang nadarama. Naawa ako sa kanya. At guilting-guilty na....napahamak siya dahil sa akin.