Chased

1513 Words
Angeline pov: NAALIMPUNGATAN AKO mula sa pagkakahimbing na maramdaman ang dalawang pares ng mga matang nakatutok sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at unang bumungad ang mukha ng asawa kong matiim na nakatitig sa akin. Nakaupo sa gilid ng kama na nakahalukipkip at parang kay lalim ng iniisip! Napalunok ako. Napakadilim ng aura nito na parang galit na galit! Bumilis ang kabog ng dibdib ko na napaayos ng upo. Para akong pinagpawisan ng malamig sa uri ng ginagawad nitong tingin. Ito ang unang beses kong kilabutan sa kanya. Para kasi siyang isang mabangis na lobo, na naghahandang manakmal ng biktima. "P-Primo" nauutal kong sambit sa pangalan nito. Napahinga ito ng malalim pero ang mga mata ay nanatiling nanlilisik ang itsura. "Let's go somewhere" walang emosyong saad nito. Napalunok ako. Maawtoridad ang pagkakasabi nito at pabalang tumayo. Kinikilabutan man at kabado ay tumayo akong kaagad napasunod dito. Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko habang nakasunod sa likuran nito. Lumabas kami ng mansion at sumakay sa kanyang black sportcar na hindi ako nililingon o pinagbuksan. Hindi ko tuloy maiwasang makadama ng takot. Pakiramdam ko kasi ay may nagawa akong malaking kasalanan dito na hindi ko alam kung ano? Pagka-upo ko sa front seat ay kaagad nitong pinaharurot ang kotse palabas ng mansion. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa manibela na nagpapantig ang panga. Mariin akong napapikit.. Pilit kinakalma ang sarili. Pero kahit anong kumbinsi ko sa puso at isip ko ay dama ko ang nakakailang tensyon sa pagitan naming mag-asawa. Magdidilim na pala. Napasarap ang tulog ko kaninang tanghali. Kaya naman hindi ko naramdaman ang pagdating nito. Napasandal ako sa sarili na mariing napapikit. Piping nagdarasal na sana prank lang ang pinaparamdam at pinapakita nito. O kaya ay nananaginip lang ako. Nananaginip na biglang nanlamig sa akin ang asawa ko. Dahil kahit anong isip ko ay wala akong maalalang nagawa ko dito para magalit sa akin ng ganto. Ilang minuto kami sa byahe. Hindi ko na alam kung saan kami naroon. Madilim ang paligid na walang kabahayan o mga nadaang sasakyan. Napalunok akong nilukob ng kakaibang kaba sa dibdib. Bumaba ito na walang kaimik-imik. Kaagad akong napasunod dito na napakapit sa kanyang braso. Hindi naman ito nagkomento at nagpatuloy sa paglakad gamit lang ang flashlight ng cellphone. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan na paglitaw ng buwan na natatakpan ng makapal na ulap ay naulinagan ko kung nasaan kami. Sementeryo!! Napahigpit ang kapit ko sa braso nito lalo na't nakakatayo ng balahibo dito. Wala pa namang kabahayan sa malapit. O ilaw dito. Sinadya pa nitong huminto kami sa kalagitnaan ng sementeryo kung saan napapalibutan kami ng mga nagkalat na nitsu sa paligid! Naupo ito na parang wala lang sa kanya ang lugar habang ako'y napapagala ang paningin sa paligid. Nagsindi pa ito ng yosi na prenteng nagdekwatro ng binti sa harapan ko at nilalarong binubuga ang usok ng sigarilyo. Napalunok akong napatitig dito. "P-Primo...bakit tayo nandidito?" kabado at nauutal kong tanong. "Takot ka ba sa patay Angeline?" pabalik na tanong nito. Napakalalim ng boses na nakakakilabot ang dating lalo na't matiim itong nakatitig. "A-ano bang pinagsasabi mo" "Tsk, I hate liars baby. Answer me. Kung ayaw mong, ilibing kita dito" nanigas ako sa narinig na parang binuhusan ng malamig na tubig. "P-Primo, hwag ka namang manakot. A-ano ba 'to hmm? Hindi na ako natutuwa huh?" nauutal kong saad. "Me too. Hindi na ako--" tumayo itong pumisil sa baba kong itiningala dito. Para akong maiihi sa talim ng mga mata nito. "Hindi na ako natutuwa Angeline. Unless, sabihin mo ang lahat sa akin. Baka sakaling, magbago ang isip ko" anito na binitawan na ako. "P-Primo" "Who are you Angeline?" makahulugang tanong nito. Napalunok akong napakuyom ng kamao. Nagsisimula na ring pagpawisan ng malamig dala ng takot at kaba dito at sa lugar na kinaroroonan naming dalawa. "A-ano bang klaseng tanong 'yan. Ako si Angeline Gomez. May dapat pa ba akong sabihin?" "Yeah. So it's true. Angeline talaga ang pangalan mo?" para akong nasabuyan ng nagyeyelong tubig na makuha ang punto nitong ikinanginig ng buong katawan kong napaatras. Alam na niya. Kaya ba siya nagbago bigla. Alam na niyang, hindi ako si Shantal na mahal niya. Paano niya nalaman? Alam na rin kaya niya na patay na si ate? Higit sa lahat, alam na kaya niyang......ako ang nakapatay sa mahal niya?! Nanlamig akong nanghihinang napaupo sa isang nitsu na napatingala ditong napakadilim ng aura. Tumulo ang luha kong napahawak sa kamay nito. Pero kahit anong pisil ko sa kamay nito ay hindi nagbabago ang uri ng pagtitig nito. "P-Primo" nauutal kong sambit. "Where is your twin sister Angeline? Nasaan, si Shantal Marquez?" madiing tanong nito na nagngingitngit ang mga ngipin. Napahikbi akong umiling-iling na nakatingala dito. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa na makumpirmang, alam na nga niya ang tungkol sa katauhan namin ni ate. Napahilot ito ng sentido na marahas napabuga ng hangin. "Nasaan siya?" muling tanong nitong nagpapantig ang panga. Tanging pag-iling lang ang naisagot ko dito. Dahil maging ako ay hindi ko alam kung saan siya inilibing ni Havier. Kung inilibing ba niya ito sa himlayan ng nanay namin o hindi. "Ayaw mong magsalita?" sarkastikong tanong nito. "Primo" pagsusumamo kong tawag dito. "You're wasting my time Angeline. Kung hindi rin lang naman pala ikaw si Shantal, wala kang kwenta sa akin" anito na iwinaksi ang kamay ko. Natuod ako sa kinauupuan sa narinig dito. Maya pa'y hinugot nito ang caliber 45 sa kanyang tagiliran na itinutok sa ulo kong ikinatili ko! "Primo maawa ka. Wala naman akong alam. Hindi ko alam ang mga nangyayari. Basta niyo na lang akong dinakip sa bahay namin ni tatay. Pinakasalan ng walang pamimilian. Hwag mo naman akong patayin. Nagmamakaawa ako!" napahagulhol akong niyakap ito sa kanyang baywang! "Bitaw" "Ayoko! Primo naman! Ano bang akala mo sa akin laruan!?" sigaw ko dala ng samo't-saring emosyon na naglalaro sa dibdib kong hindi ko na mapangalanan pa! "Bitaw" madiing ulit nito. Umiling-iling akong mas niyakap pa ito. Nanigas akong mas napahagulhol na ikinasa nito ang baril. "Primo nagmamakaawa ako. Hwag mo naman akong patayin. Hwag mo naman akong patayin. Nagmamakaawa ako" napahagulhol akong mas niyakap ito lalo! Marahas ako nitong hinatak patayo at yumapos sa baywang kong may pinaputukan sa 'di kalayuan at dinig ko pagdaing ng boses doon kasabay ng sunod-sunod na pagpaulan sa amin ng balang ikinahila nito sa aking tumakbo at napapakubli sa mga nitsu! Para akong tinatangay sa kawalan sa mga sandaling ito habang mahigpit na nakahawak si Primo sa kamay ko at nakikipaghabulan sa mga taong humahabol sa amin! "Primo!" dinig naming sigaw ng baritonong boses na ikinatigil naming napalingon sa likuran. Nanigas ako na mabungaran sa 'di kalayuan ang ilang armadong kalalakihan. At kung hindi ako nagkakamali ay ang kanang kamay ni Havier na si Mattias ang tumawag kay Primo! "M-Mattias" bulalas ko. Walang pag-aalinlangang pinaulanan nila kami ng bala na ikinahila sa akin ni Primo patakbo! Napapatili akong napapatakip ng tainga sa mga umaalingawngaw na putok ng baril sa nadaraanan namin! "Urrgghhh!" impit akong napadaing na maramdamang tila may bumulasok sa likuran ko na ikinasikip ng dibdib at ikot ng paningin ko! Nahihilo ako pero kailangan kong magpatuloy lalo na't hinahabol kami ni Primo ng mga tauhan ni Havier! Hindi ako makakapayag na mahuli ng mga ito. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lamang kaysa maging asawa ang matandang iyon katulad ng ginawa niya kay ate! Hindi ako makakapayag. Hinding-hindi! Nakalayo-layo na kami ng natakbo nito. Mukhang nailigaw na rin namin ang mga humahabol sa amin. Hinihingal na basang-basa na kami ng pawis. Napahinto ito na napalinga sa paligid. Maaliwalas ang paligid dala ng liwanag mula sa bilog ma buwan kaya naman kitang walang nakakasunod sa amin. Pero saglit lang ay dinig namin ang mga boses sa malapit na hinahanap kami! Hinatak ako nitong ikinubli sa puno. "Fūck! Paano nila tayo nahanap?!" nanggigigil nitong anas na napayakap sa aking kinukubli ako sa punong-kahoy na nadaanan namin. Nakaharap ito sa akin pero nakasilip sa mga parating. "Nandito na sila. Ang mga tauhan ng ama niyo. Ikaw ang kailangan nila. Ano pang hinihintay mo? Bumalik ka na sa kanila" anito na seryoso ang tono. Napailing-iling akong napakapit sa damit nito. "No! Ayoko! Nakikiusap ako Primo, hwag mo akong ibigay sa kanila. Nagmamakaawa ako" napahagulhol akong niyakap ito ng mahigpit! Hindi ko kaya! Mas nanaisin ko pang mamatay na lamang kaysa mapunta sa poder ni Havier Marquez! Nanginginig ang katawan ko na para na akong matatakasan ng bait sa mga sandaling ito! "Hey, your shaking" anito na naramdaman ang panginginig ko dala ng takot! "Primo...." nanginginig na sambit ko. Naninikip ang dibdib na nanghihina ang mga tuhod kong unti-unting bumagsak na parang kandilang nauupos. Pero bago pa man ako bumagsak ay naramdaman ko ang pagyapos nito sa baywang ko at ang mariing pagmura nitong kinarga ako. "Angeline! Hey wake-up, damn baby this is not the right time to pass out!" asik nito na tinatapik-tapik ako sa pisngi. "Primo...hwag mo akong ibigay sa kanila.... patayin mo na lang ako" nanghihinang pakiusap ko bago nagpatangay sa dilim at manlupaypay sa bisig nito. "Fūck! Angeline!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD