Primo pov:
NAPAPANGUSO AKO NA nakikinig sa mga presentation ng mga employee ko sa aming conference meeting dito sa PM's Corporation. Ang isa sa mga kumpanya ko. Halos wala akong maintindihan sa kanilang mga paliwanag at suggestion dahil na kay Angeline ang isip ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang nabasang takot at pangamba sa kanyang mga mata kanina. Na pangalawang beses ko pa lang nakikita. Una noong bagong dating siya ng mansion. Napapaisip lang ako. Bakit siya natakot na nadulas ang dila ko at nasambit ang totoong pangalan nito? Wala nga ba siyang naaalala? O nagpapanggap lang siyang ibang tao para maprotektahan ang sarili laban sa ama? Pero bakit? Bakit naman niya pagtataguan ang ama niya?
Maraming possibilities na naglalaro sa isipan ko pero lahat ng iyon ay walang kasiguraduhan. Hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili. Kung bakit siya nagtatago sa katauhan bilang isang Angeline Gomez. Ganun din ang relasyon nila ni Amor. Kung paano siya napunta sa poder nito. Nakakatiyak akong may alam si Amor na siyang tumatayong ama nito pero, hindi ko pa alam kung paano ito mapapaamin. Gustong-gusto ko ng malaman ang lahat-lahat kay Angeline. Para may makuha din akong bala dito na magagamit ko laban sa kanyang ama na si Havier Marquez. Tiyak akong mababaliw ang matandang iyon kapag mapag-alaman niyang nasa poder ko at asawa ko na ang kanyang unica hija.
Ngayon pa lang ay nagdidiwang na ako at maraming bagay ang naglalaro sa isip kung paano ko paiikutin si Havier Marquez sa mga palad ko. At magsisimula ako, sa kanyang mga negosyo. Si Shantal lang ang pamilya niya, kaya tiyak kong ito ang alas niya sa lahat. At malas niya lang dahil hawak ko ang alas nitong ikakabagsak ng kanyang laro. Sa negosyo man, o sa kanyang mafia. Titiyakin kong sa huli? Ako ang mananatiling nakatayo sa aming dalawa. Ibabalik ko sa kanya ang ginawa nila sa pamilya ko. Kung paanong ang isang Primo Montemayor, ay naging masahol pa sa beast na nagtatago ang totoong kulay sa maamo at disenteng panglabas na anyo nito.
NAPAPAHILOT AKO NG sentido sa dami ng mga tumatakbo sa isip ko. Kinakabahan din na baka magbago bigla sa akin si Angeline kapag malaman nito na mortal kaming magkalaban ng kanyang ama kung saan, hindi kami magdadalawang-isip, magpatayan. At kung magkagipitan nakakatiyak akong, ang ama nito ang kakampihan sa hidwaan namin ni Havier. Kahit asawa ko na siya ay mas matimbang pa rin ang pagiging ama ni Havier dito kaysa sa akin na asawa na niya.
Buong meeting ay nakatulala lang ako. Sumasang-ayon kapag tinatanong ang approval ko. Tiwala naman ako sa galing ng mga employee's ko. Kaya nga namamayagpag sa madla ang PM's Corporation dahil sa sipag, tyaga at diskarte ng mga tauhan ko sa kumpanya. Na kahit hindi ako araw-araw naglalalagi dito sa opisina ko ay ginagawa nila ng maayos ang kanilang trabaho.
"Uhm bigboss, saan tayo?" ani Amor. Ang driver ko ngayon. Napahinga ako ng malalim na napadekwatro ng binti.
"Sa Taguig tayo. Silipin ko lang ang warehouse natin doon" saad kong ikinatango nito na binuhay ang makina.
Napapikit akong naisandal ang sarili. Hanggang ngayo'y gumugulo pa rin sa utak ko si Angeline at ama nito. Napadilat ako ng mga mata na napatitig kay Amor. Naramdaman nito ang matiim kong pagtitig na ikinasulyap nito sa rear view mirror.
"May problema po ba bigboss?" magalang tanong nito. Napatuwid ako ng upo na napatitig dito.
"Ahem! Would you mind if I ask you something personal Amor?" paninimula ko. Kitang namutla ito na pilit ngumiting hindi na makatingin sa mga mata ko.
"Um, o-oo naman bigboss. Kahit ano" napapatikhim nitong sagot na nautal pa. Halatang kabado pa itong sinagot ako.
"Where's Angeline's mom? Bakit hindi ko yata nababalitaan dati pa na may mag-ina ka pa lang binubuhay" diretsong tanong ko.
Kita kong sunod-sunod itong napalunok na lalong mamutla at 'di na makatingin sa aking mga mata. Napangisi ako. Kumpirmado nga, may alam siya sa totoong pagkatao ng anak-anakan nito.
"Um, ampon ko lang si Angeline bigboss. Hindi ko siya totoong anak" namangha ako sa pagsagot nito sa akin ng totoo. Na hindi ipinagkaila ang totoong katauhan ni Angeline.
"So kung ampon mo lang siya. Nasaan ang totoong pamilya niya?" pasimpleng tanong ko. Napailing itong mapait na napangiti.
"Bigla na lang siyang dumating sa buhay ko bigboss. Wala akong alam sa katauhan niya dahil hindi naman siya nagkukwento. Basta ang alam ko lang ay tumakas siya ng bahay nila dahil sa kanyang ama" anito.
Natigilan akong napakuyom ng kamao. Kung ganon tama ang guni-guni ko. Nagpapanggap siyang ibang tao para magtago sa kanyang ama. Pero bakit? Bakit niya tinakasan ito? Masyado bang nakakasakal ang ama nito? Pero hindi eh. Parang may mas malalim pang dahilan kaya siya tumakas.
Mariin akong napapikit na iniisip ang unang tagpo namin ni Angeline sa resthouse nila sa Rizal. Kung gaano siya kalungkot noon. Na tila kay lalim ng iniisip. Ang takot na lumarawan sa maganda niyang mukha noong tinatawag na siya ng kanyang ama. Kung paano siya natatarantang ipinagtatabuyan ako.
Napahinga ako ng malalim na napahilot sa noo. Hindi pa rin sapat sa akin kung ang pagiging striktong ama ni Havier ang dahilan kaya tumakas si Angeline ng mansion nila. At ngayo'y nakuntento sa pamumuhay bilang simpleng dalaga na nagtatago ang katauhan sa lahat para lang makapagtago sa ama niya.
"I change my mind Amor. Bumalik na tayo ng mansion. Namiss ko bigla ang asawa ko" ngisi kong ikinatikhim nitong napa-uturn pabalik sa mansion.
"Ano pang alam mo tungkol kay Angeline, Amor?"
"Uhm, sorry po bigboss. 'Yon lang kasi ang alam ko kay Angeline eh. Hinihintay ko siyang siya ang magkusang magbukas ng tungkol sa buhay niya eh. Ayoko namang ma-preassure 'yong bata" anito na pilit ngumiti sa aking napasulyap sa rear view mirror.
Napanguso akong napatango-tango. Dama ko namang nagsasabi ito ng totoo. Isa pa ay matagal ko ng tauhan ito at sa lahat ng tao ko? Isa siya sa may malinis ang record. Kilalang-kilala ko na siya at nakakatiyak akong isa siya sa mga mapagkakatiwalaan kong tauhan.
THIRD PERSON POV (MARQUEZ MANSION)
NANGGAGALAITING PINAGSUSUNTOK ng matandang don Havier Marquez ang mga tauhan nitong inatasan na hanapin ang isa sa kanyang step-daughter na hanggang ngayon ay hindi mahagilap ng mga ito! Ilang million na ang nailalabas ng matanda mahanap lang ang dalaga pero sadyang magaling maglaro ng hide and seek ang dalaga at hindi nito mahagilap.
"Mga wala kayong kwenta!!" bulyaw nitong hinugot ang caliber 45 na nakasukbit sa baywang at walang kakurap-kurap na pinagbabaril sa noo ang mga tauhang nakaluhod na nagmamakaawa dito.
Napahilot ito sa sentido. Galit na galit. Habang tumatagal ay lalo siyang nasasabik sa dalaga. Mas lalo pa itong naging mailap nang muntik na niyang mahuli isang taon na ang nakakalipas. Kung saan ginanap ang celebration party ng kakambal nitong ginawa niyang asawa pero sa mata ng publiko ay mag-ama sila.
Pero sa gabing 'yon ay nalaman ni Shantal na pinuntahan siya ng kakambal kaya naman nagtyaga ito sa labas ng village maghintay para abangan ang kotse ng kapatid. Sa kasamaang palad ay humaharurot ang kotseng inaabangan at 'di kaagad nakapag-preno na ikinabundol nito at tumilapon. Sa pagkamatay nito ay nakunan sa cctv ang plate number at driver ng kotse kung sino ang nakabundol sa dalaga. Bagay na nakuha ng matandang don at planong ipang-blockmail sa dalaga kapag nahuli na ito para mapapayag na maging Shantal Marquez muli na kanyang anak pero ang totoo ay gagawin din nitong sēx slave ang dalaga katulad ng ginawa niya sa kakambal nitong namayapa na.
"Itapon niyo ang mga kalat!" singhal nito sa mga tauhan na napapayuko dala ng takot sa amo.
"Yes boss!" panabay na sagot ng mga itong kaagad nilinisan ang dugong dumaloy sa sahig at kinarga palabas ng mansion ang mga katawan na wala ng buhay para ilibing kung saan walang makakahanap kahit mga mababangis na hayōp sa gubat.
Sanay na ang mga tauhan ng don na sa tuwing nagagalit ito ay sila ang pinagbubuntungan niya ng galit. Wala siyang pakialam kahit maubusan siya ng tauhan dahil madali lang naman sa kanya ang mag-hire ng panibagong mga taong maninilbihan sa kanya.
HABANG NASA library room ito na may hawak na whiskey ay napapalakad-lakad itong iniisip si Angeline. Lalo siyang nasasabik at hindi na makapaghintay mahuli ang dalaga para gawing asawa.
"Angeline....mahahanap din kita sweetie" anas nito na napapainom ng alak.
Maya pa'y tumawag ang private investigator na in-hire nito para hanapin ang dalaga.
"Any update?"
"Good news at bad news boss Marquez. Ano ang uunahin ko" ani ng PI na ikinalunok nitong natigilan sa narinig.
"Um, good news"
"Boss, nahanap ko na si Angeline. Alam ko na kung nasaan siya!" masiglang saad nitong ikinaliwanag ng paligid ng don na malutong na napahalakhak sa tuwa na malapit na niyang makuha ang dalaga.
"Really!? Where!?"
"Boss, 'yon ang bad news eh." anito na tumamlay ang tono. Unti-unting napalis ang ngiti ng don sa narinig.
"Why? Where is she?"
"Boss, nasa mansion. Ng mga Montemayor. Asawa na pala siya, ni Primo Montemayor"
"What!? How did this happened!? Paanong napunta si Angeline kay Primo Montemayor huh!?" nanggagalaiting sigaw nito na naihagis ang baso sa dingding at sumabog ang bubog sa sahig!
"Aahhhh!!! Goddamit! Ginigigil talaga ako ng Montemayor na 'yon!!" sigaw nito na maging ang cellphone ay naihagis sa dingding sa sobrang galit!
"PRIMOOOOO!!!!"
MATAPOS NITONG makalma ang sarili sa pagwawawala at paninira ng mga gamit nito ay para ng dinaanan ng mabagsik na bagyo ang library nitong sira at nagkalat ang lahat ng gamit! Napapahilot ito ng sentido na nanggagalaiti sa galit sa nalamang asawa na ng mortal niyang kaaway ang dalagang inaasam-asam nitong makuha at mapangasawa!
Pero unti-unting napangising aso na maalala ang cctv footage na hawak nito. Kaagad itong lumabas ng library room nito at nagtungo sa master's bedroom na kinuha ang usb kung saan may kopya ang kuha sa pagkabundol ni Angeline sa kapatid nito at sa pag-iwan ng nito sa kapatid sa gitna ng kalsada. Ito na lang ang alas niya para makuha pa rin ang dalaga mula kay Primo Montemayor.
Napangisi itong iponadala ang usb sa mansion ng mga Montemayor. At sa kasamaang palad, si Primo ang nakatanggap ng package na pinadala ng unknown sender ng package.