Shantal

1353 Words
Angeline pov: LUMIPAS ANG MGA araw na naging mas maayos ang relasyon namin ni Primo. Naging mas sweet at clingy pa nga ito na halos sa akin na nakatutok ang buong oras at attention sa maghapon at magdamag. Pagkabalik namin ng mansion ay hindi pa rin ito nagbago. Napakamaasikaso nito at walang pakialam kahit nakamasid ang kanyang mga tauhan sa amin. Isang umaga, habang nasa garden ako ng mansion na abala sa pagbabasa ko ng novel online sa iPad ko ay lumapit sa akin si tatay. "Good morning anak" napaangat ako ng mukha at awtomatikong napangiti dito na may dalang dalawang mug ng kape. "Tay. Magandang umaga din po!" masiglang bati ko. Naupo ito sa kaharap kong silya na inilapag sa mesa ang mug. Ngumiti ito. Pero kita sa kanyang mga mata ang takot at pag-aalala. Ilang taon ko ng kasa-kasama si tatay. Kaya tiyak ako, may inaalala itong gumugulo sa kanyang isipan. Kahit hindi ko siya totoong ama ay siya na ang tinuturing kong pangalawa kong ama sa mundong ito. Sila ni Primo, sila ang bagong pamilya ko. Kaya hindi ko damang, mag-isa ako sa mundong ito. Napahinga ito ng malalim na hinawakan ako sa kamay. Napalunok akong napatitig sa kamay namin na marahan niyang pinipisil-pisil. "Angeline, alam mo namang mahalaga ka sa akin at totoong anak ang turing ko sayo. Hindi ba?" anito. "Opo Tay" muli itong napahingang malalim. Kita ang halo-halong emosyon na naglalaro sa makulimlim niyang mga mata. "Patawarin mo si tatay. Dahil sa akin nahanap ka ni bigboss Primo. Anak, hindi sa tinatakot kita huh? Pero, mag-iingat ka kay bigboss. Kung maaari, hwag mong hayaang mahulog ka sa kanya" seryosong saad nitong ikinalunok ko. "Ano pong ibig niyong sabihin Tay? Hindi ko po kayo maintindihan. Mabait po si Primo, lagi nga akong spoiled sa kanya Tay" nakangiting sagot ko na pilit nitong ikinangiti. Napahinga ng malalim na napagala ang paningin sa paligid bago bumaling sa akin na sinenyasan akong ilapit ang mukha na ikinasunod ko dito. "Hindi siya kasingbait ng iniisip mo anak. Maniwala ka sa akin. Ilang taon na akong naninilbihan sa kanya. Ikaw wala pang isang buwan mo siyang nakakasama. Angeline, dalawang rason. Dalawang rason kaya ka pinakasalan ni bigboss. Patawarin mo ako, dahil huli ko ng nalaman ang lahat" naluluhang saad nito na bakas ang takot sa mga mata nito. Napapalunok akong napatitig dito. Walang bakas sa kanyang mga mata ang pagsisinungaling. At ramdam kong totoo ang concern, at takot na nakikita ko dito. Nagsimula akong lukuban ng takot sa dibdib. Ayokong pagdudahan o mag-isip ng hindi maganda kay Primo pero, may punto nga naman si tatay. Sa kanilang dalawa ay mas kabisado ko si tatay Amor. Siya 'yong tipo ng lalakeng hindi sinungaling para lang makasira ng iba. Maayos at mabuti siyang makisama sa lahat. Kaya nakapaswerte kong nakilala ko siya at naging pangalawang ama. Kaya sa kanilang dalawa ni Primo? Mas matimbang ang paghanga at pagmamahal ko bilang anak sa kanya kaysa sa asawa kong hindi ko pa lubos na kakilala. "Ano pong dapat kong gawin Tay? Mag-asawa na kami ni Primo. Baka magbago siya sa akin" nag-aalalang tanong ko. Mapait itong napangiti na napahingang malalim. "Basta kung kailangan mo ng tulong? Magsabi ka kaagad sa akin Angeline. Handa kong ibuwis ang buhay ko maprotektahan ka lang anak" napalabi akong nangilid ang luha na tumayong niyakap ito mula sa likuran. Tumulo ang luha ko na mas niyakap ito. Humawak naman ito sa braso kong tinatapik-tapik. Napasandal ako sa ulo nitona hinayaang tumulo ang luha. Hindi man sabihin ni tatay ang lahat ng tungkol kay Primo ay dama kong may nagbabadyang panganib sa aming dalawa sa pangangalaga ni Primo. Na anumang oras ay maaari itong magbago sa akin kapag nagkamali ako. At iyon ang ikinakabahala ko. Ang magbago sa akin ang asawa ko. MATAPOS NAMING magkape ni tatay sa garden ay bumalik din ito kaagad sa loob dahil may pupuntahan daw sila nila Primo. Napapanguso ako habang palakad-lakad dito sa garden ng mansion. May pa'y naramdaman ko ang prehensya ni Primo at mga yabag nitong palapit. Hindi ako pumihit. Nanatili akong nakaharap sa mga tulips na halaman niya dito sa garden. Napakaganda nilang tignan lalo na't nagsama-sama ang mga magkakakulay. "Baby" malambing pagtawag nito na yumakap mula sa likuran ko. "Uhm" tanging ungol kong sagot na napahawak sa braso nito. Napasuksok naman ito sa leeg ko na sinisilip ang mukha ko. Napangiti akong nilingon ito at humalik sa kanyang pisngi na ikinangiti nito. Napatitig ako sa kanyang mga mata. Kung titignan ko kasi siya ay hindi ko mabakasan na magagawa niya ang mga bagay-bagay na pinapahiwatig ni tatay sa akin. Maamo ang gwapo niyang mukha. Napaka-inosente ang mga mata. At maging boses nitoay maalumay na may lambing kung magsalita. Pero pansin kong sa akin lang naman siya ganun. Napaka-bossy niyang magsalita sa harapan ng mga tauhan nito. Na ibang-iba kapag ako ang kausap. "Is everything okay baby? Something bothering you?" anito na ikinabalik ng naglalakbay kong diwa. Pilit akong ngumiti na bumaling sa mga bulaklak sa harapan ko para makaiwas sa mga mata nitong matiim na nakatutok sa akin. Napahinga ito ng malalim na ikinalunok kong nakadama ng kaba! "Baby?" "Wala baby. Ano ka ba. Okay lang ako. Ang sarap lang kasi dito sa garden. Maaliwalas at tahimik dito. Ang ganda pa ng mga bulaklak mo kaya ang sarap tumambay dito" pagkakaila ko na pinasigla ang boses. Lihim akong nagpapasalamat na napatango-tango itong naniwala sa alibi ko. Nakahinga ako ng malalim nang bumitaw na ito at pinihit ako paharap na hinaplos sa ulo. May ngiti sa mga labi na nagniningning ang mga mata. "I'll go ahead baby. Kita tayo mamayang gabi hmm? Ibinilin na kita sa lahat kaya hwag kang mailang na pagsilbihan ka nila, dahil dito sa mansion natin? Ikaw ang reyna" nakangiting saad nito na kay lambing ng tono. Napangiti akong yumakap ditong hinahagod-hagod ang likod ko. Nagtatalo ang isip at puso ko sa mga naglalaro ngayon sa utak ko. Dama ko namang totoo ang pinapakitang pagmamahal at pagpapahalaga sa akin ni Primo. Pero may parte din sa puso ko ang nag-aalala na hindi ko mawari kung ano? "Thank you Primo. Mag-iingat ka sa lakad mo" aniko na bumitaw na dito at tumingkayad na hinalikan siya sa noo. "Yeah, I will baby. For you" napalapat ako ng labing impit na napairit nang humalik ito sa buong mukha ko na may tunog. Napahalakhak naman itong niyakap akong iniangat sa ere at nagpaikot-ikot na ikinatawa ko ring napapatili! Napayakap ako ditong nahihilo. Ibinaba din naman ako nito na muling inangkin ang mga labi kong ikinayapos ko sa kanyang batok at tinugon ang halik nitong sabay naming ikinaungol. "I love you my wife" anas nito. "I love you too Primo. Hwag kang magbago huh?" wala sa sariling saad kong ikinatigil nitong napatitig sa mga mata ko. Pilit akong ngumiting kaagad nag-isip ng palusot dito sa matiim niyang pagkakatitig sa aking nanunuot hanggang buto ko. Parang binabasa kasi nito ang tumatakbo sa utak ko! Bagay na ikinakabilis ng t***k ng puso ko. "Baka kasi magsawa ka na sa akin eh" paglalambing ko. Napahinga ito ng malalim na hinaplos ako sa pisngi. "That won't happen baby. Mula unang kita ko sayo sa resthouse niyo sa Rizal ay alam ko sa puso ko, ikaw na ang babaeng gugustuhin kong makasama sa tanang buhay ko. Ang pag-aalayan ko ng lahat-lahat sa akin. Yaman, apelyedo, pagmamahal, at puso ko. Sayong-sayo ang lahat ng ito.....Shantal" Natuod akong bumilis ang pagtibok ng puso ko sa itinawag nito sa akin! Napaatras akong nangilid ang luha! Naninikip ang dibdib na may mapagtanto mula sa mga sinaad ni tatay sa akin. At sa itinawag nito sa akin! Kung ganon........kaya ako mahal na mahal ni Primo at pinakasalan ay dahil iniisip nitong---- Ako si Shantal! Ako si Ate! Ito na ba ang ibig ipahiwatig ni tatay sa akin. Na mag-iingat ako kay Primo at hwag mahulog sa kanya dahil, ibang tao ang nakikita niya sa akin. Paano na lang kapag natuklasan na niyang......... ako ang nakapatay kay ate. Na ako ang, dahilan kaya nawala ang babaeng pinakamamahal niya. At 'yon ang kapatid ko. Si Shantal Marquez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD