Angeline pov:
NANGINGITI AKO habang magkahawak-kamay kami ni Primo na naglalakad-lakad dito sa gawing pampang. Napakapino ng puting buhangin na kay sarap sa paa kapag lumulubog sa sobrang pino nito. Para akong nasa totoong paraiso. At kung ako lang ang papipiliin ay gusto kong dito na lang kami tumira ni Primo kasama ang bubuoin naming pamilya. Pero alam ko namang imposible ang gusto ko dahil may negosyo din itong pinapatakbo.
Natigilan ako nang huminto ito at naglakad paharap sa akin. Pinulot nito ang maliit na sanga ng kahoy na naanod ng alon at gumuhit ng malaking puso dito sa buhangin kung saan napagitna ako. Nangingiti na lamang akong humalukipkip na pinanood itong bakas ang tuwa sa kanyang mukha. Nakakatuwa na hindi siya naiilang ipakita sa akin ang childish side nito na lihim kong ikinakikilig sa isip-isip ko.
Sinong mag-aakalang ang isang Primo Montemayor na kilalang multi-billionare sa murang edad ay may ganitong tinatagong katangian. Kilala siya bilang isang arogante at workaholic business man kaya hindi na nakakapagtaka na sa edad niyang thirty ay kilala na siya na isa sa mga young-billionare ng bansa maging sa Asia.
Napapakagat ako ng labing pinagmamasdan itong iginuhit sa harapan ko ang katagang 'I love you, now and forever my lovely wife.' Aminado akong parang lulukso na sa labis-labis na tuwa at kilig ang puso ko sa mga sandaling ito sa mga pakulo nito.
"I love you more Primo. Now and forever" naluluhang sagot kong ikinangiti nitong lumapit sa akin na siniil ako sa mga labi.
Para akong umaangat sa ere sa mga oras na 'to habang masuyo kaming nagkakatugunan ng halik sa isa't-isa. Napayakap ako sa baywang nitong nakatingala dito habang ito nama'y nakakulong ang mukha ko sa dalawang palad na nakayuko sa akin. Napakasarap sa pakiramdam ang banayad niyang paghalik. Walang halong panggigigil, pagmamadali, at pananabik. Ingat na ingat ito na naglilikha ng tunog sa aming halikan. Para kaming naaadik sa isa't-isa na walang planong bumitaw sa aming paghahalikan. Hindi ko namalayan na isa-isa na pala nitong hinuhubad ang suot ko maging ang mga damit nito.
"Primo" naghahabol hiningang anas ko.
Pinagdikit nito ang aming noo na tumatama na rin sa aking mukha ang mainit at mabangong hininga nito. Naaamoy ko pa ang pinaghalong toothpaste, mouthwash at mint sa kanyang hininga na napakasarap sa pang-amoy.
"I love you so much my wife" bulong nito na napapaawang ng labi.
"Primo" nangilid ang luha ko sa narinig dito at napayakap dito kasabay ng pagtulo ng luha.
Luha na dala ng labis-labis na kaligayahan. Napakasarap sa pandinig at pakiramdam na inuulit-ulit kong nire-replay sa utak ang sinaad nito. Napayakap din itong hinahagod-hagod ako sa likuran at panay ang halik sa ulo ko.
BUONG MAGHAPON kaming naglibot-libot ni Primo sa kabuoan ng kanilang isla. Wala nga akong masabi. Napakaganda dito, tahimik, maaliwalas at sobrang presko ng hangin. Panatag ang isip, puso at katawan mo na damang-dama mo ang piece of mind habang nandidito sa lugar na ito. Idagdag pang wala kaming ibang kasamang tao sa paligid kaya hindi nakakailang kahit na kung saan-saan na lang kami nagkakainitan ni Primo at humahantong sa pagla-love making kung saan-saan. Kampante naman kami na walang ibang nakakakita sa amin dahil private property dito na walang naglalakas-loob mangahas na mag-trespassing dito.
Pagod ang katawan na ibinagsak ko sa kama. Nanghihina ako at antok na antok na rin dala ng maghapon naming pamamasyal. Nakailang beses din sa kakaungot ang asawa ko kaya pakiramdam ko'y ubos na ubos ang lakas ko.
"Tired?"
"Uhm" tanging ungol lang ang naisagot ko sa tanong nito.
Mahina itong natawang naupo sa gilid ng kama. Napapikit akong hinayaan na lamang itong pinunasan ako sa buong katawan ng maligamgam na tubig at bimpo bago binihisan. Nangingiti ako sa isip-isip habang pinapakiramdaman itong inaasikaso ako. Nangingibabaw ang saya at kilig sa puso ko na ninanamnam ang mga sandaling ito. Kung paano, pagsilbihan ng isang Primo Montemayor. Napakasarap niyang magmahal na tipong wala ka ng mahihiling pang iba kundi ang mas tumagal pa ang pagmamahalan niyong dalawa.
"Rest well my wife. Sorry, masyado kitang pinapagod" dinig kong saad nito na napahalik sa noo ko bago sa mga labi ko.
Naramdaman ko naman ang paglundo ng kama sa tabi ko at ang pag-ayos nito ng comforter na itinabing sa aming katawan. Napapangiti akong umunan sa kanyang braso at niyakap itong nagsumiksik sa kanyang dibdib. Natigilan itong mahinang natawa na niyakap din ako at makailang beses humalik sa ulo kong ikinalapad lalo ng ngiti kong nagpatangay na sa antok.
*******
PALINGA-LINGA AKO sa paligid habang kinukubli ang mukha sa maskarang suot ko. Kabado ako na hindi mahanap sa mga taong nandidito sa celebration party ng kapatid ang taong sinadya kong puntahan dito. Mabuti na lang at magkamukhang-magkamukha kami ni Allison o Shantal man siya ngayon ay siya pa rin naman ang ate ko kaya madali lang akong pinapasok kahit walang dalang invitation. Kanina pa ako napapalibot sa mga mesa na nandidito sa event ng party pero hindi ko ito mahanap.
Natuod ako nang maramdaman ang pares ng mga mata na nakasunod sa aking ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan. Napalunok ako at dahan-dahang napasulyap sa gawing harapan at 'di nga ako nagkamali. Nakatitig siya sa akin! Lumakas ang kabog ng dibdib ko na nangatog ang mga tuhod! Ngayon ko lang ulit natitigan ang kanyang mga mata na mababakasan ng matinding pagnanasa! Nakakakilabot lalo na ng ngumisi ito na iniangat ang hawak na glass wine bago tinungga ang laman. Napaiwas ako ng tingin at napapalinga sa mga tao dito. Kailangan ko lang makausap ang ate ko. At makumusta na rin ang lagay niya sa demonyo naming step-father. Baka kasi hanggang ngayon ay binababoy pa rin siya nito. Kahit pa ipinakilala siya nito sa publiko bilang kanyang anak at tagapagmana ng yaman niyang galing din naman sa mga illegal nitong aktibidad.
"Excuse me ma'am, drinks po" ani ng waiter na lumapit sa akin. Nahihiya kong tinanggap ang orange juice na dala nito.
"Thank you"
"Your welcome ma'am. Enjoy po" anito na napapayukong tinanguhan ko lang.
Napapabuga ako ng hangin. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa party ni ate pero hindi ko naman ito makitang lumabas. O baka nakita na niya ako kaya naman kusa na siyang umiiwas. O pwede ring wala lang talaga siyang pakialam sa akin at tuluyan akong kinalimutang kapatid nito.
Wala sa sarili na naiinom ko na pala ang juice na hawak ko habang nakaupo sa available na upuan malayo sa kumpulan ng mga bisita. Dim light ang ilaw dito sa loob kaya nakakahilo ang dating sa akin. Nagsimula akong makadama ng kakaibang init at pagkahilo. Nangatog ang mga tuhod ko lalo't dama ko pa rin ang pares ng mga matang nakatitig sa akin. At kahit hindi ko hanapin ito ay alam na alam ko kung sino ang nakamasid sa akin.
Tumayo na lamang ako at napagpasyahang umalis ng party. Mukhang wala ding saysay na nandidito ako sa party ng ate ko dahil hindi ko rin naman ito mahagilap. Isa pa ay nandidito si Havier Marquez na pinaka-iniiwasan kong tao sa lahat. Malalaki ang hakbang na nagtungo ako ng elevator at bumaba ng parking lot. Habang bumababa ang elevator ay lalo akong nahihilo. Para akong nalalasing na hindi ko maintindihan! Nagsimula na rin akong pag-initan ng katawan. Para akong nasisilaban at may mga bagay na gusto kong makamit na 'di ko mapangalanan. Namumuo na ang mga pawis ko sa noo at napapahaplos sa sariling katawan kahit pinipigilan ko ay parang may sariling isip ang mga kamay kong lumalamas sa sarili kong sūso!
Pagkabukas ng pinto ay napatuwid ako ng tayo at malalaki ang hakbang na nagtungo sa kotse ni tatay na hiniram ko lang. Pero parang gumigewang-gewang ang paligid sa paningin ko na dinaig ko pa ang nakainom kahit wala naman akong iniinom na alak o kahit wine!
"Angeline sweetie. Long time no see" nanigas ako na marinig ang boses nito.
Biglang may mga nagsulputan na kalalakihan sa harapan kong tila inaabangan ang paglabas ko ng elevator. Napapalunok akong nilukob ng kakaibang takot sa puso ko! Para akong maiihi at dama ang panginginig ng katawan!
"How are you sweetie? Hindi mo ba ako, na-mis? Kasi ako? Mis na mis na kita. Mabuti naman at ikaw na ang kusang lumabas sa lungga mo. Hindi na ako, mahihirapang hanapin ka sweetie. Nagsasawa na kasi ako eh....sa ate mo" anas nito mula sa likuran kong ikinakuyom ko ng kamao.
Totoo nga. Hanggang ngayon ay binababoy niya pa rin si ate. Maya pa'y nagtungo ito sa harapan ko at ibinaba ang maskara kong lalong lumarawan ang pagnanasa sa mga matang napapadila ng ibabang labing pinapasadaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka-evening black gown ako na tubless kaya nakalantad ang braso, balikat at cleavage ko. Mataas din ang slit nito kaya lantad ang kaliwang hita ko.
"You still look so fresh sweetie. Hindi na ako makapaghintay, isunod kang reyna ko" paanas nitong napapahimas ng baba.
Akmang hahalikan ako nito na ikinatuhod ko ng buong lakas sa gitnang hita nitong nasapol ko ang pāgkalalakē!
"Urrgghhh! Fūck! Huliin niyo!" sigaw nitong napapadaing sapo ang pāgkalalakē!
Taranta akong tinakbo ang kinaroroonan ng kotse ko nang magsilapit na ang mga tauhan nito para huliin ako! Mabilis kong pinaharurot kaagad ang kotse sa pagkakataranta ko sa mga nangyayari! Habang palabas ng village nila ate ay panay ang sulyap ko sa rear view mirror ko dahil nagsisunod pa rin ang mga tauhan ni Havier sa akin!
Naniningkit ang mga mata ko dahil lalong umiikot na ang paningin ko. Saka ko lang napagtanto ang nainom kong juice kanina sa party. Nakakatiyak akong may inilagay si Havier na gamot doon kaya ibang-iba ang pakiramdam ko! Mas lalo akong nataranta. Hindi ako pwedeng magpahuli para lang maging parausan ng demonyong matandang iyon! Napahigpit ako ng hawak sa manibela at mas isinagad ang speed ng patakbo ko na siya namang pagsulpot bigla ng isang babaeng pinara ako!
Nanigas akong sumubsob sa manibela! Nabangga ko! May nabangga ako! Sunod-sunod na tumulo ang luha at nanginginig ang k
mga tuhod kong lumabas ng kotse at nagtungo sa likuran ng sasakyan!
"Oh my God!" napahagulhol akong napatakip ng palad sa bibig na makumpirmang may nabundol nga ako!
"M-ms? Ms?" untag ko dito na duguan at nakadapa ng semento.
Nangangatal ang mga kamay kong ipinatihaya ito at laking gimbal kong makita......ang mukha kong duguan!!
"Ate!!!!" napasigaw akong niyakap itong naghihingalo na at napapapikit na ang mga mata!
Napahagulhol akong niyakap ito na inabot ang pisngi kong tipid na ngumiti.
"Tu-ma-kas-ka-na. R-run....run A-Ange-line. S-save yo-yourself...j-just li-like be-fore. R-run. R-run" putol-putol nitong saad bago tuluyang pumikit at nanlupaypay ang kamay na nakahaplos sa pisngi ko!
"Ateeeee!!!!! aaahhhhhhh!!!" napasigaw ako ng pagkalakas-lakas na humagulhol habang yakap-yakap ito.
Napatayo ako na marinig ang mga papalapit na hugong ng sasakyan na tiyak kong ang mga humahabol sa akin! Wala akong nagawa kundi ang sumakay muli ng kotse ko at pinaharurot palayo! Habang papalayo ay nakamata ako sa rear view mirror ko kung saan kita ko ang ate kong iniwanan ko sa gitna ng kalsada na wala ng buhay.....dahil sa akin.
"A-ate....patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya....hindi ko sinasadya ate. Patawarin mo sana ako. Patawarin mo ako"
**********
"ATEEEEEE!!"
NAPABALIKWAS AKO na naghahabol hiningang napaupo ng kama! Kaagad namang inabot ni Primo ang bottled water sa tabi ng bedside table na ipinainom sa akin. Basang-basa ako ng pawis at hinihingal! Para akong binabangungot ng gising na mapanaginipan ang pinakamalagim na nangyari sa buhay ko! Ang pagkakapatay ko, sa sarili kong kapatid. Si ate, Shantal Marquez....