Primo pov:
I CAN'T HELP MYSELF BUT TO SMILE while staring at my lovely wife peacefully sleeping beside me.
"Uhmm" she dizzily moan.
"Good morning beautiful, how was your night? Mine was wonderful, with you by my side. When I, open my eyes, and see your sweet face it's a, good morning beautiful day" I sweetly sing a song for her that makes her chuckle.
Napasiksik ito sa dibdib ko na sinisinghot-singhot pa akong ikinatawa kong niyakap itong pinaghahalikan sa kanyang ulo.
"Good morning too baby. Ang aga mo namang nagising" namamaos pa ang boses nito.
"It's already ten o'clock in the morning baby. Common wake-up sleepyhead. Let's enjoy our vacation here" I answered and gently kiss her forehead.
"Hmm? Alasdyes na!?" bulalas nitong napaangat ng mukha at namimilog ang mga matang napagala ng paningin!
Mahina akong natawang nakatitig ditong napapangiwing napabaling sa akin. Napahaplos ako sa pisngi nito at mariing napahalik sa kanyang noo. Bago sa tungki ng kanyang ilong, magkabilaang pisngi at baba. Napanguso ito na ikinatawa kong siniil ito sa mga labing ikinahagikhik nitong pilit din nilayo ang mukhang ikinahabol ko.
"Baby" napahalakhak itong tuluyang bumangon na tumakbo sa gawi ng banyo.
"Mamaya na Primo! Wala pa akong sipilyo!" napahalakhak ako sa sigaw nitong tuluyang nagkulong sa banyo.
Iiling-iling akong napapangiti at kamot sa ulong sumandal ng headboard at pinanood ito mula sa loob ng banyo na naligo. Kahit kabisa ko na ang hubog ng kanyang pangangatawan ay namamangha pa rin akong pinagmamasdan ang kahubaran nito na kita mula sa glass wall habang nakalihis ang kurtina kaya kitang-kita ito mula sa loob.
Pagkatapos nitong naligo ay ako na ang sumunod. Gusto ko sanang ilibot ito sa mga kalapit na isla dito. Nakakatiyak naman akong safe ang buong lugar para sa aming mag-asawa at lagi naman akong nakahanda kung sakali at may makaamoy sa aking kalaban na nandiditong nagso-solo sa isla.
Habang naliligo ay hindi ko mapigilang mapangiti na napapasulyap sa asawa kong napapagala ng paningin sa paligid. Bakas mga mata nito ang kamanghaan sa buong lugar na lalong ikinaniningning ng kanyang mga mata.
*******
PARANG KAILAN lang noong una ko siyang nakita sa isang resthouse nila sa Rizal nung panahong sinundan ko ang ama nitong si Havier Marquez para alamin ang sunod na hakbang ng kanyang mafia at maharang namin ang kanilang epektus. Pero laking gulat ko na ang dalaga pala nito ang pinuntahan sa kanyang resthouse. Hindi niya masyadong nilalabas sa publiko ang anak niya dala na rin ng takot na madukot ito ng mga kalaban niya sa negosyo lalo na sa mafia. At isa na nga ako sa mga matinding kalaban niya.
Sa unang pagkakataon ay may babaeng nakabihag sa malamig at malabakal kong puso. Tumibok ito sa unang pagkakataon na mapatitig sa dalagang nakaupo sa gilid ng pool. Naka-one-piece black bikini na nakasawsaw sa tubig ang mga paa. Kahit napakalungkot niya na tila kay lalim ng iniisip ay hindi maipagkakailang napakaganda niya. Kahit na wala siyang maka-up at nakalugay lang ang mahabang alon-alon niyang buhok. Para siyang anghel na bumaba dito sa lupa. Kahit sinong lalake ay mahuhumaling sa kanya. Sadyang ang malas lang na nagkataon pang anak siya ng kalaban ko. Si Havier.
"Hi" nakangiting bati kong lumabas mula sa pinangkukublian kong matayog na halaman.
Napatayo itong bakas ang gulat sa maganda niyang mukha na makita ako at napatayong iginala ang paningin sa paligid. Napangiti akong makitang namula ang pisngi nito na kabadong hindi makatitig sa mga mata ko.
"W-who are you? What are you doing here? Don't you know that this place is private?" magkakasunod nitong tanong na may pagkataray ang tono.
Napakibit balikat akong humakbang palapit dito na napaatras. Kita ang pagkabahala sa maganda niyang mukha na may kinakatakutan at panay ang linga sa paligid. Marahil iniisip niya na baka makita kami ng ama niya. At mapahamak kami pareho.
"What's your name beautiful?" pag-iiba ko na hinapit ito sa baywang.
Nanigas itong napapalunok na napakapit sa aking mga braso. Namumutla na lalong naglumikot ang mga mata sa paligid.
"W-what do you think your doing? Do you wanna die? Nandidito ang daddy ko. Gusto mo bang pātayin ka niya? Hindi mo siya--umpt!" mahina akong natawa na siniil ito sa kanyang mga labing ikinapitlag nitong napasabunot sa ulo ko.
Napakasarap ng lasa ng kanyang mga labing napakalambot. Natuod ito na hindi makakilos o makatugon sa aking ginagawad na halik!
"Damn baby. Kiss me back" anas ko na muling siniil ito.
"Shantal? Shantal? Where are you sweetheart?"
Napabitaw kaming dalawa na marinig ang boses ng ama nitong hinahanap na ito.
"A-alis na!"
"Ayoko nga"
"Damn you! Gusto mo na ba talagang mamatay huh?!" singhal nitong ikinangisi kong nagpamulsa.
Pero bigla ako nitong niyakap na nagpahulog sa pool. Napayapos ako sa baywang nitong napapatingala habang bumababa kaming dalawa sa malalim na pool. Napangisi akong hinawakan ito sa batok at muling siniil sa kanyang mga labi habang nakatitig ditong namilog ang mga mata na napatitig sa akin. Panay ang kurot nito sa braso kong hindi ko na iniinda at mas pinalalim ang pang-aangkin sa kanyang mga labing dahan-dahan nitong ikinayakap sa batok ko at tinugon na rin sa wakas ang mga labi ko!
Bawat hagod ng aming mga labi sa isa't-isa ay parang humahaplos sa puso ko. Hindi ko mapigilang mapaungol na mag-init ang katawan at mapahaplos na rin sa katawan nitong napakalambot. Ramdam kong nauubusan na ito ng hangin kaya panay ang buga ko ng hangin sa loob ng bibig nito. Napababa sa kanyang panga at leeg ang mga labi ko. Hindi naman ito umaangal at hinahayaan lang ako hanggang naabot ko ang kanyang nakalitaw na malusog na cleavage at doon salitang sinisipsip ang kanyang balat na ikinasasabunot nito.
Muli kong binalikan ang kanyang mga labi at binugaan ng hangin na loob ng bibig. Namumungay ang mga matang napadilat akong tinitigan itong nakapikit at may ngiti sa kanyang mga labi. Dahan-dahan itong nagmulat na ikinatama ng aming paningin. Napangiti akong hinapit ito sa baywang na malagkit pinakatitigan. Napapahaplos na rin ito sa batok ko at nagagawa nang salubungin ang mga mata ko.
*********
PAGKATAPOS ng araw na 'yon ay hindi ko na muling nasundan ito. Kaya nangako ako sa sariling hahanapin ko siya anuman ang mangyari. Hanggang isang araw naipabalita na, na-hit-and-run ang nag-iisang heredera ng pamilya Marquez at kinumpirma ni Havier Marquez na anak nga niya ang nabundol at sa kasamaang palad ay dead on arrival na naideklara ito sa hospital! Ginawa din niyang pribado ang burol ni Shantal na pina-crimate kaya hindi ko manlang nasilip ang mahal ko. Kahit ang sementeryo kung saan siya inihimlay.
Ngayon naiintindihan ko na ang lahat-lahat. Hindi si Shantal ang ipinagluksa ng matanda. Kundi ibang tao. Dahil ang totoong Shantal ay kasa-kasama ko at ngayo'y asawa ko na. Hindi man niya naaalala ang nakaraan ang mahalaga sa akin ay napasa-akin din ang mahal ko. At ngayo'y wala na akong mahihiling pa. Dahil nasa akin na ang taong, pinakaminimithi ko. Na buong akala ko'y sa panaginip ko lang makakamit. Pero heto siya. Buhay na buhay sa harapan ko. Nakikita, nakaka-usap, nahahawakan, nahahalikan at naaangkin ng buong-buo.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko habang nakatitig sa asawa kong nakahalukipkip at nakamasid sa asul na dagat mula sa glass wall nitong silid. Parang kailan lang nung panahong mahibang-hibang ako sa kahahanap dito at isang araw ay malalamang wala na ito. Akala ko katapusan na ng mundo ko lalo na't hindi namin matunton kung saan nakaburol ito sa galing ng ama niyang magtago. Pero ngayon ay nandidito na siya harapan ko. Napasaakin din sa wakas, ang Shantal ko. Ang, first love ko.