Angeline pov: NAPAPANGITI AKONG marahang hinahaplos sa ulo si Primo na nahihimbing sa gilid ng kama katabi ang anak namin. Mukhang hindi kaagad ito nakatulog at nakaupo pang nakasandal ng headboard na dinatnan ng antok. Bakas din ang puyat dito na kita sa nangingitim na nakapalibot sa kanyang mga mata. Maingat akong bumangon na umikot sa gawi nito at inalalayan itong makahiga ng maayos. "Uhmmm" "Good morning baby. Matulog ka pa" mahinang saad kong napahalik sa kanyang noo. Napaungol lang naman itong hinayaan akong inihiga siya ng maayos. Napapangiti pa itong tumagilid na niyakap ang anak naming katabi nito. Napangiti akong inayos ang kumot ng mag-ama ko at napahalik sa kanilang pisngi bago binuksan ang mga bintana at pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Nangingiti akong maingat