Angeline pov: NAPUNO NG halakhakan naming pamilya ang buong sala at kusina sa pagkukulitan namin kung saan magkalampi kami ni tatay Amor at magkakampi naman si Primo at Eivo. Sobrang gaan ng loob ko kahit hinihingal at pinagpapawisan kaming lahat matapos ang ilang minutong habulan at kilitian namin. Magkakasalo din kaming nag-agahan na panay ang asikaso sa amin ni Primo. Kulang na nga lang ay pati ako subuan nito dahil nagpapabebe ang anak nitong naglalambing na nagpapasubo kay Primo. Nangingiti naman si tatay na ibang-iba din ang kinang ng kanyang mga mata habang napapamasid sa aming pamilya. Matapos naming kumain ay nagkausap ang mga ito sa sala na tila seryoso ang pinaguusapan. Nandidito naman kami ni Eivo sa gawi ng kusina. Tinutulungan niya akong magligpit ng aming pinagkainang pa