Primo pov: WALANG PAGSIDLAN ang sayang nangingibabaw sa puso ko sa mga sandaling ito habang nakamata sa mag-ina kong payapang nahihimbing sa tabi ko. Nangingilid ang luha ko. Pero luha dulo't ng labis-labis na tuwa at pasasalamat sa Maykapal na ibinigay nito sa akin ang ganto kagandang regalo na 'di ko lubos akalaing mapapasa-akin. Ang makasamang muli si Angeline at magkaanak kami nito. Akala ko sa panaginip ko na lamang ito mararanasan pero, nagkamali ako. Dahil heto sila, buhay na buhay. Kasama ko. Kahit madilim ang mundong ginagalawan ko sa larangan ng mafia ay mabait pa rin sa akin ang Diyos na ipinagkaloob niya ang minimithi ng puso ko. Ang makasamang muli ang asawa ko. Bonus pang may supling na kaming bunga ng isang buwang puno ng oagmamahalan namin noon. Napahaplos ako sa ulo n