Bukas pa naman ang usapan namin ni Ally, kaso narinig ko sa tauhan namin dito na may aaligid daw dito at anak ‘din ng may kayang pamilya na tulad ko ay may mga lupain din dito. Kaya kating-kati ako na puntahan ang babae. At malayo pa nga ako ay kita ko na ang lalaki. Nakakoste ako pero sa malayo ko pa rin pinark. May pigura naman nga ang anak ng Varias at balita ko ay mabubuti nga ang mga ito pero nauna ako kay Ally touch move na . Lakas ‘din ng loob magpakilala at mukhang popular nga sa mga kababaihan dito. Pero wala akong pakialam basta akin si Ally.
Nag-usap ang dalawa at halos humaglapak ako ng tawa ng makita ko ang ginawa ng Babe ko. Hindi ko man marinig ang usapan panigurado ako ginamit na naman ng babae ang ipinagbabawal na tiknik nito. Ang pagiging taklesa, prangka , walang filter kahit sonsored ang topic.
I really love her sa paraan na ‘yun. Napaka totoong tao at mas masaya kasama. Ikinasya ko pa ng talikuran na nito ang lalaki pero ang nasabing lalaki ay nanatili pa ng umabante ito palayo. Natuwa ako akala ko ay aalis na ‘yun pala ay di-distansya lang pala kaya napilitan akong lumapit na rin. Pansin ko ang mga taimtim na tingin ng ibang nasa paligid. Samantalang ang bulera queen no pansin. Ang iba naman pati ang may mga edad na kasali ay nasa kanya ang atensyon.
Nang umpisahan na nito ang pagkalog sa ratan na parang bote ay natawa ako kasi naman focus na focus s’ya. Bahagya pa kami nagkatinginan ng lalaking nasa ‘di rin kalayuan. Naging iba ang paraan nito sa pagtingin sa akin parang na nganglase nga ng tao. Hiya naman ako sa kanya e, Oppa na Oppa ata to.
Inalis ko ang tingin dito, natatawa ako sa mga words na sinasabi ni Ally hanggang umabot sa 69 para akong namatanda gano’n ‘din ‘yung Zandro, imagine hindi s’ya nahihiya napaka blaunt n’ya sasabihin n’ya ang gusto n’ya. Hanggang sa makita na kami ng mga kabinguhan n’ya. Parang ang iba ay natulala habang nag aabot ng bayad o taya. Kaya napilitan ang babae na lingunin kami. At mukhang nagulat ‘din hindi agad ako nakareact habang nagmamadali itong likumin ang pera niya at nang sabihin nito na ang mga kataga na..
“Anong tinutunganga niyo d’yan hanga kayo sa ferzon! ” lalo akong namamangha sa kanya nagising lang ako ng patabihin kami at sinabi na naman na ‘di kami kagwapuhan baka si Zandro, pwede pa pero ako— it’s a No!
Kagaya ng makita ko ito ng isang araw ay ang bilis na naman nitong maglakad. I find it cute mukhang napahiya s'ya sa amin. The heck! Sa akin lang dapat s'ya gano'n at 'wag sa lalaking ito.
Speaking about this man, at talagang sumunod 'din s'ya kay Ally. Ano may magiging karibal pa ako? Ay hindi naman ako papatalo sa' yo! Muli kaming nagkatinginan at sabay pang nagsalita at pareho pa ng punto at katanungan.
"Why are you following her? Are you courting her?" daig namin ang koro sa dahil sabay na sabay kami.
"Yes, Yes" ang puta sabay na naman kami. Huminto muna kami kita na naman namin ang 'di kalakihang bahay pero maayos naman.
"So may the best man win! " Sabi ni Zandro, na parang sure s'ya na winner na s'ya, taas ng tiwala sa sarili.
"Sure! May the best Oppa win! " Natawa ako sa sinabi ko. Kayumanggi kasi ito kaya naiinis ata bahagya bumusangot pa
Bahala s'ya sa life n'ya.
Naglakad na ako at nilampasan ito medyo malayo na ako mukhang natauhan naman at agad 'din na humabol. Malapit na kami sa bahay nang makarinig ng tili ng isang babae at kay Ally' yun for sure. Hindi naman nakakabahala. Ang cute cute pa nga. Nagtitiis ito na para bang inis na inis sa sarili. Tama nga ang hinala ko nahihiya s’ya sa nasaksihan namin na ginagawa n’ya. Pero I find it fun and interesting.
Kaya nabuo sa isip ko one of this days makiki-join ako sa bingo nila. Matagal kaming nakatunganga sa labas at hinihintay namin na kumalma ang babae baka mas mahiya o di kaya magalit pa ito sa amin at kami ang pagbalingan.
Biglang nag-flashback ang nangyari nung ,isang araw ng bigyan nito ng flying kick ‘yung isang lalaki. Medyo kinakabahan ako baka balikan s’ya ng lalaking ‘yun kahit pa marunong s’yang lumaban— still she’s a woman. Isang boses ng batang lalaki ang narinig namin na nagtatanong bakit? walang duda ito ‘yung batang iniligtas n’ya another plus point ka babe.
“Ate bakit po?” Tanong ng bata na halatang nagaalala. Mukhang natauhan ang dalaga at agad naman natigil.
“Ah wala Tibo, ‘wag munang isipin si Ate balik ka na, sulat ka ulit check ko mamaya! ” Aboy nito sa bata. Mas napapabelib pa ako ng babae sa mga ginagawa nito, pero akala ko ‘yun na maganda na ang mood ng mag habol ng salita sa bata.
“Ah Tibo, A-ah…. pag may maghanap sa akin sabihin mo wala, umalis o di kaya tulog. Naiintindihan mo ba?”Sabi ng babae sa bata na parang aligaga.
“Eh!!! Ate bad magsinungaling ‘diba?”Sabi ng bata na bahagya kong ikinatuwa, tamanga naman ang bata bad magsinungaling pero nawala ang tawa ko.When suddenly reality hits me . Tumpak ang sinabi ng bata, ako ‘din pala bad ang ginagawa ko pero itatama ko naman soon.
“ Oo nga bad ‘yun! pero it will save Ate. Do you want Ate Cris to be put in danger?” s
Sabi ng babae na kinaismid ko. Danger daw! di lang maamin na napahiya.. Sus, may side palang ganito ang Babe ko.
“ Ate anong danger ‘yan? Ipaglalaban kita gaya ng pagtatanggol mo sa akin. Bata pa ako pero may mga kaya akong gawin para sa’yo. Ay Ate nag luto na ako kain ka na po. Nauna na ako kasi nagutom ako. ”Sabi ng bata napaka responsable at maalalahanin. Bahagyang dumungaw ang bata at nakita kami ng tumingin sa akin ay naka ngiti ito pero umismid sa lalaking nasa gilid ko. Kilala kaya ng bata ito?
“Ate sila ba ang may atraso sayo?’ yung koreano pasok ‘yan, pero itong isa ayoko d’yan pinagbintangan ako ng mga tauhan n’yan magnanakaw e, napulot ko lang naman. ‘Di ako pinagtanggol n’yan! ”Sabi ng bata mukhang totoo dahil natigilan ang lalaki. Aba may pagka gagong side pala ito.
“ Hayst nandito kayo? Diba bukas pa usapan natin Golan? Ikaw diba sabi ko sunod na lang? Ano ‘yun Tibo? Sino sa kanila ang pinabayaan ka at anong ginawa sayo?”Sabi ng babae na naniningkit ang mata ng balingan ng tanong ang bata.
“Ah confirm, ko lang na ako na ang magsasaka ng lupa mo, ‘yun lang” Sabi ko dahil kaiba ang awra ng babae.
“Ah! Cris, misunderstanding lang ‘yun wala namang ,ginawa ang tauhan namin sa bata. ” depensa ni Zandro pero iba na ang timpla ng babae.
“ Wala daw! inihagis ako ni Mang Banjo tatlong araw nga akong iika-ika, buti hinilot ako ni Aling Onyang.” Buong tatas nasabi ng bata. Ang sarap bigwasan ng gagong to bata ganon pagtrato nila.
“Alis … Umalis na kayo! ikaw Golan, balik ka bukas. Ikaw naman bumalik ka kapag kaya mo ng dalhin dito ang Banjo na ‘yun. Sparing ka mo kami kapag natalo n’ya ko quit na. Pero kapag natalo ko s’ya papaalila siya sa akin dito sa lupain ko. Naiintidihan niyo ba? So alis na bago pa kayo ang pag-diskitahan ko sa inis!?” Malamig na sabi nito sa aminnat iglap lang parang ibang tao ito. Ano daw naghahamon ng sparing dyos ko! iba siya talaga sa lahat.