MY ONLY PROBINSYANA _6

1663 Words
Araw araw ata may malalaman ako about sa nangyari kay Tibo, mabuti na lang at nakagawa ako ng paraan para makabawi sa kahihiyan ko dahil sa binguhan na ‘yun. Pero isipin na ang daming nangyari sa bata sa nakalipas na panahon ay talagang nakakasagad ng pasensya, lalo na ang mga taong may dahilan sa paghihirap nya. Grabe akala ko nga kanina ‘di na ako makakabawi sa kahihiyan ko kasi nga imagine dalawang mala adonis ang nakasaksi sa kalokohan ko sa binguhan. Pero may ideya pa ako na mas gagawin para malaman kung sino sa dalawa ang totoong makakatanggap sa isang sugarol na gaya ko. " Naku naman Cristine, kung anu-ano iniisip. Hindi naman lovelife ang sadya mo dito. ” Sermon ng isang bahagi ng utak ko. Pakialamera pa, pwede naman na dalawa ang makuha na ibon sa isahang pag-bato. Pero hanggang ngayon binabagabag ako ng sinabi ni Tibo. Maging ang mga binitawang salita ni Aling Onyang sa akin parang may koneksyon at parang mali ‘din naman. Nagulat pa ako ng lumapit sa akin ang bata at ipakita ang sinulat masasabi kong mahusay naman ito. Matiyaga ang bata sa matuto pangita na agad na may isang solidong goal ang bata. Total Allejo, nga mga buo ang loob at may paninindigan pero pagdating sa pag-ibig ligwak na lumalagapak. Paano ko nasabi kasi naman si Juancho may pagka astig may pahiga-higanti pa sa naging jowables ng Tatay n’ya e , mali naman ang impormasyon at maling babae ang pinag-iinitan. Double purpose ang pinag-iinitan, ang loko nahulog rin naman sa kamandag at karisama ng babaeng tumakas sa buhay n’ya sa malayong probinsya na si Xhymich Mulig Calboner. Isa pa ang babae na ‘yan kakatago at takas sa pamilya. Pamilya nito kasi ang nag mamani-obra ng buhay niya hayun kay Allejo na punta. Ewan, ko kay Juancho mahina ata radar. Basta tira na lang hindi muna nagpa-investigate bago bumira. Oo at spotted ang matandang Allejo at ang dalaga dahil una palang naman si Xhymich at para na kay Juancho. Sabi-sabi lang malay niyo naman may dumating na iba. Oh ‘diba ang shunga ng mga Allejo sa pag-ibig. Si Migo later i-spluk ko din ang kwento n’ya, isa pang ulaga at kalahati ‘yun. Nabalik ako ng makarecieve ng text mula kay Mommy Em, Ano kaya ang reason ng babaeng ito para alamin kung nasaan ako. Mommy Em: Nasaan ka pukenday? Ako e, Malalagasan na ng bulbol sa inyo nina Sharina, hindi pa man ito nabibilang ni Darius!. Ito ang lamang ng text niya, imbes seryosohin ko ay napahagalpak ako ng tawa. Kahit kailan talaga si Mommy Em, loka-loka pero napakabuti namang kaibigan. Later na ako kakanta sa kanya pag na isaayos ko na ang pakay ko dito. Nasa gano’n akong pag iisip ng maka-receive ulit ng text mula sa huli. Mommy Em: Tangina n’yo ah! Una ko kinasal pero hanggang hagdan palang papuntang langit ang narating ko, kaya utang na loob ‘wag muna kayong maunang umakyat sa langit. Kukurutin ko mga tinggil niyo! Hoy ‘wag kang tumawa tililing hindi ako nagbibiro. Enjoy but learned to control ayokong may iiyak sa inyo. Love you cristi-liling love ka ni Mommy Em the ever gorgeous and sexiest…. Ps: subukan mong kumontra papasukin ko ang butas mo ng walang makinabang...Hahaha. At talagang may paganto, kahit may biro tumagos sa puso ko ang mensahe n’ya medyo nagising ako dun. Utang ko sa kanya ‘yun. kamuntik na akong nakalimot na i-guard ng husto ang sarili ko saka sabi nga pwedeng tumikim ‘wag lang unli mukbang at all the way. I decided na tumayo na sana para magpahinga wala pa kaming Tv saka konti lang estasyon na sakop ng signal dito sa lugar pero ayos lang gusto ko pa naman sana makikibalita sa idol ko na si Vhong Navarro. Alam ko na inosente siya.Hilatsa palang ng pagmumukha ng babae na pa victim ay nako. Another message na naman ang nareceive ko expected ko ay si Mommy Em pero mali ako unknown number Unknown no. : welcome backl Cristine. ‘Yan ang laman ng text kakaibang kilabot ang biglang gumapang sa akin. Bakit ganun ang paraan ng pagkaka-tawag sa akin, pero baka trip lang n’ya. Pero sa amin pilit sinaksak sa isipan namin na lahat ng hint at kutob ay dapat paglaanan at bigayan ng focus. Bago pa ako mahulog sa malalim na pag-iisip tumayo na ako ng tuluyan at pumasok sa silid. Tatlo naman ang silid dito may bentilador na mga sinauna pa pero maayos na gumagana naman nasa kabilang silid si Tibo na kanina pa siguro tulog. Hindi ko na nasilip at nilamon na ako ng mga isipin, bukas panibagong umaga na naman sana ay unti unti akong makakuha pa ng sagot sa bawat tanong ko at kung sino man ang nag text na ‘yun at malaman kong biro humada s’ya. Isa ako sa pinakakalog sa amin na magkakaibigan pero ako ang tinaguriang Berdugo wala akong awa nagiging ibang tao ako sa oras ng laban at kagipitan. Kung minsan ay ‘di ko maalala ang mga gano’n pero si Sharina, talaga ang taga paalala at taga kwento ng mga nangyayari parang reporter ang loka na babae ‘yun. Take note, pati kung ilang paghinga at mura ang nagawa ko bilang ng gaga. Pero ako hindi ko matandaan minsan nga nag consult ako sa doctor sabi naman normal ako. Ganun daw ang epekto minsan sa mga taong dumaan sa matinding problema o trauma at proper counselling lang. May be later pag tapos na ang lahat ng ito mag heal ‘din ang lahat sa akin. Nahiga na ako sa kama at doon ako bahagya pang nag-isip hanggang gupuin na ng antok. “A-ate….A-ate… Saan ka pupunta ‘wag mong iwan si Tinay paano ako Ate? Bangon ka na d’yan Ate ko! Kawawa ako Ate…..A-t-e. Babalikan ko silang lahat pangako Ate magbabayad sila sa hindi mag iisa si Tinay kung hindi dahil sa kanila…” “ Tahan na bata, bakit ka nTahanaiyak d’yan sa tabon na lupa? Mamaya may mga worms at ants pa d’yan baka makagat ka at pasukan ng worm, eww kadiri ..” Isang imahe ng batang lalaki na hindi ko na matandaan ang pangalan ang laging pumuputol ng panaginip ko. Panaginip na sadyang nagpapaalala ng lahat ng pangako ko sa puntod ni Ate, saglit lang ‘yun pero kaya n’yang baguhin at guluhin ang lahat. Magmula ng binigay sa akin ni Lady M ang mga detalye ng mga naipon na n’ya bumalik na naman ang panaginip ko na ito. Isang singkit na batang lalaki matanda marahil ng dalawang taon sa akin masayahin s’ya pero parang hindi lubusan. Nang tingnan ko ang orasan ay agaw na ang hating gabi medyo maulan ‘din naisipan kong lumabas at uminom ng tubig at parang sa pagkakaalala ko ay may naiwang bukas na bintana na maliit. Una akong pumasok sa kusina kumuha ng tubig sa lumang banga ang sarap ng tubig na imbak dito. Hindi na kailangan ng refrigerator para sa malamig na tubig, syempre chineck ko muna ito kung malinis at laking gulat ko na malinis. Na alagaan ng maayos ang bahay at kasangkapan. Nang makinom na ko pinuntahan ko ang bintana na bukas. May nahagip akong pigura ng lalaki pero wala akong maramdaman na kaba, takot o anu pa man. Medyo madilim kaya di ko maaninag ang mukha. Sa tingin ko ay napuna ako ng lalaki k’ya nagmadali na pumulas. Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Tibo na may nakikita sila noon pero babae, ibig sabihin meron talaga at sana one of this days ay makilala ko na kung sino man ito. If he or she is threat lilinisin ko ang daan ayoko ng abirya sa lahat ng plano ko. I’m a good in cleaning any mess wala akong iniiwan na kahit anong bakas na nagtuturo sa akin na ako ang gumawa ng paglilinis. Bumalik na ako sa kwarto kahit ako hindi makapaniwalang hinayon ‘din agad ng antok.. Malakas na tawanan ng bata at lalaki ang naririnig ko sa labas. Pupungas-pungas pa ako ng masilip ko ang gilid ng bintana na awang ay parang kakasikat palang ng araw. At sino kaya kausap ni Tibo? At bakit laging ang aga gumising ng batang ito? Piikit pa isa kong mata ng bumangon ako at nag-tungo ako sa lababo sa kusina at naghilamos. Halos mapatili ako dahil ang lamig ng tubig palibhasa ay ipon na sa lagayan. Matapos ay agad akong nag-sipilyo. Motto ko kasi ay hango kina kris tsuper at nicole ‘yun una magdasal ka para humaba ang buhay, pangalawa magsipilyo ka para mabuhay naman ang iba ay ewan limot ko na. Nang matapos na ako ay kaagad akong naghanap ng mug, magkakape ako pero gulat ako ng may kamay na nag-abot sa aking ng baso na umuusok laman ay kape. Kaagad akong napatunghay at shemey si Logan ang bumungad sa akin . Oh kay ganda, oh kay ganda mag alay sayo haype na utak to may pa background music pa. Natagalan ang titigan namin na dalawa nabalik ako sa gunita ng magsalita ito. “Oh common babe, hindi ako kagwapuhan para titigan mo ng ganyan! May muta ka pa ata kaya nagbago ang tingin mo sa akin? ”Tatawa-tawa nitong sabi kaya ako napaigtad at ‘yun nga katangahan na naman natabig ko ang baso ng kape at bumuhos ang kalahati sa kamay ko. “s**t bad morning pal” Bulong ko sa utak ko habang kaya naman sanang tiisin ang sakin sanay ako sa ganito pero dahil nag iinaso ako it’s show time.. “Ahhh…. Ahhhh…. A-aray ko ang sakit! ” Kita ko ang pag aalala ni Logan at pagkataranta kaya lihim akong nag bunyi. "The Best Actress Goes To Cristine Ally Perez..” “ Bravo self ang galing natin pak na pak “ bulong ko sa isip po pero laking gulat ko sa ginawa ng lalaking ito. “God save me po please sa karupukan 101! ”Piping sabi ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD