“Tibo lalabas lang ako ah. Gusto mo bang sumama?” Tanong ko sa bata na ngayon ay nagsusulat. Nagpa-practice ito dahil papasok na ito. Nakaka tuwang pagmasdan ang bata na ito kasi kitang kita na talagang gusto n’ya mag aaral. Pupunta muna ko kay Aling Onyang dalawang araw na ako dito baka sabihin naman ay walang pakisama sa kanila. Alam niyo naman kasi na advance ang iba rito mag isip kaya uunahan n’ya na ayaw n’ya ng ibang kairingan dito dapat manatiling si Ineng lang s’ya kaso na pwersa s’ya ni Raulo.
“ Ate pwede bang dito na lang ako. Aaralin ko pa kung paano ko mapaganda ang sulat ko sa pangalan ko baka sabihin ay matanda na ko para sa antas ko tapos gano’n pa ako magsulat.”Nanghahaba ang nguso nito habang nagsusulat, naaunawaan ko s’ya. May dahilan ang bata kung bakit focus ito. Ang pinagtataka ko lang, bakit tibo ang palayaw ng bata e ang ganda ng pangalan? Hanggang naisatinig n’ya ang katanungan.
“Bakit pala Tibo ang tawag sayo e, anlayo naman sa pangalan mo?” tanong ko, talagang confuse ako sa pangalan at dahilan bakit naging s’ya si Tibo samantalang Timothy Brent ang pangalan n’ya. Anu ‘yun dahil sa ba sa TB ang una pangalawa na name n’ya.
“ Kasi po gawa ng papa ko’, Sabi nila mayaman ang papa ko pero anak ako sa labas, pumatol si Mama sa isang haciendero na byudo pero iniwan ‘din kami kasi ‘di matanggap ng mga anak nito na may kami ni Mama sabi lang naman ‘yun nina Aling Karing sa akin,”sabi ni Tibo na mukhang hindi naman apektado parang normal na kaya nasundan pa ang tanong ko.
“ Taga rito ba talaga kayo? Kung hindi paano kayo na padpad dito?" Sunod-sunod kong tanong sa bata mukhang nag-iisip naman din.
“Sabi po ni Mama, ‘di kami taga rito lumayo daw s’ya kasi galit ang mga anak ni Papa samin, ayaw n’yang madamay ako kaya dito kami na padpad. Alam mo Ate maganda si Mama, kahit medyo na losyang na. Paano kasi ‘yang si Tito Raulo ‘di naman naging mag asawa sila ni Mama a-asuming ba, ‘yun ay pilingero na lang . Pinatira daw kasi si Mama ng unang salta dito, nagkagusto kay mama e, mahal ata talaga ni Mama ang tatay ko. Nalulungkot ako ‘di na ako binalikan ni Mama baka napagod na rin s’ya na mag intindi sa anak na gaya ko. Magsisikap ako Ate para balikan ako ng Mama ko dito ‘yung ma-proud s’ya sa akin tama ba Ate ‘yung sinabi ko?”Mahabang sabi nito na tinanguan ko at sabay talikod awa at sakit ang nararamdaman ko tuwing may bago akong nalalaman tungkol sa kahapon ni Tibo. Ang bata n’ya pero ang bibigat na agad ng binigay sa kanya. Akmang lalabas na ako ng magsalita s’ya na halos magulantang ang buong pagkatao ko. Nagpapakahirap ito dito gayong galing pala sa mayamang angkan kaya pala kahit punit ang damit, payat ang pangangatawan at maliit sa edad ang height ay bakas ang kagwapuhan ng bata.
“Ate naalala ko na pala ang pangalan po ni Papa paulit-ulit ko po iyang pinapabasa noon sa Mama mo. Timotheo Borris Allejo po kaya ang tawag sa akin ay Tibo. Alaala po daw kasi ako ng pagkakamali ni Mama sabi ng mga bingera doon kina Aling Onyang, lagi nga po binubulyawan ni Aling Onyang ang mga ‘yun nakasanayan ko na rin Ate, ”Mahabang sabi nito parang totoo nga na nakasanayan na nito pero mali ‘yun.
“Mali ‘yun simula ngayon hindi ako papayag na ganyan sila sayo. Ayos lang ba na sitahin ‘din sila ni Ate Cristine? Oh s’ya sige una na ako mag bonding muna kami ng mga chismacker’s doon at ng masabihan ‘din ng matuto. Mag-aral ka d’yan titiganan ko ‘yan pag-uwi ko ha!” Sabi ko dito na kita ko napangiti ito. Alam kong bata pa talaga si Tibo gusto nito at hangad maalagaan, tanggapin at mahalin susubukan kong maibigay ang konti mula sa akin. Dahil ako man kulang na rin magmula ng mawala si Ate ko. Palabas na ako ng magsalita muli ang bata na ngiting-ngiti pa.
“Ingat po Ate, ako na po bahala magsaing enjoy po. Mali ata Ate ingat sila sayo galing mo pa namang sumipa. ” Sabi nito na bakas ang paghanga pero kita ang kainusentihan. Pero pagtitigan ito ay nahahawig nga kay Juancho. Pangako Tibo pag-ayos na lahat sa akin Sasama kita at ilalagay sa tama ang buhay mo, na deserve na deserve mo kahit makipagbangayan pa ako sa magkapatid na ‘yun.
Malayo pa ay nakikita ko na ang umpukan mukhang kumpleto na at mag-uumpisa. Na miss ko ang ingay na ganito hindi kasi ganito sa maynila iba ang ingay kasabay ng polusyon. Medyo may na ibang mukha sa mga ito baka mga dayo na. Palapit na ako ng makuha ko ang atensyon nila sari-saring reaksyon at komento kesyo kamukha ko ang Ate. Pero ayaw padaig ni Aling Mangue kesyo ay mas maganda daw ako. Pansin naman ang ibang kadalagahan ay pilit ang ngiti habang nagtaasan ng kilay na magulo pa sa traffic at one line naman ang sa iba Diyos ko itago ang dorco na blade dapat. Attitude lang mga Ateng. Sus mga impakta sila wala silang binatbat sa beauty ko, ngud-ngod ko sila sa tae ng kalabaw. Ay sinasabi ko talaga don’t me kahit pauwakan ‘di nila ako mapapa-ayaw sa laban lalo’t tama ang ferzon.
Nang makalapit ako ay hindi pa nasiyahan ang mga chismacker na legend at panay usisa. Natigil lang ng magsalita si Aling Onyang na lubayan na ako at ayun nga nagsimula na ang bingo. Habang pasimple kaming nag-uusap pasimple ‘din ang mga nanlilisik na mata ng mga impakta. Paano ba naman naglabasan ang mga nuno sa punso ay binata pala. Aba! Saksak nila sa lungs nila kundi lang kasing gwapo ni Logan Yu ay ‘wag na lang. Haler choosy ang ferzon you know. Paarte kong isip dyosko sabi ko lang kay Logan na ‘di kagwapuhan pero halos bumuka ang lupa sa kasinungalingan ko. Nabalik ako ng sabihin ni Aling Onyang na mag bingo na daw s’ya kaya sabi ko ay sasali ako. Nang pumuwesto na ako ay nagulat ako ng may naiibang itsura pasado na at mukhang ‘di lamang lupa. Ang bad ko no? pakialam n’yo.
“Ako nga pala si Zando Varias taga kabilang barangay ako. ”Pagpapakilala ng lalaki kiat ko naman ang mga impakta na inggit na inggit sa akin ay ito ata ang pantasya nila.
“ Tinatanong ko ba?” Nabigla kong bulalas kita ang pagkamangha ng lalaki. I don’t see any negative expression sa kanya. “I’m sorry na bigla lang ako. It’s to meet you Zandro by the way highway ako nga pala si Cristine Ally Perez, pero alam mo istorbo ka magbibingo ako e. Kaya later na lang tayo mag chukchakan este mag getting to know each other ok lang ba? Hindi ka bana turn off sa akin dahil bargas ako?” Natanong ko na ang lalaki kasi mukhang aliw na aliw pa ito at tuwang tuwa pa sa mga padali ko sa kanya.
“Nope you're so unique. Ok pwede bang bumisita sa inyo if it’s Ok?” Maayos na sabi nito kaya sino naman ako para tanggihan s’ya.
“Ok, sige pagtanong mo na lang bahay ko. Oh sige na bobola pa ako adios senior. ” Pagka sabi ko noon ‘di ko na nilingon ang lalaki dinig ko ang mga bulungan ng mga chananak sa tabi ko. Kesyo baluhara ako wafakelz no, sila nga mga mahinhin ang peg, ay matutuod na ‘di pa napapansin. Ang mga exotic beauty kasi. Alam ko naman na nasa likod ko pa ang lalaki hindi naman ako ang bobola pipili pa lang ako ng card e, naramdaman ko naman ang paglayo ng lalaki at si Aling Sonia’ng bunganga ‘di nakatiis at kumuda na.
“Ay Cristine, alam mo bang pantasya si Zandro, magandang lalaki na mayaman pa tapos ikaw e, paganyan ganyan pa. Kakaiba mga natutunan mo sa pagkawala mo. Abay palay na nalapit ayaw mo pa tukain ng tukain." Sabu ni Aling Sonia.
“Ay Aling Sonia wala naman ako kiber sa yaman o gwapo, doon pa rin ako sa magpapatibok ng puki ko este puso ko. Ano ba bingo na kung anu-ano ang nasasabi ko.” Nagtatawanan naman sila. Aba, ginawa pa akong entertainer ng mga legendary na to. Saka what I did is strategy, ‘di na uso ang pademure at pahinhin uso ngayon cowgirl at boyish ‘yan ang nakakahumaling.
Mukhang swerte ang ferzon sa limang polya ay bumingo ako ng tatlong beses at wala pa akong labas na puhunan. Ayan tuloy inis ang mga legendary at ako papabulahin ay wrong move mga tanders sabog ang ihi n’yo sa tawa sa akin.
“ Ready na ba mga Mamang?”tanong ko at mga nag-tanguan naman kayo bumola na ako kinalog ko ng bongga ang tambyolo at humugot ng isa. “ Sa letra ng N naninisip ng lakas minsan tao minsan hayop at malupit minsan ay kamukha n’yo. ” sabi ko nagkatinginan naman sila.
“ Loko ka, ano ‘yan 44 pokpok ay kahit ganire ako isang t**i lang pumasok dito gahin-liliit pa. ”Napatanga ako kay Aling Karing. Iba din bumira.
“Hala s’ya Aling Karing mali ka naman. Aba ay 37 po. Mumu ‘yun ‘diba ng sa hayop nanggagaya ng mukha at nangangain ng tao aba judgemental ka, ‘wag ganon napaghahalataan tuloy.” Bunghalit ng tawa ang iba kaya kinulog ko ulit na makadami na.
“ Ay eto maganda kakambal ito ng sasapitin ng 44 pag hindi nag iingat at todo- todo lang ang bukaka at paararo sa letrang G Buntis 60, ”sabi ko ang mga loka hagalpakan pa talaga at parang walang bukas mamaya kaninong panty ang mapanghi. kalog ako ng kalog ng mahuigot ko ang numerong bingo ko kaya naman nilagyan ko ng palabok pa ang tawag.
“Paborito mo, n’yo at ng iba pa, masarap gawin lalo’t paulan-ulan pa minsan ikaw sa ibabaw kadalasan s’ya let’s rock n’ roll 69. Opss Bingo na ang ferzon 37, 60,69. ”Masayang sabi ko pero ang mga ito ay tulala k’ya lumingon ako sa aking likuran gano’n na lang ang gulat ko at hiya ng makita si Zandro at Logan mukhang mga namatanda.
“Sh*t narinig ba nila ang pag bola ko?Oh e, Ano naman ?”Mabilis akong nakabawi kailangan ,’di ko indahin si Cristine ata ito.
“Oh, Anong tinutunganga n’yo d’yan hanga ba kayo sa ferzon?”Mabilis kong kinuha ang bayad ng mga legendary at nagpaalam ako na uuwi na kahit paano ay may kahihiyan ako.
“ Tabi nga! Mga ‘di kagwapuhang herodes, ”sabi ko at nagmamadali akong umalis nakakahiya d’yosko ang mga salita ko pa naman. At bakit combo pa sila talaga bukas pa naman ang usapan namin ni Logan pati ‘yung Zandro na ‘yun ay kaurat sila.