MY ONLY PROBINSYANA _3

1553 Words
Logan Ewan ko, kating-kati kasi ang paa ko kahit kahihiwalay lang namin ni Ally, parang gusto ko pa siyang kausapin. Kahit na napapatulala ako sa mga lumalabas sa bibig n'ya. Kaya imbis umalis ay nag-palipas lang ako ng oras sa ‘di kalayuan. Itong pwesto ko ay tanaw ko pa si Ally, na naglalakad na parang may pagkamaton. Bahagya akong na tawa pa. She’s really different sa mga ibang babae na pabebe at pa charming kasi s’ya lang ang hindi masyadong na kagwapuhan sa akin. E, sabi ng iba Oppa nga daw ako. Walang halong biro ‘yun dahil minsan nag-clubing kami ng isa sa mga kaibigan ko noong high school ay biglang nagdagsaan ang mga babae. Ending ay nagkagulo dahil akala daw kasi nasa Pinas si Song Joong Ki. Pero nunka, mas gwapo talaga ako sa kanya. Naaliw akong pagmasdan ang babae hanggang sa may nabangga itong batang lalaki. Payat ang bata na siguro ay nasa mga pitong taong gulang kasi ang liit nito at payat halatang kulang sa kain at salat sa maayos na pananamit. At muling pinahangga na namana ako ng babae ng walang pandidiri nitong inalalayan ang bata at pinilit na pumantay dito. Kahanga-hanga talaga siya kaya plus point ka babe. Ngunit maya-maya ay nakikita ko ang pag-iiba ng reaksyon ng mukha ng babae, medyo malayo ako pero sapat pa para makita ko ang mukha nito. Gulat din ako ng marinig ang sigaw ng isang lalaki na may katabaan ang katawan at mukhang dehis goli si kuya. At may sinasabi naman ang lalaki na ‘di ko maunawaan dahil hindi na ganun kalakas ang pag-kakasabi nito. Pero mg akma ng pasugod na ako sa pwesto nila dahilan ng hablutin ng lalaki ang bata pero agad akong natulos, bago pa man ako makakilos ay kitang-kita ko ng bigyan ni Ally ng isang flying kick ang lalaki at segundo lang bumagsak na ito. Knock out. Ang sakit non, tuloy nga ay napahimas ako ng pisngi. Sobrang husay ng babae at wala pang bwelo ‘yun basta nagpakawala lang. Walang effort mukhang delikado magbiro sa babaeng ito. Maya-maya ay umusad na ang mga ito at naiwang nakatimbuwang ang lalaki. Bahagya pa akong lumapit ng biglang may babaeng may edad yumakap kay Ally, pero ibang pangalan ang tinawag para bang narinig ko na rin minsan. Nagpatuloy ang matanda sa pagkwento tungkol sa batang lalaki nagulat ako at sampung taon pala ang bata kulang ito sa timbang pangita na pangita naman. Napukaw ako ng makita ko ang pagtulo ng luha ni Ally katunayan na may mabuting puso ang dalaga pero na kadama ako ng iba dahil ng matitigan ko ang malamlam na mata nito bakas ang galit at panganib para bang sa likod ng isang Ally na bubbly, prangka at savage ay may isang pagkatao pa na kahit sino man ‘di gugustuhing makabangga. Nang makita kong dumaretso na ang mga ito ay bumalik na ako sa sakyan dala ang kakaibang damdamin na umusbong sa akin at ang pag-aasam na makasama at makilala pa sila. Panatag naman ako na hindi sila mapapahamak dahil kaya ni Ally na ipagtanggol ang kanilang sarili. Somehow gusto ko na kailanganin niya ako para protektahan sila ng batang kasama niya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito ang mabilis na maattach sa mga taong nakakasalamuha. Mabilis akong sumakay sa kotse ng maalala ko si mang Pilo. Mag papaturo nga pala ako sa kanya ng pagtatanim at pag-aararo ng lupa. May dalawang araw pa naman para makapag-aral ako ayokong mapahiya at sabihing panay salita lang. Kalahating oras ay narating ko na ang lupain ko dito. Medyo matagal kasi nga ingat na ako at mahirap ang daan medyo maputik parang umulan kamakailan lang. Sinalubong agad naman ako ng mag-asawa na sina Mang Pilo at Aling Lita. Silang mag-asawa ang katiwala ng lupaing ito noon at ng mabili ko ay ‘di ko na rin pianalitan tutal kilala ‘din nila ang lahat ng mga trabahador at kasama dito sa lupain. Sa pagkakaalam ko may anak silang babae si Gretta at kasalukuyang nasa maynila para mag-aral kahit halosbente tres na ito dahil ayon nga sa mag-asawa ay iba ang ugali ng anak nila. Hindi naman ako kaagad nakababa dahil sa mga naisip ko kaya ng kumatok na si Aling Lita sa bintana nabalik ako at agad binaba ang bintana para naman mabati na ang matanda. Ngunit nauna pa rin ito habang malawak ang ngiti. Hindi naman ako nag-aalala na baka hanapin ako ng pamilya ko walang nakakaalam ng lugar ito na sa Bicol bukod sa mga kaibigan ko at kumpyansa nan ako na walang singer sa kanila dahil sintunado silang lahat. “Hijo Logan, nandito ka na! Pero hijo ba’t parang natagalan ka?” Pag-usisa ng matanda na bakas ang pag-aalala. Halos matunaw naman ang puso ko. Ganito lang naman ang gusto ko sa totoong pamilya ko pero mas nag-aalala pa ang mga ito kapagbumaba ang sales ng kumpanya. “Nagpahinga lang po ako sa daan Nay Lita, medyo nangawit po sa pagmamaneho. ”Mababang sabi ko. Mas pinili kong ‘di na sabihin na muntik akong maka-disgrasya baka lalo pang mag-alala ang matanda. “S’ya gano’n ba mabuti pa ay bumaba ka na at pumasok na sa loob naghanda ako ng pagkain. May kanin at kakanin tapos ay magpahinga ka muna bago tayo mag-kwentuhan at sana naman ay magtagal ka dito hijo.” Dama ko ang giliw nito na naririto ako. Hindi ko talaga mapigilang hindi ikumpara sa tunay kong pamilya. Lahat na nga ng bagay at materyal ay nasa kanila na pero diyos pa rin ay pera. Ilang beses na rin akong nagbakasyon dito noon at walang halong pagkadismaya bawat uwi ko dito. Talagang masayang-masaya ako tanggal ang stress. Noong una kong bisita dito panay lang ang libot ko kaya nagsisisi ako sana pala nag-try na ako mag araro sa palayan at nagtanim ng mga gulay. “Mukha magtatagal ako dito Nay Lita, gusto ko nga pong mag-aral magtanim ng mga halaman at mag-araro ng sakahan. Tay Pilo pwede mo ba akong turuan mamaya at bukas ?”Sabi ko sa dalawa na mukhang nagulat naman sa mga sinasabi ko.Nagkatinginan pa nga ang mag-asawa para bang hindi nila inaasahan ‘yun kaya muli akong nagsalita. “Tay gusto ko agad matuto nag-apply kasi akong taga saka doon sa kabilang lupain ‘yung Perez ang may ari saka Nay, Tay hindi ko sinabi ang tunay kong pangalan ang alam n’ya ay Golan De Grasya ang pangalan ko at anak ako ng magsasaka at kayo ‘yun. Sorry po agad kung ginamit ko kayo. ” Gulat na gulat ang dalawa pero ng makita ko ang ngiti ng mga ito na relieve ako mukhang payag na pero teka parang may pilyo sa mga ngiti nila sabay pang napatango ang dalawa at nagsalita si Tay Pilo. “Oh s’ya kung sasaya ka d’yan ay ayos lang pero anak hindi maganda ang panlilinlang ng kapwa sana ay maaga pa ay maayos mo baka pagsisisihan mo. Mukhang may dating sayo ang babaeng ‘yun matagal nawala ang batang ‘yun matapos ng trahedya, kaya sana ‘wag mong gawan ng ‘di maganda. Masasaktan din kami alam mo naman na pamilya ka na sa amin Logan. ”Si Tay Pilo parang gustong bumuhos ng luha ko parang sila ang pamilya ko at ito ang tahanan ko. “Kilala n’yo s’ya Nay, Tay at paano n’yo nalaman na babae? Ang galing n’yo sa part na ‘yan! ” Biro ko sa mag asawa pero ginaya na ako papasok at kami ni Tay Pilo ang magkasabay. Kaya ng kabigin ako nito ay mataas ako sa kanya kaya ako ang nag-adjust dahil mukhang may ibubulong sa akin. “ 'Wag ka ng magtanong dahil halata naman mukhang tinamaan ka. Anak kaya ayusin mo ang lahat bago mahuli pa. Saka pag okay na kayo mag explore kayo masarap ang romasahang naiiba kagaya sa damuhan, sapa, pilapil at iba pa..” Nahinto si Tay Pilo dahil hinila ni Nay Lita sa tainga napapatawa ako parang mga bagets at si Tay Pilo may pagka-pilyong tunay pero I love the idea.. “Pilo for dyos for santo, akala ko ay maganda ang payo mo palay puro kaburnukan pala ‘wag mong itulad ang anak natin na si Logan sayo. At ikaw anak kung gusto mo s’ya kunin mo sa tama at maayos na paraan ang pag-ibig niya at tandaan mo hindi minamadali at kinuha ng pilit. Parang sa mga pananim kapag magtatanim ka ng wala sa panahon wala kang aanihin at lugi lang, kaya sayang.” Talagang hanga ako sa mag asawa at everytime they call Anak sobrang saya at pakiramdam ko buo ako at walang kulang na laging sinasabi nina Dad. Kaagad naman kami pumasok at nakiusap ako na practice na sila na Golan ang pangalan ko at De Grasya naman ang apelyido nila kaya hindi na mahirap masaya kaming kumain at sinabayan pa nila ako iabng ibang gaan at kaligayahan ang nasa puso ko ngayon sana sa mga susunod pa ay ganito o mas higitan pa. Simple lang pero umaapaw ang ligaya ika nga ng Iba “ Simple pero rock at nag-uumapaw! “ Babe hintay lang mag aaral lang ng isa pang klase ng pag araro.. Ngayon palang mas gusto ka pang manatili ng mas matagal pa para matakasan ang delubyong pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD