Maaga ako nagising at plano ko na maagang puntahan si Cristine sa kanila. Syempre gusto ko ma-impress siya sa akin. Naghanda muna ako ng susuotin ko isang simpleng pormahan lang muna, isang grey na V-neck shirt at sweatpants na lang para naman mukhang handa agad sumabak sa araruhan. Medyo masakit pa nga ang katawan ko dahil talagang nag-practice ako mag-araro.
Flashback......
Naging tawanan portion pa nga dahil unang subok ko ay talagang iniwan ako ng kalabaw na si John Lloyd. Bwisit na ‘yun halos mapangud-ngod ako sa lupa. Nagsubok ako ulit at talagang trip ako ng kalabaw, muntakin niyo pinadama ako ng kalabaw akala ko’y sumusunod na talaga sa akin kaya naman naging kampanti na ako. Nang makuha nag loob ko ay ginaladgad ako ng loko at ayun na tuloy akong masubsob sa putikan halos lahat ng trabahador ay hindi magkamayaw sa pag-tawa kung hindi lang sinaway ni Tay Pilo.
“Aba ang mga litik na ito! tawanan kayo ng tawanan dyan ay amo natin 'yan mga herodes kayo! ” Bulyaw ni Tay Pilo mukhang napahiya naman sila.
Wala naman sa akin ‘yun. Ayos lang maging ako ay natatawa sa nangyari. Nilapitan ako ni Tay Pilo may dalang balde ng tubig, iminustra na maghilamon daw ako. Ginawa ko naman saka ko nilingon ang mga tauhan na parang hiyang-hiya sa pagtawa sa akin saka ko sila tinaguan at ako mismo ay bumunghalit ng tawa. Parang naging go signal ‘yun at parang narelieve sila kaya mas nilakasan ko pa ang tawa at ayun nagtatawanan na rin sila ng una ay napapailing si Tay pilo, kalaunan ay tumawa na rin. Tinanong nga ako kung gusto ko pa ituloy. Ay wala sa bokabularyo ko ang salitang pag-ayaw kaya tuloy ang laban.
Pero sinabihan ko si Tay Pilo na bigayn ako ng konting oras mag bonding kami ni John Lloyd na kalabaw, tumango naman ang matanda.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nilapitan ko ang kalabaw sa style nito ay nakakaunawa. Pakiwari ko ay nginingisihan ako ng kalabaw kaya ng makalapit ako ay kaagad kong hinimas ito kasabay ng mahihinang salita na inusal ko, na mukhang gets naman ng kalabaw.
“ Buddy, John Lloyd, gusto mo pa naman mag-araro ng lupa hindi ba? Pero alam mo yamot na yamot na ako sayo na kalabaw ka! kaya nai-isip kong bumili ng kapalit mo at ikaw pwede ng itapa. Masarap daw kasi ang tapang kalabaw nakakapagpainit ng katawan lalo't ubod ng sutil. Kaya i-try ko sana lalo't pasaway ka, baka nga kasi totoo ang sabi sabi. So, ikaw ang sasampulan ko kasi bad ang ginagawa mo! ”Mahinang sabi ko sa kalabaw na parang tao ang kausap. At ganun na lang ang gulat ko ng parang nanigas ang kalabaw. Bingo! nauunawaan ng loko ang sinasabi ko, kaya nagpatuloy pa akong magsalita habang may nakakalokong ngisi sa labi.
“ Total, kaya kong bumili ng ilang kapalit mo. Dapat ata tumawag na ako ng matador para masintensyahan na ang bad na kalabaw! ”Sabi kong muli habang himas-himas ang baba ko na wala namang balbas. At to my surprise mas natigilan si John Lloyd, sa mga sinabi ko kaya tawang-tawa ako sa kalooban ko. Pero hindi ko naman gagawin ‘yun dahil si John Lloyd ang pinakamahusay na alaga ni Tay Pilo, trip nga lang siguro ako nito.
“ Pero Lloydy, hindi ko gagawin ‘yun kung magiging mabait ka sa akin at sanggang dikit tayong dalawa. Hayaan mo akong mag-aral mag-araro, i-guide mo ako at pangako may dayoff ka pa kada linggo. ”Sabi ko sa kalabaw na parang tao ang kausap at katawaran sinusuhulan ko na para naman makapag-aral ako ng maayos. At sa gulat ko ay tumago si Loydy. Aba, ayos tong kalabaw na to. Maya-maya lumapit na si Tay Pilo at sabi ay magtuloy na kami mag-araro in-obserbahan kami ni Tay Pilo, at kapuna-puna ang pagbabago ng kalabaw na ikinangisi ko at ang ngisi na ‘yun ang napansin ni Tay pilo.
“ Anong ginawa mo sa kalabaw ba’t ang bait agad? Alam mo ganyan ‘yan sa iba mapaglaro e, kaya bakit ang bilis mo na pa-amo?”Naguguluhan na tanong ng matanda habang ang tingin ayt na kay Loydy.
“ Sikretong malupit ‘yun Tay Pilo, ‘diba Lloydy?”Sabi ko sabay tanong sa kalabaw na tumango pa at talagang napahanga ako ng kalabaw na ito.
Nagbalik ako sa aking gunita ng may kumatok sa pinto. Kapag naalala ko ‘yung ganap nakaraang araw natatawa ako sobra.
“Anak gising ka na ba? Akala ko ba’y maaga ka pupunta kay Cristine at ipamalas mo ang husay mo sa pag-araro?” si Nay Lita pala pero naging barde ang isip ko sa papamals ang galing sa pag-araro, At ang lintik na sawa ko nag-react pa talaga. Isang katok pa ang ginawa ng Ginang at kaagad akong sumagot na.
“ Nay gising na po mag aayos lang at baba na rin po. ”Sabi ko na puno ng galang sa Ginang.
“ Oh sige at para bago ka umalis ay makakain ka muna, saka pag okay na ay si Lloydy na lang ang baunin mo na kalabaw sanay kana sabkanya. At kung ano man ginawa mo sa lokong kalabaw na ‘yun ay talagang kahanga-hanga pilyo ‘yun e, pero napaka sipag. Sige Nak baba na ako. ”Mahabang sabi ng Ginang na ikinatawa ko pa. Akala ata ni Loydy ay mas may ipipilyo s’ya sa akin e, hasler to it’s.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis para maaga ako makapunta kay Cristine, ng silipin ko ang relo ko ay 5:30 am pa lang maaga talaga ang gising sa probinsya. Base sa sapantaha ko ay mga alas kwarto pa lang ay gising na sina Tay Pilo at Nay Lita.
Pagababa ko ay nakita ko ang mag asawa na nagkakape. May isang kape pa na nakatimpla at alam ko na sa akin iyon kaya agad akong pumuwesto na roon. Talagang hinintay pa nila ako para makakain ng agahan. Ito ‘yung never ko na experience kahit pa gaano ka mamahalin ang mga pagkain na nakahain sa lamesa namin, hindi ako ganahan pero dito tuyo, itlog na pinirito, kamitis at dilis na sinangag at itlog maalat ay bundat talaga ako palagi. Lagi pa akong kinakamusta ng mag asawa sa mga nangyari sa akin. Panay ang bilin nila sa akin na mag ayos daw ako at baka mabuko agad, pero pinaalala din nila sa akin ‘yung pagsasama ng tapat ay pagsasama ng maluwat. Nauunawaan ko naman ang ibig sabihin nila.
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako. Hinatid pa nila ako sa labasan, hindi ko na ginamit ang kotse. Kahapon ay nilabas ni Tay Pilo ang motor na may sidecar na parang hawla ng baboy or kolong kolong, like crib. Ito ang sasakyan ko muna para hindi halata, marunong naman ako. At ng makasakay dito ay muli ako nagpa-alam at saka umalis na. Binabay ko ang kalsada na lubak lubak. Soon ay ipapasementado ko ito maghanap muna ako ng contractor.
Narating ko pondahan ng mga nagbibingo at bumaba muna ako bumili ako ng almusal nina Cristine. Kape, itlog, may gatas at tinapay din. Hindi naman nag-usisa ang tindera mukhang ‘di ito gaya ng iba. Mabilis lang ay narating ko ang bakuran nina Cristine kaya naman kasing ipasok sa loob ang motor kaya madali ko lang narating. Kita ko isang batang lalaki na panay ang walis ng mga tuyong dahon na dala ng hangin, mas maaliwalas na ang mukha nito kesa nung una ko makita. Napansin ‘din ako ng bata at nakakatuwa ng ngitian ako ni sabay kaway at bumati pa napaka bibo naman talaga pero may kahawig talaga ito.
“Hi po kuya na Oppa, hanap n’yo po si Ate? tulog pa s’ya antayin n’yo na lang po. Tuloy po kayo. ”Sabi nito na nakangiti pa nakakahawa kaya napangiti na rin ako.
“Hi magandang umaga, ang aga mo rin magising. Hindi kaya magalit Ate mo at pinasok mo ako sa bakuran n’yo?” Tanong ko sa bata na agad din sumagot at huminto sa pagdadakot ng winalis n’ya na dahon.
“Hindi po, ‘diba inaasahan n’ya ang pagdating mo kuya? saka mukhang harmless ka naman at saka magaan ang loob ko sayo kuya kasi pareho tayong pogi. ” Sabi ng bata na ikinatawa ko maging s’ya rin naman ay tumawa rin. Maya-maya ay sinabihan ko ang bata kung pwedeng magtimpla ng kape pumayag naman at ng makalabas ako nakita ko itong nilipad ang mga dinakot na dahon kaya nagatawanan kami. Maya-maya nasulyapan ko na bumangon na ang dalaga at gulo gulo pa ang buhok, pikit ang isang mata. Hindi naman kabawasan sa ganda nito iyon . Tinignan ko si Tibo at tumango ito dala ang tasa ng kape ay pumasok ako akmang magtitimpla ito ng kape kaya inunahan ko ng abot ng kape na tinimpla ko.
Laking gulat nito at ang tagal nitong natigilan kaya nagsalita ako pero pahamak na naman at na disgrasya pa. Dahil natabig nito ang baso kaya na bubo sa kamay n’ya ang kape. Gano’n nalang ang pag-aalala ko ng dumaing ito ng aray kaya walang babala na hinawakan ko ang kamay nito at hinipan ko.
Pero parang natuod ang dalaga kaya ng tignan ko ito ay nandi-dilat ang mata ipinagpatuloy ko ang pahihip sa kamay niya at nanatili na ganun pa rin ang itsura nito. Taglay ko ang kapilyuhan kaya dinampian ko ng magaan na halik ang parte na natapunan ng kape. mlmukhang mas kinagulat pa niya 'yun dahil pahagyang na pasinghap ito at sa ‘di inaasahang pangyayari hinablot nito ang kamay n’ya na mahigpit na hawak ko kaya nawalan ito ng balanse.
Mabilis ko naman nahawakan ang baweng nito pero dahil basa ang semento na sahig ay dumulas ang paa ko, naitukod ko ang isang kamay sa pader pero ang aming mga labi talagang nagtagpo at naglapat na. Nakakabingi ang dagundong ng dibdib ko unang beses sa tanang buhay ko bilang Logan Yu, nangyari ito. It’s seems that I’m f****d up with this woman
Mabilis nakabwi ang dalaga at itunulak ako at isang malakas na bulyaw ang inabot ko.
“ Buseettttt. First kiss ko ‘yun! Bakit mo ginawa ‘yun?Alam mo ba prepared akong gawin ‘yun sa gwapo na jowa ko! Tapos na punta sa’yo na ‘di kagwapuhan! Tas pikit pa ang mata at kulay labanos! ”Hiyaw nito at ako ‘di makapaniwala sa babaeng ito.
“Ang sakit ah, paulit-ulit mo akong dina down, gahasain ko kaya ang bibig mo na pasmado ng matahimik,”bulong ko sa isip ko habang manghang nakatingin sa lukarit na babae.
“Di pala kagwapuhan e natulala ka nga!" Hirit ko na bingayan naman ako ng isang nakakamatay na tingin ng babae. Mukhang sasakit ang ulo ko sa taas at baba sa kanya.