After two years
Ang dalawang taon sa isla ay nagbigay ng panibagong lakas para kay Amaiah. Ang dating sakit na nararamdaman niya ay biglang naglaho.Ang nararamdamang hilo at kirot dati ay milagrong nawala .She felt like her old self again, she's inside her healthy body again.Hindi rin niya alam kung paano ipapaliwanag ng siyensa ang nangyari sa kanya.
At times, she think of him too. But thinking that he is happier without her made her angry.Galit siya sa mga taong nanloko sa kanya.Naalala niya noong unang mga araw niya sa isla, walang oras na hindi siya umiiyak.But, her training as an assassin made her forget him.
Mahirap ang dinanas niya sa training nila." Sagrados" ang pangalan ng kanilang grupo.Lahat ng mga miyembro ay magagaling na spy at assassins. Claime is one of the squad leader sa grupong kinabibilangan ni Amaiah. Close combats, ballistics,stealth combat ang pinag-aralan niya. She practice the art of seduction. Dahil sa magandang hubog ng katawan at magandang mukha ay naging bihasa siya .She became an expert in using guns and other weapons.
At dahil sa training , naging matatag at matapang siya. Ang dating iyakin na babae ay nakalimutan na kung paano umiyak. A merciless assassin, bawal ang maawa.
Nalaman rin niya na ang grupo nila ay kaaway ng gobyerno. They eliminate corrupt officials, drug syndicates at iba pang mga salot sa lipunan . They are enemy of the state but only enemies to those who commits crime kagaya ng mga maimpluensyang tao na hindi kayang pabagsakin. They maintain balance in the economy by eliminating bad individuals .Sinabi rin ni Claime sa kanya na may mga business establishment ang kanilang organisasyon sa iba't ibang bahagi ng kanilang bansa.
Bumangon siya sa kama at tumayo sa harap ng salamin na nasa loon ng kanyang kwarto.Dati ay maputi siya, ngayon ay naging morena niya.Pero ang sabi pa ng mga kasamahan nila sa isla ay mas bagay sa kanya ang kanyang kulay ngayon. Ang dating mahinhin na Amaiah ay astig na kung kumilos ngayon.Ibang iba na siya sa dating Amaiah.
" You are Serena,p-patay na si Amaiah.Don't mention her name again !" bulong niya sa sarili niya. Nakalimutan na nga ba niya ang kanyang nakaraan? Sapat na ba ang dalawang taon upang makalimot siya?
Medyo nagulat siya nang biglang may kumatok sa kwarto niya.
" Tara na, late ka na naman!" It was Claime who disturbed her amidst of her reckoning.Nakangiting mukha ang nakabungad sa harapan niya ngayon. Nakasandal ang isa nitong kamay sa bahagyang nakaawang pintuan at ang isang kamay nito ay nasa bewang nito. Nakaputing sando ito at naka faded na maong jeans. Bakad na bakad ang maganda nitong pangangatawan .How could this man infront of him be so hot?
Sa loob ng dalawang taon ay hindi nito naaantala sa pagsundo sa kanya.Sabay silang pumapasok sa training ground.Si Claime ang dahilan kunga bakit naging magaling siya, he is a great teacher.
" Hindi ba't wala tayong training ngayon?" paalala niya sa lalake.
" Alam ko, aanyayahan sana kita sa isang lugar na magugustuhan mo. Dalawang taon ka na rito pero hindi mo pa napupuntahan ang pinaka-magandang kweba sa isla na ito.
" Talaga?May kweba rito? ba't ngayon mo lang sinabi?"
" Naging busy tayo noon,lalo ka na dahil araw gabi kang nag-eensayo!" anito.
That's true dahil gustong gusto niyang matuto at hindi nga siya nabigo dahil isa siya sa pinakamagaling na miyembro ng kanilang organisasyon. One of the most dangerous.
" S-sige, Umalis ka muna? Magpapalit lang ako!" aniya rito.nagsuot siya ng isang black leggings at puting sleeveless shirt.Pinarisan niya ito ng puting sneakers.
Lahat ng mga gamit at pagkain nila sa isla ay bigay ng "Sagrados".
Makitid at madamo ang daan na tinahak nila patungo sa kwebang sinasabi ni Claime. Isa't kalahating oras ang kanilang nilakaran bago nakarating sa lugar na iyon. Hindi niya lubos akalain na may napakagandang falls sa gitna ng isla, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita ,bago makapasok sa kweba ay kailangan nilang lumangoy sa ilalim ng falls at pumasok sa bunganga ng kweba .
Sa ilalim ng falls ay may nakatago palang isang napakagandang kweba. Natulala siya nang makita kung gaano kaganda at kalawak ang looban nito.May iba't ibang uri ng mga makukulay na bato, at ang iba ay luminous.
Umupo siya sa malaking bato na nasa gilid . May napansin siyang isang klase ng halaman na tumutobo sa loob ng kwebang iyon. Lumapit siya sa mga halaman na iyon at sinuri ng malapitan. Pumitas siya ng isang dahon at inamoy ito. Napakapamilyar ng amoy ng dahon na'yon.Parang naamoy na niya ito dati,hindi lamang niya matandaan kung ano ito.
Muli sana niyang aamuyin ang dahon nito pero may biglang pumigil sa kanyang kamay.
" If I we're you ,I won't do that again." seryoso nitong sambit sa kanya.
" B-BAkit? Ang bango kaya!" aniya rito.
" Iisang klase ng halaman laman ang tumutubo rito, Serena.Ang tawag namin diyan, " Claveria". Mabango,kaakit-kaakit pero kapag nahulog ka sa bitag nito ,mamamatay ka. Kapag ,maaamoy mo 'yan, mahiihilo ka.You'll feel sick and later,kapag palagi kang expose sa amoy o lasa ng dahon na 'yan you'll suffer from internal bleeding hanggang sa manghihina ka at mamamatay."
Dahan-dahan siyang umatras palayo sa halaman.
" Claveria is a dangerous drug. However, binebenta ng organisasyon natin ang halaman na ito, ginagamit ito ng mga medical practitioners pero para sa mga may sakit na tao lamang during their operation.To made them numb."
Hindi niya alam ngunit tila nanginginig ang kanyang mga kalamnan.
" Some people use this to drug someone, making them believe that they are severely ill.You know, kapag may galit ka sa isang tao tapos gusto mo'ng dahan-dahan siyang mawala."
She instantly embraced him.
" Claime...." humuhikbi niyang sambit.
" Ngayon lamang kita ulit nakitang umiyak.Please don't cry, Amaiah..."
" Amaiah? You mean,you know?"
" Yeah,you can't hide from me Serena. Alam ko na ang buong pagkatao mo since then and I know how it hurts to love----"hindi na nito naituloy pa dahil tinakpan na niya ang bibig ng lalake.
" Claime ,sorry kung hindi ko sinabi kung ano ang totoo kong pangalan noon. Natakot ako and ayaw ko nang marinig pa ang tungkol sa kanya.I burried my past already."
" I'm s-sorry,Serena. K-kung...s-sasabihin ko bang g-gusto kita...will you give me a chance to prove it?"
Hinawakan nito ang magkabila niyang kamay at marahang pinisil iyon.
" You know, I'm not ready Claime.S-sarado na ang puso ko.I was betrayed once and I won't never let it happen to me again.Nakakapagod at natatakot na'komg sumubok pa.How will I ever trust again,s-sabihin mo nga Claime."
Ngunit tila hindi iyon narinig ni Claime.He vowed and kiss her passionately.Tiyempo na nakaawang ang kanyang labi kaya nalasahan niya ang mabangong bibig nito. In an instant she was drown away with his kiss.Napakalambot ng mga labi ni Claime,his mouth is warm and she can instantly hear him gasping .
" S-stop it Claime...." bahagya niyang naitulak ang lalake. Nakita niya ang pagkagulat nito at hindi nagtagal ay tila nahismasan na ito at napagtanto kung ano ang ginawa nito.
" P-pasensya ka na, hindi ko napigilan!" anito.
She lowered down her head. Nahihiya siya sa sarili dahil hinayaan niyang halikan siya ng lalake. Baka iisipin nitong nagustuhan niya ang halik nito.Hindi nga ba?Is he really attracted to her.
" You're such a seductress, Serena.Pero, g-gustong gusto kita.Noong una pa lamang kitang nakita, I already knew it.S-sana buksan mong muli ang puso mo,hayaan mong ipakita ko sa'yo na iba ako,iba ako kay.." Hindi na nito tinuloy pa dahil sumenyas na siya upang tumigil na ito.
" I hope I could still love again someday, Claime."tanging sambit niya bago lumusong ulit sa tubig.
Sandali silang naligo at nang mapagod ay nagpasya nang bumalik sa bahay nila. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang maliit na kubo sa loob ng kampo nila.Kahit gawa sa kawayan ay napaka-presko at komportable naman .
Nakaupo siya sa kahoy na hagdan ng kanyang kubo . Time flies so fast. Ang bawat segundo ay magiging minuto.Ang bawat minuto ay magiging oras,araw , buwan at taon.And someday, she will instantly forget Liam.Sana darating ang araw na kahit pangalan ng asawa ay hindi na niya matatandaan.Bumabalik lamang ang sakit at hindi niya alam kung bakitpatuloy pa rin niyang naaalala ang lahat kahit na pilit na niyang binubura ang lahat tungkol sa kanila.
" Damn...That slut!" napamura siya nang maalala ang tsaa na bigay ni Nathalie.Parehong pareho ang amoy ng halamang iyon at ng tsaang ipinapainom nito sa kanya dati. Kaya ba biglang nawala ang karamdaman niya dahil may lumalason sa kanya? Kaya ba parang mamamatay na siya dati kasi epekto iyon ng halaman na iyon? Ngunit magsisinungaling ba ang doktor tungkol sa sakit niya? It was on her MRI result .
Panahon na ba upang bumalik siya sa nakaraan niya?
Handa na nga ba siyang bumalik at masaktan ulit?Handa na ba niyang makita sina Liam at Nathalie na masaya na sa piling ng isa't isa?
" Hey, Serena ..Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa sinasagot si pogi? " tukso sa kanya ng kaibigan niyang si Fleray.Isa rin itong assassin at miyembro ng La Sagradas. Tumayo siya at nilapitan ang babae.
Ito ang una niyang naging kaibigan sa isla bukod kay Claime.
" Ano'ng sasagutin eh hindi nga nanliligaw at isa pa, wala na ko'ng balak na magpaligaw sa kahit kaninuman."
" Ikaw rin, maeexpire 'yang matris mo.What's wrong with Claime? Lahat na 'ata ng babae rito eh siya ang gustong mapangasawa.Included na'ko sa mga babaeng 'yun!" anito.
" Ibahin mo'ko, Fleray! Sa lahat ng karanasan ko sa buhay, pinaka huling prioridad na 'yang mga lalake."
" Hay naki, kaya ka siguro umitim kasi wala kang s*x life. Sabi nga nila, s*ex three times a day makes yur skin whiter!"
Natawa siya sa sinabi nito. Napaka-daldalera talaga ni Fleray.Hindi niya alam kung paano ito naging isang assassin.
" Teka girl, nagkukumpulan ang mga tao sa daungan oh! Tara, let's see whoever is that baka destiny ko na 'yun!"
Hinila nito ang kanyang kamay at patakbong nagtungo sa daungan ng mga speed boat.
Ganito sa isla,kapag mag bagong dating eh hindi makakalusot kahit na kanino.
" Ay, akala ko...boylet...vavae lang pala.Anak pala ni " Leon" isa sa may mataas na ranggo sa organisasyon.
" Maganda pala at batang- bata pa noh." aniya.
" Ay, oo . Beinte pa lang 'ata 'yang si Millet.Kapag sembreak sa kolehiyong pinapasukan ay dito 'yan namamalagi.Type 'ata niya si fafa Claime."anito,
She look at her from head to toe.Sosyal ang dating at napaka-sexy ng babae. Ibang iba ang pananamit nito kumpara sa kanila na nakatira sa isla.Nakashorts lamang ito at kitang kita ang mapuputing mga hita na napakakinis tingnan.Malulusog rin ang magkabilang dibdib nito na litaw na litaw sa suot na hapit na blouse na kita ang pusod.Her hair is long and blonde, babaeng babae itong tingnan.
Pinagmasdan niya ang kanyang balat.Makinis siya ngunit naging morena na simula nang tumira sa isla.
" Hoy, na-hurt ka dahil gusto niya si fafa Claime noh?"kinawit pa siya ni Fleray sa tagiliran.
" Tumigil ka nga at baka may makarinig pa sa'yo at biglang maniniwala."
" Denial ka pa...."
Nang tingnan muli ang babae ay nakababa na ito sa bangka. Napakunot siya nang makitang tumakbo ito sa dalampasigan at mabilis na lumapit at niyakap ang lalaking naglalakad palapit rito.
Nakita niyang hinalikan ni Millet si Claime sa labi.Nahawakan niya tuly ang kanyang mga labi ,naalala niya tuloy ang malambot na labi ni Claime nang halikan siya nito.
" Claime, I miss you so much!" saad nito na tila nag-eenjoy habang nakayakap sa matitipunong dibdib ng binata.
" T-tara na, Fleray....Magluluto pa tayo."aniya rito.
Tahimik lamang na nakasunod ang kanyang kaibigan sa likuran niya.
Bakit naman siya maaapektuhan sa tagpong iyon?Binata si Claime at dalaga si Millet, wala namag masama kung magkakagustuhan ang dalawa.
P-pero sa kabilang bahagi ng puso niya ay tila may kumikirot.Ipinagwalang bahala na lamang niya ang panibagong damdamin na iyon.