Chapter 6-The lost island

2043 Words
"Tawag ka ni Leon," sambit ni Kiefer, ang kanang kamay ni Leon. Naglakad siya at sumunod sa likuran nito patungo sa maliit na villa ni Leon.Ito ang pinakamalaki sa mga bahay sa isla. Maraming mga naggagandahang muwebles, appliances at maraming kwarto sa loob kung saan itinatago ang mga iba't ibang klase ng baril. Si Leon ang pinuno ng organisasyon sa isla ngunit may mga nakakataas pa rito na nasa iba't ibang panig ng bansa na namamahala sa kompanyang itinayo ng Sagrados.Ang mga pinuno na nasa labas ng isla ay mga spy ng gobyerno na siyang nagmamatyag sa mga corrupt na official.Samantala, sila na taga isla ay pinapadala sa labas upang gawin ang kanilang misyon, " to kill" ikanga.Sa pagkakaalam niya, si Leon ang nagpapadala ng mga assassins sa labas ng isla.He is the one who identifies to do the dirty job. Sa dalawang taon niya sa isla, marami na rin siyang nakilalang mga miyembro na naisabak na sa isang misyon. Kapag pinaalis ka na sa isla, hindi ka na makakabalik pa maliban na lang kung tinawag ka ulit ng pinuno.Once you are outside the island, you are oblige to do your mission. There's one rule of Sagrados that she afraid of. Never fail ,Never surrender. You can fail once , twice but never THRICE.Tatlong pagkakataon lamang ang meron sila dahil kamatayan ang parusa kung sakaling hindi nila magagawa ang kanilang misyon.Another rule, choose to eliminate yourself kung sakaling mahuhuli sila ng kalaban. Napasinghap siya, ano pa nga ba ang kinakatakutan niya? Nakita na niya ang pinakamatinding multo sa buhay niya.Ang multo ng kanyang nakaraan.Ano pa nga ba ang silbi ng takot kung para sa kanya ay patay na siya.She is just risen from the ashes of the fire someone put unto her. Nakaupo sina Claime,Millet kaharap si Leon. Tumigil sa pag-uusap ang mga ito nang marinig ang kanyang katok. She smiled at them as she walk closer . Nakita niya ang ngiti ni Claime nang makita siya ngunit si Millet ay napataas ang kilay at marahan siyang pinagmasdan mulo ulo hanggang paa. " Have a seat , Serena!" ma awtoridad na utos ni Leon. Leon is a retired General in the country. Napakalaki ng disgusto nito sa pamahalaan , alam nito kung gaano karumi ang gobyerno lalo na ang politika. Tumikhim muna siya bago nagsimulang magsalita.Leon is a very intimidating person. Anino pa lamang nito ay nakakatakot na.Sa boses at titig pa lamang ay sadyang kakabahan ka na. " Pinatawag kita dahil gusto kong ipakilala sa'yo si Millet.I want you and Claime to be her personal bodyguard here in this island and outside. After her stay here, sasama kayo ni Claime sa Maynila.Kapag nandoon na kayo, magsisimula na kayo sa inyong misyon. Malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa." seryoso nitong sambit. " Copy.Nice to meet you Millet.Ako pala si Serena!" tanging sambit niya rito Millet just look at her as if she does't like what she said. "Spoiled Brat! "aniya sa utak niya. " Dad, like what I told you.Bakit dalawa pa, okay na si Claime I know that he can protect me." "Don't be too hardheaded,Millet. That's a rule and that's an order.I am in charge here." matigas na sambit ng pinuno. " Okay," " We can't trust anyone. Hindi natin alam na nasundan ka ng kalaban dito sa isla.That's for your protection also." " Ano pa nga ba ang magagawa ko!" malumanay na sambit nito. " Good.So everything is settled then. " Tumayo ito at nakipagkamay sa kanilang dalawa ni Claime." Good luck to both of you." " Thanks." sambit ni Claime na seryosong nakatitig sa pinuno. Tumango lamang siya kay Leon. Malapit na ang unang misyon niya.Babalik na siya sa Maynila.Handa na nga ba talaga siya? Sadyang napakaliit lamang ng mundo, impossibleng hindi sila magkikita ni Liam. -------------- THE LOST ISLAND Sampung tao ang nagkukumpulan sa nagliliyab na apoy. Sina Claime, Serena, Flerray, Kiefer, Zed, Dylan, Jacob, Vrianna, Max, at Jazz.They are all trained assassins at naging malapit na rin sila sa isa't isa.They belong in one team. " The Phoenix". Si Claime ang Team Leader sa grupo nila. " The lost Island , ito ang bansag sa islang ito. Napakahirap hanapin ang islang ito, not even the best ship captain can find this island.Ito ay napapalibutan ng makakapal na ulap .Ang agos ng tubig patungo sa isla na ito ay hindi malalagpasan ng kahit na sino.Limang tao lamang ang nakakaalam kung paano maglayag patungo rito." kwento ni Max. " Isa na si Claime sa limang 'yon!" ani Zed. " Yeah.Kaya nga ang sabi ng pinuno kapag aalis ka na sa islang ito ay hindi ka na makakabalik pa.This is a mysterious island, tama si Max." Tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan ng mga kasamahan. Umiinom ang mga kalalkihan ng alak habang silang mga babae ay kumakain ng curls na dala ni Millet at ibinigay na sa kanila. " Claime, swerte mo ah!Type ka ni Millet!" tukso ni Kiefer sa lalake. Umiling lamang si Claime at tinungga ang isang baso ng alak na hawak nito. " Bro, huwag kang magbiro ng ganyan!" anito. " Sexy n'on bro. Maputi at makinis pa.Kung ako sa'yo, asawahin mo na kaagad."dagdag pa ni Zed. Sina Kiefer, Zed, Dylan. Jacob, Max and Jazz ang mga lalaking kasamahan nila na saksakan rin ng kagwapuhan. " I like someone else!" seryosong sambit ni Claime habang nakatitig sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit siya ang naunang umiwas. Ayaw na niyang malunod muli sa mga matang iyon.Hindi na pwede. " Hmmmmm, mukhang kilala ko kung sino ang tinutumbok mo Claime!" tukso ni Flerray na hindi talaga nagpapahuli.Kinurot niya ito sa tagiliran upang hindi na ito muling magsasalita pa. Nagsitawanan naman ang mga kasamahan nila.Alam rin ng mga kasamahan nila kung sino ang tinutukoy ni Claime. Nang tingnan niyang muli ang lalake ay nakatitig pa rin ito sa mukha niya hanggang bumaba ang mga mata nito sa kanyang labi ang kitang kita niya ang paglunok nito. " I need to go,Inaantok na'ko.May lakad pa kami nina Claime bukas,nagpapasama si Millet sa coral island." Tumayo siya at isa isang sumenyas sa mga kasamahan. She can't take the way he sees her.Parang gusto na niyang malusaw sa kinatatayuan niya habang tinitingnan siya ng binata.Bakit ngayon lamang niya napapansin ang mga titig at kilos ng nito? It has been two years already pero bakit ngayon lamang nagsisink in sa utak niya ang tungkol rito? Possible kaya dahil ipinagtapat na nito ang tungkol sa pagkakagusto nito sa kanya? Dati kasi ay kaibigan lamang ang tingin niya kay Claime pero nang magtapat ito sa kanya ay tila may bahid na ng makisya ang titig at kilos nito.Is she just affected or siya lamang ang nag-iisip ng kakaiba? Malalaki ang mga hakbang niya paalis sa dalampasigan. Kinuha niya ang kanyang susi at binuksan ang padlock ng pintuan. Isasara na sana niyang muli ang pinto pero biglang may humarang sa kanya .Claime entered her room without her inviting him in. Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi at masuyo siyang hinalikan sa kanyang mga labi. Nang bumalik ang kanyang ulirat ay itinulak niya ang lalake. " Claime, don't do that again! A-ayaw kong masira ang pagiging magkaibigan natin kaya please stop ." aniya rito.She can feel her heart beats rapidly. " I can't supress it anymore, Amaiah.Higit pa sa kaibigan ang gusto ko, please give it a try!" " Claime, you know the rules. Ayaw kong saktan ka dahil mahal kita bilang isang kaibigan.Hindi mo na ako mabubuo pa, I'm already broken.Gusto ko munang mahalin ang sarili ko.I'm not yet totally healed...." "Hindi na ba talaga pwede? Sarado na ba talaga 'yang puso mo para sa'kin?" Ramdam niyang namamaos ang tinig nito. " Oo, Claime.Wala kang maaasahan sa akin.Wala talaga eh, pagkakaibigan lang ang maibibiigay ko sa'yo.Hanggang doon lang tayo!" She lowered down her head as she mumble those words. Bakit tila sinasaksak rin ang puso niya. " O-Okay,Serena.I respect your decision.Hindi na ulit mangyayari ito.I'm really sorry!" Kibit balikat itong tumalikod sa kanya at mabilis ang mga hakbang na umalis sa loob ng kanyang kubo. Umupo siya sa kanyang kama.Kanina pa wala sa harapan niya ang binata pero ramdam niya ang bigat ng damdamin nito.Tama naman siguro ang ginawa niya. Someday, Claime will understand her. Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa villa ni Leon. Naka-rugged pants siya na butas butas sa bandang tuhod at hita niya.Nakaitim na sleeveless siya at naka-itim na boots.May nakasukbit ring baril sa kanyang tagiliran .Sasama sila ni Claime kay Millet sa Coral island.Gusto raw umano ng babae na mamasyal sa islang iyon. Nakahanda na si Millet nang dumating siya. Ibinigay nito sa kanya ang bag nito.Naka suot ito ng rashguard at may malaking sumbrero sa ulo.Bawat hakbang nito ay ingat na ingat .Dinaig pa ang nakikipag kumpitensya sa isang fashion show. Lihim siyang natatawa habang tinitingnan ang babae mula sa likuran. Sa isla naman 'ata ito lumaki ngunit tila ba hindi pa ito sanay . Naroon na si Claime sa daungan at sila na lamang ang hinihintay.Nakaputing maong shorts ang binata at nakaputing summer polo shirt ito na nakabukas hanggang dibdib. Nasisilip niya ang abs nito kapag yumuyukod ang binata.Pati na rin ang mabalahibo nitong dibdib ay hindi rin nakatakas sa paningin niya. " Hello, Claime.You look really great on that outfit.Sabi ko na nga ba na kasya sayo eh!" tila tuwang tuwa si Millet nainayos pa ang kwelyo ng binata. Tiningnan siya ni Claime.Siguro, ang outfit niya na hindi pang-beach.Tinaasan lamang niya ito ng kilay. Wala siyang planong maligo sa islang iyon . Sumama lamang siya as an escort. Kalahating oras ang biniyahe nila papunta sa Coral Island. Kapag high tide ay lumulubog ang islang iyon at kapag ganitong low tide ay lumilitaw ang mga iba't ibang klaseng corals na may iba't ibang kulay.They need to be early dahil alas dose ng tanghali ay lulubog na naman ang isla at hindi na sila dapat na magtagal pa roon. Nang dumating sa isla ay nagpalit ng outfit si Millet. Nagsuot ito ng two piece swim suit na kulay dilaw.Litaw na litaw ang mapuputi at makinis nitong balat lalo na sa bandang hita nito.Her breast almost fully exposed. Tiningnan niya si Claime,he look so cool with his shades on.Hindi niya masabi kung nakatingin ba ito kay Millet o hinde. " Claime, can I request you to take photos of me?"tanong nito sa binata. " Si Serena na lang----" tanggi ng binata. " I prefer you over her,come on.Serena, huwag ka nang bumaba sa yatch ah.Diyan ka na lang!" anito sa kanya na nakaarco pa ang isang kilay. " As you wish." she answered.Mas mabuti ngang hindi na siya sasama sa dalawa.Napakaarte ni Millet at pinapahalata talaga nito sa kanya na ayaw nitong makasama siya. Mula sa malayo ay tinitingnan lamang niya ang dalawa.Napapailing siya,she is obviously seducing Claime. She look around the islang feelin' its serenity.Pinikit niya ang kanyang mga mata at muling naalala ang isla " Amaiah" kung sa'n nila ipinagdiwang ni Liam ang kanilang unang anibersaryo.Way back when they we're still happily in love with each other.Ineregalo nito sa kanya ang islang iyon worth million of pesos.Napapaluha siya habang naaalala ang wagas na kaligayan na nararamdaman niya sa oras na iyon.Masaya na sana sila ngunit dumating muli ang kaibigan nitong si Nathalie. Nawala ito ng ilang taon, pero noong bumalik ay kinuha nito ang lahat sa kanya.Her peace of mind and the love of her life. Kailangan niyang bumalik sa mga taong sinaktan siya. She need answers .Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Marami siyang utang na sisingilin kapag malalaman niya na totoo ang kanyang hinala.Naka first base na siya.The " Claveria " plant is almost the same with the tea that Nathalie gave her. " Liam, kumusta ka na? Are you happier now that I'm gone?Narito pa rin ako, Liam.N-Nasasaktan pa rin sa tuwing iisipin ko ang ginawa mo..ninyo sa akin.Sana kapag nagkita tayong muli ay malaya na ako, malaya na ako sa pagmamahal mo. Akala ko ba, ako lang talaga pero hindi man lang tayo nagtagal."hindi niya napansin na yumuyugyog na pala ang kanyang balikat. Not again.Akala ba niya ay nakalimutan na niya kung paano umiyak? Hindi pa pala. Dahil hanggang ngayon ay bumabalik pa rin ang ala-ala ng nakaraan na tila bangungot sa buong katauhan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD