(EIGHT YEARS LATER)
"Really?"
Tumabingi yata ang ngiti ni Yna ng marining ang sinabi ng lalaking kaharap. Kanina pa nito pinupuri ang sarili. Kung gaano ito kagaling at kung gaano kadaming kaso ang naipanalo nito. Naririndi na ang tenga niya sa lakas ng hangin sa paligid.
"Of course, really. I've been dealing with different client for three years now. Kaya nga pinatulan ko ang blind date na ito. So for you to know, I want a wife who will take good care of me 24/7." mayabang pa nitong turan. Hindi na nga napigilang tumaas ang isang kilay. Hindi lang ito mahangin, arogante din.
Ang akala yata ng lalaki ay naghahanap na siya ng aasawahin. No! Pinatulan lang din niya ang blind date na ito dahil sa sulsol ng pinsan niyang si Dulce. Ang akala yata ng babae ay desperada na siyang magkaroon ng lalaki sa buhay niya. Oo at matagal na siyang walang dilig at may lumot na yata ang p********e niya pero hindi pa siya handa na pumasok sa isang seryosong relasyon.
"Ganon ba.. Hindi kaya katulong ang hinahanap mo, Stevan?" deretsahan niyang sambit na siyang nagpabura sa ngisi nito.
"No, I mean that's a wife's role, right?" nagkibit pa ito ng balikat at sumimsim sa hawak na red wine.
Umikot nalaang ang mata ni Yna at nagpabuntong-hininga. Hindi na niya kayabg makipag plastican pa sa lalaking ito kaya aalis na siya ngayon mismo.
"Uhm, Stevan, may nakalimutan pala akong pasyente. Kailangan ko nang umalis dahil manganganak na siya." aniya na hindi na ito hinintay na sumagot. Agad siyang tumayo at dinampot ang clutch bag sa mesa.
"Wait, Yna! Can I have atleat get your number?" pahabol pa nitong sambit. Napailing siya at sinalubong ang hindi kagwapuhan nitong mukha.
"I'm sorry, but I'm not your wife material. Hanap ka ng katulong na mag-aalaga sayo every second of the day. Ciao!" natigagal yata ito sa sinabi niya dahil hindi agad ito nakahuma.
She walked out of that restaurant with confident. Ang totoo ay wala naman talagang pasyente na naghihintay sa kanya sadyang hindi na siya makahinga sa malakas na hangin galing kay Stevan. Hindi nga niya alam kung bakit pinagbigyan niya si Dulce na e-blind date siya. Gawd! She's just 27, pretty, sexy and a has good career! Bakit siya nagmamadaling makahanap ng lalaki when she can do everything all by herself.
Her mantra is NO COMMITMENT NO PROBLEM.
Nakailang tawag sa kanya si Stevan pero tuloy-tuloy siyang naglakad hanggang sa makalabas na siya ng tuluyan sa resto.
Napabuga siya ng hangin nang makarating sa parking lot. Medyo malayo ang kinalalagyan ng kanyang kotse kaya kailangan niyang maglakad ng ilang hakbang pa. Maraming sasakyan ang nakapark doon dahil gabi na. Isa pa ay isa itong exclusive resto for riches people kaya hindi na siya magtatakang halos mamahaling sasakyan ang nakahelira sa parking.
Lumampas na siya ng tatlong sasakyan ng makarinig ng mahihinang pag-ungol. Ayaw na niya sanang bigyan ng pansin pero hindi niya alam kung bakit nakuha niyon ang atensyon niya.
"Ohh, Paul.. You're making me wet down there, shit."
Halos makulili ang tenga niya sa narinig. Sa dinami-dami ng pangalan ay talagang ang pinakaiiwasan pa niyang marinig ang binanggit nito. Oh well, mfa isangdaan tao ang may ganong pangalana sa mundo kaya hindi siya dapat magpadala.
"Ohhh, uhmm.."
Hindi na nga niya naituloy ang paghakbabg at nilingon ang medyo madilim na parte ng parking lot. May isang itim na lambo doon na sobrang kinis pa. Doon nanggagaling ang mga ungol kaya mas lumapit pa doon si Yna.
What are you doing, Yna? Ganyan ka na ba talaga katuyot at gusto mo nang live?? sikmat ng isip niya.
Pero sa halip na umalis at tumalikod ay mas dinikit niya ang tenga sa itim na lambo. Ang tanga din ng mga ito na hindi man lang nagawang isarado ang pinto ng sasakyan. Ke ganda-ganda ng kotse pero hindi makapag hotel!
Nakakarinig na siya ng hagikhigan at tila pusang kinikiliti. Napaikot ang mata niya dahil sa OA nang pagkakatawa ng babae. Wala naman siyang naririnig na boses lalaki kaya na curious siya doon.
What the f**k, Yna!
Ilang sandali pa ay nakakarinig na ulit siya ng ungol. Ang pwesto niya ay nasa gilid ng trunk ng kotse habang nakayuko.Ang dami pang lamok kaya wala sa loob na sinampal niya ang brasong kinagat na ng lamok. Napalakas pa yata iyon dahil biglang tumigil ang ungol at tila narinig ang ginawa niya.
Nanlalaki ang matang agad siyang tumuwid ng tayo at kinakabahang naglakad paalis.
Shit! You're crazy, crazy b***h!
Narinig niya ang biglang pagbukas ng pinto sa likuran pero tuloy-tuloy siyang naglakad. Kahit magunaw ang mundo ay hindi talaga siya aamin na nakikinig siya sa ginagawa ng mga ito! Kahit ramdam na din niya ang takatak ng sapatos sa kanyang likuran at hindi talaga siya lumingon. Sa halip ay binilisan niya ang lakad.
Shit, where is her car?
"Hey."
Hindi siya nakinig at nagpatay malisya. Huwag na huwag kang lilingon, Yna!
"Hey, woman..You left your bag." ang malamig at baritonong boses ng lalaki ang nagpahinto kay Yna.
Tila nag glue ang paa niya sa sahig at hindi magawang ikilos ang ulo. Tila bigla din sumakit ang leeg niya na ayaw nang gumalaw.
Oh my God! What's with that voice?
"You lef your bag outside my car." pag uulit nito.
Parang nabingi yata si Yna ng mga sandaling iyon. Natatakot siyang lumingon hindi dahil nahihiya siyang mabisto kundi dahil hindi niya pwedeng makalimutan ang boses na iyon. Kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi man lang niya nagawang kalimutan ang boses na iyon.
Malalim siyang napabuntong-hininga at dahan-dahang tumingin sa direksyon ng matangkad na lalaking nasa harapan niya. Hawak nito ang clutch bag niyang naiwan sa labas ng kotse nito dahil sa pagmamadali.
What a coincidence!!
Ang kaninang confident niya sa sarili ay tila nawala ng parang bula. Standing in front of her, the owner of Vicente's Jewelry and the most sought after bachelor in town.
PAUL GUSTAV VICENTE. Ang lalaking matagal na niyang binura sa buhay niya pero patuloy na hina-hunting ang alaala niya sa nakaraan.
Nakatingin ito sa kanya na para bang isa lang siyang babaeng ngayon lang nito nakita. Walang ibang emosyon sa mata kundi kalamigan. Wala din siyang nakikitang pagkilala sa mukha nito. Parang hindi nga yata siya nakilala o sadyang kinalimutan na siya ng lalaki. And she really think it's the latter.
Nagbukas-sara ang bibig ni Yna para sana magsalita pero walang lumabas sa kanyang bibig. Tinakasan yata siya ng sariling boses dahil hindi niya iyon mahanap.
"The next time you interfere in someone else's business, make sure you don't leave any evidence behind. You're disturbing our babe time." Anito sa kanya sabay abot ng kanyang bag.
Kahit may kadiliman sa parking lot ay malinaw niyang nakikita ang pagkairita sa pagmumukha nito. Bago pa siya makapag salita ay tumalikod na ang lalaki at mabilis na naglakad palayo..Nakita pa niya kung paano nito salubungin ng halik ang babaeng kasama nito sa kotse kanina.
"Sorry.." mahinang sambit ni Yna.
Hindi alam kung para saan ang sorry na iyon. Kung dahil ba sa nangyari kanina o dahil sa nangyari dati.