CHAPTER 2

1341 Words
"Goodmorning Doc. Pretty! Your coffee is ready and all your appointments are waiting. Have a nice day!" bati sa kanya ng kanya ng kanyang secretary na si Yolly. Isa itong transgender na masayahin kaya't palagi siyang nahahawa sa positive vibes nito. Kakapasok lang niya sa kanyang opisina sa loob ng hospital at marami nang nakapila for check up kaya medyo magiging busy siya sa araw na iyon. "Goodmorning Yolly." bati niya pabalik habang nakangiti. Pagkaupo palang niya sa kanyang swivel chair ay agad niyang dinampot ang kanyang usual coffee na palaging hinanda sa kanya ni Yolly. She was working as a residence doctor for two years sa Manuel Sanchez Hospital. Ang hospital na pagmamay-ari ng Lola at Lolo niya. She is a family of doctors kaya siguro naging doctor din siya. An Obstetrician-Gynecologist to be exact. Her father is a surgeon while his mother is a dermatologist. Dahan-dahan niyang sinisipsip ang mainit na kape habang binabasa ang mga pasyenteng naka line for check ups. Nang maging maayos na ang lahat ay isa-isa niyang pinatawag ang mga ito kay Yolly. Sa mga sumunod na sandali ay naging busy na si Yna na hindi na niya namamalayang tatlong oras na pala ang nakalilipas. Sa dami ng buntis na nagpa check ay so far wala naman malalang problema. Wala nang tao sa labas kaya nagpatimpla ulit siya kay Yolly ng kape. Well, coffee is life kaya hindi pwedeng wala iyon. Nasa pangatlomg higop na si Yna nang kumatok ang secretary niya. Sumilip ito sa singaw ng pinto at kinuha ang kanyang atensyon. Agad naman siyang napaangat ng tingin at nilapag ang tasa ng kape sa mesa. "You have another patient Doc." "Yeah, give me a minute." agad niyang sambit. Hinubad niya muna ang white coat at ipinatong sa sandalan ng swivel chair niya. Medyo malagkit na ang kanyang pakiramdam dahil kanina pa siya sa opisina.Nang maging maayos ang sarili at agad niyang sinabihan si Yolly na papasukin ang pasyente. Isang maganda at petite na babae ang pumasok. Agad itong ngumiti sa kanya ng magsalubong sila ng tingin..By the looks of it, the woman was probably pregnant. Medyo malaki kasi ang tiyan nito. Hello? Kaya nga nagpunta sayo dahil buntis! kastigo niya sa sarili. "Goodmorning Doc." Ang malamyos na tingin ng babae ay nagpangiti kay Yna. She's like an angel from heaven. Ang ganda ng ngiti at boses nito. "Goodmorning. Have a seat." iminuwestra niya ang kaharap na silya. Umupo naman doon ang babae kaya agad niyang itong kinausap gaya ng mga nauna. May naka fill up na din kasi na binigay sa kanya ni Yolly bago pumasok ang mga pasyente. Pero dahil nakalimutan niyang basahin ay ngayon palang niya papasadahan ng tingin. "Your pregnant?" anitong nasa papel na may impormasyon nito nakatingin. "Yes Doc." sagot naman nito Tumatakbo ang tingin niya mula sa papel na may pangalan ng babae nang mapatigil si Yna dahil sa narealized. Nanlaki din ng bahagya ang kanya mata at tumingin sa babae. "E-elaiza Vicente? A Vicente?" "Yes Doc, may problema ba?" "W-wala naman." medyo tabingi niyang sagot. Kahit malaking katanungan sa isip niya kung saang Vicente ito nanggaling. Hindi kaya asawa ito ni- Napailing siya at agad na ngumiti dahil medyo nagtataka na ang pasyente sa naging kilos niya. Kinuhanan niya ng BP ang babae at binigyan ito ng ilang reseta ng mga vitamins. "You can come back here after a month. We will conduct an ultrasound to make sure that the baby is healthy. Sa ngayon ay medyo maliit pa siya. Take all the vitamins that I gave you because it's for the baby. Please avoid stress. Okay?" pormal niyang sambit. "Thankyou Doc. Yna. Mabuti nalang at dito sa clinic mi ako dinala ng mga paa ko." "You're welcome. Alagaan mo ang sarili mo, mommy.." Akmang kakamayan niya ang babae nang biglang bumukas ang pinto ng opisina s***h clinic niya. Pumasok doon ang isang matangkad na lalaki na kahit sa malayo ay kilalang-kilala niya- Paul Vicente. "I'm sorry, I got stocked in the traffic. Are you okay?" may pag-aalala ang boses nitong sambit sa babae. Halos hindi nga siya napansin nito dahil nakatuon lang ang buong atensyon sa babaeng buntis. Nakasunod dito si Yolly na wari'y nakakita ng adones sa gubat na naglalakad. Natulala kasi ito habang hindi mawalay ang tingin kay Paul. Mabuti nalang ay bigl din itong natauhan kaya lumabas na ulit ng opisina. Napabalik ang tingin niya sa lalaki. It could be? Bakit hindi man lang niya nabalitaan na kinasal na pala ito? Or baka kamag-anak lang, Yna! "I'm fine..You were just on time. Pauwi na rin ako dahil tapos na ang check up ko kay Doc. Yna. Sabay nalang tayo." sagot naman ng babae. Saka palang siya nilingon ng lalaki na tila hindi man lang nabigla ng makita siya. "Allright." Hinalikan pa nito ang ulo ng babae kaya nag-iwas siya ng tingin. Naalala niya tuloy na ganon na ganon ito kalambot sa mga taong mahalaga dito. "Thankyou so much again Doc." turan pa sa kanya ni Elaiza na malaki ang ngiti. Hindi niya alam kung paano kikilos pero pinilit niya ang sariling ngumiti pabalik. Kinamayan din niya ang babae kahit malamig ang mga palad niya. Paul just stare on her while standing beside Elaiza. Nanunuot ang mga titig nito kahit hindi siya tumingin. Huling kita nila ay noong sa parking lot dalawang linggo na ang nakakalipas. Parang hindi siya nito kilala kaya hindi niya malaman kung bakit ganoon ito tumingin. Wala naman itong sinabi hanggang sa makalabas amg mga ito. Nanlulumong napabalik siya ng upo at napabuga ng hangin. What now? Kung asawa man iyon ni Paul ay wala na siyang pakialam. Hindi na din niya problema kung nahuli niya itong may kasamang ibang babae habang may buntis pala itong asawa. Lahat naman ng tao ay nagbabago. He could get whoever he wants dahil sobrang taas na nito. Sa katunayan ay sa loob ng walong taon ay palagi niyang nakikita sa mga magazine kung gaano na ito ka namamayagpag. Atleast masasabi niyang hindi nasayang mga ginawa niya. Hindi siya nagkamali ng desisyon dahil nagbunga ng maganda ang paglayo niya sa lalaki. Napailing nalang si Yna sa sarili at tumayo. Kakain nalang siya ng lunch dahil mag aalas dose na ng tanghali. Lahat yata ng ugat niya sa katawan ay nagugutom na nang mga sandaling iyon..Akmang tatayo na si Yna nang tumunog ang kanyang telepono. Debby Calling.. Napaikot siya ng mata bago iyon sinagot. "Yes, Debby?" "Oh my God, Yna! Finally you picked up your damn phone!" ang mataray na boses ng pinsan ni Yna ang nagpakulele sa tenga niya. "What? I'm busy." bored niyang sagot. "Nakalimutan mo na? What is it today?" Anitong medyo may tampo sa boses. Napakunot naman ang kanyang noo dahil hindi niya maalala kung ano nga ba ngayon. Ilang beses nadin kasing tumawag ang pinsan niyang ito pero hindi niya sinasagot. Paano ay puro set-up nalang ng blind date niya ang ginagawa nito. At kapag hindi siya pumayag ay katakot-takot na bagay ang gagawin ni Debby. Kagaya nalang ng pagkakalat nito ng picture niyang lasing sa GC ng family nila. Halos wala na siyang huwisyo at kalat na kalat ang make up sa mukha. The picture was 8 years old noong kakarating lang niya ng america. "Gawd! You're impossible! Its my birthday!" eksaherada nitong sambit. Bumagsak ang balikat ni Yna..Oo nga pala nakalimutan niyang ngayon ang kaarawan ng pinaka paborito niyang pinsan. "Oh?.Magpapalechon ka ba?" aniyang tunog nagbibiro. "What? Ano yan fiesta ng baranggay? Of course we are going to party!! Nagpa-reserve na ako ng seats natin sa exclusive na club mamayang gabi..And I want you to be there, Yna..No buts." pinal nitong sambit. Wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon. Total ay birthday naman ng babae. "Okay..I'll be there, Debby." "Bravo! See you, Doctora Sanchez!" sambit pa nito bago pinatay ang tawag. Nang matapos ang tawag ay lumabas na siya ng hospital. She better be give time to party tonight. Kailangan na niya sigurong lumandi din paminsan-minsan para mawala na ng tuluyan ang mga inaagiw ng alaala sa utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD