Prologue P-2

1904 Words
Halos hindi malunok ni Yna ang kinakain kahit sobrang sarap naman ng pagkakaluto ng mommy niya. Pinipilit lang niyang umakto ng normal kahit ang totoo ay wala siyang gana. Tumuloy parin siya sa pagpunta sa cafe kung saan nagta-trabaho ang nobyo at nandito na ngayon sa bahay ng mga magulang. Nagluto kasi ang mama niya ng bagong natutunan nitong recipe kaya gusto nitong ipatikim iyon kay Paul. Pero dahil sa nangyari ay wala siyang nagawa kundi isipin at matulala sa harap ng ina at nobyo. She was turn between her love for Paul or saving him into the scandal they were in. Kapag nasira ang pangalan ang nobyo at mawala ang scholarship nito ay hindi na ito makakapag-aral. At kung oras na sinabi niya ang totoo ay sigurado siyang hindi ito papayag. Alam niyang hahayaan nitong masira ang kinabukasan nito at mahirapan kesa maghiwalay sila. Ganon siya kamahal ni Paul. "Yna." Halos mapatalon siya sa kinauupuan ng marinig niya medyo may kalakasang boses ng ina. Agad natuon ang tingin niya dito na nagtatakang napatingin sa kanya. "Y-yes ma?" Pinilit niyang maging pormal pero tila hindi niya nagawa dahil mas lalong nagtaka ang bukas ng mukha nito. "You seemed occupied. Kanina pa kita kinakausap pero parang wala kang naririnig." anito. Napahinga siya ng maluwag at pilit na ngumiti. "May problema ba, Yna? Tama si tita..nang dumating ka sa cafe ay matamlay kana. May sakit ka ba?" segunda ni Paul na nag-aalalang nakatitig sa kanya. Inalis niya ang bara sa lalamunan at ngumiti sa nobyo. Ayaw niyang mahalata nitong may problema nga. This is her problem. Kung hindi hindi niya inakit ang nobyo noon sa dorm nito ay walang video na makukuha si Frances. Kaya siya ang puno't-dulo ng lahat. She was the root of the problem so she should solve this by herself. Kung paano ay hindi pa niya alam. "Medyo masakit nga ang ulo ko, babe. Ma, pwede ba akong magpahinga muna sa kwarto?" ani sa ina na nakatingin din sa kanilang dalawa ni Paul. Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng lalaki pero hindi niya iyon pinansin. "Sige, anak..Tapos na din naman kaming kumain..Magpapa-akyat nalang ako kay manang ng dinner mo." anang ina. Pinagpasalamat niya ang narinig kahit sa loob-loob ay gusto niyang umiyak sa harap ng mga ito. Hindi lang pala si Paul ang malalagot kapag lumabas ang vedio. Pati mga magulang niya ay masasaktan niya. Imagined their daughter having s*x with a guy in a vedio? Baka atakihin pa bigla ang mama niya. Sinabi niyang masakit ang ulo dahil alam niyang hindi naman nakakapasok si Paul sa kwarto niya. Kailangan niyang mapag-isa dahil baka bigla nalang siyang gumagulgol sa harap ng lalaki. Mabigat man ang loob ay sinabi niya sa lalaking magkikita nalang sila bukas. Walang salitang umalis siya sa dining at umakyat sa kanyang kwarto. Pagdating sa taas ay nakatanggap siya ng mensahe galing sa nobyo na umalis na ito at uminom daw siya ng gamot upang hindi ito mag-alala. Hawak ang cellphone ay wala siyang magawa kundi umiyak habang nakatitig sa mga litrato nila ng lalaki. Naninikip ang dibdib niyang nakatulugan ang pag-iisip. Kinabukasan ay late siyang pumasok. Mamayang hapon pa ang klase ni Paul dahil nagtext ito sa kanya. Minabuti niyang hindi muna ito replyan dahil pupuntahan niya si Frances sa kabilang school. She needs to talk to the devil. Habang naglalakad sa camus ng Xavier ay ramdam niya anv mga titig ng kalalakihan. Bukod sa ibang logo ng uinform ay naglalakad siya na parang walang buhay. May dalang galit at pagkamuhi. Hindi niya alam kung para sa sarili o para sa taong pinuntahan niya sa lugar na iyon. "The pretty bad ass is here." nakangising sambit ni Frances ng makaharap siya. "Where is the f*****g vedio?" Agad niyang turan. "Ops! Hindi mo pa ginagawa ang gusto ko. Relax..the vedio is safe..for now.." tumaas ang dalawang kilay nito habang may demonyong ngisi sa labi. Nagtawanan pa ang mga kasama nitong parehas na sakit sa ulo ng mga magulang. Malagkit pa ang tingin sa kanya na para siyang nakahubad kahit hanggang tuhod naman ang puting palda. "Kapag ginawa ko ang sinabi mo ibibigay mo ba sa'kin ang vedio?" "Yes, Yna. At 'yong sinabi ko kaninang umaga. Gusto kong makita ang Paul na iyon na nasasaktan." anitong humihimas pa sa panga. Sarap na sarap na siyang tadyakan ang lalaki pero pinipigilan niya ang sarili. Kaninang umaga ay nagtext ito sa kanya. Hindi niya alam kung saan ito kumuha ng numero niya pero ang laman ng mensahe ay gusto nitong ipamukha kay Paul na pagmamay-ari na siya nito. Ilang ulit pa nitong senend sa kanya ang video nila na parang tinatakot siya ng lalaki. "May dalawang araw pa ako,diba?" aniyang nakakuyom ang kamay. "Of course, Yna. Take your time." akma siya nitong hahawakan ng bigla siyang umatras kaya nabitin ang kamay nito sa ere. Walang salitang umalis siya sa lugar na iyon sa kabila ng panginginig ng kalamnan dahil sa galit. Si Frances ay anak ng gobernador sa lugar nila kaya mas malaki ang empluwensya ng pamilya nito sa pamilya niya. Hindi patas ang batas sa lugar na iyon kaya walang silbi kung lalapit siya sa otoridad. Ilang mga kaso na din pala ang nalulusotan nu Frances dahil koneksyon ng pamilya nito kaya hindi malabong mabasura ang kasi nila. Pagtatawanan pa sila ng madla at masisira ang buhay ni Paul. Pagkatapos ng klase nila ay umuwi siya. Ilanh text na ang natanggap ni Yna gaking kay Paul na hindi niya pinapansin. It was part of her plan actually. Kailangang maramdaman ni Paul na nanlalamig na siya. Mahal na mahal niya ang lalaki kaya hindi niya hahayaang mawala ang pinaghirapan nito. 30 miscalls at 16 text messages ang binalewala ni Yna. Kating-kati na siyang replayan ang nobyo pero hindi niya ginawa. Wala siyang ginawa kundi iyakan lahat ang sitwasyong kinasasadlakan. Iisipin palang niya na isang araw nalang ang natitira na hindi na niya makakasama ang nobyo ay tila pinipilipit ang kanyang puso. Ang sakit sakit na parang wala nang mapaglagyan. Buong arae ay hindi na niya nagawang lumabas ng kwarto hanggang sa pumasok ang mommy niya. Dito niya ibinuhos ang lahat ng luha at ilang beses siyang humingi ng tawad. Nagalit ang ina at kitang-kita ang disappoinment sa mga mata nito. Sinong matutuwa kung ang 19 years old mong anak ay na-involve sa ganitong skandalo? Hindi lang basta scandal dahil s*x vedio scandal. "You will fly to America next week Yna! No more buts this time. Malaking kahihiyan ito sa mga tao sa oras na lumabas ang vedio na yan." "You both are disappointing! Pinagkatiwalaan ko kayong dalawa." tukoy nito sa kanilang dalawa ni Paul. Halos magmakaawa siya sa ina hanggang sa niyakap nalang siya nito habang umiiyak. Atleast now, nailabas niya ang sakit. Isa nalang ang problema niya, kung paano siya magsisinungaling kay Paul para kamuhian siya nito. --- Huling araw. Halos hindi nakatulog si Yna. Bukod sa ilang tawag ang hindi niya sinagot galing kay Paul ay dumating ito kagabi sa bahay nila na malakas ang ulan. Iyak siya ng iyak habang nakikita ang nobyo sa labas ng bahay na basang-basa dahil hindi ito pinapasok ng mga katulong sa utos ng mga magulang niya. Halos magmakaawa siya sa mga ito na huwag nang sabihin ang tungkol sa vedio at nangakong malulusutan niya ang lahat. Hindi man sumagot ang mga magulang ay sapat na ang kaalamang walang ginawa ang mga ito. Pagpasok palang niya sa gate ng school at agad siyang sinalubong ni Paul. Magulo pa ang buhok nito at hindi nakaayos sa pagkakabutones ang suot na polo. He's a mess. Muntik na siyang umiyak ng makita ang lalaki pero tinatagan niya ang sarili. "Yna! Yna!" agad siyang tumigil ng nasa harap na siya nito. "What?" maldita niyang sambit. "Sabihin mong hindi totoo ang laman ng text message mo kagabi! Ano bang nagawa ko? Okay naman tayo ah. Bakit ganito?" pilit siya nitong hinahawakan pero iniiwas niya ang kamay. Huling mensahe niya sa lalaki kagabi pagkatapos ng pag-uusap nila ng mga magulang ay nakikipaghiwalay na siya sa lalaki. Ang sabi niya ay napapagod na siya sa relasyon nila. Na narealized niya na hindi niya deserve ang isang katulad nito dahil wala itong pera. Na may nakita na siyang mas better kumpara dito na kayang e-sustain lahat ng luho niya hindi katulad dito na siya pa mismo ang bumibili para sa lalaki. Iyon din ang dahilan kaya bigla itong sumugod sa bahay nila kahit sobrang lakas ng ulan. Kitang-kita ni Yna ang sakit sa mga mata ni Paul. Ang gwapo nitong mukha ay numumugto ang mata at halatang hindi nakatulog. Gusto niya itong yakapin at sabihing hindi totoo ang lahat ng sinabi niya kagabi. Pero parang tukso naman na biglang lumitaw ang demonyong ngisi ni Frances sa utak niya. "Lahat ng 'yon totoo, Paul. Ayoko na sayo." "Hindi totoo yan! Tatlong araw lang Yna! Ganon ba ako kadaling palitan?" nagtatagis ang bagang nitong tumitig sa kanya. Napahilamos ito sa mukha at walang pakialam kahit maraming nakatingin. Nabigla pa siya ng bigla itong lumuhod sa harap niya. "Yna, please.. Huwag ganito.. Mag-usap muna tayo..Sabi mo mahal mo'ko diba? Magsisikap ako, Yna.. Mas magiging magaling ako..Huwag mo lang akong iwan.." nakayakap na ang lalaki sa tuhod niya at nakita niyang isa-isang pumatak ang luha sa mata nito. Halos madurog si Yna dahil mas doble ang sakit sa loob niya. "It's over, Paul. Lahat ng ipinakita ko sayo, lahat 'yon pagkukunwari. Hindi na magbabago ang isip ko dahil may mahal na akong iba." "No, Yna! Please.." ayaw nitong bumitaw pero nilakasan niya ang pagkakatulak kaya sa huli ay nakawala siya saga yakap ng lalaki. Doon naman biglang sumulpot si Frances sa gilid niya at hinawakan siya sa kamay. "Don't touch her, you idiot!" galit na sambit ni Paul kay Frances na akmang susugurin na ito bg suntok. Nakakakuha na sila ng atensyon ng ibang studyante at marami nang nakikiusyoso. Bago paman nito masuntok si Frances ay pumagitna na siya sanhi ng pagkabitin ng kamao nito.. "Siya ang mahal ko Paul! Si Frances ang mahal ko at isang buwan na kaming may relasyon!" malakas at nanginginig niyang sambit. Ang kaninang galit sa mata nito ay domoble. Ang akala niya ay susuntukin siya ng lalaki pero bigla itong tumalikod at sumigaw. "Putang-ina! Puta!" Malakas nitong mura. Walang paki kahit maraming nakakarinig. Ang nakangising mukha ni Frances ay tumuon kay Paul habang siya ay pinilit ang sarili na huwag matumba sa sahig. Nasusuka siya at nahihilo sa nakikitang sakit sa mukha ng lalaki. Hindi niya akalaing sa dami ng plano nilang dalawa ay naging ganito ang kinahihinatnan. "She's mine now, Vicente. So f**k off!" ani pa ni Frances. Cold and raging emotions are colliding in Paul's eyes. "Umalis ka na, Paul. Tama sila, hindi ako mapakali sa iisang lalaki. Maswerte kalang dahil umabot tayo ng ilang taon." mahina ngunit klarong sambit niya. "Is this really the end, Yna?" Nagawa pa nitong itanong sa kabila ng galit na nakikita niya sa mata nito. Nag-iigting ang panga na nakatingin sa kanya at sa kamay ni Frances na nakahawak sa bewang niya. Mabigat ang loob na tumango si Yna kahit kabaliktaran ang gusto niyang sabihin at gawin. Kung sana ay pinatay nalang siya ni Frances baka kayanin pa niya kesa makita ang ganito. "You w***e. " Ang huling namutawe sa labi nito bago ito tumalikod sa kanilang gawi. Ang luha na kanina pa niya pinipigilan ay parang balon na nag-uunahang umalpas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD