"Girl, nakikita mo ba kung sino'ng nakikita ko?" sabi ni Pawi na inginuso si Owen na nakaupo sa kanilang tambayan. "Sibat na ako, ha. Alam kong gusto kang kausapin ni Owen pogi. Sige na, alis na ako. Babayu!" wika nito saka tumakbo ito palayo sa kanya.
"Hoy, Pawi!" pasigaw niyang tawag sa kaibigan.
"Magkita na lang tayo bukas. Chat tayo maya, ah!" anito na nagsign pa sa daliri ng flying kiss saka sumakay na ito sa kanyang sundo.
Naiwan naman na kinakabahan si Madice. Malayo pa lang, tanaw niya na ang binata at nakatingin ito sa kanya. Pakiramdam niya ay naistat'wa siya sa kanyang kinatatayuan. Kaya hindi na rin nagpatumpik-tumpik pang lumapit sa kanya ang lalaki.
"H-Hi. . . . Uhm, h-hindi ka na ba galit sa akin?" nagkandautal-utal nitong tanong sa kanya. Tumikhim siya para maibsan ang nararamdamang kaba.
"Ehem! D-Doon na lang tayo mag-usap para hindi tayo pagtinginan ng mga estudyante," aniya na palingon - lingon Baka bigla na namang may susulpot na kontrabida roon. Tumango naman si Owen ngunit nakiusap ito na sa lugar sila pupunta kung saan makakapag-usap sila ng maayos ngunit tumanggi ang dalaga.
"May trabaho pa kasi ako, Owen. Sayang naman kung 'di ako papasok."
"Hiramin ko muna ang oras mo. Ipapaalam kita sa Boss mo sa karinderya. O, kaya'y pakyawin ko lahat ng tinda nilang pagkain doon," pakiusap nito sa kanya.
"Pero, Owen," pigil niya rito ngunit hinawakan siya nito sa kamay.
"Alam kong kalabisan na ang hinihingi ko, sa 'yo. But please. . . Gusto kong mag-usap tayo. Ng tayo lang, ng walang taong istorbo."
Hindi siya sumagot bagkus ay sumama na lang siya sa binata. Pumunta sila sa karinderya upang pakyawin lahat ni Owen ang mga pagkain roon saka pinamigay sa mga namamalimos sa kalye. Pagkatapos ay pumunta sila sa lugar na malayo sa mga tao.
"Isa ito sa paborito ko sa Pangasinan. Ang malinis na dagat, ang masarap na simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat. Pag-uwi ko sa Maynila, ipagmamalaki ko itong lugar niyo sa mga kaibigan ko," anito na suminghap ng sariwang hangin saka sumandal sa kotse. Sumulyap siya kay Madice at seryoso itong nakatingin sa karagatan. "Ang ganda rito, 'no? Kasing-ganda ng kasama ko," aniyang ngumiti na siyang ikinalingon ng dalaga.
"Pumunta tayo rito para magkapag-usap tayo, hindi kung ano-ano'ng sinasabi mo," pagalit na sabi niya. Tumawa naman ang lalaki. "May nakatatawa ba sa sinabi ko?" irap niyang sabi rito.
"I really like you Madice," walang preno nitong sambit kaya natahimik ang dalaga. "Can I court you?" seryoso nitong tanong ngunit hindi sumagot ang dalaga. "I repeat, can I court you or else luluhod ako," anitong sabay luhod sa harap ni Madice. Kaya nabahala naman ang dalaga sa ginawa nito.
"A-Ano ba Owen? Baka may makakita sa atin dito. Tumayo ka nga! Hindi ako santo para luhuran mo."
"I know. But I want to do this. I will not stand here, hangga't 'di mo sinasagot ang tanong ko."
"Pero Owen, masyado pang madali. Saka pumunta tayo rito para mag-usap 'di ba?"
"Nag-uusap na nga tayo, 'di ba? Basta. Hindi ako tatayo rito hangga't wala kang sagot."
"Bahala ka sa buhay mo," aniyang iniwan si Owen doon at naglakad papunta sa dagat ngunit pinagmasdan lang siya ng binata. Makalipas ang ilang minuto, ang makulimlim na langit ay lumiwanag. Ang sinag ng araw ay mahapdi sa balat.
Hindi pa rin tumatayo si Owen mula sa pagluhod kaya na bahala na si Madice. Natanaw niyang tagaktak na ang pawis nito dahil kumikinang-kinang pa iyon.
"Hindi ka pa rin ba tatayo riyan!" pasigaw niyang sabi sa binata.
"Hindi! Hangga't 'di ko marinig ang matamis mong Oo. Rito lang ako kahit aabutin tayo ng gabi," sambit nito pero ang totoo'y masakit na ang kanyang tuhod, pati na ang balat. "Kaya mo 'to Owen. Ngayon ka pa ba susuko? Oo. Ngayon mo lang ito ginawa sa tanan ng buhay mo, pero gusto mo si Madice, hindi ba?" bulong nito sa kanyang sarili saka bumuntong-hininga.
"Iiwanan na kita!" Narinig niyang wika ng babae. Hindi siya sumagot bagkus ay nginitihan lang niya ito.
Umalis doon si Madice at halos isang oras na 'ata siyang nakaluhod nang makita niya itong bumalik papalapit sa kanya.
"Ba't ka bumalik? Akala ko, iiwanan mo na 'ko?" sambit niya sa malamyos na boses. Umismid naman si Madice saka ito humalukipkip.
"Naiinis ako, sa 'yo, eh. Hindi ka talaga tumayo. Pa'no na lang kung may pumunta na masamang tao rito at hinoldap ka dahil sa itsura mo. Basang-basa ka na ng pawis," anito sabay kuha ng panyo at ipinunas iyon sa mukha ng binata. Lihim namang ngumiti si Owen. Naghalong kilig at tuwa ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Nahalata naman ni Madice ang pagngiti-ngiti nito kaya tumigil siya sa kanyang ginagawa.
" B-Bakit ka tumigil?" takang tanong nito.
"Nakakaloko iyang pagngiti mo."
"Ngumingiti ako kasi binalikan mo 'ko. Kasi consern ka sa akin. Uhm, puwede ba akong makahingi ng tubig? Inom na inom na kasi ako," wika nito sa nakakaawang boses. Bumuntong-hininga naman ang dalaga saka kinuha nito ang nakaboteng tubig at inabot iyon sa kanya." Salamat."
"Tumayo ka na riyan, kasi tagaktak ka na ng pawis at sobrang init na, " pag-aalala nito.
"Ibig sabihin, sinasagot mo na ang panliligaw ko?" tuwang sambit nito.
"H-Hindi 'no? Mainit na kasi kaya pinapatayo na kita," alma niyang sagot dito.
"Sinasabi ko, sa 'yo Madice. Hindi ako tatayo rito hangga't 'di mo sinasagot ang tanong ko." diin niyang sabi. Napalunok naman ang dalaga. Ano pa nga ba ang gagawin niya, kaya um-Oo na lang siya dahil naaawa na siya sa binata. Baka magkasakit pa ito.
"Oo na. Sige na. Tumayo ka na riyan."
"Iyong totoo? Ayaw kong umasa Madice," pagsisiguro nito.
"Oo na nga. Tayo ka na riyan baka magkasakit ka pa," aniyang inalalayang tumayo ang lalaki. Nakangiti namang tumitig sa kanya si Owen at walang ano- ano ay bigla siya nitong binuhat kaya nabigla at napayakap tuloy siya sa leeg ng lalaki.
"Woah! I assure you, I will do my best to make you happy with me, Madice," anas nito na siyang ikinamula ng mukha ng dalaga.
"Put me down, Owen baka may makakita sa atin dito," nahihiya niyang sambit.
"I don't care. . . I'm so happy now. Thankyou," wika niya na dahan-dahan inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga.
"O-Owen," anas niya. Kaunting-kaunti na lang ay magdidikit na ang kanilang labi.
"I promise you, I won't hurt you that I will love you more than I know. Tama ang ginawa kong pangungulit sa 'yo. Hindi ako nagkamali na ikaw ang nagustuhan ng puso ko."
"Ang OA mo. Hindi pa kita sinasagot Owen pero ang dami mo nang sinasabi. Ibaba mo na nga ako."
"Kahit 'di mo pa ako sinasagot, sinasabi ko lang sa 'yo ang nararamdaman ko. Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa Madice baka maunahan pa nila ako. And I know na you accept my sorry kasi tinanggap mo na ang cellphone," pabiro nitong sabi. Sabay baba sa dalaga. Yumuko naman si Madice at biglang lumungkot ang boses nito.
"Ibabalik ko sana sa 'yo iyong cellphone kaso may assignments kami na ise-send via sss. Kaya 'di ko muna ibabalik sa 'yo. Hiramin ko lang saka ibabalik ko rin. Promise ko iyan sa 'yo," aniya na siyang ikinangiti ng binata.
Ikinulong ni Owen ang mukha ni Madice gamit ang mga palad saka pinaharap n'ya ito sa kanya. Pinipigilan naman ng dalaga ang sariling 'wag kabahan ngunit nanlalamig ang kanyang mga kamay.
"It's okay. That is for you. Hindi ko iyan kukunin. Kaya nga ibinigay ko iyan sa 'yo para 'di ka na mahirapan para may magamit ka at siyempre para lagi kitang makita at makausap," aniya sabay haplos sa mukha ng dalaga. "Uwi na tayo. Gusto ko na maligo. Lagkit na Lagkit na ako, baka sabihin mo ang baho ko na," pabiro nitong sabi na siyang kinatawa nilang dalawa. Ngunit may naalalang sabihin si Madice.
"Siya nga pala, uhm. . . . 'W-Wag na lang pala," bawi niyang sabi na siyang ikinakunot ng noo ng binata.
"May gusto ka bang sabihin sa akin, Madice?"
"W-Wala. Nakalimutan ko kung ano na 'yong sasabihin ko," pagsisinungaling niya rito.
"So, uwi na tayo at ihatid na kita," sambit nito. Tumango lang siya rito at sumakay na sila ng kotse, kasabay nito, pinaandar niya na ang sasakyan.
LUMIPAS ang ilang linggo, buwan na laging hatid sundo ni Owen si Madice sa eskuwelahan at sa pinagtatrabahuhan nito. Sentro sila ng atraksyon dahil sa pagiging sweet ng binata kahit hindi pa man din niya ito sinasagot.
Nang araw na iyon ng Biyernes, hindi siya sinundo ng lalaki. Isang linggo raw itong mawawala dahil may importante itong lalakarin at hindi na rin n'ya tinanong kung ano iyon. Kahit sa ilang buwan nilang magkakilala, at sa ilang buwan na ring panliligaw ni Owen, hindi pa rin niya lubusang kilala ito. Nahihiya naman siyang magtanong sa lalaki kung ano ang totoong pagkatao at estado nito sa buhay.
Papauwi na siya nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanyang likuran kaya binilisan niya ang paglalakad. Ngunit nang malapit na siya sa eskinita, biglang tinakpan ang bibig niya ng taong sumusunod sa kanya
"Huwag kang sisigaw," pagbabanta nito. Nagpumiglas siya. Boses lalaki iyon. Anong kailangan nito sa kanya? Wala naman siyang malaking halaga para holdapin. Kung ang p********e n'ya ang kailangan nito ay ayaw niyang ibigay. Hindi pa siya ready.
"Huwag naman sana dahil 'di niya kilala ang poncio pilatong ito," bulong niya sa kanyang sarili. Ngunit muling nagsalita ang lalaki.
"Binabalaan kita, Miss. . . Layuan mo si Mr. De Jesus. Kung hindi, hindi lang ito ang aabutin mo," wika nito sa kanya saka inalis nito ang kamay na nakatakip sa bibig niya sabay karipas ng takbo. Hingal na Hingal naman siya. Akala niya ay katapusan niya na. Kaya patakbo niyang nilakad ang bahay nila.
Nang makarating siya sa kanilang bahay, halos lumabas ang dila niya sa kahihingal. Nagtataka naman ang mga kapatid niya.
"Anong nangyari sa 'yo Ate?" tanong ni Marina sa kanya.
"Ikuhanan mo ako ng tubig Mikal," utos niya kaya agad na tumayo ang bunso saka lumabas ng kusina. Lumapit naman ang dalawa niyang kapatid at inalalayan siya sa pag-upo.
"Ano ba talagang nangyari Ate? Para kang hinabol ng multo sa itsura mo," sambit naman ni Mayumi sa nag-aalalang boses. "Mikal, dalian mo! Iyang tubig ni Ate."
"Nandiyan na po," sagot ng bunso nito saka Inabot iyon sa kanilang Ate.
Huminga ng malalim si Madice saka ininom ang tubig at nilapag sa mesa ang baso."M-May nagbanta sa akin?"
"Nagbanta? Sino?" sabay tanong ng dalawa.
"H-Hindi ko alam. Lalaki siya. Tinakpan niya ang bibig ko at pinagbantaan niya ako na. . . ."
"Na ano Ate?"
"Na la—," hindi niya naituloy ang sasabihin dahil biglang nagring ang cellphone. Kinuha niya iyon at si Owen ang tumatawag. "H-Hello."
"How's my beautiful lady? namis kita agad," sambit nito sa kabilang linya. Kaya heto na naman siya. Sa tuwing naririnig niya ang lalaking-lalaki na boses ni Owen ay lumalakas na ang t***k ng puso niya.
"O-Okay lang ako, Owen," tipid niyang sagot kaya siniko siya ni Marina. "Kumusta ka na riyan?"
"I'm good. Kaso nga lang hindi kumpleto araw ko," wika nito saka bumuntong-hininga.
"B-Bakit naman?"
"Kasi 'di ako sanay na hindi ka makita sa personal. . ."I really miss you Madice," bulong nito kaya lihim siyang ngumiti at halos magpalpitate ang puso niya sa narinig.
"Gano' n ba? Uhm, ingat ka riyan," sagot na lang niya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"P'wede ba tayong mag-video call? I want to see you at miss ko na rin ang kakulitan ng mga kapatid mo."
"Bukas na lang Owen," tanggi niya rito. "May ginagawa kasi ako."
"Okay. Bukas na lang. Maaga kang matulog, ha," sambit nito sa naglalambing na boses.
"Oo," sagot niya. Akala niya ay papatayan na siya ng cellphone ni Owen ngunit may sinabi ito na hindi niya masyadong narinig.
"I love you, Mahal," pahabol na sabi nito saka ibinaba na ang cellphone.