Chapter 11: I love you, Madice

1903 Words
"Ano ba itong nababalitaan ko, Owen na may pinagkakaabalahan kang babae sa probinsya?" agad na tanong sa kanyang ng ina. Kararating lang niya, pero iyon na agad ang isinalubong sa kanya. "Yes, Ma. And she's special to me," seryoso niyang sagot dito. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig ngunit sumunod ang kanyang ina. "Masisira lang ang reputasyon mo sa babaeng espesyal na sinasabi mo." sabi nito. Tumigil siya sa pag-inom ng tubig, saka tumingin sa ina. "What did you say, Ma? Masisira ang reputasyon ko? How could you say that? Samantalang, hindi n'yo pa kilala si Madice." "Marami akong informer para malaman kung ano ang ginagawa mo sa probinsya. At balita ko, hindi mo na naaasikaso ang negosyo natin doon that because of damn woman." diin nitong sabi kaya nagpanting ang dalawang tainga niya. "Dont say anything to her, Mama. I said, you don't know her yet. I love Madice kahit ano'ng sabihin n'yo. At kaya nga ho ako lumuwas ng Maynila para kausapin ang isa sa mga investors ko. Pakialaman niyo na lahat 'wag lang si Madice," walang preno niyang sambit kaya nagalit ang kanyang ina. "Isang hampas-lupa ang nagugustuhan mo at hindi siya nababagay sa 'yo! Pera lang ang habol ng babaeng 'yon," diin nitong wika. "I don't care. At sino ang nababagay sa akin? Iyong mga anak ng mga Amiga ninyo? Iyong mga anak ng mga share holders n'yo sa Clothing Company?" tuloy-tuloy niyang wika rito. "Oo!" sigaw na sagot ng kanyang ina. "Malapit ka na naming ipakilala bilang CEO, at ayokong malaman nila na sa isang hampas-lupang babae ka lang nagkakandarapa! Samantalang marami namang modelo ang nagkakagusto sa iyo." "I don't care. And I don't like them. Huwag niyo silang ipilit sa akin." "Sumunod ka sa sinasabi ko, sa 'yo Owen." "No! I have been following you since I was a child, Ma. But now, I will follow what my heart desires and who I want to. And that is Madice," matapang niyang sambit at pabagsak na inilapag ang baso sa mesa saka dali-daling umalis sa harapan ng ina. Nagsisi-sigaw naman ang ginang na sinundan ang anak. Ngayon lang siya sinagot-sagot ng pabalang ng binata. "Comeback here, Owen! We're not yet done. Huwag kang bastos!" "We're done Ma. You heard what I said. And that will never change," anito na dire-diretso sa kanyang kuwarto at pabagsak na isinara ang pinto. Kumatok naman nang kumatok ang ginang sa pinto. "Open the door Owen! Iyan ba ang natutunan mo sa babaeng iyon?" anito ngunit wala siyang narinig na sagot sa loob ng kuwarto. Kaya kinatok pa rin niya ito nang kinatok. Nang buksan ni Owen ang pinto, nagulat siya sa lakas ng pagsampal ng kanyang ina. Ipinilig niya ang kanyang ulo saka humugot siya ng malalim na hininga saka nagsalita. "Is this want you want, Ma?" aniya sa matigas na boses. "You know my rules, Owen. Kaya binabalaan kita. Sumunod ka lang sa mga sinasabi ko and everything will be okay. Dahil kung hindi, babawiin ko sa 'yo ang De Supermarket. At hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa babaeng iyon. Sinasabi ko, sa 'yo. . . . Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kung ipagpapatuloy mo 'yang gusto mo! You know me, Owen," pagbabanta ng ina sa kanya. Ngumiti siya sa ina saka umiling. "Hindi niyo mababawi sa akin ang Supermarket, Mama at 'wag niyo akong takutin," walang takot niyang sagot saka pumasok sa kuwarto at binalibag ang pinto. Nadatnan naman ni Orvil na naghihisterikal sa galit ang ina. "What's happening here, Mama? Ba' t gabi na, ingay-ingay n'yo pa," sermon niya saka humalik dito. Ngunit galit na bumaling sa kanya ang donya. "I hate your brother, Son. Matigas na ang ulo ng kuya mo. Magkakagusto rin lang sa babae, sa isang mahirap pa!" "That's okay, Ma. Iyon ang gusto ni Kuya. Nasa tamang edad na siya. And he knew what he was doing kaya hayaan na natin siya," pagtatanggol nito sa nakatatandang kapatid. "Isa ka pa! Pare-pareho kayo ng Kuya mo. Mabuti pa si Akie, dahil 'di siya sakit sa ulo." "Sunod-sunuran po kasi iyon sa inyo. Matutulog na ho ako at baka ako pa ang pagbuntunan niyo ng galit niyo," sambit nito saka tinungo na ang kuwarto. Pumunta naman sa bar counter si Donya Elena saka kumuha ng Margarita. Umupo ito sa couch, nagsalin siya ng alak sa baso at sinimsim iyon saka ito nagsalita. "Madison Reyes, a promdie girl, dishwasher, student and a gold digger! I will do everything to keep you away from my son. Hindi ikaw ang pinapangarap kong manugang para sa anak ko," sabi nitong nagtagis ang kanyang mga ngipin. Nang tumunog ang kanyang cellphone, kinuha iyon at tauhan niya ang tumatawag. "Hello Wilkins, kumusta pinapagawa ko, sa 'yo?" "Ginawa ko na ho, Donya Elena. At mukha naman pong natakot siya sa ginawa ko." "Siguraduhin mo lang na lalayuan na ng babaeng iyon si Owen. Masyado niya nang pinuperwisyo ang anak ko," wika niya sa kausap at nagsalin na naman ng alak sa baso. "Makakaasa ho kayo Donya Elena. Siguro ho, lalayo na po iyon," pagsisiguro nito. "Sige. Nandito pa naman si Owen, kaya saka mo na lang sila manmanan. Kung ipagpapatuloy pa ng babaeng hampas-lupang iyon ang pakikipagrelasyon sa anak ko, baka sa kanya lahat mapunta ang pinaghirapan naming mag-asawa. Tatawagan na lang kita sa susunod kung ano ang gagawin mo. " "Masusunod po Donya Elena," sagot nito sa kabilang linya at pinatay na ang tawag. "Umpisa pa lang ito. Tignan natin kung 'di ka pa matakot," aniyang muling sumimsim ng alak. KINABUKASAN, hindi sumabay sa almusal si Owen dahil masama pa rin ang loob sa ina. Ngunit dinalhan na siya ng katulong sa loob ng kuwarto. "Ser, et yur brekpas na bikus yur mama dasint want yu to gutom-gutom," sambit nito sa matigas na salita, palibhasa'y bisaya kaya lihim na tumawa ang binata. "Pakilagay na po riyan sa mesa, Yaya Soling. Salamat po." "Yu lok layk sad, Ser. Do yu hab prublim?" anito. Sa loob ng limang taon. Katulong na nila si Yaya Soling. Tatlo ang katulong nila at sa tatlong katulong, Kay Yaya Soling lang magaan ang loob niya. Siguro dahil napapatawa siya nito. Hindi rin siya dumedepende sa mga ito lalo na kung kaya naman niyang gawin. "Wala ho, Yaya. Balik na kayo sa trabaho n'yo baka mapagalitan pa ho kayo ni Mama," tipid niyang sagot dito. Tumango lang ang matandang katulong saka lumabas na ito. Naalala naman niyang tawagan si Madice kaya kinuha niya ang cellphone at i-denial ang numero nito. Sinagot naman iyon agad ng babae. "H-Hello." "Kumusta ka na, Mahal?" iyon sana ang gusto niyang sabihin ngunit nauna ang kanyang kaba. "Uhm, kumusta ka na, Madice P'wede bang video call tayo?" "Mabuti naman ako, Owen. S-Sige. Saglit lang i-on ko ang data," sagot nito sa kabilang linya. At ilang saglit ay nakikita na nila ang isa't isa. Kumusta ka na riyan?" bungad nitong tanong sa kanya. Ang madilim niyang mukha'y agad na nagliwanag dahil muli na naman niyang nasilayan ang ganda ng sinisinta. Ngumiti siya ng matamis sa dalaga. Ngunit na halata ni Madice na parang may mali sa binata. "Okay ka lang ba?" "O-Oo. Okay lang ako. Ikaw, kumusta na? kayo riyan? Anong ginagawa mo ngayon?" "Okay lang kami rito. Heto, katatapos lang nagluto ng almusal. Kelan ka nga pala uuwi?" "Bakit, namis mo na ba ako?" pabiro niyang sambit dito. Umalma naman ang dalaga sa narinig. "H-Hindi, ah. Tinatanong ko lang kung kelan ka uuwi." "Ba't mo nga tinatanong?" pangungulit niya. 'Pag uuwi na ba ako riyan, sasagutin mo na ba ako?" "H-Ha? Ewan ko, sa 'yo. . . Nang-iinis ka na naman," sabi nitong inirapan siya. Natawa naman si Owen. "Hindi ako nang-iinis, ah. Sinasabi ko lang ang totoo," depensa niya. Natahimik naman ang dalaga. "I love you Madice," lakas loob niyang sabi rito. Pero hindi niya alam kung narinig iyon ng dalaga dahil may dumaang motor. Nakisabay pa ang 'lang h'yang motor na 'yon. Tumitig si Madice sa screen ng cellphone at seryoso ang mukha ni Owen pagkatapos nitong banggitin ang huling sinambit. Tama ba ang narinig niya? Hindi malakas ang pagkakasabi nito at hindi rin mahina. Ngunit mas malakas ang tambutso ng motor kaya hindi niya masyadong narinig ang sinambit ng g'wapong kausap. "A-Anong sinabi mo?" "Hindi mo ba narinig?" "May dumaan kasing motor." "Probinsya talaga sa inyo. 'Dami na ngang wangwang, pati maingay na tambutso. Kung nandiyan lang ako, pinagsabihan ko na 'yan. Panira ng moment," naiinis nitong wika kaya natawa si Madice sa inasal niya. "Anong panira ng moment? Eh, hindi naman tayo magkasama. Naka-video call lang tayo," pagpapaliwanag niya rito. "Kahit na. Saka ko na nga lang sasabihin sa 'yo iyong sinabi ko kanina. Baka kapag sinabi ko na naman, tunog na nang tren ang dadaan diyan sa inyo," aniya kaya pinipigilang matawa ng dalaga. Kumunot ang noo ni Owen sa pagpipigil ng tawa nito. "Anong nakatatawa?" "Wala. Natatawa lang ako sa itsura mo. Saka walang tren dito, 'no?" "Meron kaya. Bago ako lumipat diyan, nagsearch pa ako. Mahaba ang daanan ng tren diyan noon. Iyong riles. Saka, riyan sa probinsya niyo ang may pinakamalaking dam sa Pilipinas." "Ba't napunta ka na sa dam? Dami mo na sinasabi." "Nainis kasi talaga ako sa motor," seryoso niyang sagot. Katahimikan ang pumagitna sa kanila. Ngunit binasag iyon ng dalaga. "Uhm, kelan ka talaga uuwi? Isang linggo kang a-absent sa school." pag-aalala niya. Bumuga ng hangin ang binata. "May inaayos pa kasi ako rito. 'Pag natapos ko agad, uuwi na rin ako. Namis na rin kasi kita." "Gano'n ba? Ingat ka riyan." Ngumiti si Owen, hinaplos nito ang screen ng cellphone. "Kung alam mo lang kung ga' no kita ka-mis. . . I want to repeat what I told you earlier." sensero niya. Bumuntong-hininga naman ang dalaga. "Ano nga 'yong sinabi mo kanina? Sabihin mo na. Teka, kumain ka na ba?" Nagkamot ng ulo si Owen sa tanong na iyon ni Madice. "Paano ko sasabihin? Eh, dami mong isinisingit na tanong," inis nito. Napangiti naman ang dalaga. Iniinis lang niya kasi ang binata. Kung hindi siya nagkakamali, may gusto itong sabihin na ikaka-kaba ng puso niya. "Okay, pasensya ka na. Sabihin mo na kung ano iyong sinabi mo ka—" "I love you," agaw nitong sambit. Natulala si Madice sa narinig. Lumunok muna siya dahil sa nararamdamang kaba. "A-Ano'ng s-sinabi mo?" "Sabi ko, Mahal kita. I love you Madice. I'm sorry, but I love you. I really, really love you," pag-amin nito. Hindi naman alam ni Madice kung anong isasagot niya. Aaminin niyang mahal niya na rin ang binata. Ngunit hindi niya pa ito lubusang kilala. Hindi niya alam kung may inililihim ito o sadyang may pinoprotektahan. Usap-usapan kasi sa kanilang Campus na may sinabi talaga sa buhay ang lalaki, kaya minsan nga ay sinabihan siya ni Nickie ng gold digger pero hindi na lang n'ya ito pinatulan. Isa rin sa kanyang pangamba na maraming nagkakagusto sa lalaki. At paano rin ba niya sasabihin sa binata na may nagbanta sa kanya na layuan niya ito. Kaya napabuntong-hininga na lang siya sa isiping iyon. Ngunit ayaw naman niyang pigilan ang nararamdaman niya. Disi-syete na siya at disi-otso naman si Owen. Kung susumalin, nasa stage pa lang sila ng puppy love. Pero puppy love nga ba ang tawag dito? Tumitig siya sa screen. Kinapa ang puso niya at ang lakas ng t***k nito. Ito na ba iyon? Ang sinasabi nilang pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD