Chapter 9: I like You

2767 Words
"Ate! May naghahanap sa 'yo. Deliver daw para sa magandang dilag," tawag sa kanya ni Marina kaya napatayo siya mula sa paglalaba. Pinunasan niya ang kasasabong kamay saka lumabas. "Baka nagkamali lang sila ng pinuntahang bahay," aniya sa kapatid. "Hindi, Ate. Pangalan mo ang nandito, eh. Madison Reyes," pagkaklaro ng kapatid sa kanya. "Pangalan ko po ba talaga ang nakasulat diyan?" 'di makapaniwalang tanong niya sa Delivery boy. "Kayo po ba si Madison Reyes?" paniniguro nitong tanong. "Ako nga po. Kaya nga lumabas ako, 'di ba?" "Naniniguro lang ho, Mam. Marami po kasing nagpapanggap ngayon." wika nito na nagpataas ng isang kilay niya. "Mukha po bang nagpapanggap ang mukhang 'to?" turo niya sa mukha. Napailing naman ang lalaki sabay abot nito sa kanya ng mabangong papel. "Ano'ng gagawin ko rito?" "Pirmahan n'yo ho." "Pirmahan? Eh, wala naman hong signature na nakasulat dito, kaya papaano ako pipirma? Stationary itong ibinigay niyo sa akin. Pipirma po ba ako o gagawa ng love letter?" "Pasensya na ho kayo Mam. Iyan po kasi ang nadala ko. Isulat niyo na lang ang buong pangalan n'yo at signature," pagpapaliwanag nito kaya walang nagawa si Madice kundi'y pumirma at ibinigay sa kanya ang nakabalot na regalo saka bumalik na sa loob kasama si Marina. Binuksan nila ang pinadalang regalo, kasabay nang binigay ni Owen sa kanya kanina. Samantalang napakamot naman ng ulo ang lalaking driver sabay kuha nito ng cellphone sa bulsa at nagdial. "Hello po Sir." "Yes, Melvin. . . Naibigay mo na ba ang pinadeliver ko, sa 'yo?" "Oho, Sir Owen. Ang sungit po pala ng nililigawan n'yo. Kayo naman kasi, stationary ang pinadala niyong papel sa akin," reklamo nitong nagkamot ng ulo. Natawa sa kabilang linya si Owen. "Nagmamadali kasi ako kaya iyan na ang nabili ko. Sige na, balik ka na sa trabaho mo." "Okay po Sir," sagot nito. Kasabay no'n , umalis na siya roon. HINDI naman nagustuhan ni Madice ang regalong ideniliver sa kanya. Unknown name iyon pero alam niya kung sino ang nagpadala. At dahil palaisipan kay Marina kung anong laman ng kahong balot na balot ng packaging tape, binuksan niya iyon at walang ano-ano ay. . . "Ate! Ang ganda ng cellphone na bigay ni Kuya Owen sa'yo," bigla-bigla na lang na sambit ni Marina habang hawak ang cellphone. Tinignan niya iyon at nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwalang ibinigay lang ng lalaki sa kanya ang mamahaling iPhone 6s. "Ibabalik natin 'yang cellphone na iyan Marina," diin niyang sabi rito. "Bakit mo ibabalik? Bigay 'to ni Kuya Owen, sa 'yo." "Mahal iyan. At hindi ko alam kung saan niya kinuha ang pinambili niya diyan." "Ang killjoy mo Ate. Hindi ba halata na may sinabi sa buhay si Kuya Owen. Tignan mo iyong mga pinili namin kanina, lahat iyon nabayaran niya. Worth four thousand yata iyon," wika nitong nagbilang pa sa kamay. "Kahit pa Marina. Baka sabihin niya na pinagsasamantalahan natin siya." Nagkamot ng ulo si Marina. Hindi na lang niya pinatulan ang nakatatandang kapatid. Lihim niyang in-on ang cellphone at wala pang ilang minuto nang tumunog iyon at nag-appear ang pangalan ng binata. "Ate, si Kuya Owen, tumatawag," sambit nito sa kanya kaya bigla siyang kinabahan. "H-Ha? Papa'nong tumatawag?" "Siyempre, siya ang nagbigay 'to kaya alam niya kung anong number nito." "May number agad?" nagtataka niyang tanong dito. Natatawa naman si Marina sa ekspresyon ng mukha nito. "Sagutin mo na Ate. Heto, oh," abot nito sa kanya at hindi niya alam kung kukunin ba iyon o hindi. "Ate. . ." "H-Hindi ko alam ang sasabihin ko," kibit-balikat niyang sabi sa kapatid. At kalaunay kinuha rin ang tumutunog na cellphone. Lumabas naman si Marina kaya lalo siyang kinabahan. At ang lakas ng t***k ng puso niya. "Hi, Uhm, kumain ka na?" tanong ni Owen sa kabilang linya. At ang lamyos ng boses nito na tila nang-aakit kaya napapaupikit tuloy siya. "Kao-open mo lang yata ng cellphone." Humugot muna siya ng malalim na hininga saka nagsalita. "Ibabalik ko 'tong cellphone sa 'yo," walang prenong sambit niya sa kausap. "Ba't mo ibabalik?" "Mahal ito at hindi ko ito kayang bayaran." "Bayaran? Hindi naman kita sinisingil. At bigay ko 'yan sa'yo. That's my gift." "Pero, Owen. . . Labis na iyong ibinigay mo sa mga kapatid ko. At ikaw ba ang nagpadala ng regalo na naglalaman ng mga sapatos at ng mga bestida?" tuloy-tuloy niyang tanong dito. Napangiti naman sa kabilang linya ang binata. "Ako nga. Pinadala ko na lang kasi baka tanggihan mo na naman ako. Anyway, isuot mo iyan 'pag civilian natin." "Ano ba talagang intensyon mo Owen at ginagawa mo 'to? Kasi hindi ka nakatutuwa," pagalit niyang sambit sa lalaki. Narinig niyang bumuntong-hininga sa kabilang linya ang binata at hindi pa nito sinasagot ang tanong niya. "Owen De Jesus, tinatanong kita. Ano talagang intensyon mo?" "I like you," sagot nito na lalong nagpalakas ng t***k ng puso niya. Natahimik siya sa sinambit ng lalaki sa kabilang linya. "I-I'm sorry, Madice. I know it's too easy but this is how I feel about you," pagtutuloy nito kaya hindi niya alam kung saan siya huhugot ng lakas para magsalita. "Are you still there, Madice? Hindi ka na nagsalita." "H-Ha? Uhm, n-nandito pa ako. Sige, bye," aniyang pinatayan ng cellphone ang lalaki saka naupo sa upuang kawayan. Totoo ba ang narinig n'ya? Gusto siya ni Owen? Pero bakit? Mga tanong na gusto niyang klaruhin sa lalaki. Nang tumunog na naman ang cellphone, hindi iyon sinagot ni Madice. Nilapag niya sa mesa ang cellphone saka tinitigan lang. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Pinaglalaruan ba siya ni Owen? Kung pinaglalaruan siya ng lalaki, hindi siya nito pag-aaksayahan ng panahon na bigyan ng kung ano. Sumandal siya sa upuan. Bumuntong-hininga siya saka pumikit para mawala ang agam-agam ngunit mukha ni Owen ang nakita. Minulat niya ang mga mata, at ang lalaki pa rin ang nasa isip n'ya. Hindi tuloy niya alam kung makakapaglaba pa ba siya sa narinig dahil hanggang ngayon, malakas pa rin ang t***k ng puso niya. SAMANTALA, hindi maipaliwanag ni Owen ang kanyang nararamdaman nang oras na iyon dahil sa pinagtapat kay Madice. Huminga siya ng malalim. Hanggang ngayo'y hindi pa rin sinasagot ng dalaga ang tawag niya. Laging out of reach. Baka nabigla ang babae sa nalaman o baka nagalit ito dahil naging mabilis ang pangyayari. Nagtipa siya ng mensahe kay para kay Madice, pero binura din iyon. Muli siyang nagtipa, pero kalaunay binubura din hanggang sa sumakit na ang mga daliri niya. "Mukha ka ng baliw Owen. Magtatype, tapos buburahin din. Hays. . . ." bulong niya sa kanyang sarili. Sa Lunes na lang siya magpapaliwanag sa babae dahil may importante siyang lalakarin bukas. SUMAPIT ang Lunes, hindi parin sinasagot ni Madice ang tawag niya. Susunduin niya sana ito ngunit wala itong tugon ni isa sa mga pinadala n'yang mensahe. Inabangan niya ang dalaga sa paborito nitong tambayan. Nang matanaw niya ang babae, agad niya itong nilapitan ngunit iniwasan siya nito. Pinagtitinginan naman sila ng mga kap'wa estudyante nila. At merong ding mga bumabati sa kanya. Pero wala siyang pakialam dahil kay Madice nakasentro ang mga mata niya. Gusto niya itong makausap. "Madice, can we talk," pakiusap niya habang sila ay naglalakad ngunit hindi siya pinansin ng dalaga. "Please, talk to me. You don't answer my calls, even my texts." Hindi pa rin umimik ang dalaga. Huminto ito sa gilid ng daan saka may kinuha sa bag. Kinuha nito ang nakakahong cellphone at Inabot iyon kay Owen. Ngunit hindi iyon kinuha ng binata kaya napilitan tuloy magsalita si Madice. "Ibabalik ko 'to sa 'yo. Hindi ko ito kailangan," matigas niyang sabi. Tinignan iyon ni Owen pero hindi pa rin niya kinuha ang nakakahong cellphone. "Hindi ko 'yan binabawi sa 'yo. Bigay ko iyan." "I said, I don't need this. Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa Owen," sambit nito sa matigas na boses. Napabuntong-hininga ang binata. Magsasalita na sana ito nang magring ang bell, senyales na umpisa na ng klase. Kaya ibinalik niya ang nakakahong cellphone sa bag at nagmamadaling naglakad paalis doon. Sumunod sa kanya si Owen. "Mag-uusap tayo mamaya, Madice. Hihintayin kita. Hindi ako uuwi hangga't 'di tayo nakakapag-usap," wika niyang sabi mula sa likuran ng dalaga. Hindi naman nagsalita si Madice. Tuloy-tuloy ito sa paglalakad. Pagpasok nila sa main building, nadatnan nila ang grupo ni Nickie sabay ng pagpaparinig nito sa kanya. "Shy type kuno? Pero deep inside, malandi," sabi nitong sa kanya nakatingin. Nagkatawanan naman ang ibang estudyante. Ang iba'y walang pakialam. Hindi na lang niya ito pinansin ngunit tuloy-tuloy ito sa pagsasalita. "Alam n'yo ba na ang kilalang isa sa mga Honor student ng school ay malandi. Kunwari pang ayaw pero gusto rin naman. Kakikilala lang sa isang lalaking crush ng Campus, nakipagdate na agad. Ang feeling 'no? 'Kala n'ya, kagandahan siya. Ni hindi nga alam mag-ayos. Look at her, bagay na bagay sa kanya ang dishwasher," anito sabay tawa nang malakas kaya nakitawa na rin ang grupo n'yang Puff Puff Girls. Nagpanting ang dalawang tainga ni Madice sa narinig. Susugurin niya na sana ito ngunit pinigilan siya ni Owen. Napansin naman ni Nickie na gustong sumugod ng dalaga sa kanya kaya siya na ang lumapit sa dalawa. Ngumisi ito ng nakakaloko pinagmasdan siya nito ng pagtaas at pababa. "Nainsulto ka ba sa sinabi ko, sa 'yo, Madice? You know me. Sa ilang taong tayong magkasama sa eskuwelahang ito, wala pang nakatatalo sa akin, even the man I want," bulong nito na ikinapilig ng ulo ni Madice. "Hindi isang katulad mo lang ang magugustuhan ng isang Owen De Jesus," dugtong nitong sambit sabay tingin kay Owen. Napasinghap si Madice saka ito bumaling sa babaeng kaharap. "Tapos ka na ba sa pang-iingsulto mo Nickie? Kung ganoon, aalis na ako't umpisa na ng klase namin. Wala akong oras para makipag-away sa 'yo. And you know what, we're not getting younger anymore. At hindi na ako si Madice na nilalait-lait mo. Iyong-Iyo na si Owen dahil 'di ko siya gusto," matapang niyang wika dito sabay martsa paalis doon. Wala siyang pakialam kahit anong sabihin sa kanya ng mga estudyante . At hindi na rin niya tinawag si Owen. Bahala ito kung gusto pa niyang makipaglandian sa dalaga. Ngunit may pahabol sa kanya si Nickie. "Hindi pa tayo tapos, Madice. I warn you," pagbabanta nito. ' "And who are you to threaten her?" agaw na sambit ni owen. "Ako ang makakalaban mo 'pag may ginawa kang masama kay Madice." "Sinsabi ko lang ang totoo sa kanya, Owen." "And I'm also telling you the truth, Nickie that I will not allow you to insult Madice in front of me and in front of the students here. Don't try me," anito at naglakad na rin paalis doon. Naikuyom tuloy ng babae ang mga kamay nito sa huling sinabi ng binata. HINDI alam ni Madice kung saan niya ibabaling ang atensyon. Kanina pa nagsasalita sa harap ang kanilang guro sa Science ngunit wala ni isa ang naiintindihan niya. Siniko siya ni Pawi saka ito bumulong sa kanya. "Ano ba'ng problema mo girl? Kanina ka pa hindi mapakali. Hindi ka naman gan'yan dati kahit may problema ka pa noon," takang wika nito. Ngunit hindi nagsalita ang kaibigan niya. "May problema ba sa bahay n'yo? Baka matulungan kita," nag-aalala nitong sabi. Lumingon si Madice kay Pawi. Magsasalita na siya nang tawagin siya ng kanilang guro. "Miss Reyes." "Yes, Ma'am," sagot niya. "You look pail. Are you okay?" "Yes, Ma'am. I'm okay po." "Kanina ko pa kasi napapansin na hindi ka nagpipay-attention sa subject ko dahil namumutla ka," pag-aalala nito sa kanya. "Okay lang po talaga ako, Miss Hannie. Salamat po sa pag-aalala." "Kinakaya mo pa bang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral, Miss Reyes?" pag-aalala nitong tanong. Ngunit tumango lang siya sabay ngiti rito. "Kung gano'n I have a question for you. Stand up," wika pa nito kaya naman tumayo siya para sagutin ang tanong. "My question is How is Science and Technology connected to society?" "Uhm, The essence of how science and technology contributes to society is the creation of new knowledge and then utilization of that knowledge to boost the prosperity of human lives and to solve the various issues facing society," tuloy-tuloy nitong sagot kaya pumalakpak si Pawi sa kanyang tabi. "Very good Miss Reyes. So, kahit mukhang hindi okay si Ms. Reyes, nasagot pa rin niya ng tama ang aking tanong. I hope na gan'yan din kayo 'pag tatanungin kayong lahat. Always prepare sa mga tanong. Okay, p'wede ka nang maupo," anito kaya umupo na siya. "Ang galing talaga ng frenny ko," bulong ni Pawi sa kanya. Nginitihan lang niya ito bilang tugon sa sinabi niya. "Mag-uusap tayo mamaya, ha. Alam ko, may problema ka." "Okay, class. That's for today. Get your book and you will have your assignments. From page ninety-five to nine-eight, answer all the questions there and send it to me via sss," pagpapaliwanag nito. Natulala naman si Madice sa narinig. Kung magre-rent pa siya ng computer para makapagsend ng assignments nila, hindi siya makakapagtrabaho ngayon. Bumuntong-hininga siya. Nakibagay 'ata kay Owen ang panahon dahil hindi niya maibabalik ang cellphone. Lulunukin muna niya ang pride niya ngayon. PAGKATAPOS ng klase, kinausap ni Pawi ang kaibigan. Hindi naman alam ni Madice kung sasabihin niya lahat dito. Ngunit ayaw naman n'yang maglihim kay Pawi. "May itatanong ako, sa 'yo girl. Totoo ba ang usap-usapan na nakipagdate ka raw agad kay Owen pogi?" tanong nito. Tumingin siya sa kaibigan. "Oo. Pero hindi naman talaga date iyon. Nagpumilit lang si Owen na ihatid ako at—" "Nagpunta kayo sa restaurant," singit nitong sabi. "Paano mo alam?" "Nakita ko kayo nang gabing iyon. Ayaw kitang komprontahin pero alam ko ang totoo. Dinagdagan nga lang ni Nickie ang k'wento dahil nakita rin niya kayo no'ng gabing nakita ko kayo ni Owen. At saka kilala kita, hindi ka naman sumama na walang dahilan." "Salamat, Pawi. Hindi na ako nagmatigas kasi gabi na rin. Akala ko, nagbibiro lang siya na susunduin niya ako, pero hindi pala." "Hindi naman 'yan ang gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung may problema ka ba? Kanina ko pa napansin na parang wala ka sa sarili mo," wika niya sa nag-aalalang boses. Kinuha ni Madice ang nakakahong cellphone at ipinakita iyon sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ni Pawi sa nakita. "S-Sinong nagbigay sa 'yo 'to?" wika niya sabay kuha sa nakakahon pang cellphone. "Si Owen," dire-diretso niyang sagot. Hindi naman makapaniwala ang kaibigan niya. "Si Owen ang nagbigay sa ' yo? Pero ang mahal nito," anitong ibinalik sa kanya ang cellphone. "Kaya nga ibabalik ko sa kanya. Kaso naman may assignments tayo na kailangan i-send kay Ma'am." "Oh, anong balak mo ngayon?" "Hindi ko muna ibabalik. Kung ibabalik ko sa kanya, anong gagamitin ko. Hindi rin ako makakapagtrabaho. Pero, nasabi ko sa kanya na ibabalik ko sa kanya ito." "De, bawiin mo. I-on natin para makagawa ka na ng account mo sa f*******: at messenger. Akin na, gawahan kita. May load ba 'to?" tuloy-tuloy nitong sambit. "Meron, niloadan ni Owen," nahihiya niyang sagot dito. "Naks! Sabi ko na nga ba, eh. Gusto ka ni Owen. 'Wag ka ng mahiya. Bigay niya iyan sa 'yo at 'di mo hiningi," sabi niya sa dalaga para lumakas ang loob nito. Ginawahan siya ni Pawi ng f*******: account at pasekreto nitong in-add si Owen. Agad ring iyong in-accept ng binata at nag-invite ito para makapag-video call sila. "Girl, tumatawag si Owen mo," tiling sambit ni Pawi. "Video call daw kayo." "Ha? Bakit, in-add mo siya?" nagtatakang tanong niya rito. "O-Oo. Sorry," sagot nitong nagpeace sa kanya. "Ikaw talaga Pawi. Ayoko siyang kausapin." "Ayaw mo, eh tinanggap mo na itong cellphone. Sige na, baka may importanteng sasabihin iyon." Wala siyang nagawa kundi'y kinuha iyon at guwapong mukha ni Owen ang tumambad roon. "Hindi ka na ba galit sa akin?" agad nitong tanong sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya kaya siniko niya si Pawi. "Sabihin mo, hindi na," pabulong namang sagot ng kaibigan niya. Pero hindi niya ito sinunod. "Sige na girl, para hindi na siya mag-isip." "Pero—" "Ewan ko, sa 'yo. Padeny-deny ka pa, eh, nakikilig ka naman sa kanya." Sa sinabi nito ay inirapan siya ni Madice. Natawa naman si Pawi sa itsura niya. "Please, Madice. Kausapin mo na ako. I'll wait for you, later. Doon sa dati n'yong tambayan," pakiusap nito ngunit pinatay ni Madice ang cellphone. Nagkakamot naman ng ulo si Pawi na tumingin sa kanya. "Sarap mong sabunutan. Halika na nga at lunch break na. Itago mo na 'yang cellphone baka magselfie pa ako rito," pabirong sabi nito sabay tayo saka hinila siya papalabas ng room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD