Pinarke ni Owen ang dalang sasakyan
sa harap ng Mexican Restaurant nang makarating sila roon. Ngunit hindi alam ni Madice kung bababa ba siya o maghihintay na lang sa kotse. Inaya siya ni Owen na bumaba para pumasok sa restaurant ngunit kunwaring hindi niya ito narinig. Ngunit muling nagsalita ang lalaki.
"Let's go inside," ulit nitong sabi sabay ngiti sa kanya. Nahihiya namang siyang tumango saka tipid siyang ngumiti kay Owen. Ayaw niya nang makipagtalo pa sa binata dahil alam din naman niyang igigiit nito ang kanyang gusto, ngunit may agam-agam pa rin siya dahil sa kanyang itsura ngayon. Papasok sila sa mamahaling restaurant na ganoon ang ayos niya. Baka ipahiya lang siya ng mga tao roon at mapapahiya lang ang binata dahil sa kanya. Napansin naman ni Owen ang pagkabalisa ng babaeng kasama. "Is something wrong?"
"W-Wala," tipid niyang sagot.
"Wala, pero mukha kang balisa. Tell me, okay ka lang ba talaga?"
"Uhm, hindi ba nakakahiyang pumasok diyan?" turo niya sa mamahaling restaurant.
Kumunot ang noo ng binata. "Nakakahiya? Customer tayo at bibili tayo sa kanila. Ano'ng nakakahiya roon?"
"Itong itsura ko, I mean 'tong damit ko," sabing sabay tingin sa kanyang suot. "Baka mapapahiya ka lang dahil sa 'kin," anito sa malungkot na boses.
Napabuntong-hininga na lang si Owen sa sinabi ng dalaga. "Alam mo ba kung ano at sino ang nakakahiya? Iyong mga taong nagkukunwaring mayaman. Pero ikaw? totoo ka sa sarili mo at saka isa pa, ba't naman ako mapapahiya sa 'yo? Dahil ba riyan sa suot mo? anong problema kung gan'yan ang suot mong damit? ako ang kasama mo Madice, hindi sila," mahabang paliwanag niya sa babaeng kasama. Naiinis na siya dahil maliit ang tingin nito sa kanyang sarili na dapat ay ipagmalaki dahil sa taglay niyang kagandahan, ngunit natatakpan nga lang dahil salat ito sa materyal.
"P-Pasensya ka na, nagsasabi lang kasi ako ng totoo. P'wede naman tayong bumili sa ibang kainan, tulad sa karinderya," wika niyang sabi sabay iwas ng tingin sa lalaki. Hindi niya kasi kayang makipagsalubungan ng titig dito. Pinisil niya ang kanyang kamay dahil sa nararamdamang nerbiyos.
Napansin naman ni Owen na tensyonado ang babae kaya may naisip siyang paraan para mapapayag ito.
"Nagpareserve na ako ng foods kanina, para daanan na lang sana natin. Pero kung ayaw mo talaga riyan, punta na lang tayo sa iba," sabi nito na ikinalingon ni Madice.
"N-Nagpareserve ka na? K-Kelan?"
"Kanina lang, no'ng nagpaalam ako, sa 'yo na kunin ko 'tong kotse. I called the manager to reserve food for us and for your siblings. Kaso, ayaw mo naman diyan. So, let's go. Punta na lang tayo kung saan mo gusto."
"H-Hindi," tanggi niya sabay yuko ng ulo. "D-Dito na lang tayo. Nakakahiya, kasi naka-order ka na pala. Akala ko kasi o-order-in mo pa lang iyong mga pagkain. At baka sabihin mong ang choosy ko," wika niya na ngumuso.
Napangiti naman si Owen sa inasal ni Madice. Nanginginig man ang kanyang kamay, ngunit hinawakan pa rin ang baba ng dalaga at ipinaharap niya ito sa kanya. "You're different," anas niya na gumalaw ang adams apple at napalunok naman si Madice sa sinabi ng lalaki. Agad ring binitiwan ng binata ang baba ni Madice saka kunwaring tumingin sa kanyang relo. "It's past eight o'clock, baba na tayo para maaga kitang maihatid," aniyang bumaba sabay hugot ng malalim na hininga at umikot para pagbuksan ng pinto ang dalaga. Sabay silang pumasok sa loob ng restaurant at binati ng mga staff si Owen. Nagtataka namang napatingin si Madice sa kasamang lalaki.
"Good evening, Mr. De Jesus. Ngayon lang ulit kayo napasyal dito na may kasamang babae. Nobya niyo po ba itong magandang binibini?" tanong ng isang staff na ngumiti kay Madice.
"Uhm, hindi. She's my new friend," sagot naman niya na sumulyap kay Madice. Ngumiti naman sa kanya ang dalaga ngunit iniiwas din agad nito ang tingin.
"Ganyan din po ang sinabi niyo sa amin noon, Mr. De Jesus. From New friend who became lovers," wika pa ng isang staff kaya naman nagkatawanan silang lahat, maliban kay Madice.
"That was a year ago. Kayo talaga, nakakita lang kayo ng maganda, gan'yan na kayo. Saka 'wag niyo na akong popoin at tawaging Mr. De Jesus, nakakatanda."
"Nasanay na ho kami," anang isa pang staff. "Maupo na ho kayo, para maibigay na ho ng waiter ang menu."
"Okay, Thank you," tugon niya na hinawakan sa siko si Madice at iginaya ito sa upuan. Pinili ni Owen na pum'westo sila sa sulok para tahimik at magkaintindihan sila ng dalaga. Nagtataka namang umupo ang dalaga na palipat-lipat ng tingin sa mga staff at kay Owen.
"Akala ko ba nakahanda na iyong pagkain na iti-take-out natin? Sabi mo, dadaanan na lang, pero bakit o-order pa lang tayo?"
"I'm sorry that I lied to you. Ang totoo niyan, ikaw ang gusto kong pumili ng pagkain natin at para sa mga kapatid mo, pero kakain din tayo rito."
"Okay lang naman sa akin na kahit sa turo-turo tayo um-order at kumain, eh. Kung alam ko lang na 'di ka pa pala nakapagpareserve rito, doon na lang sana tayo sa tapsilogan na malapit doon sa karinderya."
"Doon tayo, next time na yayayain kita. Umh, sorry talaga Madice, ha. I want to take this opportunity to know you more," walang gatol nitong sabi na tumitig sa mukha ng dalaga.
"Pero bakit?" nagtatakang tanong ni Madice sa kan'ya.
"Basta. Kaya hayaan mo muna ako sa gusto kong gawin."
"Kahit laitin ka nila dahil sa akin?"
"Laitin? Sino'ng manglalait?"
"Iyong mga taong nakakakita sa atin at mga nakakakilala sa 'yo, gaya ng mga staff dito."
"Wala akong pakialam sa kanila."
"Hindi ka nahihiyang kasama ako?"
"Sinabi ko na 'yan sa 'yo kanina, Madice. Mag-uumpisa na naman ba tayo?"
"Pero, hindi pa natin lubusang kilala ang––"
"Ayan na naman tayo," agaw niyang sabi sabay kamot ng makapal na kilay. "Magaan ang loob ko, sa 'yo. Iyan ang dahilan kaya gusto kitang makilala nang lubos. Okay na ba? May tanong ka pa ba o sasabihin?" tuloy-tuloy niyang sabi saka bumuntong-hininga. Nag-iwas naman ng tingin ang dalaga, kaya napailing na lang si Owen. Buti na lang, dumating na ang Waiter. Ibinigay nito ang menu sa kanilang dalawa ngunit hindi makapili si Madice dahil hindi niya alam kung anong klaseng pagkain ang Mexican foods ang nakasulat doon. Kaya sumulyap siya sa kaharap na binata para humingi ng tulong, ngunit busy yata ang lalaki sa pagpili nito ng pagkain. Tumingin siya sa Waiter ngunit nginitihan lang siya nito.
"Ano bang klaseng pagkain ang mga 'to. 'Hirap pala ng inosente," bulong niya na lihim na nagkamot ng kanyang ulo. "Ang gaganda nga ng pangalan ng mga pagkain, pero hindi ko alam kung ano ang mga 'to. Pozol de pollo? Parang damit lang. . . Aguas Fresca? Fresca tuna ba ito? Kakain na nga lang kami ng de Lata na tuna, rito pa kami pumunta. Iba talaga ang lalaking ito," sabi pa ng isip niya sabay hilot ng sintido. Hindi niya alintanang nakatingin pala si Owen sa kanya.
"What's wrong, Madice?" nakakunot noo nitong tanong.
"Uhm, kasi ano eh. . .I-Itong mga nakalagay sa menu, h-hindi ko alam kung anong mga pagkain 'to. Wala kasing larawan," reklamo niya na muling kinamot ang ulo. Napangiti naman sa kanya si Owen.
"Uhm, Waiter, p'wede niyo bang palitan ng bago ito?" pakiusap niyang sabi na kinuha ang menu at ibinigay sa Waiter. "Iyong may larawan sana, iyong latest at special ngayon para madaling makapili ang date ko," biro niyang wika sabay kindat sa dalaga. Pinamulahan naman ng mukha si Madice kaya ibinaling nito ang tingin sa ibang direksyon.
"Yes, Sir," sagot naman ng Waiter at umalis na ito sa harapan nila. Lihim naman na napangiti si Owen. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng dalaga.
"Ehem! Lalo ka pa lang gumaganda 'pag nagba-blush ang pisngi mo," wika niya na nagpalingon kay Madice ngunit inirapan siya ng dalaga. Natawa siya sa tinuran nito kaya napalingon tuloy sa kanila ang ibang kumakain doon. "Sorry," hinging paumanhin niya saka bumaling sa kaharap na babae. "You look so cute, while doing that Madice. Para kang bata."
"Pinagtitripan mo kasi ako," anitong pinanlakihan ng mata si Owen. "Saka, mukha ba akong aso para sabihin mong cute ako?"
"Wala akong sinabing gan'yan. Teka, gan'yan ba ang mga babae? Paiba-iba ng mood?"
"Ewan ko, sa 'yo," sambit niya na siya ring pagdating ng Waiter at pangiting inabot kay Madice ang bagong menu.
"Here, ma'am," sabi nito na abot ang ngiti hanggang tainga.
"Salamat," wika niyang ginantihan din ng ngiti ang Waiter saka agad na tinignan ang menu, ngunit nalilito pa rin siya sa pagpili ng pagkain. Napansin naman iyon ng Waiter, kaya to the rescue ito sa dalaga
"Tulungan ko na po kayo ma'am," pagpipresenta nito na lalapit na sana, ngunit biglang sumingit si Owen.
"Ako na," sabi niya na tinapunan ng matalim na tingin ang Waiter kaya napaatras ito. Tumabi siya kay Madice, bigla niyang kinuha ang menu sa kamay nito na ikinagulat naman ng dalaga. "Ituro mo na lang kung anong gusto mo at ako na lang ang magsasabi sa kanya. Pakidalian para makaalis na ang Waiter." wika niya sa matigas na boses. Walang nagawa si Madice kundi'y itinuro na lang ang nagustuhang pagkain. "Ito lang ba?"
"O-Oo," tipid niyang sagot na hindi na umimik. Sa sobrang lapit tuloy ng lalaki sa kanya'y amoy na amoy niya ang hininga at pabango nito. Kumabog tuloy ang kanyang dibdib. Baka sa lakas no'n ay abot hanggang Apari.
"Okay. Waiter," tawag niya at lumapit ito sa kanila. "Here's my orders. Six orders of Pozol de pollo, five orders of Birria de chivo, six orders of Camarones a la diabla, five orders of Nieve de garaffa, and six orders of Aguas frescas," tuloy-tuloy nitong pagbanggit sa mga pagkaing itinuro ni Madice kaya napangangang tumingin ang dalaga sa kanya.
"Okay na po ba 'yon, Sir?" tanong naman ng waiter na kay Madice nakatutok ang mga mata kaya naman tumaas ang isang kilay ni Owen nang mapansin niya ang paninitig ng lalaking Waiter kay Madice.
"Wait! Kanino ka ba nagtatanong?" sambit ng binata na tumayo sabay 'meywang sa kaharap na lalaki.
"Sa inyo po Sir."
"So, sa akin pala. Pero ba't sa kasama kong babae ka nakatingin?"
"Pasensya na po kayo Sir. Nagagandahan lang po ako sa kasama niyo," sabi nitong nagkamot ng batok. "Saka, nabanggit niyo kanina na date n'yo pa lang, so it means na hindi niyo pa ho siya jowa," depensa nitong sabi na nagpalisik sa mga mata ni Owen.