"Uhm, hindi mo ba nagustuhan ang pinatugtog ko?" takang tanong ni Owen nang mapansin niya na parang hindi komportable ang babae sa kanya. Nilingon siya nito sabay ngiti na tila parang napipilitan lang saka ito nagsalita.
"Nagustuhan ko," tipid nitong sagot na agad ring ibinalik ang tingin sa daan. Nagustuhan naman talaga niya ang kanta dahil isa sa mga paborito ng tatay niya si Elvis Presley. Ngunit ang hindi lang niya nagustuhan, iyong sumusulyap-sulyap ang lalaki sa kanya habang sinasabayan nito ang tugtog. Hindi naman siya mukhang lyrics.
"Are you sure? Parang hindi naman," kunot noong wika niya na sa dalaga pa rin nakatuon ang pansin.
"Promise, nagustuhan ko. Hindi lang
ako sanay na may lalaking nakatitig sa akin," aniya na hindi tinitignan ang katabing binata ngunit naramdaman niyang nakatingin pa rin ito sa kanya kaya naasiwa siya. "P'wede bang sa daan ka tumingin, hindi sa akin," inis niyang sambit.
Sa sinabing iyon ng dalaga'y narinig niyang impit na tumawa si Owen. Nilingon niya ang lalaki sabay ang pag-irap niya na lalong ikinatawa nito ngunit nang mapansin ni Owen na hindi na umimik si Madice ay. . .
"Ehem!" tikhim niya sabay tingin sa dalaga. "Pasensya ka na, ha. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi ka tignan at hindi titigan. Siguro, dahil ngayon lang ako nagsakay ng binibini sa aking kotse," komento niya sabay haplos ng batok saka ibinalik ang tingin sa manibela. Narinig niyang bumuntong-hininga na lamang ang dalaga sa kanyang sinabi.
Katahimikan ang namagitan sa
kanilang dalawa sa loob ng kotse,
ngunit panaka-naka pa ring sumusulyap si Owen sa dalaga. Ewan niya ba kung bakit hindi niya mapigilang hindi sumulyap dito. Kakaiba kasi ang kanyang nararamdaman sa tuwing tumititig siya sa babae. Bagamat hindi man niya maipaliwanag sa ngayon, pero gusto niyang alamin agad kung ano ang feelings na iyon. Nang hindi siya makatiis ay iginilid niya ang kotse sa daan at tumigil sila roon. Nagtataka naman si Madice kung bakit inihinto ni Owen ang sasakyan nito.
"Bakit tayo tumigil? May nangyari ba? Baka ma-late ako sa trabaho ko," sunod-sunod nitong wika ngunit ngiti lang ang iginawad sa kanya ng binata. Nainis tuloy si Madice sa tinuran ni Owen sa kanya. "Ano ba? Tinatanong kita kung ba't tayo huminto?"
"Relax ka lang," sambit ng binata sabay taas ng kanyang dalawang kamay saka agad rin iyong ibinaba. "May gusto lang sana akong tanungin sa 'yo. I hope na masagot mo nang tama, saka tumingin ka naman sa akin ng diretso. Para kasing hangin ang kausap ko," aniya sa seryosong boses. Kumunot naman ang noo ni Madice sa sinabi ng binata kaya napalabi siya rito.
"Ano ba'ng gusto mong tanungin at kailangan ko pang tumingin nang diretso sa 'yo?" inis niyang wika. Umayos nang upo ang lalaki sabay tingin nito sa sa kanya. Tingin na parang may ibig sabihin. Hindi naman pinahalata ni Madice na kinakabahan siya sa tuwing tumitingin ang binata sa kanya.
"Uhm, may nakapagsabi na ba sa 'yo
na maganda ka habang tinititigan?" walang preno nitong tanong. At hindi naman inaasahan ni Madice ang tanong na iyon ng lalaki kaya hindi niya ito sinagot, bagkus ay lihim na lang siyang ngumiti. Nagkibit-balikat naman ang binata saka pinagpatuloy nito ang pagsasalita. "Sabi ko nga, wala akong kausap, saka hindi mo talaga sasagutin ang tanong ko," sabi nito sa nagtatampong boses. Pero hindi iyon pinansin ng dalaga kaya walang nagawa si Owen kundi'y humugot na lang ng malalim na hininga saka pinaandar ang kotse.
Mag-a-alas tres na nang makarating
sila sa pinagtatrabahuhan ni Madice. Pinagbuksan ni Owen ng pinto ang dalaga, bumaba at nagpasalamat ito sa kanya, ngunit tatalikod na sana si Madice nang hawakan ni Owen ang kamay nito at kung ilang boltaheng kuryente ang naramdaman nilang dalawa nang magdikit ang kanilang balat. Binitiwan din agad ni Owen ang kamay niyang dumapo sa kamay ni Madice, samantalang naasiwa naman ang babae, kaya pinagsiklop na lang niya ang mga kamay.
"S-Sorry," nahihiyang sambit ni Owen
na napalunok at hindi alam kung saan ibabaling ang tingin kaya naihilamos tuloy niya ang dalawang palad sa kanyang mukha, saka tumingin sa kaharap na babae. "Uhm, Madice, a-ah. . . about what happened y-yesterday? Iyong pera. Pasensya
ka na, ha. At iyong pagiging brusko ko kanina sa kotse. Baka sabihin mo kasing, kakikilala lang natin, pero the way na magsalita ako, sa 'yo uhm, uhm . . . ah!
I don't know what to say," tuloy-tuloy nitong sabi na tumalikod saka humugot ng malalim na hininga at humarap sa dalaga kaya napapailing na lang si Madice sa inaakto nito.
"Wala 'yon. Sige, papasok na ako. Salamat ulit sa paghatid sa akin," aniyang ngumiti saka umalis na sa harapan ng binata. Hindi umimik si Owen. Pinagmasdan lang niya ang papalayong babae ngunit nang. . .
"Wait!" sigaw nito na ikinalingon ni Madice at ng ilang tao roon. "I'll pick you up later after work!"
"Huwag na! Maaabala lang kita!" pasigaw rin na sagot ng dalaga sa kanya.
"I insist. Later, okay!"
"Gabi na ako makakauwi!"
"I don't care! Basta, susunduin kita!"
"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw niyang sabi sa makulit na binata at pumasok na siya sa loob ng karinderya. Samantalang pinagtitinginan naman si Owen ng mga tao roon kaya pumasok na ito sa loob ng kotse.
"Hindi rin pala nawawala ang tsismosa sa probinsya. Tssk!" inis nitong sabi. "Hays, ano ba'ng nangyayari sa 'yo Owen? Ngayon lang kayo totally nagkausap ni Madice, pero ang kaba
mo 'ata ay abot hanggang sa inyo. Parang ngayon ka lang nakakita ng babaeng maganda at nagkandautal-utal ka pa kanina," sermon nito sa kanyang sarili sabay sabunot sa kanyang buhok. Tumingin siya sa front mirror ng kotse at tinitigan ang itsura niya roon. Sinuklay niya ang kanyang undercut na buhok gamit ang daliri at hinaplos ang tumutubong balbas saka bumulong.
"Do I look inlove with that woman? Para na akong timang sa kauusap ko sa aking sarili," wika nitong sumandal sa car seat saka inilagay ang dalawang kamay sa kanyang batok. Pumikit siya, ngunit imahe ni Madice ang kanyang nakita. Iminulat niya ang mga mata at tumingin sa karinderya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Natanaw niyang nagseserve ito ng pagkain sa mga kustomer kaya napangiti na lang siya at nilisan na ang lugar na iyon.
KINAGABIHAN. . .
Papalabas na ng karinderya si Madice nang matanaw niya si Owen na nakahalukipkip at nakasandal sa kotse. Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa at nakabihis ito ng magarang damit na aakalain mong anak-mayaman o may-ari ng isang kompanya, kaya naalala niya tuloy ang sinabi sa kanya kanina ng mga matandang kustomer na nagpahina ng kanyang loob. At tantya niya'y kararating lang ng lalaki. Kumaway ito sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi'y lumapit.
"Hi!" bati ni Owen sa kanya, ngunit hindi siya tumugon dito. "Pasensya na kung nandito ako. Tulad ng sinabi ko sa 'yo kanina na susunduin kita. Uhm, how's your work?" wika nito sa nahihiyang boses saka umayos siya ng pagkakatayo.
"Sabi ko naman sa 'yo na 'wag mo na akong sunduin. Gabi na, baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo sa daan," aniyang inirapan ang lalaki sabay halukipkip din ng mga braso.
"Salamat sa pag-aalala. Consern ka pala sa akin," sambit nito na lihim na ngumiti. "Uhm, Madice p'wede ba kitang anyayahang kumain sa labas bago kita ihatid sa inyo?"
"Kumain na ako," pagsisinungaling ng dalaga na hindi tumingin sa lalaki. Tumango-tango na lang si Owen ngunit nang kumulo ang tiyan niya ay. . .
"Kumain pala ha," wika nito saka humagikgik. "May kumain bang tumunog ang sikmura? Okay lang sanang magsinungaling kaso, pinahamak ka ng tiyan mo," dugtong pa nitong sabi sabay tawa ng pagak sa kaharap na babae.
"Nakatatawa ba ang pagtunog ng tiyan ko?" inis naman na tanong ng babae sa kanya sabay takip ng tiyan gamit ang bag. "Malay ko ba kung tutunog 'to. Baka may speaker sa loob," dugtong pa niyang wika. Tumigil naman sa pagtawa ang lalaki saka ito tumingin ng diretso sa kanya.
"Speaker ka riyan. So, kung ganoon, hindi ka pa nag-dinner kaya tamang -tama pala ang pag-anyaya ko, sa 'yo na kumain tayo sa labas."
Bumuga ng hangin si Madice sabay iwas ng tingin kay Owen.
"Hinihintay na kasi ako ng mga kapatid ko, kaya pasensya ka na at kailangan ko nang umuwi," wika niya at naglakad papalayo sa binata ngunit sinundan siya ni Owen. 'Wag ka nang sumunod. Baka sabihin ng mga taong nakapaligid sa atin lalo na mga nakakakilala sa 'yo na sinusundo mo ang chimay na katulad ko."
"So? I don't care. At saka 'di ka naman chimay."
"Anong hindi? Eh, anong tawag mo sa taga-hugas ng plato? Hindi ba't chimay rin?" sambit niyang tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.
"Dishwasher ang tawag doon."
"Pero chimay rin iyon," diin nitong sabi sa kanya na hindi nililingon ang binata.
"Magkaiba ang chimay sa dishwasher," giit naman niyang sabi rito.
"Ah, basta! Pareho 'yon."
Nainis naman si Owen sa ipinipilit ni Madice kaya. . .
"Chimay na kung chimay , pero wala akong pakialam. Saka, ba't mo ba iniisip ang ibang tao? Wala silang pakialam kung susunduin kita at ihahatid. Ako ang may gusto nito Madice," walang prenong sabi nito sa mataas na boses kaya napahinto sa paglalakad ang dalaga saka humarap ito sa kanya.
"Pero, ngayon lang tayo nagkakilala kaya ayokong pag-isipan at pagsalitahan nila ako ng masama."
"Ikaw lang ang nag-iisip niyan. At ano kung ngayon lang tayo nagkakilala? Nasa batas ba na hindi p'wedeng mag-anyaya, maghatid at magsundo ng bagong kakilala?"
"W-Wala. H-Hindi mo kasi ako naiintindihan," usal nitong ibinaba ang tingin.
"Ano ba'ng hindi ko maintindihan?" sambit nito na napaisip. "Okay, okay, I got it! Look! Kung iniisip mo na may malisya 'tong ginagawa ko, p'wes, wala. I'm just concerned , okay," anitong bumuntong-hininga sabay hilamos ng mukha.
Natahimik na lang ang dalaga sa tinuran ni Owen sa kanya. Batid niyang nainis ang lalaki. At pakiramdam niya tuloy, gusto niyang maiyak sa oras na 'yon ngunit napansin ni Owen ang pananahimik niya.
"I'm sorry kung nasabi ko 'yon. Ganito na lang, bili na lang tayo ng foods and after that, I will take you home kung okay lang sa 'yo. Para na rin sa mga kapatid mo," sabi nito sa malamyos na boses saka ngumiti sa dalaga. Pilit na ngiti naman ang iginanti ni Madice sa kanya. "Wait me here, okay. Kunin ko lang 'yong kotse ko," wika pa niya saka tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan at wala pang isang minuto nang dumating ito. Bumaba si Owen sa kotse at pinagbuksan ng pinto si Madice kaya walang nagawa ang dalaga kundi'y sumakay na lang, kasunod ng binata na pumasok at pinaandar na ang sasakyan.