"Halika na, labas na tayo, Mahal baka maabutan pa tayo ng mga kapatid mo," pag-aaya ng binata. Tumango lang si Madice saka nginitihan siya nito at lumabas na sila. "Samahan na kaya kitang magbanlaw para hindi makahalata ang mga kapatid mo," suhestiyon nito.
"Bakit, alam mo bang magbanlaw? Saka gripo ang gamit namin dito. Alam mo bang magbomba."
"Oo. Magbomba lang. Try kong bombahin ka Mahal?" biro nito.
"Bombang gripo, Mahal. Iba naman 'yang iniisip mo."
"Okay. Tara na Mahal," aya nitong hinila sa braso ang dalaga at tinungo nila ang labahin niya. Binanlawan nila ang mga damit habang nagsasabuyan sila ng tubig. Tapos na silang magbanlaw nang mapansin nilang basang-basa na silang dalawa.
"Basang-basa ka na mahal. Wala ka pa man ding dalang damit. Ikaw kasi, eh, nauna kang nagsaboy ng tubig," sisi niya sa binata.
"Okay lang Mahal. Dito na lang ako matutulog," wika nito sabay kindat sa kanya.
"Pero Mahal. . . . Baka hanapin ka sa inyo."
"Mag-isa ko lang sa condo, mahal."
"Mag-isa?" takang tanong niya.
"Yup. Hindi ko pa ba nabanggit sa 'yo?"
"H-Hindi pa," tipid niyang sagot saka may naalala. "Kahit ang pagkatao mo Mahal, hindi mo pa nababanggit," iyon sana ang gusto n'yang i-dugtong pero 'wag na lang. Baka masira pa ang magandang mood nito. Napansin naman ni Owen ang pananahimik niya.
"May problema ba, Mahal?"
"W-Wala. Halika na sa loob at si Marina na ang magsasampay. Siya dapat kasi ang magbabanlaw niyan, eh. Nag-aya ka kasi," paninisi niya rito.
"Para hindi ikaw ang pagbuntunan ko nang oras mahal. Baka kung ano pa ang maisipan ko na gawin sa 'yo," biro na naman nito. Natampal tuloy siya ni Madice sa balikat. "Masakit 'yon, ha. Parang may kasamang galit."
"Hindi kaya. Ikaw kasi, eh. . . Kung ano-ano na naman ang naiisip mo. Halika na sa loob para makapagpalit ka na," yaya niya sabay pasok sa loob. Nangingiti namang sumunod ang binata sa kanya.
"Mahal, picture tayo, ha. Ang ilap mo
kasi sa cam. Kung hindi ka nakatalikod, nakatagilid ka. Minsan, nakayuko ka pa. Takot ka ba sa liwanag ng camera?" pabirong tanong niya nang makabihis na siya ng damit. Buti na lang at nagkasya iyon sa kanya. Umupo siya sa tabi ng dalaga at isinandal ang ulo sa balikat nito.
"Hindi lang ako mahilig magpapicture. Kasi pangit 'ko sa camera, eh."
"Pangit? Hindi naman, ah," angal nito. "Picture na tayo para mailagay ko na sa wall ko. Monthsary na natin sa susunod na linggo," wika pa nito na inilabas ang cellphone at itinapat iyon sa kanila. "Smile na. 1, 2, 3. . . Ngiti ka, Mahal," aniyang pinindot ang cellphone at ninakawan niya ng halik sa pisngi ang dalaga kaya kuhang-kuha ng camera ang paghalik niya dito.
"Nakaiinis ka. . . Ba't kailangan mo pa ako nakawan ng halik? Nakakailang kiss ka na nga kanina, eh," reklamo niya kaya niyakap siya ng kasintahan.
"Hindi ako magsasawa na halikan ka, Mahal. Kahit segu-segundo pa 'yan o minu-minuto. Basta't ikaw lang ang kahalikan ko."
"Uhm! Ako lang ba? Baka meron pang iba, ha," ismid niya rito. Natawa naman si Owen sa inasta niya.
"Ikaw lang talaga, Mahal. . . Wala nang iba. I hope na gano'n ka rin sa akin. Baka mamaya, makita ko na lang na may kasama kang iba, ha."
"Si Pawi lang naman kasama ko lagi 'pag breaktime. Baka ikaw riyan dahil lagi kang umalis at halos isang Linggo ka kung umuwi rito sa probinsya."
Natahimik si Owen sa sinabing iyon ni Madice. Hindi pa siya handang sabihin ang totoo rito. Ayaw niyang mag-isip ng kahit ano ang dalaga tungkol sa kanyang pagkatao.
Nang dumating ang mga kapatid ni Madice, sabay-sabay na silang kumain ng tanghalian. Ngunit nagpaalam din agad si Owen dahil may tumawag sa kanya. Hindi na rin siya pinigilan ng dalaga dahil importante raw iyon. Babalik na lang daw ito mamaya.
KINAGABIHAN, habang naghihintay sa labas si Madice sa pagdating ni Owen ay may nakita siyang lalaki sa di-kalayuan. Nakatingin ito sa kanya. Parang kahina-hinala tuloy ang pagmumukha nito.
Pumasok siya sa loob at doon na lang niya hihintayin ang binata. Mag-iisang oras na nang dumating si Owen at nagtataka siya kung bakit naka-tuxedo ito. Hindi n'ya tuloy maiwasan na mag-isip kahit alam na niya kung anong katayuan nito sa buhay. Pero hindi pa siya kuntento sa mga nalaman. Pinagbibihis siya dahil may mahalaga raw silang pupuntahan. Pinasuot sa kanya ang biniling bestida at sapatos noon. Nagpa-ayos na rin s'ya kay Marina dahil ayaw naman niyang may magsabi ang ilang taong makakakita sa kanila. Isasantabi muna n'ya ang isiping may nagmamanman sa kanila at baka isa 'yon sa pagbabanta ng matandang ginang kanina.
Nang lumabas si Madice, namangha si Owen sa nakita. Dahil sa totoo lang, ngayon lang nakapag-ayos ng ganito ang dalaga. Tuwang-tuwa naman ang magkapatid dahil magdi-date ang dalawa.
"Pasalubong namin mamaya, Kuya Owen, ah," pabirong sambit ni Mikal. Ngumiti ang binata saka ginulo niya ang buhok nito.
"As always, bunso. Kahit 'di mo sabihin, magdadala talaga si Kuya Owen bng Pasalubong," tuwang wika naman ni Mayumi.
"Tumigil nga kayo. Nakahihiya kayb Kuya Owen. . . Baka sabihin n' ya na pagkain ang gusto natin sa kanya," nahihiyang sabi naman ni Marina. Nagsitawanan silang lahat.
"It's okay. Basta't para sa inyo, bibilhin ni Kuya Owen. Basta't mag-aral kayong mabuti, ha," anang binata. At sumagot ang mga ito.
"Ikaw na bahala rito, Marina. Uuwi rin kami agad," paalalang sambit ni Madice.
"Okay, Ate. Enjoy ka roon. Huwag kang killjoy kundi'y kukuirutin namin iyang singit mo pag-uwi mo rito."
"Pa'no mo naman malalaman na killjoy ako roon?" takang tanong niya.
"Heto, oh," sagot nitong inilabas ang bagong cellphone mula sa bulsa at sumunod din ang dalawa na nagsilabasan ng cellphone at ipinakita iyon kay Madice at nanlaki naman ang mga mata nito sa nakita.
"S-Sinong nagbigay iyan sa inyo?"
"Halika na, Mahal. Mamaya mo na sila tanungin. Para maulit natin ang gabi," singit ni Owen sa kanila.
Hindi na nagsalita pa si Madice dahil alam na niya kung sino ang nagbigay ng cellphone sa kanyang mga kapatid. Mamaya na lang niya kokomprotahin ang lalaki dahil ayaw niyang masira kung ano man ang plano nito ngayon.
Nagpaalam na silang dalawa sa tatlo at laking gulat ni Madice nang may dumating na electric bike sa harap ng bahay nila. Nakangiti ang driver ng sasakyan at nagbigay galang ito sa kanila. Parang namumukhaan niya ang lalaki. Ito ba iyong nakita niya kanina sa labas habang hinihintay niya ang si Owen? Nagtataka siyang tumingin sa binata. Hinawakan siya sa braso ng binata at inalalayan na makaupo roon.
"Ito muna ang sasakyan natin para daanan ang kotse ko, Mahal. Hindi naman kasi p'wede na maglakad tayo sa eskinita na naka-heels ka. Bako-bako pa naman ang daan. At baka makasalubong pa natin ang mga aso roon. Katakot!" reklamo nito kaya natawa na lamang siya.
"Kalalaki mong tao, takot ka sa aso. De, tumakbo ka 'pag nakakita ka ng aso."
"Ayoko nga. Baka habulin pa ako. Siya nga pala, ang ganda-ganda mo ngayon, Mahal. May igaganda ka pa pala 'pag naayusan ka," komento nito sabay hawak sa kamay niya.
"Binola mo pa 'ko. Saka, mai-inlove ka ba sa akin kung hindi ako maganda," banat niya rito.
Humagikgik si Owen saka kinintalan niya ng halik sa labi si Madice. Kinurot naman siya nito. Kaya napaigik siya.
"Parang nabawasan 'ata ang balat ko, Mahal sa pagkurot mo."
"Eh, paano. . . Alam mong may mga tao sa labas at si Kuya driver, oh. Nakatingin sa side mirror."
"Okay lang 'yan, Mahal. Nakikilig lang 'yan sa atin," biro nito.
Nang makalampas na sila sa eskinita, muli niyang inalalayan ang dalaga pababa sa Ebike at nagpa-salamat sila sa driver. Pinagbuksan niya ng pinto si Madice saka sumunod siya rito. Kinabit niya ang seatbelt sa dalaga at pasimple niya itong ninakawan ng halik.
'Kainis ka, Mahal. Magkakabit ka na nga lang ng seatbelt, may pa halik-halik ka pa," kunwaring inis nito sa kanya pero gustong-gusto naman niya ang ginagawang ka-sweetness-an ng binata. Natawa naman si Owen sa sinabi ng dalaga. Ngunit ang nakaw na halik ay muli pang nasundan ng isa pang halik kaya tumugon na rin si Madice sa kanya.
Bumaba ang halik ni Owen sa leeg ni Madice, hanggang sa minamasahe na niya ang dibdib nito , kaya hindi maiwasan ng dalaga na hindi siya umungol. Bawat haplos kasi ng lalaki sa katawan niya'y kanyang ninamnam.
Muli namang inulit ng binata ang ginawa niya kanina. Hinalikan niya ang dalawang bundok ng dalaga kinagat-kagat iyon pagkatapos ay isinub* ang dalawang ut*ng saka sinipsip.
"Ohh!. . .M-Mahal. Ahh!. . ."
"You like this, Mahal?" tanong ni Owen sa kanya. Ngiti lang ang itinugon niya rito at hinalikan siya nito sa labi. "Open your mouth, Mahal," utos niya na sinunod naman ng dalaga. Ipinasok niya ang dila sa loob at parang mga espada ang kanilang dila. Nang magsawa roon si Owen ay ibinalikan nito ang dalawang bundok at pinagsawa nito ang dila roon. "Ohh!. . . I love this, Mahal. Ahh!"
"Mahal, b-baka may makakita sa atin dito?" sambit ni Madice. Napatigil naman ang binata sa kanyang ginagawa.
"Tinted ang kotse, Mahal kaya hindi nila tayo maa-aninag dito. Pero saka nalang natin ituloy at may date pa tayo," anito saka tinulungan siyang ayusin ang nakusot na bestida. "I love you, Mahal. Hinding-hindi ako magsasawang sabihin iyan sa 'yo," wika pa niya.
"Mahal din kita, Owen," sagot naman nito sa kanya.
"Let's go," wika niya at pinaandar na ang sasakyan.