Inalalayan ni Owen na makababa ang dalaga ng makarating sila sa Mexican restaurant. Napansin naman ni Madice na nag-iba ang itsura ng restaurant na pinuntahan nila noon.
"M-Mahal, hindi ba't 'yan iyong pinuntahan natin noon? Para 'atang nagbago?" takang tanong niya dahil maraming palamuti ngayon ang loob ng Mexican restaurant.
Ngumiti ang binata. Kinuha nito ang kamay ni Madice at inikawit iyon sa kanyang braso.
"Espesyal ang gabi na ito, Mahal.
Kaya espesyal din tayo sa mga staff. Pinaganda talaga nila ang venue para sa atin," pagbibiro niya. Pero ang totoo, binayaran niya ang restaurant para sa kanilang dalawa lamang. At hindi iyon alam ng dalaga. Baka magtaka na naman ito.
Pagpasok pa lang nila, isang magandang musika na agad ang pumapalibot sa loob niyon.
"Magandang gabi sa inyo, Mr. De Jesus, Miss Reyes," pagbati sa kanila ng mga staff. Kahit ang mga suot nila'y pinaghandaan din. "Dito po tayo," sabi pa nito na iginaya sila sa isang kuwarto. Nagtataka naman si Madice kung bakit walang mga kumakain doon.
Pinagbuksan sila ng pinto at bungad pa lang ay namangha na ang dalaga sa nakita. Medyo madilim pero kitang-kita ang kagandahan ng loob. Dahil pinapalibutan iyon ng mga nag-gaganda hang kandila, sabayan pa ng malamyos na melodiya. Rito pala niya naririnig ang musikang iyon na nanggagaling sa violin. Hindi niya kasi makita ang tumutugtog nito. Hindi niya alam kung nahihiya ba o talagang sinasadya na hindi ito magpakita.
"Nagustuhan mo ba, Mahal?" tanong ni Owen nang mapansin na natuwa ang dalaga sa ginawa niyang pa suspense na date. Pinagplanuhan niya na ito noon, ngunit hindi lamang matuloy-tuloy dahil sa hectic na schedule at nagkaroon pa ng aberya sa kanyang negosyo.
"Oo. Ang ganda, Mahal," tuwang sambit ng dalaga. Inalalayan siyang makaupo ng binata at hindi talaga siya makapaniwala na date nila ngayon ng kasintahan. Hindi pa man din siya nakau-upo ng matagal nang yayain siya ni Owen na sumayaw.
"P'wede ko bang maisayaw ang nag-iisang babaeng nagpapasaya sa akin, ngayon?" malambing niyang tanong na iniyukod pa ang ulo at inilahad ang kamay. Tinanggap naman iyon ng dalaga sabay ng pag-snap nito sa daliri ay pumailanlang ang panibagong musika na pamilyar kay Madice.
Hinapit siya ni Owen sa beywang at ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito.
"Mahal, paborito mo ba talaga si Elvis?" pabirong tanong niya.
"Yup. At ang kanta niya ang isa sa mga naglapit sa atin. Simula nang makita kita, Mahal, hindi ka na nawaglit sa isip ko. Hindi ko alam kung anong ipinakain mo sa akin," seryosong aniya. Hinampas naman siya balikat ng dalaga.
"Wala akong pinakain sa 'yo, 'no? 'Kaw nga itong ipinipilit ang sarili, eh," wika naman nito. Tumawa naman nang malakas ang binata.
"Joke ko lang iyon. 'Di ka mabiro, Mahal." puma-gitna ang katahimikan sa kanila. Habang sumasabay sila sa saliw ng musika, ay siyang pagpapa-tugtog ng Violinist ang kantang Unchained Melody ng The Righteous Brothers. Tumitig si Owen kay Madice ngunit umiwas ang dalaga. "Naiilang ka pa ba sa akin, Mahal?" nagtatampo na tanong nito.
"U-Uhm, H-Hindi. May ibig sabihin kasi ang mga titig mo, eh,"
"May ibig sabihin, kasi mahal kita. Mahal na mahal kita, Madice. Isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. H-hindi ko siguro alam kung ano'ng magagawa ko sa sarili ko 'pag nawala ka sa akin at gagawin ko lahat mapasaya ka lang," sensero na wika nito. Hinaplos ni Madice ang mukha ng kasintahan sabay ngiti sa kanya.
"Nararamdaman ko naman na mahal na mahal mo, Ako," nakangiting sambit dito. "Pero, Mahal hindi mo pa sinasabi kung sino ka talaga," sabi ng isip niya. Napapikit siya nang maalala ang sinabi ng matandang ginang. “Hindi ka maipagmamalaki ng anak ko sa mga taong may sinabi sa lipunan” ngunit napamulat siya nang dampian siya ni Owen ng halik.
"May iniisip ka, Mahal? O ninanamnam mo ang oras na magkasayaw tayo, rito?"
"W-wala. Napapikit lang ako. Ramdam na ramdam ko kasi ang musika. Uhm, p'wede na ba tayong umupo at masakit na ang paa ko sa sapatos," reklamo niya. Ngunit ang totoo ay naiinis siya sa kanyang sarili. Ngumiti si Owen bilang tugon sa sinabi niya. At tinawag nito ang Waiter na nakatayo roon upang kunin ang mga espesyal na pagkain.
PAGKATAPOS ng isang oras na date ay nag-aya ng umuwi si Madice ngunit tumanggi si Owen. Inaya siya nitong pumunta sa Beach kahit ganoong oras na. Walang nagawa ang dalaga kundi pagbigyan ito. Ang ganda ng karagatan dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Nilatag ni Owen sa buhangin ang coat nito para upuan nila. Pinasandal niya sa kanyang dibdib ang ulo ni madice at pinalibot niya ang mga braso upang yakapin ito.
"Mahal," pag-umpisa ni Owen. "Ipangako mo na hindi magbabago ang pagtingin mo sa akin, na hindi magbabago ang pag-ibig mo kung sakaling dumating ang panahon na—"
"Bakit gan'yan ka magsalita?" putol ni Madice. "May tinatago ka ba sa akin, Mahal?" tanong ng babae sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Paano niya ba sasabihin ang tunay na pagkatao rito. Baka layuan siya ng dalaga 'pag nalaman nito ang totoo. Ayaw niya na munang sabihin na hindi pabor at ayaw ni Donya Elena sa kanya. Baka lalong magkagulo. Kilala pa naman niya ang nanay niya. "Mahal. Ikaw ngayon ang tahimik. May iniisip ka ba?"
"Uhm, W-Wala, Mahal. Pingmamasdan ko kasi ang karagatan. Sana mahal, lagi tayong ganito. Iyong tayo lang. Mahal, pa'no kaya kung magpakasal na lang tayo," seryosong sambit niya rito. Tumingin sa kanya si Madice.
"Napag-usapan na natin 'to, Mahal. Saka mga bata pa ta—"
"Pero ayokong mawala ka sa akin," agaw nitong wika.
"A-Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Owen?"
"W-Wala. Mahal na mahal lang kita kaya gusto kong magpakasal na tayo. Pero kung hindi ka pa handa… naintindihan ko. Pero ipangako mo na kahit anong mangyari, hindi mo 'ko iiwan. Sinasabi ko, sa 'yo Madice hindi ko kaya 'pag nawala ka sa akin. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng nagpaganito sa akin."
"Anong ginawa ko naman sa 'yo, aber? At anong nagpaganito?"
"Nagpabaliw. Binaliw mo 'ko sa mga titig mo. Sa pangsusuplada mo sa akin noon kaya lalo akong nagpursige na lumapit sa yo."
"Korny mo, Mahal," irap niya rito.
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Magseryoso ka naman Madice," naiinis nitong sabi. "Hindi ako korny. Sinasabi ko totoo, sa 'yo. Sa lahat ng babae na nakilala ko, ikaw lang ang bumaliw sa akin."
"Hindi siguro ako mental para mabaliw ka, mahal. Nakababaliw pala ako?" pagbibirong sambit dito. Nagkamot ng ulo si Owen at tumingin ng seryoso sa kanya.
"Ayan ka na naman. Halikan kaya kita para tumigil ka sa pang-aasar sa akin."
"Subukan mo lang at sisigaw ako, rito."
"Talaga, ha," ngisi niya ngunit biglang tumayo si Madice at tumakbo palayo sa kanya kaya hinabol niya ito. 'Pag nahabol kita, Mahal wala ka ng kawala sa akin. "
" Kung mahahabol mo ako. Mabilis 'ata akong tumakbo."
"Tignan natin, mahal. Nandiyan na ako. . ." Nang maabutan niya ang dalaga, agad niyang binuhat ito." Sino kaya sa atin ngayon ang mabilis tumakbo, Mahal," ngiti niyang sabi sabay kindat dito.
"Ibaba mo 'ko, mahal. Baka may makakita sa atin dito, sabihin nila, kinidnap mo 'ko," nguso nitong sabi. Kumunot naman ang noo ang binata.
"Sino naman makakakita sa atin dito, eh gabi na. ' . . Niloloko mo na naman ako, mahal."
"Iyong mga isda." biro niyang sagot sabay hagikgik.
"Ikaw talaga. Humanda ka sa akin, Mahal," pagbabanta niya at binilisan ang paglalakad pabalik sa kanilang kinauupuan kanina.
Nang makarating sila roon, hingal na hingal si Owen na ibinaba ang dalaga.
"Ayan tuloy, napagod ka," paninisi ni Madice sa kanya.
"Ikaw kasi, eh, nagpahabol ka pa. Pero ito ang reward ko kasi na habol kita," sabi niya na biglang pinahiga ang dalaga. At dinaanan niya ito.
"Owen. . ." anas nito na siyang nagpatayo ng balahibo ng binata.
"Please, say it again, Mahal. Nakakaakit ang boses mo," bulong niya. Ngunit hindi na muling nagsalita pa si Madice dahil hinalikan niya na ito. Pinagsawa niya ang pag halik sa bawat sulok ng mukha nito hanggang bumaba ang kanyang halik at naglikot na ang mga kamay niya sa katawan ng dalaga.
Pawang tunog ng mga kulisap at kuliglig ang kanilang naririnig sa mga oras na iyon na siyang sumasabay sa kanila. Bumaba pa nang bumaba ang halik ni Owen kaya hindi na mapigilan ni Madice na hindi umungol.
"Ahh!. . .Ohh!. . . . Mahal, ahh. . . !"
Parang musika ang tunog ng bawat ungol nila at hindi nila alintana ang buhanging dumidikit sa kanilang balat.
Nang maibaba ng binata ang bestidang suot ni Madice ay agad niyang sinunggaban ang dibdib nito kaya hindi na mabilang kung ilang ungol na ang lumalabas sa kanilang bibig. Sa bawat haplos ng binata, sa bawat halik nito ay halinghing ng babae ang siyang naririnig doon. Hanggang sa pumasok na ang kamay ni Owen sa underwear ni Madice.