"Mahal din kita, Owen," iyon din sana
ang gusto niyang sabihin ngunit biglang namatay ang cellphone nito. Nawalan siguro ito ng signal o may biglang tumawag. Muli siyang huminga ng malalim. Pumunta siya sa kusina at uminom ng tubig. Hanggang ngayon
hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig.
Bigla niyang naalala na gisingin ang kanyang mga kapatid. Dahil sahod niya kagabi, pinagluto niya ang mga ito ng paborito nilang daing. Pumasok siya sa loob ng kuwarto, ngunit walang nakahiga roon.
"Nasa'n ang mga 'yon?" bulong na tanong sa kanyang sarili. Lumabas siya at nakita niya ang tatlo na nakaupo na sa harap ng hapag-kainan."Saan kayo nanggaling? Ba't wala kayo sa kuwarto?" agad niyang tanong sa tatlo.
"Kanina pa kami gising, Ate. Hindi mo lang kami naramdaman sa likod mo," pangiti-ngiting sabi ni Marina. Ngumisi naman ng nakaloloko si Mikal. Kumindat ito sa dalawa. Napansin naman iyon ni Madice.
"Ano'ng ibig sabihin ng pagkindat na iyan, bunso?" wika niya na tinaasan ng kilay ito.
"Wala po, Ate," tanggi niya.
"Wala ka riyan. May itinatago ba kayo sa akin, Marina, Mayumi?" tanong niya na pinaglipat-lipat ang tingin sa mga kapatid.
"Si Mikal na lang tanungin mo, Ate. Siya naman nakarinig, eh."
"Nakarinig? anong nakarinig?" aniyang nameywang sa tatlo. "Ayokong magalit ng maagang-maaga, ha. Ayoko ring may inililihim kayo sa akin. Sige na. Sabihin n'yo na kung saan kayo nanggaling?" ngunit walang sumagot isa sa kanila. "Mikal," baling niya kay bunso. "ikaw ang tinuturo nila."
"H-Ha? Eh, Ate. . . niyaya ko lang po na magtago sila Ate Marina at Ate Mayumi riyan sa likod ng pinto." amin nito.
"Niyaya? Bakit?" takang tanong niya.
"N-Narinig ko po kasi iyong pinag- usapan ninyo ni Kuya Owen," nahihiyang sambit ngunit ngumiti rin ito sa kanya.
"Narinig mo? A-Anoʼng mga narinig mo?" kinakabahan wika niya saka umupo sa tabi ng bunsong kapatid.
"Syempre. . . Mga nakakikilig na salita," sambit nitong ngumiti. Pinamulahan naman ng pisngi ang dalaga. Tiyak na narinig ni Mikal lahat ng mga pinag- usapan nila Owen kanina.
"Nakikinig ka sa usapan ng mga matatanda, ha. Bad iyon," pangaral niya rito.
"Sorry, Ate. 'Di ko naman po iyon sinasadya. Sorry po ulit kasi sinabi ko kay Ate Marina at Ate Mayumi," nahihiyang aniya sabay hagikgik.
"Okay lang ʼyon, Ate. Boto naman kami kay Kuya Owen kung sakaling sasagutin mo siya, eh. 'Di ba, Mayumi, Bunso?" tumango naman ang dalawa at ngumiti sa kanya.
"Salamat, sa inyo. Hayaan niyo, boyfriend lang muna. Hindi muna mag-a-asawa si Ate para sa inyo. At gagawin ko lahat para makapag-aral tayong lahat, okay," sambit niyang naluluha sabay tayo at niyakap isa-isa ang mga kapatid. "Kain na tayo, alam kong paborito niyo ito. Daing with kamatis at sibuyas na may sawsawang bagoong."
"Sarap nga ito, Ate. . . Kain na tayo," excited na sabi ni Marina. Pero ang totoo ay naluluha na rin siya. Bilib siya sa lakas ng loob ng kanilang nakatatandang kapatid dahil nagagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral, pagtatrabaho at pag-a-asikaso sa kanila. Kaya kung saan at kung kanino masaya ang panganay nila'y susuportahan nila ito.
Pagkatapos nilang kumain ng almusal, inilako ng tatlo ang banana cue na iniluto ni Madice. Ginagawa nila iyon 'pag wala silang assignments. Pinagpapahinga naman nila ang nakatatanda nilang Ate dahil alam nilang pagod ito. At wala pang isang oras nang maubos iyon kaya tuwang-tuwa silang umuwi.
"Ate!" agad na salubong ni Mikal. "Naubos ang paninda namin. Ang sarap daw ng luto mo kaya maraming bumili," masayang balita nito sa kanya.
"Talaga?" masayang sagot niya.
"Opo."
"Gumawa ka ulit bukas, Ate, ha." sabi naman ni Mayumi.
"Dapat pala, rinamihan mo Ate. Sayang, kasi may naghahanap pa."
"Hayaan niyo, bukas gagawa ulit ako. Pasok na kayo para makapagpahinga na kayo. Maya-maya rin, magsiligo na kayo, ha. Naaamoy ko na ang sukang pinakurat sa inyo," pagbibiro niya kaya pareho silang tumawa.
Lumipas pa ang ilang araw, at hindi pa rin umuuwi si Owen. Hindi rin ito nagtetext o nakikipag-video call sa kanya. Hindi tulad ng mga nakaraang araw na halos araw-araw at gabi-gabi itong tumatawag. Ayaw rin naman niyang siya ang unang tumawag dahil nahihiya siya. Ngunit nami-mis niya na ang binata. Ang paglalambing nito sa kanya saka ang mukha nito 'pag naiinis. Nasa silong siya ng mangga nang oras na iyon dahil absent si Pawi, at mag-isa niyang nakaupo roon. Nilabas nya ang kanyang cellphone para tignan kung may mensahe, ngunit wala pa rin hanggang ngayon. Bumuntong-hininga siya ngunit biglang may nagtakip ng mga mata niya. May kagaspangan ang mga palad nito. Parang batak sa trabaho pero hindi niya alam kung kay Pawi ba ang mga kamay na iyon.
"Huwag ka ngang mangtakip ng mata, Pawi. 'Kala ko ba, hindi ka papasok?"
"Mukha ba akong si Pawi?" sabi ng isang baritonong boses sa kanyang likuran.
Kinabahan si Madice. Kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Tinanggal nito ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga mata. At dahan-dahan s'yang humarap. Nanlaki ang mga mata kung sino ang nasa harapan niya. Dahil sa nasurpresa, bigla niyang niyakap ang lalaki. Nagulat naman si Owen sa ginawa ni Madice ngunit yumakap na rin siya ng mahigpit dito. Hindi nila alintana na maraming mga estudyante ang nakatingin sa kanila. Parang nanonood ang mga 'to ng shooting.
"I miss you so much, Mahal," bulong ni Owen sa kanya. Kaya naman bigla siyang bumitiw rito dahil sa narinig. At hindi siya makatingin ng diretso sa kaharap na lalaki. Muli na namang kumabog ang dibdib niya, kasabay ng pagpikit ay dinampian siya ng halik ng lalaki sa labi. Kaya napasigaw na lang ang mga ibang estudyante na nakakita sa ginawa ni Owen. May kumuha ng larawan, at may nagpalakpakan. Samantalang nagngingitngit naman sa inis si Nickie dahil sa nakikitang kaganapan sa kanilang campus. Halos ma-estat'wa naman si Madice sa kinatatayuan niya.
"B-Bakit mo ako hinalikan?" takang tanong niya sabay hawak sa kanyang labi.
"Hindi ka na naman kasi tumitingin sa akin, eh," reklamo nito.
Natahimik si Madice, at Bumuntong-hininga naman si Owen. Hinawakan nito ang kamay niya kaya napatingin siya roon.
"O-Owen. . . Maraming nakatingin sa atin," nahihiyang sambit niya nang mapansing marami ng nakapalibot na estudyante sa kanila.
"I don't care. Moment natin 'to. . . Mahal kita, Madice. Sagot mo lang ang gusto kong marinig, wala ng iba. Do you love me too? Yes, I feel that you love me too kasi niyakap mo ako and I felt that I was the one your heart was beating for Madice," nagsusumamo nitong wika. Tumitig sa kanya ang dalaga at ngumiti ito.
"Mahal din kita, Owen," lakas loob niyang sambit.
"Yes! So, tayo na ba? Sinasagot mo na ba ako?" tuloy-tuloy nitong tanong.
"O-Oo. Tayo na," nahihiyang sagot niya. Kaya sa sobrang tuwa ng lalaki ay naglulundag-lundag saka niyakap siya nito. Pinipigilan naman niyang matawa sa itsura ng lalaki.
"Yes! Thank you, Mahal. I promise you that I will be a responsible boyfriend. I love you, Madison Reyes," anas nito at niyakap siya ng mahigpit na akala mo'y may mang-aagaw sa kanya.
"Mahal din kita, Owen De Jesus," pabulong na sagot niya. Binitiwan siya ng lalaki saka hinalikan nito ang kanyang mga kamay.
"Nakatataba ng puso na sinagot mo na ako, Mahal. Ang tagal kong hinintay 'to. At ang pag-alis ko pala ang dahilan kaya sinagot mo na 'ko."
Kumunot ang noo ni Madice sa sinabi
nito. "Pag-alis ka riyan?"
"Hindi ba? Kasi niyakap mo 'ko ng mahigpit kanina pagkakita mo sa akin, so it means na na-mis mo ako at hindi mo na rin napigilan ang sarili mo na hindi mo ako sagutin," nakangiting aniya. Inirapan naman siya ni Madice kaya pinisil ni Owen ang kanyang baba." I really love you. Halika na, hatid na kita sa room niyo," wika pa niya. Tumango lang ang babae at tinungo na nila ang main building.
SAMANTALA, hindi makapaniwala si Donya Elena sa nakita sa kanyang cellphone. Magkayakap at hinalikan ni Owen si Madice. Naningkit ang mga mata nito at nagpupuyos sa galit ang dibdib. Naglakad siya papuntang pasilyo, at i-denial ang numero ng tauhan.
"Hello, Wilkins! Anong ibig sabihin nitong ipinadala mo sa akin? " galit na tanong agad rito.
"Usap-usapan sa campus na sila na po ng anak n'yo."
"Ano!" sigaw niya. "Papaanong sinagot? Akala ko ba tinakot mo ang babaeng iyon na layuan niya ang anak ko."
"Iyon nga ho ang alam ko, Donya Elena. Tinakot ko ho si Madice. Akala ko po, lalayo na s'ya kasi takot na takot iyon no'ng pinagbantaan ko. Halos hindi nga ho makagalaw sa sobrang nerbiyos," rason nito na siyang lalong nagpainis sa kausap na Donya.
"Ang dami mong rason. Kung nanginginig iyon sa nerbiyos, hindi s'ya gano'n kalapit At hindi niya sasagutin ang anak ko!" bumuntong-hininga s'ya. Mabuti na lang at wala ang Don doon dahil nasa Canada ito at may inaayos. "Ako na lang muna ang gagalaw. Magplano ka muna kung ano'ng mga susunod na hakbang ang gagawin mo. Baka makahalata pa si Owen kung lagi mo silang mamanmanan."
"Masusunod, Donya Elena."
"Luluwas ako riyan sa probinsya. Sana ay maayos na ang papeles na pinapalakad ko sa 'yo. Riyan muna ako mananatili hangga't hindi nilalayuan ng hamapas-lupang 'yan ang anak ko."
"Maayos na ho ang papeles. Inilipat na po lahat sa inyo ng may-ari ang bahay at lupa."
"Kung gano'n, sa susunod na linggo na ako luluwas diyan," sabi niya saka pinatay na ang cellphone. Hindi s'ya makapaniwalang nagustuhan ng anak niya ang probinsyanang hampas-lupang iyon. Maganda nga, ngunit hindi sa ganoong klase ng babae nababagay ang anak niya. Nalalapit na ang selebrasyon ng De Jesus Clothing Corporation at si Owen ang susunod na CEO dahil disi-otso na ito. At ayaw niyang malaman ng mga investors at mga shareholders na sa isang mababang uri lang na babae ang nobya ng anak niya.