Chapter 3: Sulyap at Titig

1760 Words
“May hindi ba ako alam tungkol sa inyong dalawa, Madice?” tanong ni Pawi sa dalawa. “Ano’ng tungkol sa amin? Ikaw talaga, Pawi! Baka sabihin ni Owen na—” “Okay lang. Hindi ko na rin pala kailangan malaman ang pangalan mo kasi narinig ko na. So, ikaw si Madice. Buti na lang at ‘di mo nakalimutan ang name ko,’’ pagsingit naman ni Owen sa dalaga. “Madali lang naman i-memorize ang pangalan mo,’’ paliwanag ni Madice sabay tingin kay Pawi at pinanlakihan naman siya nito ng mga mata ng kanyang kaibigan. “So, naalala mo pala,’’ wika ng lalaki habang nakatiitig sa mukha ng dalaga. “Apat na letra lang kasi ang pangalan mo,’’ depensa naman ni Madice na nginitian din si Owen. Gumanti rin naman ito ng ngiti sa kanya. Hindi nila inalintana ang maraming estudyante na nakatingin sa kanila. “Hoy, Madice! Baka naman gusto mong ipakilala sa akin si pogi? Ang dami niyo ng nasabi sa isa’t isa, hindi mo pa ako naipakikilala. Saka tingnan niyo, oh! Pinagtitinginan na kayo ng mga echoserong palaka,’’ maktol ni Pawi na ininguso pa ang mga nakikiusyosong estudyante sa kanila. “Hayaan mo sila. Pawi, right?” baling ni Owen sa kaibigan ni Madice. “Y-Yes. But my real name is Paula Winslette Roxas and you are Owen De Jesus,’’ anito sa malambing na boses at inilahad pa ang kamay sa kaharap na lalaki. Ngumiti si Owen at tinanggap ang nakalahad na kamay ng kaibigan ni Madice sa kanyang harapan. Halata namang kinikilig si Pawi sa lalaki dahil hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ng binata. “My hand, miss, ‘‘ untag tuloy ni Owen kay Pawi. “H-Ha?” “I said, ‘yong kamay ko.” “Sherey,’’ sambit nito sa pabebeng boses saka binitiwan ang kamay ni Owen. “By the way, Madice,’’ baling ng lalaki sa katabing dalaga. “P’wede ko bang malaman ang last subject ninyo? Senior High din ako tulad niyo at nasa section two ako.” “English ang last subject namin, Owen,’’ singit na sagot ni Pawi sa itinanong ng binata. “Okay. And we’re the same schedule, right?” “Oo,’’ singit na namang muli ni Pawi. Pinanlakihan tuloy siya ng mata ni Madice. Natatawa na lamang ang binata sa inaasal nito. “Pawi, p’wede ko bang sunduin mamaya si Madice? Ikaw na lang tatanungin ko para sa kaibigan mo, tutal ikaw naman ang sumasagot,’’ pabiro niyang sabi sa kaibigan ni Madice. “Ay, siya na lang tanungin mo. Ang bagal kasing sumagot ng kaibigan ko na iyan kaya ako tuloy ang sumasagot sa tanong mo, pogi, este Owen pala,” brio nito habang humagikgik. “Puwede ba kitang sunduin mamaya, Madice?” “M-May trabaho pa ako mamaya. Saka, maaabala lang k-kita,” utal-utal na sagot ni Madice sa lalaki. “Hoy, girl! Ba’t nauutal ka na riyan? Sinabi lang na kung p’wede kang sunduin ni pogi, nagkandautal-utal ka na.” “Ah, wala. Nakatingin kasi sa atin sila Nickie na para bang kakain sila ng tao,” baling niya kay Pawi. “Wala silang pakialam, Madice,’’ tugon ni Owen. “Actually, she’s my classmate but I don’t care. So, ano? P’wede ba kitang sunduin mamaya at ihahatid na lang kita sa pinagtatrabahuhan mo?” “Pero—” “Wala ng pero-pero. Basta susunduin kita, ha. Hihintayin kita rito sa tambayan niyo. So, again. I’m Owen De Jesus and I’m glad that I met a girl like you.” Ngumiti nang matamis si Owen at saka inilahad ang kamay sa dalaga. Tinanggap iyon ni Madice at tumagal pa ang pagkakahugpong ng kanilang mga kamay bago sila bumitaw sa ganoong posisyon. Kung hindi pa tumikhim si Pawi, hindi pa bibitiwan ni Owen ang kamay ng dalaga. “Sige, alis na ako. Pasok ko na rin, eh,” muling sabi ng lalaki na kunwari pang tumingin sa kanyang relo. “Okay. Papasok na rin kami ni Pawi.’’ “See you later,” paalam ni Owen at tumalikod na, ngunit humarap ulit sa dalaga. “Ahm, alis na ako.” “Sige.” “Bye.’’ “Bye rin.’’ “Mamaya, rito kita hihintayin. Don’t forget.” Saka tuluyang iniwan ang dalawa. “So, matagal mo na palang kilala si mister pogi,’’ intriga ni Pawi sa kanya. “Kahapon lang. Narinig mo naman iyong sinabi niya ‘di ba?” sagot ni Madice nang makaupo na habang kumukuha ng ballpen at papel sa kanyang bag. “Iyong, ‘I’m so glad that I met a girl like you’ aminin na kinilig ka roon,’’ pang-aasar ni Pawi habang iniirapan nang pabiro ang kaibigan. “Bakit ka nang-iirap?” “Naiinis ako sa ‘yo.’’ “Bakit ka naiinis?” “Naglilihim ka na sa akin.’’ “Naglilihim? Ano’ng nililihim ko sa ‘yo, aber?” “Si mister pogi. Inilihim mo siya sa akin na magkakilala pala kayo. ‘‘ “Ang kulit mo. Kahapon ko nga lang siya nakilala. Teka nga, iyon bang chinichika mo sa akin kahapon na super duper pogi at si Owen ay iisa?” tanong ni Madice habang nagsusulat sa papel. “Oo, siya nga. Paano mo ba siya nakilala at bakit ibinalik niya ‘yong panyo mo? Siguro, sinadya mong ihulog ‘yon sa daan, ano?” Kasabay ang pag-agaw ng ballpen mula kay Madice. “Akin na iyang ballpen ko. Nakita mong nagsusulat ako, eh,” Muling agaw niya pero bigo siyang makuha ulit iyon kay Pawi. “Ayaw ko nga. Kinakausap kita, pero sa papel at ballpen nakatuon ang atensiyon mo. Sabihin mo muna mula umpisa kung paano kayo nagkakilala ni pogi at saka ko ‘to ibibigay sa ‘yo. Kung gusto mo, pati ballpen ko, bigay ko na rin.’’ “Sige, sige para ibigay ko rin kay Marina.’’ Kinuwento niya nga kay Pawi kung ano ang nangyari kahapon. Mula sa natapunan niya ng ulam si Owen at nahulugan ito ng mga de lata sa supermarket. “Nakatatawa kayong dalawa. Tapos akala mo, suplado siya. Mabuti na lang at hindi siya katulad ng ibang lalaki. At iyong de lata, masakit kaya ‘yon ‘pag tumama sa ‘yo.’’ “Oo nga, eh. Nainis lang ako kahapon kaya hindi ako nakapag-sorry sa kanya.” “Gano’n? Kamo lang ‘yan dahil kinikilig ka.’’ “Kinikilig ka riyan. Hindi, ah.’’ “Sinungaling! Kitang-kita ko na nagtu-twinkle-twinkle iyang mga mata mo kanina. Padeny-deny ka pa riyan.’’ Humugot nang malalim na hininga si Madice. “Ewan ko sa ‘yo, Pawi. Ayan ka na naman sa style mo na iyan,’’ sabi niya at iniligpit na ang kanyang papel. “Iyong ballpen, ibalik mo sa akin mamaya.’’ “Heto na nga,’’ pagsuko nito at saka ibinalik ang ballpen kay Madice. “Bukas na kita bibigyan ng ballpen. Hihingi pa ako kay Mommy ng pambili, ubos na kasi ang allowance ko. Iyong panyo mo pala, paamoy nga.” “Paamoy? Bakit?” “Aamuyin ko lang kung mabango ang pawis ni Owen pogi.” “Nge! Oh, heto,” komento niya saka kinuha sa bulsa ng palda ang panyo at inabot iyon kay Pawi. Kinuha naman iyon ng kaibigan niya at inamoy nito ang panyo. “Ang bango, girl! Mamahaling pabango ang ini-spray niya rito. Akin na lang ‘to.’’ “Hindi p’wede. Regalo sa akin ‘yan ni ina no’ng nabubuhay pa sila.’’ “Okay, sabi mo, eh.” Ibinalik niyang muli ang panyo kay Madice. “Halika na, pumasok na tayo. Baka kung ano Pa’ng maisipan ko riyan sa panyo,” pagtutuloy nito at nagmartsa na paalis sa kanilang tambayan. Sumapit ang oras ng alas dos at pumunta na si Owen sa study shed kung saan tumambay si Madice, kasama ang kaibigan nito. Naghintay si Owen doon at ilang segundo rin nang matanaw niya ang pigura ng babaeng gusto niyang ihatid ngayon. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang binata at siya na ang lumapit kay Madice. Kinuha niya ang bag nito ngunit tumanggi ito sa huli. “Ako na, Owen. Nakahihiya sa ‘yo. Baka sabihin ng mga estudyanteng nakatingin sa atin ay feelingera ako.’’ “Hayaan mo sila. Siya nga pala, nasaan ‘yong kaibigan mo?” “Naiwan pa. Cleaners sila ngayon.’’ “Ah, okay. Mas mainam kung ganoon,’’ sabi niya sa mahinang boses. “Anong sabi mo?” “Sabi ko, halika ka na at may trabaho ka pa,” pagsisinungaling niya at pasimpleng hinawakan sa kamay si Madice. “Iyong kamay ko, Owen.” “Sorry, pero hawakan na kita para sabay na tayo. Tara na.” Walang nagawa si Madice kaya hindi na lang siya umimik sa binata at sabay nilang tinawid ang daan papuntang parking lot. “Kotse mo ‘to?” takang tanong ni Madice sa kanya. “Oo.’’ Sabay bukas sa front seat ng kotse. “Pasok ka na.’’ “H-Hindi ba nakahihiya?” “Hindi. Ako dapat mahiya sa ‘yo. Pasok ka na sa loob.,” alok niya sa dalaga. Pumasok sa loob ng kotse si Madice at umikot naman si Owen papunta sa driver seat. “Pakikabit mo ‘yang seatbelt sa tabi mo para iwas disgrasya.’’ “Hindi ko alam ikabit. First time kong makasakay sa kotse. Pasensiya na at inosente ako. ‘‘ Bumuntong-hininga ang binata. “Okay lang. Atleast, nagpapakatotoo ka. Ako na lang magkabit ng seatbelt kung okay lang sa ‘yo? ‘‘ “Okay lang.’’ Kinuha ni Owen ang seatbelt at ikinabit iyon kay Madice. Halos hindi naman gumagalaw sa pagkakaupo ang dalaga dahil sa kamay ni Owen na dumadapo sa manipis niyang blusa. “Tapos na.’’ “Salamat.’’ “Ready ka na?” “Oo. P’wedeng mabagal lang ang pagmamaneho mo?’’ “Okay. H’wag kang mag-alala, ako ang bahala sa ‘yo,” paniniguro ni Owen kay Madice sabay kindat sa dalaga bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. Habang tinatawid nila ang daan, lihim na sumusulyap si Owen sa katabing dalaga, ngunit nang mahuli ni Madice si Owen na nakatitig sa kanya ay . . . “May dumi ba sa mukha ko?” “Wala,’’ tugon niya saka ibinalik ang tingin sa manibela. “Okay lang ba sa ‘yo kung magpatugtog ako?” “Okay lang sa akin.’’ “Thank you.’’ Kasabay niyon ang pagpailanlang ng malamyos na melodiya sa buong sasakyan. Kasalukuyang tumutugtog ang paboritong kanta ni Owen na awitin ni Elvis Presley. “For I can’t help falling in love with you . . . “ pagsabay sa kanta ng lalaki sabay sulyap kay Madice na hindi makatingin nang diretso sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD