Maagang sinundo ni Owen si Madice para ipasyal, kasama ang mga kapatid nito kaya naman tuwang-tuwa ang tatlo dahil sasama sila sa date ng kanilang ate. Dahil bagong salta roon ang lalaki, todo tingin ang mga kapit-bahay nila. May matanda roon na sinundan pa sila hanggang makarating sila sa kotse sabay ng pag-usisa nito.
"Naks! Nakabingwit ng mayaman ang magkapatid, ah," nakahalukipkip na sabi nito sa kanilang harapan. "Sino siya Madice?" turo nito kay Owen. "Boyfriend mo?"
"H-Hindi ho, Aling Tess. Kaibigan ko lang po," pagtanggi niya rito.
"Kuh! Kaibigan daw? Lumang istilo na 'yang kaibigan. Baka isang araw, makita ka na lang namin na tisbun na."
"Teka nga ho, Aling Tess," agaw na sabi ni Marina sa matanda. "Bakit ho ba kayo nangingialam?"
"Bakit? Hindi na ba ako p'wedeng mangialam sa kapit-bahay kong ulila na nga, isang kahig, isang tuka pa?"
"Wala na kayong pakialam doon kung ganoon nga po sila," sabat naman ng binata na nagpataas ng isang kilay nito sabay tingin sa kanya ng pababa, pagtaas.
"Wala kaming oras makipagtalo sa inyo, Aling Tess. Umagang-umaga ho kaya mauna na po kami," ani Madice na tumingin kay Owen na nagpapahiwatig na gusto niya ng umalis sa harapan ng matanda. Nakuha naman ng binata ang gustong iparating sa kanya nito kaya pinagbuksan niya na ng pinto ang magkapatid at dahil hindi kasya ang apat sa backseat ay pinakiusapan niya si Madice na sa tabi na lang niya ito uupo. Tumango lang ang dalaga, sabay ng pagpapaandar sa kanyang sasakyan ay sumulyap siya rito saka bumulong.
"You look so beautiful." sa ibinulong niyang iyon ay napangiti ang tatlong babae sa kanilang likuran ngunit naiilang naman si Madice kaya ibinaling na lang niya ang kanyang tingin sa ibang direksyon. Samantalang walang nagawa ang matandang babae kundi'y umalis na lang doon.
Pumasyal sila sa hundred islands, kung saan isa ito sa mga dinarayo ng mga turista sa Pangasinan. Kumuha lang ng mga larawan ang lalaki para ipakita iyon sa kapatid niyang mahilig mag-explore. Pagkatapos ng kalahating oras, pumunta sila sa Supermarket kung saan pag-aari iyon ng lalaki. Hindi alam ng apat na babae lalo na si Madice na ang kasama nilang binata ay isa sa mga taga-pagmana ng De Jesus Clothing Incorporation at De Jesus Empire. Kumain sila sa fast food na naroon dahil iyon ang gusto ng bunsong kapatid ni Madice. Buti na lang at hindi kilala roon ang lalaki kaya nakakain sila ng maayos.
Nang sila ay matapos kumain, nag-aya si Owen sa 2nd floor kung saan makikita roon ang Department Store, School- Supplies at Mobile Center. Tuwang-tuwa ang magkapatid 'liban na lang kay Madice na nagtataka kung ano ang gagawin nila roon. Nakangiti naman ang binata habang nakamasid ito sa kanila.
"Anong gagawin natin d-dito?" tanong niya na palipat-lipat ng tingin sa mga naka-display roon.
"Wow, Ate! Ang ganda pala rito. Ngayon lang ako nakapasok dito," masayang sabi naman ni Mayumi.
"Oo nga Ate. Ito pala iyong sinasabi ng mga kaklase ko na bagong bukas noong isang buwan," Hindi makapaniwalang sambit naman ni Marina.
"Bibili po ba tayo rito, Ate?" tanong naman ni Mikal na humawak sa kamay niya. Sasagot na sana ang dalaga ngunit agad na nagsalita si Owen.
"Oo. Bibili tayo rito Mikal," wika niyang sabi sabay ngiti sa batang babae. "Pumili ka ng gusto mo."
"Owen," saway ni Madice rito. "Wala kaming pambayad. Kaya iuwi mo na kaming magkapatid."
"Hindi ko naman sinabing kayo ang magbabayad, eh," sagot niya rito.
"Kahit na," matigas niyang wika sa binata.
"Ngayon lang ako mag-aaya sa mga kapatid mo kaya please pagbigyan mo na ako," pakiusap nito. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga sa tinuran niya. "Pumili na kayo Marina, Mayumi at bunso kung anong gusto ninyo. Ako ang bahala."
"Talaga po Kuya Owen?" tuwang-tuwa na sagot ni Mikal.
"Yup. Sige na, pumili na kayo."
"Salamat Kuya Owen," sabi naman ng dalawa kaya namili na ang mga ito ng kanilang gusto sabay hila sa kanilang bunsong kapatid. Naiwan namang napapailing si Madice sa ipinapakitang kabaitan ng binata sa kanila. Napansin naman ni Owen ang kaharap na dalaga na hindi nagustuhan ang pagpupumilit niyang pagpiliin ang mga kapatid nito.
"I'm sorry if I do this to you , Madice," sambit na lang niya. Tumingin sa kanya ang dalaga. Tingin na tila nagtatanong kung bakit nga ba iyon ginagawa ng lalaki. Naramdaman naman ni Owen na may gustong sabihin sa kanya ang dalaga kaya inaya na lang niya ito sa Mobile Center. Kaya walang nagawa si Madice kundi'y sumama rito.
Nang mapansin ni Owen na may nakasubaybay sa kanila sa di-kalayuan, iniwan niya muna ang dalaga roon at pinuntahan ang opisina kung saan naroon ang mga kuha ng CCTV . Sinabihan niya ang mga IT at ilang head ng guard na 'wag ng papasuking muli ang taong iyon sa De Supermarket dahil hindi katiwa-tiwala ang pagmumukha nito. Pinagsabihan din niya ang mga ito na 'wag siyang tawaging Sir kung kasama niya ang dalaga, hindi na rin nagtanong ang mga empleyado roon kung bakit, kaya nagpaalam na siya. Bumalik siya sa bilihan ng mga cellphone at naabutan niyang panaka-nakang tumitingin si Madice sa mga naka-display roon kung kaya't nilapitan niya ito.
"Do you like that?" usal niyang tanong mula sa likuran ng dalaga kaya nagulat ito.
"Butiking palaka!" sambit nito na ikinalingon ng mga empleyado. Mabuti na lang na hindi rin kilala si Owen doon na siya ang may-ari ng Supermarket.
"Mukha ba akong butiking palaka? Baka butiking g'wapo," bulong niya sabay kindat dito ngunit inirapan lang siya ni Madice saka umalis ito roon kaya napapangiti na lang ang binata sa inasal nito.
Nang makita n'yang pumunta sa ladies wear ang dalaga'y agad niyang nilapitan at kinausap ang Supervisor ng Mobile Center. Ipinakuha niya ang cellphone na tinititigan ni Madice, saka binayaran iyon. Nagulat pa ang lalaking empleyado nang makita nito ang ibinigay niyang ID sabay ng kanyang credit card.
"Kayo po pala Sir. Pasensya na po at
sa pangalan lang po namin kayo kilala," hinging paumanhin nito sa kanya.
"It's okay. Don't call me Sir baka marinig ka pa nila. Pakibalot mo na iyang cellphone, iyong hindi halatang may laman ang balot, ha," pabulong niyang sabi.
"Opo, Sir."
"I said, don't call me Sir. Tumatanda ako, eh," pabiro niyang sabi kaya natawa na lamang ito. Pagkatapos nitong ibinalot ng ilang beses ang nakakahong cellphone, ibinigay iyon sa kanya sabay kuha at umalis na rin siya. Ilalagay n'ya muna ang biniling cellphone sa kanyang sasakyan para lalagyan ng simcard saka ibibigay 'yon kay Madice.
Nang matapos niyang lagyan ng sim iyon, bumalik agad siya sa 2nd floor gamit ang private na elevator. Tanging siya lang ang gumagamit noon sa tuwing kinukumusta niya ang kanyang negosyo. Nang siya ay lumabas, nakita niyang nakatayo lang si Madice sa ladies wear. Palinga-linga ito na tila parang may hinahanap. Sa likod ng fitting room siya dumaan para hindi siya makita ng dalaga ngunit nakita pa rin siya nito.
"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Akala ko iniwan mo na kami rito," pataray nitong tanong sa kanya. Hindi n'ya ito sinagot, sa halip ay kinuha niya ang bestida na nakahanger sa kanyang tabi saka ibinigay iyon sa dalaga.
"Isukat mo. Kasya ito sa 'yo. Lalo kang gaganda kapag isinuot mo 'to," nakangiting wika niya. Tinignan lang siya ni Madice. Nagdadalawang isip siya kung kukunin ba niya o hindi ang hawak na bestida. Napansin naman ni Owen na nag-aalangan ang babae na kunin iyon kaya kumuha pa siya ng isa pa sabay abot sa babae. "Kunin mo na't isukat mo sa fitting room. I assure you, napakaganda mo sa damit na ito."
"Niloloko mo ba ako, Owen? Hindi ko na nga kinuha sa'yo iyang unang kinuha mo, kumuha ka na naman ng isa pa," naiinis niyang wika rito na kahit gusto niya ang mga bestidang nakahanger doon ay nahihiya lang siya sa lalaki. Ngumiti lang ito sabay alis papalayo sa kanya at lumapit ito sa isang saleslady. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga ngunit nakita niyang abot hanggang tainga ang ngiti ng saleslady na kausap ni Owen kung kaya't tumaas tuloy ang isang kilay niya sabay bulong sa kanyang sarili. "Feeling close?"
Nang tumingin sa kanya ang lalaki,
agad niyang binawi ang tingin dito ngunit nakatawag pansin ang paghalakhak nito na tila kinikiliti. Tumingin siya kay Owen at nagtama ang kanilang mga mata sabay kindat nito sa kanya kaya lalo siyang nainis dahil pakiramdam niya'y pinagseselos siya ng binata. Nakita naman ng lalaki ang reaksyon ni Madice kaya lalo siyang nakipagharutan sa babaeng empleyado. Ngunit nakita niyang umalis si Madice sa kinatatayuan nito kaya ibinigay niya ang dalang mga bestida sa saleslady para minsanang bayad na lang sabay habol sa dalaga.
"Anong problema?" agad niyang tanong nang maabutan niya ito. Hindi naman umimik ang dalaga. Kunwaring may hinahanap ito. "Madice, ano ba'ng problema at umalis ka?"
"Wala akong problema. Bumalik ka na roon sa kausap mo baka mainip iyon," matigas niyang sabi nito sa kanya.
"Kausap? Iyong saleslady?" kunot noo niyang wika sa dalaga.
"Sino pa nga ba ang kausap mo kanina? Alangan na white lady." sa sinabing iyon ng dalaga'y natawa ang lalaki. "May nakatatawa ba?" inis nitong sambit na ikinangiti niya.
"Huwag ka ng mainis. Nagpapaassist lang ako sa kanya para kumbinsihin ka sanang isukat iyong pinili kong bestida para sa 'yo," pagpapaliwanag niya ngunit hindi na nagsalita pa si Madice.
Pagkatapos makapili ng gamit ang tatlong kapatid ni Madice, binayaran iyon ng binata. Nagtataka naman ang kahera nang makita rin nito ang kanyang ID. Bumati ito sa kanya, mabuti na lang at nasa malayo ang magkapatid. Mangilan-ngilan lang ang nakakakilala sa kanya roon bilang may-ari ng Supermarket at karamihan sa kanila'y sa pangalan lang siya kilala. Nang mabayaran lahat iyon, inaya niya ng bumaba ang mga ito gamit ng elevator. Nagtataka namang tumingin si Madice sa kan'ya ngunit tuwang-tuwa ang mga kapatid nito.
"Wow, Ate! Ngayon lang ako nakasakay rito," tuwang sambit ni Mikal. "Salamat po Kuya Owen at pinasyal mo kami rito, ah."
"Wala 'yon, bunso," sagot niya na ginulo ang buhok ng batang babae.
"Salamat Kuya Owen," sabay banggit din ng dalawa. Ngumiti lang siya bilang tugon sa pagpapasalamat ng mga ito. Ngunit hindi naman umiimik si Madice.
"Ate," sambit ni Marina na kinalabit ang nakatatandang kapatid. "Ba't 'di ka umiimik diyan? Wala ka bang napili kanina?"
"W-Wala akong nagustuhan," pagsisinungaling niya rito.
"Ang dami kayang magaganda," komento naman ni Mayumi. "Kaya nga 'di kami makapili ni Ate Marina sa rami ng magagandang damit at sapatos. Kaya pinili na lang namin iyong alam naming magagamit."
"Alam n'yo naman na wala akong hilig sa mga mamahaling gamit, 'diba?" pagpapaliwanag niya kahit ang totoo ay gustong-gusto niyang pumili.
"Hayaan n'yo na lang ang Ate niyo kung hindi siya pumili. Malay natin, baka sa susunod, piliin niya lahat," pabiro namang sabi ng binata na siyang ikinatawa ng mga kasama niya. Masakit na tingin naman ang ipinukol sa kanya ni Madice kaya bigla siyang tumahimik.
Nang bumukas ang elevator, naunang sumakay ang dalaga sa kotse kasama nito ang bunsong kapatid. Kasunod nito ang dalawa, ngunit nahuling dumating si Owen dahil may kausap pa ito sa cellphone.
"Thankyou Selena. Tell to your mom that I can't go there and I 'll call you later, okay," anitong ibinaba ang telepono at pumasok na sa loob ng kotse. Napansin n'yang nakasimangot si Madice nang tumingin ito sa kanya. Nginitihan niya ang dalaga ngunit walang tugon ito kaya napabuntong-hininga na lamang siya.
Nang sila ay makauwi, animoy para silang artista na bagong dating dahil sa kanilang mga dala. Hindi na lang nila pinapansin ang taong nagtatanong sa kanila kung sino ang kanilang kasama. Pumasok sila sa loob ng bahay at nagpaalam naman ang tatlo para bigyan ng privacy ang dalawa. Napansin naman ni Madice ang bitbit ng binata na balot na balot iyon.
"Ano 'yang dala mo 't hindi mo na iniwan sa kotse mo?" tanong niya rito sabay upo sa upuang kawayan.
"Uhm, This is for you. Mamaya mo na lang buksan baka ibalik mo sa akin 'pag nkita mo," sagot nito na ipinatong sa mesa ang dala.
"Okay," tipid niyang sambit sa binata. Hindi niya maunawaan kung bakit biglang nagbago ang mood niya. Kanina pa siya naiinis sa lalaki at hindi niya maipaliwanag kung bakit.
"Sige, aalis na ako. Thank you sa oras," pagpapaalam nito nang mapansin ang pananahimik ng dalaga. Kanina pa kasi ito nagkakaganito sa sasakyan. Ngunit hindi sumagot si Madice kaya wala siyang nagawa kundi'y umalis para bumalik sa Supermarket. Binalikan niya ang bestida at ilang sapatos na tinignan ng dalaga kanina. Binayaran n'ya iyon at magbabayad na lang siya ng tao upang ibigay iyon kay Madice. Buti na lang at natandahan niya ang address ng babae.