Pagdating nila sa kanilang barong-barong na bahay, agad na
kinuha ni Madice kay Owen ang dala nitong nakabalot na pagkain at ibinigay iyon kay Marina. Sumama naman ang dalawa pa niyang kapatid para maghanda ng kanilang makakain. Inaya na rin niya ang lalaki sa loob kaya hindi na tumanggi pa si Owen dahil kanina pa niya gustong maupo. Nang mapansin ng dalaga na palinga-linga ito ay hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon na tanungin ang lalaki.
"Uhm, may problema ba Owen? Pasensya ka na kung ganito ang tinitirahan namin."
"Okay lang. Sanay naman ako," tipid niyang sagot ngunit hindi kumbinsido ang dalaga.
"Sanay ka, pero bakit hindi ka mapakali?" nakakunot noo niyang tanong dito.
"Iniisip ko lang na paano kung may masamang tao at pinasukan kayo rito? Feeling ko, hindi kayo safe rito sa bahay niyo."
"Feeling mo lang 'yon. Sanay na kami, kaya salamat kung nag-alala ka."
"Babae pa naman kayong apat. Hindi ka ba natatakot na baka one day ay pasukin kayo ng masasamang tao?"
"Sabi ko naman sa ' yo, sanay na sanay na kami. Saka, probinsya ito. Hindi katulad sa syudad na marami talagang masasamang tao. Baka lahat na yata ng kasamaan, nando'n na."
"Sinabi mo pa. Pero nagsasabi lang ako ng totoo, ha."
"Okay lang," sagot nito at katahimikan ang pumagitna sa kanila ngunit binasag iyon ni owen.
"Siya nga pala, iyong nangyari kanina
sa daan, H-hindi ko iyon sinasadya. Ibubulong ko lang sana na, sa loob na tayo ng bahay niyo kasi mahamog na. Kaso bigla ka namang lumingon."
"I-Iyon ba?" tanong niya na pinamulahan siya ng mukha. "Alam ko naman na hindi mo 'yon sinasadya. N-Nagulat lang ako kanina. Akala ko kasi kung ano na 'yong lumapit sa tainga ko, kaya bigla akong napalingon." wika niya sabay baba ng tingin dito. Napansin naman ng lalaki ang biglang pamumula ng mukha ng dalaga kaya lihim siyang napangiti rito. He feels like something na parang kinikilig siya the way na magblush ang babae. Kinuha niya ang sandaling iyon na hindi nakatingin sa kanya ang dalaga. Tinitigan niya ito and he noticed that Madice was really beautiful and innocent. At kakaiba ang nararamdaman niya para sa dalaga. He admits, he was jealous nang maabutan niyang magkahawak ng kamay ang mga ito. And the way she smiled at the Waiter. Napamura tuloy siya sa kanyang isipan nang maalala iyon.
Nang mapansin niyang nariyan na ang tatlong kapatid ni Madice dala ang mga pagkain, umayos siya ng upo at tumayo naman ang dalaga para tulungan ang mga ito. Ngunit hindi siya nakaligtas sa bunsong kapatid ng babae. Tumabi ito sa kanya at. . .
"Nakita po kita kanina. Nakatitig ka sa Ate ko," sabi nito sa mahinang boses kaya bigla siyang napaubo sa sinabi nito.
"H-Ha? N-Nakita mo ako?"
"Opo. Titig na titig ka pa nga, eh. Nagagandahan ka po ba sa Ate ko?" curious nitong tanong at napangiti siya sa batang babae.
"Paano kung sabihin ko na Oo, nagagandahan ako sa Ate mo. Magagalit ka ba sa akin?"
"Hindi po. Kasi marami kang dalang pagkain para po sa amin. At totoo naman po na maganda ang Ate Madice ko, like me," sambit nito sabay ngiti sa kanya kaya natawa na lang siya sa sagot ng bibong kapatid ng dalaga. Ginulo niya ang maikling buhok ng batang babae na parang buhok ni Dora dahil sa style ng gupit nito.
"Yeah, your beautiful too and smart like your Ate Madice. Pero, 'wag mo 'kong isumbong kay Ate mo, ah."
"Ayaw po ni Ate ng liar."
"So, isusumbong mo 'ko?"
"Hindi. Pero sasabihin ko lang po na nakatitig kayo sa kanya," wika nitong sagot na ikinatawa ni Owen kaya napatingin tuloy sa kanya ang tatlong kapatid ng batang kausap.
"Ehem!" tikhim niya nang mapansing tinaasan siya ng kilay ni Madice kaya bumulong siya sa kapatid nito. "Masungit ba ang Ate mo?"
"Hindi naman po. Pero minsan, masungit po siya lalo 'pag makulit ako," nguso nitong sagot.
"Gano'n ba? De, 'wag kang makulit para hindi siya magsusungit sa 'yo. Teka, may boyfriend na ba Ate mo?"
"Wala po. Akala ko nga po, ikaw ang boyfriend niya, eh. Pero hindi naman pala," malungkot na sabi nito. Napangiti naman si Owen sa batang kausap.
"Ba't ka biglang nalungkot? Gusto mo ba na ako ang boyfriend ng Ate mo?" tanong niya at tumingin sa kanya ang batang babae. Nginitihan siya sabay bulong nito sa kanya.
"Opo. Para lagi ka pong magdadala ng masarap na pagkain," anito sabay hagikgik sa kanya kaya sumabay na rin siya sa kakulitan ng batang babae.
Nang lumapit si Madice sa kanila'y tumigil sila sa pagtawa. Nagkatinginan pa sila ni Mikal at nag-thumbs up ito sa kanya. Ginaya rin niya ang batang babae kaya napapailing na lang si Madice sa kalokohan ng kapatid.
"Uhm, nakahanda na ang pagkain," sabi nito sa kanya. "Mikal, maghugas ka na ng kamay mo."
"Opo Ate," sagot nito na kinindatan pa ang binata at tumayo na ito para pumunta ng kusina.
"Halika na, kumain ka na para makauwi kana rin," baling niya kay Owen na nakangiti sa kanya.
"Gusto mo na akong umuwi agad pagkatapos nating kumain?"
"Gabi na kasi, eh. Hindi ka pa naman taga-rito."
"Kahit na. Kaya ko ang sarili ko."
"Hindi natin alam ang disgrasya. At saka para makapagpahinga ka na rin."
"Wala namang pasok bukas, eh."
"Huwag ka ng makulit. Halika na," wika niyang tinungo ang kusina kasunod ang binata. "Siya nga pala, Owen, mga kapatid ko. Si Marina, ang sumunod sa akin, Si Mayumi at iyong bunso namin na kakulitan mo kanina, Si Mikal," pagpapakilala niya.
"Hi, Kuya Owen," sabay-sabay bati ng dalawa sa kanya kaya binati rin niya ang mga ito at inalok siya na kumain na. Inabot ni Madice ang plato sa kanya at hindi sinasadyang kamay ng dalaga ang nahawakan niya.
"S-Sorry. Akala ko, plato ang kamay mo," sambit niya sabay ngiti sa babae at napa-uy tuloy si Mikal sa nakita. Feeling niya tuloy, nahiya siya sa oras na iyon. Sinaway naman ni Madice ang bunso niyang kapatid at sabay-sabay na silang kumain.
Pagkatapos nilang maghapunan, nagpresenta na maghugas ng plato ang binata ngunit tumanggi ang dalaga. Subalit, mapilit si Owen. Kinuha nito ang mga hugasin at sinimulan ng hugasan ang mga iyon. Nagpaalam naman ang kanyang tatlong kapatid na sila ay magpapahinga na kaya silang dalawa nalang ang naiwan doon. At dahil gusto niyang magpahangin, nagpaalam siya kay Owen na sa labas muna siya at doon na rin niya ito hihintayin. Umupo siya sa paborito niyang upuan, at tinanaw ang nagkikislapang bituin. Lagi niya kasing ginagawa iyon sa tuwing lalabas siya ng gabi. Nang maalala niya ang sinabi kanina ng ilang mga kustomer sa kanya'y napabuntong-hininga na lang siya.
FLASHBACK!
"Boyfriend mo ba iyon, Madice?" tanong ng isang kustomer sa kanya na ang tinutukoy ay si Owen.
"Hindi po," pagtatanggi niya rito.
"Hindi, pero bakit ka niya hinatid?" usisa nitong tanong.
"Pareho po kasi kami ng pinapasukang eskuwelahan," depensa niya sa matandang kustomer.
"Gano'n ba? Mabuti naman kasi hindi kayo bagay. Ang layo ng agwat ng buhay ninyong dalawa. Mukha siyang mayaman, pero ikaw?" sabi nito na tinignan siya nang pagtaas, pababa. "Ayos mo pa lang, mukha ka ng basahan. Katulong ika nga," wikang sabay tawa nito sa kanya. Nagkatawanan na rin ang mga ibang kumakain doon at nagkomento pa ang ibang kustomer.
"Naku, Madice! 'wag kang mangarap na liligawan ka ng lalaking iyon. Gagawin ka lang niyang bed warmer"
"Oo nga. Saka bumili ka muna ng maayos na idadamit mo para mag mukha ka namang babae. Maganda ka pa naman, kaso kulang ka lang sa ayos at ito pa Madice, baka sabihin ng mga tao, peperahan mo lang iyon."
"Tama. Makinig ka sa amin, Madice. Itsura pa lang ng lalaking nakakotse ay halatang may sinabi sa buhay. At hindi ka nababagay sa lalaking mataas ang posisyon sa lipunan. Ilugar mo rin ang sarili mo sa taong kapantay mo lang. Pagtatawanan ka lang ng mga taong nakakakilala sa lalaking iyon. Baka kutyain ka pa nila. Kaya habang maaga pa, layuan mo na," pangaral nito sa kanya. Pero pangaral nga ba iyon o pangmamaliit sa kanya dahil sa estado ng kanilang pamumuhay. Ngiti lang ang kanyang itinugon. Nasaktan man siya sa mga sinabi ng mga ito, bagama't iyon ang totoo.
END OF FLASHBACK. . .
Dahil sa ala-alang iyon ay gusto niyang manliit sa kanyang sarili. Ayaw niyang magpaapekto, pero totoo ang mga sinabi nila kanina. Bukod roon ay hindi pa niya higit na kilala ang binata. Hindi rin niya alam kung ano ang motibo nito sa kanya. Dalawang araw pa lang silang nagkita ay ganito na kalapit ito sa kanya. Inaamin din naman niya na magaan ang loob niya sa lalaki. Impokrita siya kung sasabihin niyang hindi.
Nang maramdaman niyang namamasa ang kanyang mga mata, agad iyong pinunasan. Ganito siya kabilis umiyak. Kaunting bagay lang basta't madrama ito ay nagluluha na ang kanyang mata. Ayaw rin naman niyang maabutan siya ni Owen na ganoon ang itsura niya. Humugot siya ng malalim na hininga at lumingon sa pintuhan ngunit nagulat siya nang makitang nakasandal ang binata roon. Nakahalukipkip ito at seryosong nakatingin sa kanya.
"K-Kanina ka pa riyan?" tanong niya na ibinaling sa ibang direksyon ang paningin. Lumapit naman sa kanya ang lalaki.
"P'wede ba akong maupo sa tabi mo?" tanong nito.
"O-Oo. Maupo ka. Mahaba naman 'tong upuan kaya kasya tayo," sagot niya rito. Umupo si Owen sa tabi niya't pinagsiklop nito ang mga kamay saka tumingin ito sa kanya.
"May problema ka ba? Ayaw ko sanang manghimasok kasi baka sabihin mo na naman na kakikilala lang natin at ganito na agad ako kalapit sa 'yo."
"Uhm, Wala akong problema."
"Wala kang problema pero bakit ka umiiyak?"
"N-Napuwing lang ako," pagsisinungaling niyang hindi tumingin sa binata. Humugot ng malalim na hininga ang lalaki saka tumingala ito sa madilim na kalangitan. Palihim naman na sumulyap sa kanya ang dalaga kaya palihim ding ngumiti ang lalaki. Naramdaman niya kasing lihim na sumulyap si Madice sa kanya.
Nang lumingon si Owen sa kanya ay bigla niyang binawi ang tingin dito at nagsalita ang binata.
"Napuwing ka?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "Ayaw ko sanang manghimasok sa buhay mo baka kasi sabihin mo naman na kakikilala lang natin pero ganito na ako kalapit sa 'yo. But tell me, Do you have a problem? Maybe I can help you."
"W-Wala. Napuwing lang talaga ako. Salamat sa concen," anito na kinagat ang labi kaya napatingin doon ang binata.
"Don't bite your lip, Madice."
"H-Ha?"
"I said, don't bite your lip and don't do that again. Oh, my. . ." wika niyang napahilamos sa kanyang mukha.
"Anong nangyari sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Madice sa kanya kaya tumingin siya rito.
"Ayokong makitang kinakagat mo ang labi mo," sambit niyang sabi kaya napalunok na lang si Madice sa sinabi niya. "So, please don't do that again, okay. If I can't control myself, I might kiss you," seryoso niyang sabi kaya natahimik na lang ang dalaga sa kinauupuan nito samantalang napabuntong-hininga na lang ang lalaki saka tumayo ito . "Uuwi na rin ako para makapagpahinga kana."
"Sige. Ihatid na lang kita hanggang sa eskinita," aniyang tumayo rin.
"Huwag na. Madilim pa naman, baka kung ano pa ang maisipan ko," sarkastiko niyang wika rito at hindi na nagpumilit pa si Madice. Ngunit aalis na sana siya nang maalala niyang kunin ang numero ng telepono ng dalaga. "Ahm, Madice. . . M-May cellphone number ka ba? Baka p'wedeng makuha."
"W-Wala akong cellphone, Owen," nahihiyang sambit niya.
"Ganoon ba? Ahm, p'wede ba kitang yayain bukas?"
"May trabaho kasi ako," pagsisinungaling niya rito kahit weekdays lang naman ang kanyang pasok sa karinderya. "Saka, marami akong labahin."
"Trabaho?Papasyal lang tayo, saka uuwi tayo agad."
"Pero—"
"Wala ng pero. Basta, ako bahala bukas."
"Hindi ba, may lakad ka bukas? Kikitain mo iyong manager ng restaurant . Baka maaabala lang kita."
"Sabi ko lang 'yon kanina sa staff para takutin iyong Waiter. Nainis lang talaga ako kanina kaya sinabi ko 'yon. Halata kasing nagpapapogi 'yong Waiter, sa 'yo," sambit niyang diniinan ang salitang' 'sa 'yo' kaya hindi na lang umimik ang dalaga. "So, tomorrow I will pick you up here. P'wede rin nating isama ang mga kapatid mo," pagpepresenta niya. Nahihiya namang ngumiti sa kanya si Madice. "Bye. See you tomorrow," Pagpapaalam niya. Mabigat man ang mga paang umalis ay iniwan niya na si Madice roon para makapag-pahinga na rin ito.