“Good morning, Mr. De Jesus,” pagbati ng Manager kay Owen.
“Good morning too, Mr. Greenford,” bati niyang pabalik at saka dumiretso sa loob ng opisina nito.
“Have a sit,” pag-aaya nito sa kanya.
“Thank you,’’ sagot ni Owen sa kaharap na lalaki at naupo na rin sa nakahaing upuan doon. “Mr. Greenford, I would like to know if our sales are increasing for this month?”
“Yes, Mr. De Jesus.”
“Good. Hopefully, it will continue.”
“That will happen, Sir,” sagot ng lalaki sa kanya.
“Okay. I’m leaving at papasok pa ako sa klase ko,” aniya saka tumayo at nakipagkamay kay Mr. Greenford. Nilisan niya ang lugar na iyon at dumiretso sa Maliwanag National High School. Nag-transfer siya rito para matutukan niya ang kanyang negosyo. Sa edad na disiotso, bihasa na siya sa pamamalakad ng kanilang kompanya dahil isinanay sila ng kanilang mga magulang, ngunit mas gusto niyang humawak ng maliit na negosyo kaysa sa malaking negosyo. Kaya naman nagalit ang kanyang ina dahil mas pinili niya ang De Supermarket na patakbuhin kaysa sa De Jesus Clothing Incorporation at De Jesus Empire. Gusto niyang mag-umpisa sa maliit na negosyo, atleast, kung magkamali man siya’y madali niya itong masosolusyonan, hindi katulad sa kanilang naglalakihang kompanya.
Ginarahe niya ang kanyang kotse sa parking lot ng eskuwelahan at saka bumaba. Dahil alam naman niya ang kanyang schedule, dumiretso na siya sa Main Building kung saan nandoon ang kanyang first subject.
Pumasok siya sa loob ng classroom nang biglang magsitilian ang kanyang mga kaklase. Mukha tuloy siyang artistang dumalo sa event ng mga teenagers. Mabuti na lang at wala pa ang kanilang guro. Umupo siya sa pinakalikod, sa tabi ng bintana, dahil tanaw na tanaw niya ang mga estudyanteng pumapasok doon nang may mamukhaan siyang babae sa ‘di kalayuan. Kaagad siyang tumayo pero nang lalabas na sana siya ay humarang naman sa kanya ang tatlong babae.
“Where are you going, handsome boy?” tanong ng isang babae sa kanya na hinaplos pa ang kanyang pisngi.
Napapitlag si Owen kaya inalis niya ang kamay ng babae sa kanyang mukha.
“I don’t know you, miss, and you don’t care where do I want to go,” sabi niya rito.
“Okay, but I will introduce myself to you first. I am Nickie Ho, your classmate, and I am the current Miss MNHS.”
“Is that all? Can I leave now?” sarkastiko niyang tanong dito.
“No, no, no. Are you rejecting me, Mr. De Jesus?”
“What if yes? Uhm, wait. Before you answer my question, why do you know my last name?” tanong niya sa babaeng kaharap.
“Because you’re handsome. At may sikat bang pangit? Hello!”
“Ikaw ‘yon siguro, miss dahil ang pangit ng ugali mo,” walang preno niyang sabi sa babae at saka iniwan ito. Naiwang nagngingitngit sa inis si Nickie.
Pinuntahan ni Owen ang lugar kung saan nakita niya ang estudyanteng kamukha ng babae kahapon sa karinderya at sa Supermarket, ngunit wala na roon ang babae. Bumalik siya sa loob ng classroom nila at kinuha ang panyo sa kanyang bag habang tinatanaw niyang muli ang study shed, na roo’y nakita niya na bumalik ang babae. Isinuot niya ang kanyang bag at tinakbo ang kinaroroonan nito.
“Girl, tingnan mo kung sino ‘yang papalapit sa atin,” sabi ni Pawi na kasalukuyang lumalaki ang mga mata sa tinitingnan.
“Sino ba iyan? At para ka namang nakakita ng multo. Malayo pa ang undas, Pawi kaya ‘wag kang manakot.’’
“Hindi ako nananakot, girl. Baka mahimatay ka ‘pag nakita mo siya.”
“Eh s’yempre multo siya. Kung ano-ano kasing mga pinapanood mo kaya ka nagkakaganyan.”
“Oh my nanay! Ayan na talaga siya, Madice. Iyong poging chinichika ko sa ‘yo kahapon,” anito habang hinahawakan sa kamay nang mahigpit si Madice.
“Ang lamig nitong mga kamay mo, Pawi. Sigurado ka bang pogi ang nakikita mo at hindi multo?”
“Hindi nga! Alam mo, Madice ang killjoy mo. Nariyan na siya, eh!” tili ni Pawi.
“Mukha kang timang, Pawi,” irap nito sa kaharap na babae. “Wala naman akong nararamdamang lumalapit sa atin, eh.”
“Hindi mo talaga ako mararamdaman dahil hindi ka lumilingon sa likuran mo,” Isang baritonong boses ang narinig ni Madice mula sa kanyang likuran. “Dito lang pala kita matatagpuan.’’
“May multo ba sa likuran ko, Pawi?” sabi nito sa nanginginig na boses.
“Hindi multo, girl kung ‘di isang Greek God,” eksaheradang sabi naman ni Pawi na titig na titig sa lalaki.
“Huwag ka na ngang magbiro ng ganyan! ‘Pag nagbilang ako ng tatlo, takbo na tayo. Isa, dalawa, tatlo, takbo!” sabi ni Madice na tumayo. Akmang tatakbo na sana siya nang hawakan ni Owen ang braso niya at hinila siya nito kaya nasubsob siya sa dibdib ng binata.
“I’m sorry. Ikaw kasi, eh. Sabi na nga ng kaibigan mo na hindi ako multo, hindi ka pa rin naniwala sa kanya,” saad ni Owen sa dalaga.
Tiningala siya ni Madice. “Ikaw?”
“Ako nga.’’
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Estudyante ako rito, tulad mo. Hindi ba obvious sa suot kong uniporme?”
“Aba, malay ko ba kung modus mo ‘yan.’’
“Hindi. Estudyante rin talaga ako rito. I saw you earlier and I just want to return your handkerchief,” sagot niya saka inilabas ang panyo mula sa kanyang bulsa at ibinigay iyon kay Madice. Kinuha naman iyon ng dalaga. “Thank you nga pala. Don’t you worry at nilabhan ko na iyan.”
“Okay lang. Nakahihiya naman sa ‘yo,” usal naman ni Madice.
“Ehem, ehem! Hello, may kasama pa kayo. Nandito ako, oh. Hindi niyo ba ako nakikita? Ako ‘ata ang mukhang multo rito dahil hindi ninyo ako napapansin,’’ sabi ni Pawi sa nagtatampong boses.