Chapter 14

1930 Words
GUSTONG bawiin ni Zoe lahat ng sinabi niya kanina kay Dylan, pero napakasama niya namang tao kung gagawin niya 'yon. Sa pangalawang beses ay nasaktan na naman siya dahil sa pag-ibig niya. Siya na naman ang naiwan at kailangan niya na namang buoin ang sarili na wala ang binata sa tabi nito. "Mommy, are you okay?" Tinignan ni Zoe ang kaniyang anak na lumapit habang may hawak na bola. Umupo naman ang dalaga para mapantayan si Dykeil at niyakap ito nang mahigpit. Hindi nagsalita si Zoe, pero ramdam ang panginginig ng kaniyang katawan habang yakap ang kaniyang anak. Ang kaninang luha na kanina niya pa pinipigilan ay bigla na lang bumagsak. Binitawan ni Dykeil ang hawak nitong bola at tumugon sa yakap ng kaniyang nanay. "M-Mommy." Narinig ni Zoe ang pag-break ng boses ni Dykeil nang tawagin siya nito. Kasunod ng pagtawag ay ang pagsabay din ng iyak ng bata. Humiwalay naman sa yakap si Zoe at pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ng kaniyang anak. Hindi mapigilan ni Zoe na mapangiti lalo na nang mapagtanto niya na kahit sa pagiging iyakin ay namana nito sa kaniyang totoong ama. "Promise not to leave mommy, okay?" Pinipigilan ni Zoe na huwag umiyak at huwag pumiyok habang sinasabi 'yon sa harap ng kaniyang anak. Tumango naman si Dykeil at hinalikan sa pisngi ang kaniyang nanay. "Zoe," pagtawag ng binata sa kaniya. Napalingon naman si Zoe at nakita niya ang papalapit na si Alfred. Nakita ng dalaga kung paano mag-alala sa kaniya ang binata. Gusto ni Zoe na tumakbo papunta sa kaniya at yakapin ito. Gusto niyang sabihin lahat dito at magsumbong sa nangyari, pero napakasarili niya naman kung sasabihin 'yon. Alam niyang may gusto sa kaniya si Alfred at kapag nalaman nito ang ginawang katangahan ni Zoe sa pag-ibig ay alam niyang masasaktan ang binata. Napansin ni Alfred na pinipigilan ni Zoe na huwag mag-breakdown sa harap ng kaniyang anak. Mabilis na nilapitan ni Alfred si Dykeil at pinakiusapan. "Dykeil, can I talk to your mom?" Tumango naman ang bata at patakbong lumapit sa kaniyang lola na kararating lang. Nilingon niya naman ang nanay ni Zoe at tumango. "Tita Abby, kayo na po muna ang bahala kay Dykeil." "Sige, pakakainin ko na lang muna si Dykeil," wika ng ginang. Tinignan naman ni Abby ang kaniyang anak at kahit siya ay hindi alam ang gagawin nang makita nito si Zoe na nahihirapan. Alam niyang malaki ang maitutulong ni Alfred sa dalaga. Nang magkasalubong naman ang ginang at si Alfred ay tinapik ni Abby sa balikat ang binata. Sinundan naman ng dalawa ang mag-Lola papasok ng kusina. Pagkatapos ay inakay ni Alfred si Zoe na makatayo mula sa kaniyang pagkakaluhod nang yakapin niya ang anak kanina. Hindi mapigilan ni Zoe nang biglang manghina ang kaniyang mga tuhod. Muntikan na siyang matumba at mabuti na lang dahil mabilis siyang nasalo ni Alfred mula sa likuran. Inalalayan niya ito hanggang sa makaupo sila sa bench na malapit sa kinaroroonan nila. Nang muling maalala ni Zoe ang sinabi ni Dylan sa kaniya ay napakagat siya sa labi para pigilan na huwag umiyak sa harapan ng binata. Ayaw ipakita ni Zoe na nasasaktan ito dahil na naman kay Dylan. Matagal nang pinangako ni Zoe noon na bago sila bumalik ng Pilipinas ay hindi na siya ulit iiyak. Na kalilimutan niya na lahat ng sakit at iiwan ito sa Canada. Gusto niyang bumalik sa Pilipinas ng buo, maayos, at walang bigat na dinadala sa kaniyang dibdib. Gusto niyang ipakita sa kanila na kahit wala siya ay kaya niyang mag-isa. Ngayon ay nabigo na naman siya dahil nangyari na naman ang kaniyang kinakakatakutan. Nahulog ulit siya sa taong kahit kailan ay hindi siya kayang piliin. Unti-unting pumatak ang luha sa pisngi niya. Kahit pigilan niya ay kusa na itong tumutulo. Hindi lang pala puso niya ang traydor dahil pati ang mga mata niya ay hindi niya na makontrol pa. "Zoe," mahinang tawag ni Alfred sa kaniyang tabi. Natatakot siyang lingunin ni Zoe dahil baka bumigay ito sa harap ng binata. "Ayoko ng ganito ka. Ayoko ng ganito tayo." Hindi magawang makapagsalita ni Zoe dahil para bang umuurong ang kaniyang dila sa tuwing ibubuka niya ang kaniyang bibig. Ilang beses niya nang narinig ang pagbuntong hininga ng binata at alam ni Zoe na nahihirapan na ito, pero wala man lang siyang magawa. "Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi na kita maintindihan. Okay ka naman kanina bago siya dumating." Nagbago ang reaksyon ni Zoe nang malaman kung ano ang tinutukoy nito. Biglang natahimik si Alfred nang mapagtanto ang sinabi niya. "Si Dylan ba?" Natigilan si Zoe nang muli na namang marinig ang pangalan ng binatang nanakit sa kaniya. "Hanggang ngayon si Dylan pa rin ba?" Bakas sa boses ni Alfred ang sakit, pero nanatili pa rin siyang kalmado. Nang maramdaman ni Zoe ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga pisngi ay mabilis niya itong pinunasan. "Ano bang pinag-usapan niyo at nasasaktan ka ng ganiyan?" Nanatiling tahimik si Zoe at hindi sumagot sa mga tanong ni Alfred. "Six years kitang kasama, Zoe. Alam ko ang dahilan kapag tumatahimik ka ng ganiyan. Sagutin mo nga ako, Zoe. Mahal mo pa siya, hindi ba?" Hindi makasagot ang dalaga. Hindi alam ni Zoe kung mahal niya pa ba si Dylan o hanggang ngayon ay hindi pa rin nawala 'yong dating nararamdaman niya para sa binate. "H-Hindi ko alam," tanging sagot ni Zoe. Kahit sa sarili ni Zoe ay naguguluhan na siya kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman. Sa tuwing makikita niya si Dylan ay nagbabago ang pagtingin niya sa binata. "Paano ako, Zoe?" Napakunot ang noo ni Zoe nang marinig niya ang mahinang tanong ni Alfred. Akala niya ay kung ano-ano lang ang naririnig niya, pero mukhang totoo itong sinabi ng binata. "Hanggang ngayon ba ay wala pa rin akong lugar sa puso mo?" Tuluyan nang napalingon si Zoe sa kaniya at nagtama kaagad ang mga mata nila. Sa pagtingin pa lang ni Zoe ay alam niya kung gaano na nasasaktan si Alfred. "A-Alfred," tawag ni Zoe. Napakagat labi si Zoe at hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin. Walang pumapasok sa utak niya ngayon. "Zoe, paano ako?" pag-ulit ni Alfred. "Paano na lang ako?" Doon nakita ni Zoe kung paano sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Alfred. Hindi nito iniwas ang tingin sa dalaga at para bang nangungusap ang mga mata ng binata na kahit ngayon naman ay siya ang piliin ni Zoe. Sa ilang taon na nakasama niya ang dalaga ay nanatili siya sa tabi nito. Pinakita niya ang kakayanan niya bilang partner kay Zoe, pero sa halip na mapansin ay hindi na-validate ang feelings niya para sa dalaga. Sa isip ng dalaga ay sana ganoon na lang kadali ang pumili ng mamahalin. Kung puwede lang diktahan ang puso na si Alfred ang piliin ay matagal niya na sana itong nagawa. Matagal niya na sanang napalaya ang puso sa taong walang ibang gawin kung hindi ang saktan siya. Ang problema nga lang ay hindi 'yong puwede dahil wala siyang kakayahan na gawin 'yon. Bakit ba kasi napakatanga ng puso niya? Kahit paulit-ulit na siyang sinasaktan ay pinipili pa rin niya 'yong taong nanakit sa kaniya sa huli. Sa anim na taong nakasama niya si Alfred ay pangalawang beses pa lang nito mag-open ng nararamdaman sa dalaga. Akala niya noong una ay nagbibiro lang ito sa kaniya kaya hindi niya ito pinansin. Hinayaan niya lang ito sa mga sumunod na panahong kasama niya ang binata sa Canada. "Ano ba talaga ako para sa iyo, Zoe? Kaibigan na lang ba talaga? Hindi na ba hihigit doon?" sunod-sunod na tanong ni Alfred. Ngayon lang nasaksihan ng dalaga kung paano mag-breakdown ang kaibigan niya sa kaniyang harapan. "A-Alfred." Hindi magawang makapagsalita ni Zoe at tanging pangalan lang ng binata ang sinasambit nito. "Kaya ko namang ibigay ang lahat, Zoe. Kaya kong higitan ang nakikita mo sa kaniya. Ang dami kong gusto gawin kasama ka... kasama si Dykeil." Natulala si Zoe nang ilabas ni Alfred ang maliit na kahon mula sa kaniyang bulsa. Binuksan ito ng binata at nakita niya sa loob ang kumikislap na diamond ring. Napakaganda sa mga mata. "Alam mo bang ilang beses kong sinaway si Dad? May company ako na hahawakan sa Canada, but I chose to be with you. Kasi akala ko worth it naman ang paghihintay ko sa'yo. Sa loob ng maraming taon na kasama kita ay napakaduwag ko. Lagi akong kinakain ng takot ko na kapag inamin ko ang totoong nararamdaman ko sa iyo at kapag bumalik siya ay mas pipiliin mo pa rin siya." Inilapag ni Alfred ang box sa bench at inabot ang mga kamay ni Zoe 'saka ito hinawakan nang mahigpit. "Zoe, napapagod na akong maghabol. Nakakapagod magmakaawa sa iyo na mahalin ako at ako naman ang piliin mo. Nakakapagod akong tignan ka na palaging nasasaktan sa kaniya at wala akong magawa dahil alam kong mahal mo pa rin siya." Pinunasan muli ni Alfred ang luhang kumawala sa kaniyang mga mata at patuloy na nakatingin sa mga mata ng dalaga. "Hindi mo ba talaga ako kayang piliin? Kahit once ay makita lang kitang maging masaya. Please, maging masaya naman tayong dalawa." "Alfred, I'm sorry, pero hindi ganoon kadali 'yon." Tinignan ni Zoe ang singsing sa bench at binalik ang tingin kay Alfred. Naramdaman ni Zoe ang dahan-dahan na pagbitaw ni Alfred sa kaniyang mga kamay. "Kung nadidiktahan lang ang puso ay matagal ko nang ginawa." Iniwas ni Zoe ang tingin kay Alfred. Inalala niya ang masasayang nangyari sa kaniya noon bago siya pumunta ng Canada. Kahit papaano ay naging masaya rin siya bago siyang nagdusa ngayon. Bumuntong hininga muna ang dalaga bago niya muling nilingon si Alfred. "M-Mahal ko pa rin siya," mahinang bulong ni Zoe. Yumuko ang dalaga para hindi makita ni Alfred ang reaksyon niya sa takot na baka tuluyang bumigay ulit. "Alam ko." Napaangat ng tingin si Zoe at kahit na nasasaktan ay pilit na ngumiti si Alfred sa taong mahal niya. Kahit na nasasaktan ngayon ang binata ay hindi niya pa rin kayang makita si Zoe na nasasaktan. Lumapit ito sa kaniya at pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi nito. "Alam ko, Zoe. Dahil hindi ka naman magkakaganyan kung wala kang nararamdaman sa kaniya." Hinawakan ni Alfred ang kamay ni Zoe at dahan-dahan niyang inilapag ang red box sa palad ng dalaga. Niyakap ni Alfred ito nang mahigpit bago siya humiwalay kay Zoe. "I'm sorry," mahinang bulong ni Zoe. Naramdaman ni Zoe ang pagdampi ng labi ni Alfred sa kaniyang noo at tumingin ang binata sa kaniya ng nakangiti. "I'm sorry, Alfred." "It's okay, Zoe. Wala kang kasalanan," nakangiting wika ni Alfred. "May pupuntahan pa ako bukas. Kailangan ko nang magpahinga. Pumasok ka na lang sa bahay kapag okay ka na." Walang nagawa si Zoe nang bumitaw sa kaniya si Alfred at tumayo. Gusto niyang pigilan ang binata nang maglakad ito palayo sa kaniya, pero ayaw niya namang masaktan pa ito ulit dahil sa kaniya. Tama lang na layuan siya ni Alfred. Sinundan niya ng tingin ang binata hanggang sa makapasok sa loob ng bahay. Napapunas ng mga luha si Zoe nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang phone sa bulsa. Napakunot pa ang kaniyang noo nang makita ang unknown number sa screen. Iniisip ng dalaga na baka isa ito sa mga kliyente niya. Napapailing na lang si Zoe at mabilis na sinagot ang tawag. "Hello," bungad na tawag ni Zoe sa kabilang linya. "This is Reighn. Puwede ba tayong magkita?" Natigilan si Zoe nang marinig ang pangalan ng babaeng ayaw niyang makita. Kasabay nito ay unti-unting paglaki ng mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD