Chapter 13

1698 Words
IT’S been a week noong malaman ni Dylan na buntis ang kaniyang kinakasama na si Reighn pagkatapos siyang puntahan nito sa may playground. Isang lingo na ang nakalipas, pero hindi pa rin siya nagpapakita kay Zoe after ng araw na confrontation nila ni Alfred. Kung sabagay ay hindi niya rin naman alam ang sasabihin sa dalaga. Gulong-gulo siya at walang pumapasok sa utak niya ngayon kung hindi ang iwasan muna ito. Yesterday she texted Dylan asking if he was fine, but Dylan didn’t respond. Nakapatay na ang cellphone niya ngayon sa takot na baka tawagan na siya ni Zoe kapag hindi pa siya nag-reply. Kahit si Reighn ay hindi na maintindihan ang kinikilos ng kaniyang boyfriend. Dylan should be happy because finally Reighn’s pregnant. Iyon naman ang matagal na gusto niya ang magkaroon ng anak, pero bakit hindi niya magawa? “Babe, are you okay?” tanong ni Reighn nang mapansin nito ang kinakasama na tulala. Muli niya itong tinawag, pero nanatiling nakatingin sa mga kamay niya si Dylan. “Babe, okay ka lang ba talaga?” Sa huling pagkakataon ay tinawag niya ito ng mas malakas at sa mismong pangalan na ng binata. “Dylan!” Nagulat ang binata nang makita niya ang dalaga sa kaniyang harapan. “Kanina pa kita tinatawag. Okay ka lang ba talaga?” Natigilan si Dylan at tumigin lang sa mga mata ni Reighn. He wanted to ask her na bakit ngayon pa? Bakit ngayon na hindi tama ang panahon? Pero sa tuwing binubuka niya ang kaniyang bibig ay kusang umaatras ang kaniyang dila at hindi siya makapagsalita. Tumango na lang si Dylan at mabilis na iniwas ang tingin sa dalaga. Tumayo ang binata at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Nang makapagsalin ito sa baso ay mabilis niya itong ininom. Mula sa malayo ay nakatingin lang si Reighn sa ginagawa ni Dylan. Nakakunot ang noo nito at hindi niya alam kung bakit ganoon ang kinikilos ng kaniyang boyfriend. Masaya naman ito noong sinabi niya na buntis siya sa binata, pero bakit ganoon na lang nangyari? Sa kabilang banda ay bumuntong hininga si Dylan. Inisip ang sunod na mangyayari hanggang sa kinuha nito ang kaniyang susi ng kotse at nagmamadaling lumabas ng bahay. Narinig niya pa ang pagtawag ng girlfriend, pero hindi na ito nag-atubili pang tignan siya. Nang makasakay sa kotse ay mabilis niyang pinaharurot ang kotse papunta kina Zoe. Dylan wants to meet her. He missed her so much. Masyadong tahimik ang loob ng bahay nang makarating si Dylan doon. Nakita niya si Zoe na nagpupunas ng lamesa sa living room. Nang mapalingon sa kaniya ang dalaga ay nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "What are you doing here?" tanong ng dalaga. Hindi niya inaasahan ang pagpunta ng binate dahil ilang araw na nito hindi sinasagot ang mga tawag niya. Hindi naman sinagot ‘yon ni Dylan at sa halip ay nagbato ng ibang tanong kay Zoe. "Where are they?" Lumapit naman si Dylan sa kaniya at hinubad ang jacket na suot nito. Hinagis niya lang ito sa may couch. Napansin ni Dylan na napaturo ang dalaga sa may likod ng bahay nila. "Outs--" Hindi na natapos ang sasabihin ni Zoe nang bigla siyang hapitin ni Dylan at halikan sa labi. Nahulog ang pamunas na hawak ni Zoe dahil sa gulat. Wala nang pakialam ang lalaki kung maabutan man sila sa ganoon posisyon. Ang gusto niya lang ay mahalikan ang dalaga. Naramdaman ni Dylan ang pagtulak palayo sa kaniya ni Zoe. Hindi ito nagpatinag at mas lalo pang diniin ang paghalik sa dalaga kahit na hindi niya naramdaman ang pagtugon nito. “Dy---“ Hindi matapos-tapos sabihin ni Zoe ang pangalan ng lalaki dahil nawawalan na siya ng hangin at nahihirapan na siya sa kaniyang posisyon. Nang tuluyang makawala ay naramdaman na lang ni Dylan ang init ng palad ni Zoe na dumapo sa kaniyang pisngi. She was trembling and crying while looking at him. Hindi niya kilala kung sino ‘yong taong nasa harapan niya. "Ano bang nangyayari sa'yo, Dylan?!" may diing tanong ni Zoe at bawat salita na binibigkas niya ay parang kutsilyo na paulit-ulit na sinasaksak ang puso ni Dylan. Napabalik ito sa kaniyang diwa at doon niya napansin na patuloy ang pagbuhos ng mga luha ni Zoe habang nanginginig ang katawan nito dahil sa takot. Hindi niya maisip kung paano niya ‘yon nagawa sa dalaga. He tried to come closer but Zoe’s refuse. Iniwas din nito ang tingin at pasimpleng pinunasan ang luha niya sa magkabilang pisngi. Nang ibalik ni Zoe ang tingin sa binata ay hindi nito mapigilang mas maluha pa. Ano bang nangyari these past few days at ganoon na lang ang ginawa sa kaniya ng kaibigan? Sa tuwing iniisip niya kung ano ang dahilan ay mas lalo lang sumasakit ang ulo niya. Hindi sila maayos noong huling nagkita, pero hindi naman sapat ‘yon para gawin ni Dylan ang ginawa sa kaniya kanina. "Hindi na kita kilala, Dylan. After a week you will going to show up as if nothing happened." Sa mahihinang boses lang ang pagkakasabi ni Zoe, pero rinig na rinig ‘yon ni Dylan. Hindi niya mapigilang sambunutan ang sarili nang makita ang patuloy nang pagluha ng dalaga habang takot na takot. "Look, Zoe, I'm really sorry. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko.” He dared to hold her hand to ask for forgiveness, but she keeps refusing. "Huwag kang lumapit sa akin! Hindi na ikaw ang Dylan na kilala ko. 'Yong Dylan na kilala ko ay hindi kayang gawin sa akin 'yan. May respeto si Dylan at hindi niya kayang saktan 'yong babaeng mahalaga sa kaniya. But when I see you, I really don't know who you are." She's trembling and crying while she said those words. Unti-unting pumatak ang mga luha ni Dylan sa kaniyang pisngi. “Zoe, I’m f****d up!” He said those words while his tears are falling down from his eyes. He fell down. “Zoe, I'm sorry dahil ang gago ko. Napakasama kong tao. All these years I keep complaining myself na kung bakit huli na 'saka pa kita nilapitan. Masyado akong nadala sa galit ko noon sa'yo. I used to share things with you. It's been years since you've left and I realized that I loved you. No, I still love you. But now, hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong ipagpilitan. I have her at hindi ko na siya puwedeng iwanan dahil magkakaroon na kami ng anak.” Natigilan si Zoe sa kaniyang narinig at alam niyang gulo na naman ang pinasok niya. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Ganoon na lang ay mapuputol na naman ang koneksyon nilang dalawa. Talo na naman siya sa huli. Huminga nang malalim si Zoe at hindi nagpakita kay Dylan na naapektuhan siya sa narinig. Wala na dapat siyang pakialam sa lalaki, pero nandito na naman siya sa sitwasyon na ginagawa niyang mundo si Dylan. Kaya sa tuwing mahuhulog siya ay bigla rin siyang masasaktan kasi may malalaman itong bago. Naramdaman ni Dylan ay paglapit ni Zoe sa kaniya at ang mahigpit nitong yakap. Hindi maintindihan ni Dylan kung bakit bigla pang bumuhos ang mga luha niya. Siya dapat ang gumagawa nito sa dalaga dahil nasaktan niya ito, pero siya pa ngayon ang inaalo ni Zoe. Ano bang nagawa niya noong past life at ganito na lang kung makatanggap siya ng pagmamahal? Kung dalawa lang ang puso na meron siya ay nagawa niya na silang mahalin ng sabay. "Dylan, may dapat kang malaman,” wika ni Zoe. Pinahid ni Dylan ang luha sa magkabilang pisngi at humiwalay sa pagkakayakap. Hinarap niya ang dalaga at biglang kinabahan si Dylan nang makita niya ang seryosong mukha ni Zoe. "Karapatan mong malaman 'to. Sa anim na taon ay galit ang namumuo sa puso ko. Galit dahil pinabayaan mo ako. Iniwan mo akong mag-isa, Dylan. Sa anim na taon na 'yon ay may sama ng loob ko sa'yo, pero nawala ang lahat ng 'yon nang dumating siya." Napakunot noo si Dylan sa narinig. Hindi nito matukoy kung sino ang tinutukoy ni Zoe. Kung si Alfred ang tinutukoy ni Zoe ay hindi niya maintindihan kung bakit. Ang pagkakaalam niya ay walang nararamdaman si Zoe kay Alfred, pero bakit siya ang pinag-uusapan nila? Hanggang ngayon pa rin ba si Alfred ang pipiliin niya? "Siya 'yong nagbigay sa akin ng panibagong mundo. Panibagong mundo na kahit wala ka ay masaya ako, na hindi ako masasaktan dahil nandiyan siya. Umiyak man ako dahil sa'yo, pero sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti tumitigil 'yon. Nawawala ang lahat para bang hindi na ako nasasaktan. Hanggang sa nakasanayan ko na wala ka, na hindi na kita kasama sa bagong mundo ko na binuo namin." Nakita ni Dylan kung paano bumagsak ang mga luha ni Zoe sa mata, pero wala itong magawa. Akala niya ay tumigil na ‘yon, pero hindi pa rin pala. "But when I look at you again crying in painful ay parang nasira 'yong pader sa pagitan natin. Nawala lahat ng binuo kong tibay. Bigla ulit akong nanghina at umaasa na sana may pag-asa pa. Na sana meron pa akong lugar sa puso mo. Until you said those deal--- our secret romance. Sabi ko sa sarili ko na tama lang na magpakatanga ulit ako sa lalaki na 'to dahil mahal ko 'to. Mahal kita, Dylan." Nanginginig ang mga kamay ni Dylan nang punasan niya ang pisngi ni Zoe. She hold his hand while caressing her face. Napapikit si Zoe at pagkadilat niya ay nakita ni Dylan kung paano masaktan ang babae sa kaniya. "Our secret will remain ours, Dylan. Please, this time panagutan mo ang anak mo sa kaniya even if it kills me to death." Binitawan ni Zoe ang pagkakahawak sa kaniya ni Dylan at tumayo. "Ayokong maulit ulit ang maling ginawa mo matapos mo kaming iwan ng anak mo." Hindi na narinig ni Dylan ang huling sinabi ni Zoe dahil tumalikod na ito at naglakad palayo. Napasamo na lang ng binata ang kaniyang mukha at hindi napigilang suntukin ang sahig na siyang dahilan ng pagdugo ng kaniyang kamao. This time he really f****d up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD