Chapter 12

2272 Words
NAPATAKBO palapit si Dykeil nang makita ang kaniyang ama papasok sa kanilang bahay. "Tito Dylan!" excited na tawag ng bata sa binata. Napangiti naman si Dylan sa reaksyon na nakita niya kay Dykeil. "I have something for you." Pagkatapos sabihin ‘yon ni Dylan ay inilabas niya ang dalang pasalubong mula sa likuran. "Yehey! Another ice cream!” Nagtatalon naman sa tuwa si Dykeil nang makita ang garapon na hawak ni Dylan. "Is that a vanilla ice cream, Tito Dylan?" Kinuha niya naman mula sa binata ang hawak na ice cream at tinignan kung anong flavor ang nakalagay roon. "Strawberry?" nakangusong sabi ni Dykeil at binalik ito kay Dylan. “Ayaw mo ba sa dala kong ice cream?” Napakunot naman ang noo ni Dylan dahil alam niya namang gusto nito ni Dykeil o baka naman nagkamali lang siya. Napalingon naman si Dylan sa may pintuan nang marinig nito ang pagkabukas. Napaismid siya nang makita si Alfred doon. "Hi, Dykeil! I brought your favorite,” bungad na sabi ni Alfred at nang magtama ang mga mata nila ay parehas din silang napaiwas. Naramdaman ni Dylan ang paglapit ni Alfred sa puwesto nila. "Daddy!" pagtawag ni Dykeil. Nilingon naman ni Dylan ang dalawa at nakita nitong ginulo ni Alfred ang buhok ni Dykeil nang yakapin ang binti niya. Napansin naman ni Alfred ang dalang strawberry ice cream ni Dylan kaya hindi niya mapigilang matawa ng mahina dahilan nang pagtingin sa kaniya ni Dylan. “May problema ka ba sa akin?” tanong ni Dylan na hindi man lang nakakitaan ng takot. “Bago ka pumunta rito ay alamin mo muna kung anong gusto nila.” Tinuro ni Alfred ang hawak ni Dylan na ice cream. “Vanilla ice cream is his favorite, dude.” “Tsk,” singhal ni Dylan at binalik ang ice cream sa plastic na pinaglagyan niya. Ano namang magagawa niya kung hindi ‘yon paborito ni Dykeil? Alam niya kasing ito ang gusto ni Zoe kaya ganoon na rin ang binili niya. Hindi niya naman alam na iba pala ang panlasa ng bata sa panlasa ng nanay niya. Lumapit naman si Dykeil kay Dylan at hinawakan ang kanang kamay nito. “Tito Dylan, please don’t be mad. Vanilla ice cream po is my favorite." Wala na rin namang magagawa si Dylan at ayaw niya ring maramdaman ng bata na galit siya. "It's okay, Dykeil. By the way where's your mommy?" "Upstairs, Tito Dylan," Dykeil said while still holding Dylan's hand. "Tito and Daddy, let's eat ice cream na po?" "Sige lang at susunod ako. Pupuntahan ko lang muna ang Mommy mo,” wika ni Dylan. Napabitaw naman si Dykeil sa pagkakahawak kay Dylan. Hindi niya alam kung bakit palagi niyang nami-miss si Zoe kahit kahapon lang ay magkasama sila. Siguro ay iba na ang epekto nito simula noong may nangyari ulit sa kanila. Maglalakad na sana si Dylan nang marinig niya ang sinabi ni Alfred. "Dude, can we talk?" Nagpabalik-balik ang tingin niya sa taas ng bahay at kay Alfred hanggang sa mapatigil ito sa lalaking kaharap. Wala siyang idea kung ano ang gustong pag-usapan ni Alfred sa kaniya. "Anong pag-uusapan natin?" diretsong tanong ni Dylan. "Puwedeng sa labas tayo mag-usap?" Napaisip si Dylan sa biglaang pagyaya nito sa kaniya. Mukhang importante ang sasabihin. Siguro naman ay makapaghihintay pa si Zoe sa may taas bago niya ito pinuntahan. Sinabi niya na rin kasi na pupunta siya rito bago siya umalis ng bahay na tinutuluyan niya kanina. Tumango si Dylan kay Alfred at tumingin kay Dykeil na kanina pa tumitigin sa ice cream na hawak ni Alfred. "Nanay Meding!" tawag ni Dylan sa matandang katulong nina Zoe simula noong mga maliit pa lang sila. Nagmamadali namang lumapit sa kanila ang matandang katulong. "Bakit, Dong?” tanong ni Nanay Meding. "Nay, ikaw po muna bahala kay Dykeil. Punta lang kami sa labas ni Alfred. Pakibigyan niyo na rin po siya ng ice cream dahil kanina pa po 'yan natatakam.” Tumango naman ang matanda at sabay na inabot nina Alfred at Dylan ang dala nilang ice cream. Hindi naman na nagsalita si Alfred at hinayaan lang si Dylan na kausapin ang matanda. "Sige, Dong. Ako na bahala kay Dykeil.” Tumango naman si Dylan at parehas na nagpaalam ang dalawang lalaki kay Dykeil. "Thank you, Nanay Meding.” Pagkatapos ng pag-uusap na ‘yon ay nauna nang lumabas si Alfred. Sumunod naman si Dylan sa kaniya at nagtataka na kung ano ang pag-uusapan nila. Pagkalabas ng bahay ni Dylan ay natagpuan niya si Alfred na nakatayo sa may veranda. "Anong kailangan nating pag-usapan?" tanong ni Dylan nang makalapit. Ayaw niya nang magpaligoy-ligoy pa. Gusto niya na rin kasing makita si Zoe dahil iyon naman talaga ang pakay niya sa pagpunta rito. "Ayokong nakikita si Zoe na nasasaktan,” seryosong sabi ni Alfred. Napakunot naman ang noo ni Dylan sa narinig at kung bakit ganoon ang sinabi ng lalaki. Wala naman siyang ginawa para saktan si Zoe. Kung alam lang niya ang nangyayari bawat araw. Sa isip ni Dylan ay halos puro sarap na nga lang nararamdaman ng dalaga. Hindi nagpakita ng emosyon si Dylan at agad na tinanong si Alfred. "What do you mean?" Sa pagpunta niya araw-araw sa bahay ni Zoe ay nalaman niyang hindi nito karelasyon ng dalaga. Pakiramdam ni Dylan ay mahal ni Alfred si Zoe kaya ganoon na lang ang pagkakasabi sa kaniya. Wala naman talaga siyang planong saktan si Zoe una pa lang. "I hate seeing Zoe's eyes with tears." Tumingin si Alfred kay Dylan at napansin ng binata na namumula ang mga mata ni Alfred. Paniguradong dahil ‘yon sa galit lalo na nang marinig ang tono ng pananalita nito. "Sa anim na taong kasama ko siya sa Canada ay nakita ko kung paano gumuho ang mundo niya. She's been broke at parang walang natira sa kaniya. Everyday when I came to check on her room, I always saw those f*****g tears. And it was all because of you! It's all your fault, Dylan.” Natigilan si Dylan sa narinig at parang gusto niya nang puntahan si Zoe para humingi ng sorry sa nagawa niya sa nangyari noong nakalipas na anim na taon. “Kasalanan mo ang lahat kung bakit nasasaktan nang paulit-paulit si Zoe. And now, guguluhin mo ulit ang buhay niya? Anong dahilan at para saan? Kung wala kang planong maganda para kay Zoe ay tigilan mo na siya!" may diing wika ni Alfred. "Shut up!" sabat ni Dylan. Gusto niyang pigilan ang nararamdamang galit, pero napupuno na siya. Anong karapatan ni Alfred na pangunahan siya? Ano ring karapatan nito para ipamukha ang dapat niyang gawin? “Masaya na si Zoe noong wala ka, Dylan. Hindi ka na niya ulit kailangan. Nandito naman ako at kaya kong punan ang pagkukulang mo sa kaniya. Umalis ka na sa buhay niya.” Tumawa ng malakas si Dylan at napapailing. “Sino ka ba para diktahan ang mga gagawin ko? Your years with her is nothing compared to us. Kaya wala kang karapatan sabihin kung ano ang gusto at ayaw kong gawin.” “Sinasabi ko lang ang tama.” “At ang tingin mo na tama ay ang magkatuluyan kayo?” mabilis na sagot ni Dylan. Natigilan si Alfred at alam niya kung ano ang pinupunto ni Dylan. Kahit ano pa man ang sabihin ni Dylan ay hindi siya magpapatalo. Saksi siya sa paghihirap na ginawa ni Zoe at ayaw niya na mangyari ‘yon lalo na at napansin niyang nagkamamabutihan na ulit ang dalawa. “Kaysa naman sa iyo na may asawa na?” sambit ni Alfred na siyang nagkapagpatigil naman kay Dylan. “Ano naman kung magkatuluyan kami ni Zoe? We are both single at ako ang tatay ni Dykeil.” Para bang sinaksak ng pino ang puso ni Dylan nang marinig ang huling sinabi ni Alfred. Mas lalo pang pinamukha ng binata na wala siyang karapatan kay Zoe dahil wala naman siyang pangkakapitan. “Umalis ka na habang maaga pa, Dylan. Huwag mo na guluhin ang pamilya namin. Huwag mo na ulit saktan si Zoe!” utos ni Alfred. Dahil sa naramdamang galit ay hindi na napigilan ni Dylan ang lumapit kay Alfred at kinuwelyuhan ito. "Wala kang alam, Alfred! Kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganiyan! Hindi lang si Zoe ang nasaktan dito!" sigaw ni Dylan. "Ayon na nga, Dylan. Bakit mo pa ipagsisiksikan 'yong sarili mo kay Zoe kung alam mo namang masasaktan lang tayo pare-pareho?" Pagkatapos sabihin ‘yon ay tinulak ni Alfred si Dylan ng malakas dahilan kaya napaupo ito sa may sahig. Hindi naman nagpatalo si Dylan at agad na bumangon para sugurin at suntukin si Alfred. "Hindi mo naiintindihan at wala kang alam. Tang-ina mo!" patuloy na sigaw ni Dylan. Sasapakin pa sana pabalik ni Alfred ang lalaki nang marinig nila ang pagtawag ni Zoe sa kanila. "Alfred! Dylan!" sigaw ng dalaga. Natigilan naman ang dalawa at masamang nagtitigan. "Ano ba naman kayo? Hindi na kayo nahiya sa bata?!” Sabay naman napalingon ang dalawang lalaki sa batang tinutukoy ni Zoe. Doon lang nila napagtanto na umiiyak si Dykeil at nakayakap mula sa likurang binti ng dalaga. "Ano bang pumasok sa mga kukote niyo para magsuntukan kayong dalawa?" Magkasalubong ang kilay ni Zoe at halatang galit na galit. Maging si Alfred ay hindi na nakapagsalita dahil kilala niya si Zoe at ayaw niya nang lumala pa ang galit nito. “Ayoko ng gulo kaya please lang ay umalis na muna kayong dalawa.” Pagkatapos sabihin ‘yon ni Zoe ay tumalikod ito at kinarga si Dykeil papasok sa loob. Napatalon naman sa gulat ang dalawa nang marinig ang malakas na pagbagsak ng pinto. Sa halip na sundan ni Dylan si Zoe at ipaliwanag ang nangyari ay minabuti niya na lang muna na umalis. Gusto niyang pakalmahin ang sarili dahil baka kung ano pa ang masabi niya at masaktan ang dalaga. Mabilis na pumasok si Dylan sa kotse at pinaandar ito ng matulin. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing naiisip ang sinabi ni Alfred sa kaniya kanina. Ayaw niya naman talagang masaktan ang dalaga. Hindi niya tuloy maintindihan kung bakit mas minamahal niya pa lalo si Zoe pagkatapos ng nangyari. At alam niyang malaking gulo ang papasukin niya kapag pinagpatuloy niya pa ang ganoong nararamdaman. He found himself in the playground kung saan sila madalas maglaro nina Zoe noong mga maliit pa sila. Iyong kung anong klaseng laro lang ‘yong problema nila, ‘yong sugat sa tuhod lang ang masakit sa tuwing nadadapa sila, at pagkain lang ‘yong katapat sa lahat ng nararamdaman nilang sakit. Sa isip ni Dylan ay sana ganoon na lang kadali ang problema. Umupo naman si Dylan sa bakanteng swing habang nanonood sa mga batang naglalaro sa kaniyang harapan. Napatigil ito sa pagduyan nang mapunta sa kaniya ang bola na nilalaro nila at tumama ito sa may paahan niya. “Hala! Sorry po, kuya,” wika ng batang lalaki. "It's okay." Agad namang kinuha ng bata ang bola sa paahan ni Dylan. Patuloy ang pagtingin ni Dylan sa batang babae at lalaki na pinagpatuloy ang paglalaro ng bola. Naalala tuloy ni Dylan ‘yong mga panahong bugbog sarado pa siya kay Zoe. Napakasalbahe kasi ni Zoe pagdating sa kaniya, pero kahit na ganoon ay doon niya unang minahal si Zoe. Kaya ngayon na bumabalik ang nararamdaman niya sa dalaga ay hindi niya mapigilang malungkot sa tuwing nakikita si Zoe. Isa pa ay ayaw niya itong mawala. Bakit kasi ngayon niya lang ulit ito naramdaman? Kung una pa lang na naramdaman niya ang ganitong klase ay hindi na sana sila nagkakaganito. Wala nang may masasaktan. Napaisip siya sa sinabi ni Alfred kanina. Nasasaktan ba ulit ngayon ang dalaga simula noong dumating siya? Paano pa ngayon na mayroon silang kasunduan? Ano na lang kaya ang mararamdaman ni Zoe para sa kaniya? “Babe?” Napabalik ang diwa ni Dylan nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Nang lumingon sa gilid ay nakita niya ang kaniyang kasintahan. "Reighn, what are you doing here?" "Hindi ka nagre-reply sa mga text ko and I tried calling you many times, pero hindi kita ma-contact. Buti na lang nakita ka ni Hayden dito kaya ayon nag-text siya sa akin kung nandito rin ba ako sa lugar na malapit sa iyo," paliwanag ng dalaga na dahilan ng pagkunot noo ni Dylan. "Si Hayden? Hindi ko naman siya nakita rito," wika ni Dylan kasabay ng paglinga niya sa paligid at baka sakaling nakamasid lang sa kaniya ang kapatid ng kasintahan. "Napadaan lang siya rito dahil papunta siya sa bahay ng girlfriend niya. Natiyempuhan namang nakita ka niya rito," dugtong na paliwanag ni Reighn kaya napatigil na si Dylan at tumingin na lang kay Reighn. “But anyways, babe. I have a good news kaya pinuntahan na talaga kita rito!" Dahil sa tuwa na nararamdaman ni Reighn ay hindi niya na rin mapigilang yakapin si Dylan. Pagkatapos ng yakapan ay agad na ring nagtanong ang binata kung bakit ganoon na lang ang pagka-excite ng dalaga. "What's the good news, babe?" tanong ni Dylan. Nakaramdam ito ng kaba kahit na good news ang sasabihin ng dalaga at hindi niya alam kung bakit. Binuksan ni Reighn ang kaniyang sling bag at may kinuha sa loob. “Surprise!” wika ng dalaga at ipinakita sa binata ang hawak nitong pregnancy test. Napansin kaagad ni Dylan ang dalawang kulay pula na linya roon. "Ano 'to Reighn?" tanong ni Dylan kahit na alam niya na ang tinutukoy ng kasintahan. Gusto niya lang talaga makasigurado kung tama ba ang nakikita niya. "I'm pregnant, Dylan. Magkakaanak na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD