HINDI agad makapagsalita si Dylan. Kanina lang ay naiisip niya ito, ngayon naman ay kausap niya na.
"Reighn," tanging sambit ni Dylan at napabuntong hininga. "Saan mo nakuha ang number ko?"
"Kay Hayden," sagot nito. Ilang segundo rin ang naging katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Reighn/Dylan!" sabay nilang tawag kaya naman pareho rin silang natawa.
"Ladies first," nakangiting sabi ni Dylan. Lumapit naman ito sa couch at umupo. Narinig niya pa ang pagbuntong hininga ni Reighn bago ito nagsimulang magsalita.
"A-Ano, hmm... t-tungkol kay Zoe,” nauutal na sabi ni Reighn sa kabilang linya.
"What about her?" diretsong tanong ni Dylan. Bumalik na naman ang alaala niya noong makita nito ang dugo sa likuran ng kaibigan at kung paano niya ito sinugod sa hospital.
"Is she okay?" tanong ni Reighn na halatang kinakabahan.
Inalala ni Dylan ang pag-uusap nila kanina ni Zoe. Alam niyang nasaktan ito dahil sa nangyari at nagagalit dahil mas pinili nito si Reighn kaysa sa kaibigan. Isa pa ay ayaw niya itong makita kaya naman nandirito siya ngayon sa bahay nila.
"I don't think so," mahinang sagot ni Dylan at napayuko.
"What do you mean by that? Ako ba ang dahilan?" sunod-sunod na tanong ni Reighn.
"No!" mabilis na sagot ni Dylan. “Wala kang kasalanan, Reighn. It's just that I have a problem with her. Bestfriend problem to be exact."
"Ah, okay. Pero, Dylan, gusto ko pa ring mag-sorry sa nangyari,” wika ni Reighn. Napakagat labi naman si Dylan dahil alam niyang wala naman itong kasalanan, pero hindi niya naman alam kung paano sasabihin. “I'm so sorry, Dylan."
"This is not your fault, Reighn. Gusto kita kaya kailangan din kitang protektahan," mabilis na sagot ni Dylan, pero huli na bago niya pa mabawi ang sinabi.
"G-Gusto mo ako?" nauutal na tanong ni Reighn. Itinaas ni Dylan ang tingin kasabay nito ay ang pagbilis ng kaniyang puso. Pakiramdam niya ay ito na ang panahon para sabihin ang totoo.
Ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob si Dylan na sabihin ang nararamdaman niya sa taong mahal nito. Siguro kung kasama niya lang si Zoe ngayon ay isang malakas na batok ang ibibigay nito sa kaniya at aasarin ito na napakatorpe, kaso hindi nga pala sila magkaayos.
"Dylan?" tawag ni Reighn na nagpabalik diwa sa binata.
"Reighn," kinakabahang tawag ni Dylan sa kaniya.
"Totoo ba 'yong narinig ko? Gusto mo ako?" pag-uulit na tanong ng dalaga.
"You're right. I'm inlove with you, Reighn," nakangiting sagot ko.
"P-Paano?" tanong ni Reighn. “Kailan pa?”
Malalim naman na huminga si Dylan at nagsimulang magkuwento. "Remember your brother's birthday? 'Yong mga panahong 'yon nasa highschool pa lang tayo. Ayon 'yong unang beses na nakita kita and I was shocked kasi kapatid ka pala ni Hayden. Hindi niya kasi kinuwento sa akin na may kapatid pala siyang babae.”
"Naalala ko nga 'yon."
“In the middle of the party ay nakita kita roon sa isang sulok na nagmamasid sa mga taong nasa paligid mo. Nakita ko rin kung paano ka niyaya ng mga tao, but you keep saying no. And that moment I noticed that you are shy.” Napatawa ng mahina si Dylan nang maalala ang pangyayari na ‘yon.
“Ilang minuto siguro akong nakatingin sa'yo no'n. Hindi siguro tingin ang matatawag ko dahil nakatitig na ako noon pa nang matagal. Tapos bigla kang napalingon sa direksyon ko at nagtama 'yong mga mata natin. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis 'yong t***k ng puso ko. Hindi ko pa mapigilang mapatulala nang bigla kang ngumiti sa akin. You are my love at first sight, Reighn."
"Dylan," tawag ng dalaga sa kaniya, pero hindi pa rin tumigil si Dylan at nagpatuloy sa sinasabi nito.
"After that day, lagi na kitang hinahanap kay Hayden. He keeps saying that he don't know where you are kaya nainis ako sa kaniya. May mga araw na nakikita kita, pero naguguluhan ako kung bakit lagi mo akong iniiwasan sa tuwing lalapitan kita. May isang beses na nakausap kita, pero saglit lang iyon at hindi na naulit pa. Laging ganoon ang routine natin sa tuwing magtatagpo ang landas natin. And then one time, nalaman ko na lang na umalis ka na pala ng bansa. Wala man lang akong kaalam-alam. Pero on that day, I promise myself na kapag magtatagpo na naman ang landas natin ay sasabihin ko na talaga ang totoong nararamdaman ko na gusto kita."
"Dylan, can I have a favor?" tanong ni Reighn. Saglit na napaisip si Dylan bago siya sumagot.
"Anything, what is it?"
"Can you love me forever?" Nagulat man sa simula ang binata, pero hindi niya na mapigilang mapangiti. Naisip niya ‘yong letter na binigay nito sa kaniya kanina at alam niyang kunektado ito ngayon.
"Of course, Reighn," sagot ni Dylan. "I like you, and I always do."
"I like you too, Dylan. Hindi ako makapaniwala na ganito na pala ang nararamdaman mo sa akin. Akala ko aasa lang ako ng matagal. Akala ko kasi girlfriend mo si Zoe kaya lumayo na ako," paliwanag ni Reighn. Ngumiti naman si Dylan at 'saka napailing kahit na alam niyang hindi siya makikita ng dalaga.
"Tadhana na talaga ang gagawa ng paraan para pagtagpuin tayong muli," wika ni Dylan. Narinig naman ng binata ang mahinang tawa ni Reighn kaya naman hindi niya na rin mapigilang matawa.
"Ang korni mo pala."
"Minsan lang 'yan. Sagarin na natin,” natatawang sagot ni Dylan kasabay ng malakas na tawanan pa nila.
Pagkatapos ng aminan sa pagitan nina Dylan at Reighn ay lagi nang magkasama ang dalawa. Para silang magnet na mahirap paghiwalayin. Ilang araw na rin ang nakalipas no'n at nakalabas na ng hospital si Zoe.
Sa tuwing makikita niya na magkasama ang dalawa ay hindi niya mapigilang mainis dito. Lalo na sa tuwing nakikita niyang sweet ang dalawa. Naiinis pa rin siya kay Dylan, pero mas naiinis pa rin siya kay Reighn. To the point na gusto niya na itong kalbuhin.
Paano ba naman kasi ay pati ang nag-iisang bestfriend niya na si Dylan ay inagaw pa sa kaniya. Ayon na lang ang tanging taong kayang pagtiisan ang ugali niya, pero nawala pa. Parang kinalimutan na lamang siya pagkatapos ng nangyaring aksidente sa kaniya.
Naiinis din siya sa tuwing maiisip na sila na pa lang dalawa. Hindi man lang nagawang mag-kuwento ng kaibigan niya sa kaniya. Kung nalaman niya ng mas maaga, edi sana nakapaghiganti pa siya roon sa babae. Alam niya kasing mahihirapan na siyang kalabanin si Reighn sa kadahilanang lagi nang magkasama ang dalawa.
"Nakakainis!" sigaw ni Zoe habang binubunot ang mga damo kung saan siya nakaupo.
Ayon na lang ang tanging paraan niya para mailabas ang inis niya sa dalawang naglalandian sa harapan niya. Naiinis siya at naiinggit dahil 'yong ganoong tao pa ang nagustuhan ni Dylan. Samantalang siya naman ang laging kasama nito simula noong maliit pa sila. Bakit hindi na lang siya?
Para siyang tangang nakatitig ng masama sa dalawa habang bumubunot ng damo. Pinagtitinginan siya ng ibang dumaraan sa kaniya, pero 'yong dalawang kaharap niya ay hindi man lang nagawang lingunin siya.
"Guys!" Napalingon naman siya sa taong tumawag sa kanila. Nakita niya ang isang lalaking ngiting-ngiti habang papalapit sa kanila. Si Hayden Ellery. Ang kapatid ni Reighn.
Nagsilingunan naman ang dalawa kay Hayden at nagbatian silang tatlo. Mas lalo siyang nainis na hindi man lang siya pinansin kaya hindi niya mapigilang mapatili ng malakas dahilan para mapalingon sa kaniya ang lahat.
"Ano ba! Ano ba! Ano ba!" paulit-ulit na bigkas ni Zoe sa kanila. “Para naman akong multo rito na hindi niyo pinapansin!"
"Uy, Zoe! Nandiyan ka pala," tawag sa kaniya ni Hayden. Tinarayan niya naman ito dahil para na namang itong tangang nakangiti sa kaniya. Palibhasa bata pa lang sila ay mas gusto na ito kay Zoe. "Anyway, guys! Invited kayo sa birthday ko, ah! Pumunta kayo and remind ko lang. No gift, no entry roon.”
Napatawa naman sina Reighn at Dylan sa sinabi ni Hayden, pero si Zoe lang ang tanging may mukha na nakabusangot.
"Sure!" sabay na sabi nina Reighn at Dylan. Napalingon naman sila kay Zoe at hinihintay ang sagot nito.
"Oo na! Pupunta na ako. Leche!" sagot ni Zoe. Nagtawanan naman ang mga lalaki. Samantalang nakangisi lang si Reighn kay Zoe.
Dumating ang araw ng kaarawan ni Hayden at ginanap ito sa isang hotel. Lahat ng mga kakilala ng binata ay nagsipagdayo sa nasabing kaarawan. Kita ang mga mamahaling suot ng bawat taong dumalo na mapapansin mo na nagmula pa sa mga kilalang designers ng bansa.
Pumasok ang magkasintahan na sina Reighn at Dylan. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila. Ang mga ibang babae ay naiinggit dahil sa nalamang balita at ang iba naman ay natuwa dahil hindi nito nakatuluyan ang kaniyang sadistang bestfriend. Which is mortal na kaaway ng mga kababaihan sa campus.
Nasa kalagitnaan na ang party nang bigla silang mapalingon sa entrance ng hotel. Isang babae na sobrang ganda ang naglalakad doon. Sari-saring bulungan ang naririnig ni Zoe habang papasok siya. Mga bulong na nagtatanong kung sino siya at namamangha dahil sobrang ganda ng suot niya at ng ayos nito.
Pasimpleng napangisi si Zoe dahil wala ni isang nakakilala sa kaniya. Lahat ng lalaki sa party ay gusto siyang lapitan at yayaing makasayaw, pero wala siyang balak na sumayaw hangga't hindi siya niyaya ng taong mahal niya.
Umupo siya at tumingin sa mga taong nakatingin din sa kaniya. Nagsasayawan ang mga ito, pero ang mata nila ay nakatingin lang kay Zoe. Parang Dyosa ang dalaga na tinitingala ng lahat. Pero nawala ang ngisi sa labi ni Zoe at biglang sumikip ang dibdib niya nang mapadako ang tingin sa dalawang tao.